Let's Answer Some Random Questions
Magandang buhay! Ngayong araw ay gagamit tayo ng wikang Filipino. Sapagkat sasagot tayo ng mga tanong na naisulat rin sa nasabing wika at wikang Ingles. Umpisa pa lamang ay mukhang aagos na ang dugo mula sa aking ilong. Hahaha. Charizz conyo pala me for today haha.
Nagkaroon ako ng ideya na isulat ito matapos kong makita ang ibinahagi ni mareng Zhyne06 sa kanyang FB account. (Basta shared post niya haha)
Ito ang nag-uugnay sa orihinal na pahayag: Random Questions
Halina't simulan sagutin ang aking mga napiling katanungan mula sa animnaput limang tanong. XD
Have you ever experience na i-compare ng parents mo sa kapatid mo or ibang tao?
Yes, most of the time. Pero hindi both parents, si mother lang. Ang mga sinasabi niya ay "buti pa yung ate niyo, walang wala kayo", "buti pa yung anak ni kumareng ___, ikaw ano?", "buti pa nga si ano blah blah blah" at kung ano-ano pa. Haha. Well, I'm used to it naman na. Pero noon? Naiiyak na lamang ako sa sama ng loob. Ngayon, medyo matigas na. Haha.
Nag cheat na ba ang parents mo sa isa't isa?
Masasabi ko na hindi, never. Kahit palagi man silang nag-aaway, palaging may hindi pagkakaintindihan at tampuhan, walang pagchicheat na nagaganap.
Kind or Handsome?
Of course, I will choose the kind and beautiful one (my girlfriend, yiee haha). Okay, commercial lang haha. Siyempre yung kind. Kung tatanungin niyo ako kung gwapo ang mga ex-boyfriend ko, ay siyempre mababait yon. 😂 Charooot.
Sometimes ba naisip mo na ring mag suicide?
Before, yes. Many times. Different ways, different places. Mga panahong feeling ko, maling mali na nabuhay ako dahil sa mga naririnig ko sa taong malapit sakin noon haha. Pero ngayon? Hindi na. Ang sarap mabuhaaaaay!
Nagustuhan ka na rin ba ng crush mo?
Well, yeah hahahaha. Siya yung crush ko noong grade 8. He is my first boyfriend din. Nashare ko na 'to dito, ang alam ko 1st article ko yon haha. Siyempre may mga madadaldal talaga tayong friend, sinabi nila sa crush ko na crush ko siya. And to suprised nga, kinuha niya number ko sa friends ko at sinabi sakin na crush niya rin daw ako. Hanggang sa kinulit niya ako na ligawan. Haha.
What is your dream para sa parents mo?
Siyempre mabigyan sila ng maginhawang buhay. Makasama sila mag travel hanggat kaya pa nila. Hopefully, mangyari na 'to this year since gagraduate na akooo in few more months (yaaay, sarap basahiiiin huhu).
Do you have bestfriend? Ilang years na?
Yes. Mag 7 years na :) More kagagahan pa with her. Haha. I also made an article months ago about how we started being friends. Haha.
Have you ever experience na ma-fall sa taong alam mo na hindi ka magugustuhan?
Hmmm this happened when I was in first year college. Hindi ko alam na hindi niya ako magugustuhan haha. Assuming ako e haha, I thought gusto niya rin ako. Akala ko the feeling is mutual, hindi pala hahaha. Paano ko nalaman na hindi niya ako gusto? Kasi nag confess ako at after non naging cold na siya hanggang sa hindi na kami nag-usap hahaha.
Anong mas masakit, yung tinatanggi ka or tinatago ka?
For me, siyempre mas masakit yung tinatanggi ka. Halimbawa may nagtanong kung mag jowa ba kayo, tapos sagot ng jowa mo, "hindi". Awts pain pasakit pighati lumbay. Hahaha. Yung tinatago ka, okay pa yun sa una, maiintindihan pa. Haha. Pero kung sobrang tagal na, inabot na ng years at tinatago ka pa rin. Eh baka kabit ka pala? HAHAHAHAHA.
Nakaranas ka na ba ng toxic relationship?
Yes. Nai-kwento ko na rin yon dito haha. And I'm so happy right now with my relationship kasi hindi toxic jowa ko. Haha. Comment ka nga love pag nabasa mo 'to. Hahaha.
That's all! :)
Thank you for reading! (´∩。• ᵕ •。∩`)
Yung nag scroll muna ako para makita ko ang comment ni love...at masunuring bata areh...ibaaaaaaaa..
recently ko lang naisip mag suicide hahaha buti may tumulong at nakinig😅