This past few days, I've been seeing authors who were accepting this new challenge known as "This and That Challenge." The first article that I got to read with this trending topic is Ate @dziefem's I will choose you and followed by other authors in this platform.
Yesterday, I got to read @kingofreview's You Got Two Choices โ This or That wherein I found this mobile application called as Random Number Generator. I used this application in choosing questions for this challenge that I got from the site of #LIFEHACKS ( 89 This or That Questions โ Hard Choices to Make! - Life Hacks). This site provides 89 questions, but I just chose 10 questions of out this number.
In this article, I will be using both English and Filipino languages. It is for me to be able to express my thoughts and idea in a way that many can understand or relate.
Bear with me, kung medyo 'di funny 'tong article ko na ito. Alam 'nyo naman, mas lamang ang pagiging seryoso ko na tao. HAHAHA! XD
And, here are the questions that I got.
Morning or evening?
Ano ba kasing gagawin at kailangan ko pang mamili? Pwede bang both tapos isama ko na din 'yung afternoon? HAHAHA! Exercise maghapon ba. Char. ๐คฃ
Anyways, I prefer the afternoon. Mas marami kasi akong free time during this hours. Higa sa kwarto habang nag-iscroll sa phone. Mag-ingay nang walang humpay sa noise.cash, manood ng kung anu-ano sa FaceBook, magbasa ng mga R18 na stories sa Wattpad (HAHAHAHA!) at syempre. Pwede ba namang mawala ang pagtulog mula 3:00 hanggang sa magdilim na? Of course, not! 'Yung tipo ng pagtulog ba na nagagalit na naman si Mother Earth kasi 'di pa daw ako nakakapag-saing ng kanin.
Love or money?
Sa tanong na 'to, 'yung mga nabasa ko sa Wattpad ang naiisip ko. 'Yung nainlove si boy or girl sa mayaman tapos ayaw sa kanila ng parents 'nung mayaman. Kaya oofferan sila ng cheque para layuan ang isa't-isa pero 'di sila papatinag. Ganito din kaya mangyayari sa amin nila Knight Velasquez? O ipaglalaban din namin ang isa't-isa? HAHAHA char lang.
Pag-ibig o pera? 'Syempre doon ako sa makakapagpasaya sa akin ng sobra, pag-ibig (love). Oo, mapapasaya din ako ng pera pero hanggang kailan? Kapag ba ubos na 'yung pera ko, magiging masaya pa ba ako? Pwedeng oo at pwede din na hindi. Pero sa love? Siguradong, oo. Sabi nga ng nakararami, "aanhin mo ang napaka-raming pera kung wala namang nagmamahal sayo ng totoo? Na kaya ka lang mahal ay dahil may pera ka?" (Ay ansabe? ๐) At, napatunayan ko na kahit wala akong pera? Na kahit 'di kami mayaman? May mga tatanggap at mamahal pa din sa amin. That's the spirit of love! *wink*
Chocolate or vanilla?
I'll go to chocolate. It's mah favorite ih. Saka it has many uses kaya. Pwedeng dessert, pwedeng ihalo sa mga main dishes, pwedeng palaman, at pwede pang kainin anywhere and everywhere like habang nasa kama, sa couch, or sa iba pang parte ng kabahayan or pwede din naman na habang nanonood ng movies.
Car or motorcycle?
Parehong prone sa mga road accidents but I'll go with the car as long as na walang aircon. Hahaha! Mahiluhin si self ih. Saka mas convenient lalo na kapag umuulan, edi 'di kami mababasa, 'diba? And, may mga carssssss kasi mga boyfies ko sa Wattpad world. Mga sosyalin pa nga eh like BMW and such, pero pinatanggal ko 'yung aircons kasi nakakahilo. Buti pumayag naman mga boyfies ko, well. Love kasi nila ako, like super duper love.
Sanaol mahal. ๐
T-Shirts or sweaters?
The truth is that I'm a big fan of sando. Karamihan sa mga damit ko ay walang sleeves, saka lang ako nagsusuot ng mga tees kapag wala na akong maisuot na sando or kapag sobrang lamig na. Sweaters? Saka lang ako nagsusuot ng ganito kapag may pasok. Lalo na kapag may 7AM class ako at 'dun pa sa lecture rooms sa college namin na may 4-6 aircons sa iisang lecture room lang? Tapos 'yung friends ko gustong-gusto pa na pumupwesto sa tapat ng ACs? Then, tatawanan ka kapag nakikita ka na nangangatog na? Omyyyy! HAHAHAHA! Kulang na lang magyelo ako sa lamig eh. Brrrr. ๐ฅถ
Gold or silver?
Silverrrrrrrr. Mas bagay kasi sa akin ang silver saka mas madaling bagayan ng mga isusuot, for me. Saka baka akalain ng iba na mayaman ako tapos hoholdapin ako tapos 'di ko ibibigay tapos sasaktan na 'nya ako tapos dadating si Knight Velasquez tapos magkakatitigan kami tapos maiinlove 'sya sa'ken tapos magiging kami tapos hahadlang 'yung tatay 'nya at papahirapan kami tapos eeksena si SM tapos makikipaghiwalay 'sya sa'ken pero babalik 'din kasi ayaw 'nya akong nakikita na nasasaktan tapos kyaaaaaah!!!!
HAHAHAHA! XD Lawak ng imagination mo, self. Napaka-advanced mo pang mag-isip? Sinong magkakagusto sa'yo? ๐๐คจ
Piercings or tattoos?
Pwedeng both? Hahaha. Nakaka-hawt kayang tignan kapag maraming tattoos then may piercing pa. Ehermmm.
Pero seryoso, 'di ko bet na magpa-tattoo or even piercings. Mas gusto ko kasi na mas maaliwalas at presentable akong tingnan. Pero (2) okay lang din naman for me kung may tattoo or piercings ang isang tao, it's their preferences. Who am I to stop nor judge them, right? :)
Skates or bike?
Dito talaga ako natawa. Kasi, seryoso ba? Ito? Itatanong sa isang babae na ni 'di marunong mag-bike, skates pa kaya? ๐คฃ Oh noooo. Kawawa naman ang katawang lupa ko. HAHAHA! :D Buti sana kung may magtuturo at sasalo sa'ken with eight pack abs. XD
TV Shows or movies?
I will go on the movies. Nasabi ko na ba na fan na fan ako ng mga movies? Lalo na 'yung mga foreign movies with a genres of horror, mystery and thriller, at romance. Then, with foods pa like popcorns, fries, fishballs, and such. Yum yum yummmm!
Sitting or standing?
Pwede bang both ulit? Hahaha! Okay lang naman sa akin ang sitting pero masakit kasi sa butt kapag nakaupo ng matagal kaya need na tumayo din paminsan-minsan. Then, ganoon din naman sa standing. Nakaka-ngawit kaya uupo din paminsan-minsan.
Pero, sige na nga. Standing na lang, baka sakaling tumangkad pa ako. Kahit na sabi nila kapag nag-18 years old na daw at 'di pa din tumatangkad? Wala ng pag-asa. ๐คฆโโ๏ธ
So, ayunnn. Dito na nagtatapos ang aking article na puro sabaw. HAHAHAH! Hanggang sa susunod na artikulo, mga kaigan!!!!
Maybe you would want to read my previous articles:
Never Have I Ever: My Edition!
Another Goal Unlocked: So Happy!
For more articles, just visit me here in read.cash:
imanagrcltrst:ย https://read.cash/@imanagrcltrst
And, we can also have a chitchat in noise.cash:
imanagrcltrst:ย https://noise.cash/u/imanagrcltrst
LOVE LOTSSSS!
Gusto ko mag patattoo pero nalilito parin ako kung saan,
Saan ako uuwi.