Pelikulang Hinggil sa Isyung Pangkultura
I. Pamagat: "MERCURY IS MINE"
II. Mga Tauhan
Pokwang bilang Carmen Batac -isang makasariling ina na may ari ng isang karinderya sa paanan ng Mt. Arayat. Nagtitiyaga at nagsisispag upang umunlad ang buhay.
Bret Jackson bilang Mercury Seller - isang 16 taong gulang na dayuhan (amerikano) na walang matutuluyan at nakituloy sa karinderya/bahay ni Carmen kapalit ang serbisyo bilang waiter.
Vincent de Jesus bilang Jimmy - isang bading na turista sa Mt. Arayat na naghahanap ng talent or magagandang lalaki para sa kanilang "cooking show".
Lee O'brian bilang Damien Sellers - isa ding dayuhan at ama ni Mercury. Siya ay matuturing na masamang ama dahil sa kaniyang pananakit sa kanyang anak.
Maey Bautista -isa sa mga hurado sa paghahanap ng kalahok na magagandang lalaki sa "Delicious Boys" na isang cooking show.
Kristof Garcia - isa din sa mga hurado sa paghahanap ng kalahok sa Delicious Boys.
Uzziel Delamide
Mitzi Ong
Waka Hasegawa
Bea Vega
III. Buod ng Pelikula
-Sa paanan ng Mt. Arayat sa Pampanga, isang babae na nagngangalang Carmen ang naninirahan at nagmamay-ari ng isang karinderya. Ngunit sa kabila ng dami ng mga taong umaakyat sa bundok para hanapin ang kayamanan ng isang tao, walang dumadaan at kumakain sa kanyang karinderya. Kaya't nagdesisyon siya na ibenta na lamang ito at wag ng magtinda pa.
Sa gitna ng isang maulang gabi, isang magandang lalaki na nagngangalang Mercury ang kumatok sa kanya at humingi ng tulong. Si Mercury ay isang amerikano o dayuhan. Agad itong pinatuloy at tinulungan ni Carmen. At ng tumila na ang ulan, agad niya ng pinapaalis ang dayuhan. Ngunit nakiusap ang binata na patuluyin muna siya nito ng mga ilang araw kapalit ang kanyang serbisyo sa karinderya bilang waiter. Kaya naman kinaumagahan, binuksan muli ni Carmen ang kaniyang karinderya at dahil sa tulong ni Mercury, nagkaroon sila ng maraming parokyano at doon na nga siya nagdesisyon na tuluyan ng patuluyin ang binata. Maganda at lumalim na ang samahan ng dalawa.
Isang araw mayroong isang parokyano ang nakapansin kay Mercury at nais itong kunin sa kanilang cooking show na "Delicious Boys". Noong una ay ayaw ni Mercury sa kadahilanang siya ay mahiyain ngunit kalaunan ay napag isip-isip niya na kailangan niya ang trabaho upang mas umalwan sa buhay at makaalis sa maliit na probinsya na kinalalagyan niya. Sa kabilang banda, ayaw naman pumayag ni Carmen na umalis si Mercury ng hindi siya kasama.
Ngunit ayon sa patakaran ng show na bawal ang kasama, sa huli, wala ding nagawa si Carmen. Si Mercury ay natuloy sa pag alis ng mag isa. Ngunit sa kasamaang palad, pagkalipas ng ilang araw, nabalitaan na lang ni Carmen na may isang binatang Amerikano (Mercury) ang pinatay at sinaksak sa Maynila.
IV. Banghay ng mga Pangyayari (Story Grammar)
a. Tagpuan
-Mt. Arayat, Pampanga
b. Protagonist
-Ang protaginasta sa pelikula ay sina Carmen at Mercury.
c. Antagonista
-Ang maituturing na antagonista sa pelikula ay sina Carmen at Mercury din.
d. Suliranin
-Ang maituturing na suliranin sa pelikula ay ang nais na pag alis at pag-sali ni Mercury sa cooking show sa Maynila na labag sa kagustuhan ni Carmen. Na naging dahilan ng pagkakaroon ng lamat sa kanilang samahan."You're now officially in Delicious Boys" pahayag ng staff ng programa. "Are you serious?!" di makapaniwalang sambit naman ni Mercury. "Eh ano ng gagawin niya?" sabat naman ni Carmen. "Mercury, you'll need to stay in a hotel in Manila starting next week. You need to undergo orientation, contract signing and things like that. Heres the address." sagot ng staff. "Oh malayo 'to ah! Sasama ako." sabi ni Carmen. "Naku hindi po kasi pwede kasi may mga kasama po siya sa room na mga ibang contestant din." sagot uli ng staff. "Ano ka ba?! dese-sais lang ito. Kailangan niya ng guardian!" pahayag ni Carmen. "What's going on?" tanong naman ni Mercury sapagkat hindi niya nauunawaan ang munting komosyon. "You're not going to Manila without me!" sambit ni Carmen. "What's the problem?" tanong naman ng kadadating lang na isa sa hurado. "Nagpupumilit po kasi itong yaya ni Mercury na sumama." balik sagot ng staff. "HINDI NGA AKO YAYA. AKO ANG NANAY KAYA SASAMA AKO!" galit na sambit ni Carmen. "O EDI SUMAMA KAYO! Pero kayo ang magbo-book ng sarili niyong hotel, kasi hindi sasagutin ng show ang gagastusin ng pagsama niyo." galit din na sagot ng hurado.
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
-Ang kaugnay na pangyayari o pagsubok sa paglutas ng suliranin ay ang pagbabanta ni Carmen kay Mercury na isusumbong niya ito sa mga pulis sa kanyang pagpatay sa sariling ama. "You're ruining my future!" galit na sambit ni Mercury. "If I want to ruin your future, I'll call the police and tell them you're a murderer! Do you want that?!" sagot naman ni Carmen.
f. Mga Ibinunga
-Dahil sa mga pangyayari at mga pagsubok sa paglutas ng suliranin, mas naging malala ang away at hindi pagkakaunawaan ni Carmen at Mercury. Ito ay nagdagdag ng galit para kamuhiaan ang isa't isa.
V. Paksa o Tema
-Ang pelikula ay patungkol sa mga kaugalian o kultura ng mga Pilipino. Kung paano tumanggap ng bisita ang mga Pilipino. At higit sa lahat kung ano ang pananaw o tingin ng mga Pilipino sa mga dayuhan kagaya ng Amerikano. Naipakita din dito ang ilan sa magagandang kaugalian ng mga Pilipino katulad nga ng pagiging maalaga at mabait sa pagtanggap ng bisita or hospitable at pagiging magalang ng mga Pilipino.
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
-Ang pagkakakuha ng maganda at marikit na kapaligiran ng Pampanga lalong lalo na ng Mt. Arayat, ay nagpapatunay ng mahusay na sinematograpiya. Ang iba't ibang parte ng pelikula ay may itinalagang kulay at damdamin na nagpapaunlad ng mensahe ng kwento.
b. Musika
-Maganda at mahusay din ang pagkakaareglo ng musikang ginamit.Ang mga kapampangan na musika ang siyang mas lalong nagbigay ng hustisya sa pelikula. Mas naipakilala ang kulturang mayroon ang Pampanga.
c. Visual Effects
-Dahil komedya na may halong drama, wala itong masyadong visual effect.
d. Set Design
-Dahil ginanap ang pelikula sa probinsiya ng Pampanga, maaliwalas at makakalikasan ang set design ng pelikula. At masasabi kong mahusay at maganda ang pagpapakita ng tunay na ganda ng Mt. Arayat sa Pampanga.
VII. Kabuoang Mensahe ng Pelikula
-Nais iparating ng pelikula na wag masyadong nagtitiwala. Lalong-lalo na sa hindi mo pa lubos na nakikilala. Isa rin sa nais iwan sa puso at isip ng manonood ay ang halaga at pagmamahal sa sariling kultura at pagkakakilanlan. Ang mga maipagmamalaking lugar, pagkain, wika at maging ang sariling lahi, ang kulay at itsura.
VIII. Kabuoang Dating sa Sarili ng Pelikula
-Namangha ako sa kabuuang ikot ng pelikula. Maganda at nakakaaliw ang pagpapahayag ng mga nais iparating ng kwento sa manonood katulad ko. Mahusay na naipakita ang tunay na kaugalian ng ilang Pililino, maganda man o hindi magandang kaugalian. Pati ang mga kultura sa Pilipinas lalong-lalo na sa Pampanga ay mahusay na naibahagi. Nagkaroon at nadagdagan ang aking kaalaman sa kulturang mayroon ang mga kapampangan. At masasabi ko ding talagang kapupulutan ng aral ang pelikula sapagkat napakarami ang mapupulot na aral dito idagdag pa na ang ilan sa mga isyung tinalakay ay napapanahon.
IX. Rekomendasyon
-Iminumungkahi ko lamang na sana ay ipakita o isalaysay ang ilan sa mga pangyayari na nakakabitin katulad ng pagkamatay ni Mercury sa Maynila. Sapagkat inaamin ko na kahit mahusay at maganda ang pelikulang ito, ako ay nakukulangan at medyo nabitin.
Another flavor of an article from me!
Lead image is from Unsplash.
If you haven't read my previous articles, feel free to read and give it a shot ppl!
What made you laugh that made you cry?
My Sweet Cherry: An appreciation article
He Left Me Hanging (The Continuation)
Learning is indeed a Lifelong Process
read.cash & noise.cash: A Blessing in Disguise
Akala ko mercury rising, kya nagulat ako kung bkit starring si pokwang dito hahha! Natawa ako sa You ruin my future part lol! Murderer talaga?! 😂 Mukhang maganda sana nasa netflix toh. Salamat!