Hello kapwa manunulat. Hindi ako naging active ng dalawang araw sa kadahilanang katatapos ko lang maturukan ng bakunang Moderna noong Sabado, Agosto 21, 2021. Pagkatapos kase ng bakuna naramdaman ko ang sakit sa aking brasong naturukan kaya minabuti kong mamahinga muna.
Ayon nga ikukwento ko lang yung naging karanasan ko noong araw na mabakunahan ako. Una ang daming tanong tungkol sa personal na buhay at background health issues na kailangang sagutin ng tama. Kinakabahan ako kase anemic ako, kaya bago ang bakuna natulog ako ng maaga, nagpa blood pressure na rin ako sa anti namin para malaman kung pwede akong mabakunahan. Normal naman yun BP ko 110/60 pero may maintenance akong gamot na ferrous sulfate.
Natatakot akong magpabakuna pero mas natatakot ako sa variant na nagsisilabasan na wala man lang akong proteksyon. Iyan ang nag-udyok sa aking tanggalin ang takot at magpabakuna na. Pagkalipas ng dalawag buwang paghihintay nanotice din ang aming mga papel.
Dito sa Pilipinas wala tayong choice kung anong vaccine ang gusto natin dahil kung anong available na bakuna yun ang ituturok nila sa atin. Noong Sabado maramimg site location ang pinagdausan ng bakuna at iba’t-ibang vaccine kada location. Sa amin doon sa Pasig Sport Complex, kung saan Moderna ang kanilang binibigay, sa isa kong kapatid, sa Manggahan High School part din ng Pasig SinoVac naman binigay nila sa kanya.
Balik ako sa katanungan nila bali tatlong beses yung interview session, sinisiguro talaga nila na qualified ka for the vaccine. Sinabi ko sa kanila na anemic ako at nagmemaintenance ako ng ferrous sulfate, sinabi ko din sa kanila na naturukan ako dati ng Pneumococcal polysaccharide vaccine (PPV) last june. Ang bakunang ito libreng nakukuha sa health center na immune booster mula sa iba’t-ibang klase ng sakit.
Importante talaga na maging honest sa mga katanungan nila para alam nila kung kaya ng katawan ang bakunang ibibigay nila. Pwede ka nilang irefer sa ibang bakuna kung hindi kaya ng katawan yung dose ng bakunang ibibigay.
Mabilis lang yung proseso dahil maraming booth ang pwedeng pagpilaan at maraming assistant ang nakaantabay doon kaya hindi usad pagong yung pila.
Pagkatapos kaming mabakunahan, naramdaman ko kaagad yung bigat at kirot sa aking braso. May 30 minutes observation doon after the vaccination pero agad kaming umalis dahil lahat naman yung mga nabakunahan ay nagsisialisan pagkatappos makuha yung vaccination card nila.
Ang epekto lang ng bakuna sa unang araw sa akin ay gutomin ako at yung braso ko ay masakit siyang igalaw. Pero sa kapatid ko agad siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo kaya uminom agad siya ng gamot na paracetamol na advise naman ng doctor doon.
Sa ikalawang araw parang mas lalong sumakit yung braso kong naturukan, kaya hindi pa ako/kami masyadong nagsisipagkilos kahapon dahil ramdam pa rin namin ang sakit. Pero ako kahapon nakaramdam na din ako ng pananakit ng ulo, agad akong nagtake ng medicine at natalog na para di masyadong maramadam yung sakit.
Ngayon yung ikatlong araw at salamat sa Panginoon dahil parang wala ng bakas yung sakit sa braso namin nakakagalaw na kami ng maayos. Doon sa kapatid naming nabakunahan ng Sinovac ay ayun tulog siya ng tulog.
Huwag matakot magpabakuna dahil ito lang yung paraan para magkaroon tayo ng mas malakas na proteksyon mula sa virus bukod sa mga vitamins na iniinom natin. Hindi man 100% sure pero atleast may panlaban kahit papano sa virus. Lahat kase tayo pwedeng tamaan eh kaya kung may paraan para makaiwas at makatulong na rin sa ating bayan ay GO Na!

Nadoble samet kabsat tay post mo hehe. Imbag na lang ta narugyana mun ta bakuna. Bareng awan tu met lang side effect tay next.