You will be my Last Araw ng Sabado pala ngayon. Ayos, pahinga ako sa trabaho. Pag bangon ko ay inayos ko ang kama, pumunta sa kusina at nagtimpla ng kape. At naisipan ko na magluluto na rin ng hotdog and egg for breakfast. Alas otso na pala! Habang nakasalang ang hotdog, dali dali akong pumunta sa kwarto para kunin ang aking mahiwangang cellphone upang mapanuod ang inaabangan kong serye. At bigla akong napatigil nang nabaling ang tingin ko sa kama. **Good morning, hon!** Bati ko sa asawa ko pagmulat ng kanyang mapupungay na mata. Sabay halik sa kanyang pisngi. **Good morning too, hon**. Sagot niya sa akin habang kinukuskos ang kanyang mukha. (baka may tulong laway at muta) **Ang gwapo naman ng asawa ko, kaya marami ang nagkakagusto e.** Biro ko sabay halakhak. **Wala akong magagawa hon kung gwapo ako at kahit ganoon pa man, still, you are my only treasure! Hindi nila ako maagaw sayo.** Sabay halik nito sa aking noo. Hindi ko maitatanggi na nakaramdam ako ng kilig. Panigurado akong nakikita ang pamumula sa aking pisngi. **Ano ba 'yan hon.** Sambit ko sabay hampas sa kanyang braso. (matigas mga besh XD) **Hon baka sumabog ka nyan ha.** Tumawa siya ng malakas **Nakakainis ka naman, hon!** Inis kong sabi. Muli siyang humagalpak ng tawa. **Sorry na, halika nga dito. Alam mo namang mahal na mahal kita kahit mag iba kulay mo.** Sa pagkakataong ito nagpigil siyang tumawa habang yakap ako. **Ewan ko sayo, niloloko mo 'ko!** Kumawala ako sa pagkakayakap niya. **Hindi kita magagawang lokohin, mahal ko. Ikamamatay ko nga pag nawala ka. Tsaka hindi na ako maghahanap ng iba pag nawala ka sakin,** ****you will be my last******.** Seryoso ang kanyang mukha. **Ang sweet naman ng asawa ko.** Sambit ko habang nakangiti. **Siyempre naman hon, I'm so in love with you!** Medyo tumaas ang kanyang boses, dahilan kung bakit ako napatawa. **Oo na sige na, naniniwala na ako.** Yan na lamang ang nasabi ko habang nakangisi. **Sabado nga pala. Wala tayong pasok ngayon. Saan mo gustong pumunta?** Tanong niya. Nakatititig siya sakin habang hinihintay ang sagot ko. **Uhm, saan nga ba? Ikaw saan mo ba gusto? Ikaw naman ang masusunod ngayon.** Ako naman ang naghihintay ng kanyang sagot. **Ang tagal naman, hon!** Pagrereklamo ko sapagkat hindi pa rin siya sumasagot. **Sandali lang hon, inaalala ko kung saan tayo unang nagkita, yung inirapan mo 'ko kasi nakatitig ako sayo. O kung saan tayo nagkakilala. O gusto mo kung saan tayo unang nag-date?** May pananabik sa kanyang tono habang sinasambit ang mga ito. **Puwede ba natin puntahan 'yang tatlo?** Pabiro kong tanong. **Puwedeng-puwede mahal ko! Ikaw pa ba? Kahit saan mo gusto dadalhin kita. 'Wag lang muna sa ibang bansa ha. Hindi pa kaya ng budget natin. Kailangan pa natin mag-ipon para pag nagka-anak na tayo, hindi natin siya mapapabayaan at mabibigay natin ang pangangailangan niya.** Ang sarap pag masdan ng kanyang mukha dahil sa malapad na ngiti. Sandali akong napatitig sa kanya pagkatapos niya iyong sabihin. Parang tumatalon ang puso ko. Hindi ko inaasahan ang mga katagang iyon mula sa kanya. **Napakasuwerte ko naman sa asawa ko!** Niyakap ko siya ng mahigpit. **Osige na, gumayak na tayo para malibot natin ang mga gusto mo.** Pagkasabi niya ay bumitaw na kami sa pagkakayakap sa isa't isa at naghanda na. Mabilis lang ang naging biyahe dahil wala masyadong traffic. Pagdating namin sa aming destinasyon ay may napansin akong babae, isang kakilala. Isa siya naging kamag-aral ko noong high school. Kumurap kurap ako. Nawala sa tabi ko ang asawa ko. Pagtingin kong muli sa babae ay kasama na ang asawa ko at masaya silang nag-uusap kasama ang isang bata. Habang naghahanap ng pamunas sa aking mata na ayaw tumigil sa pagluha, muli kong nakita ang kama. Maayos. Nakaamoy ako ng nasusunog, dahilan upang bigla akong bumalik sa katinuan. Naalala ko ang aking niluluto! Bigla akong napatakbo sa kusina, kitang kita ang nangingitim na akala mong uling na hotdog. Pinatay ko ang kalan. (oo sinaksak ko, happy? XD). Napahawak ako sa aking noo. Napailing na lamang sa mga ala-alang kanyang iniwan. Masasayang ala-ala na hindi ko maisip ano ang dahilan ng kanyang pagkawala ng gana. At ala-alang naghiwalay saming dalawa. Marahil nga ay may nahanap siya sa iba na sa akin ay hindi niya nakita. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako malulugmok para makalimutan siya. This happened two years ago. I found out that six months after our marriage he already had an affair. He fooled me with his sweet words. (Hindi daw maagaw, kasi naagaw na pala) His line "you are my only treasure, love" was definitely a lie! He is happy with someone. And he is now treasuring someone's pearl. XD (sorry for this one haha) "You will be my last"? My ass! Issa prank! **Disclaimer:** this is just a fiction with a little touch of true story. Sorry for being conyo. XD Thank you for reading! :) Lead Image Source: Unsplash **dziefem's note:** Stay away from those toxic people. Have a healthy life and heart. Always choose to be happy, don't lock yourself from the past. Don't get fooled by sweet words. My previous articles: What type of user are you? (My 6 Months at noisecash) https://read.cash/@dziefem/what-type-of-user-are-you-my-6-months-at-noisecash-0d192e5a **Put yourself in their Shoes** https://read.cash/@dziefem/put-yourself-in-their-shoes-4d0d2924 **What kinds of Classmates do I have?** https://read.cash/@dziefem/what-kinds-of-classmates-do-i-have-39447b60 **Just Cry and Get Paid?** https://read.cash/@dziefem/just-cry-and-get-paid-0237a75f **My Suicidal Thoughts** https://read.cash/@dziefem/my-suicidal-thoughts-9b5693af **0.4 BCH - 1 Month at read.cash** https://read.cash/@dziefem/04-bch-1-month-at-readcash-d160b729
41¢
-
@Jane
10¢
-
@Angel_183
5¢
-
@Bloghound
5¢
-
@Caroline17
5¢
-
@Eunoia
5¢
-
@Eylz2021
5¢
-
@mommykim
5¢
-
@Pichi28
1¢
- +KT
- +BCH
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
43 comments
Pwede ka ng magsulat ng pocket book, sis hehe. Ganda!
Eh hindi sis a, ibang level yun e. Salamaaat! :)
kering keri mo yan, sis!!
hahahaha akala ko totoo na! sulat ka pa sis lakas makahook ng kwento mo eh
Ayy hahaha. Pag sinipag ate at may naisip haha.
asdahsdfhjkhf bat ganun ...ang sad nang ending..kinain ba ang hotdog na sunog?
Wala na ma, uling na e 😂
hahahaha bat naman kasi ganun...sunod taasan mo yung sweetness echlavowww kasi bet ko yun..hahaha
Sabi ko nga kulang pa, kaso kasi nagmamadali na talaga ako kanina na mapublish at magluluto na ako 😂😂 sige maaa. Try ko yaaan, sweet na sweet dapat. Sana magawa ko, hindi ako sweet e 😂 thanks maaaa 😘
di ka pa ba sweet niyan nak????????????sure?????????
Hindi naman maaaa hahaha.
sayang yung hotdog.. ay .. fiction nga pala no? :P haha nice one!
Haha sayang ang inosenteng hotdog 😂
Nadadamay .. hahaha.
Ang lungkot ng ending haha. Pwede ka na maging writer ng kwento haha.
Walang masaya dapat. Charooot 😂 Oy hindi ako pasok sa mga writer na ganern haha
Haha. May ganito kpa lang tinatago 🤣
Magtatago na ulit, ewan kung kailan lalabas 😂
Ang ganda naman ng Kwento mo sis 😊 Nakakakilig na nung una kaso bigla akong nasaktan sa ending hehe sabagay kapag happy lang kasi walang Ending diba 😅
Haha thanks. Sa una ka lang talaga pasasayahin e. 😂
I didn't understand anything 😶 Only the last part i understood 😴 Maybe you are upset with someone or exhausted?
You can tap the 🌏 beside the EXC to translate it in English. :) And that's a fiction only.
oh I see. Okay, I'll read it later, currently I am a little busy
Gusto q ng sumigaw sa kalagitnaAn ng ung pagbBalik tanaw ksi naamoy q na ung nasusunog na hakdog🤣. Fiction mn pro the sad reality is nangyayari tlga xa
Hahahah umabot ba dyan te? 😂 Oo yun ngaaa.
Matatanggap ko pa king pinatau mo yong lalaki ee 🙄, cheating pa nga 🙄. Saka wala naman na talagang nag tatagal maliban nalang sa amag, pero if aalisin mo yong part na may amag, pwd pa sigurong gamitin, pero di sya katulad ng sa dati na buo pa. Ay awan, nakaka bwisit ka kamo h gagawa ng kwento, you should've just kill that man 😖
Sige next time I will kill the man. HAHAHA. Wahahaha pati nananahimik na amag dinadamay mo, sana hotdog nalang niya nasunog hano? 😂 Hahahhaa thank you at mabwisit ka 😂
Wahahahaha, oo nga femfem sana nasunugan nalang ng hatdog ung walangyang iyon, para happy ending 🙄. Sana amagin itlog nya ywa nya.
Oh easy lang, fiction lang yan. HAHAHAHA.
Nako nako..fiction paba to.😁.. Nangyayari ito sa totoong buhay po eh . Thats why nadadamay mga matitinong mga lalaki dahil sa mga lalaking ganiyan.😅
Oo fiction with a touch of true story haha. Nasa tao naman yun, hindi dapat nilalahat
Aigoooo. Mga lalaking sa una lang magaling. Apakasap hampasin ng puno ng saging.
Hindi naman lahat haha
Bat parang totoo? Bat ang sakit? Una pa lang alam ko na kung anong mangyayare eh! Pero tinuloy ko parin kasi asang asa ako na sana may twist, na sana hindi mangyari yung nasa isip, na sana happy ending talaga. Ang sakit totoo. Feel na feel na what if mangyari sakin? Baka di ko kayanin. Parang paubaya to ni Moira eh, ako yung nauna pero siya ang wakas. 😭💔
Aww. Sorry mars kung nasaktan ka. Hindi kasi masaya pag happy ending. Charooot. Haha. Ang sakit ng ng kantang yan ni Moira.😂 Thanks for reading! ♡
Sakit talaga. Kahit hindi ka broken, mabobroken ka nalang eh. 🤣
Hahaha. Oo din 😂
Kahit kwento lang masakit na paano pa kaya pag totoo na.
Pag totoo, sarap tadyakan nung lalake
hahaha tadyad sabay suntok po para ramdam niya ang sakit hehe
Tsaka ipahilahod sa sira sirang daan. 😂
Hahaha grabe naman yan..
Kulang pa yoooon hahaha