read.cash Log in
@Ysa19

@Ysa19 in October 2022

@Ysa19

First post for the month of October and para naman sa bagong download na Noise Apps. Ito na yung hinihintay natin mga ka noise. Ang maging available na amg Noise Apps sa Playstore.. 😉 Kaya let's start to make some Noise and rejoice..Hello October and Goodmorning everyone. Ysa19 -🌺

@Ysa19

Kawawang Paro-Paro Kawawa naman ang paro-paro nyan. Nakalimutan nyang ikampay ang kanyang mga pakpak. Ayan tuloy bumagsak sya sa lupa at ayon agaw hininga tuloy sya. Kanila lang yan ng pauwi ako sa bahay namin. Bigla akung napatigil ng makita ko ang paro-paro. Parang nag-aagaw hininga na sya. Pinipilit nyang lumipad pero hindi nya na talaga kaya. Katulad din yan ng buhay ng mga tao. Hindi natin alam kung anong oras o araw tayo mawawala sa mundong ito. Kahit ayaw pa ng mga…

@Ysa19

Kay Bagal mo naman! Yung kanina kapa gustong magpost dito. Pero dahil sa bagal ng internet connection ni DITO,, ayon parang pati ako'y nalilito at nahihilo na sa panay loading na lang. Hindi makapag-upload ng pictures.. Hay naku po! Bakit ang bagal mo? Pati ba naman sya ang bagal din! Mabuti pa ay matulog na.. Baka bukas mabilis na sila. Haha.. Goodnight everyone! Matulog narin kayo, nakakapangit daw ang sobrang pagpupuyat. Pero kung may pinagpupuyatan naman kayo.. Pwedi…

@Ysa19

Sa bawat madilim na daan na ating tinatahak ay may liwanag din tayong Makikita dun sa dulo, basta huwag lang tayong hihinto kahit pa anong dilim at hirap pa ito. Kahit pa may mga tinik at tila ba kay bigat ng hakbang ng mga paa mo. Tuloy-tuloy lang huh,, pweding magpahinga kapag pagod na.. Pero huwag na huwag hihinto. Isang magandang araw po sa sainyong lahat mga ka Noise. Nagpakita na si haring araw dito. Tanaw na tanaw kona mula sa bintana ng aking kwarto. Kaya time narin…

@Ysa19

Hey don't stop believing Though life in this world is deceiving 🎶🎶 Tuloy lang sa hamon ng buhay. Kahit may mga mabigat tayong pinagdaraanan. Huwag bibitaw at huwag makakalimot tumawag sa Poong May Kapal.. Happy Sunday Everyone..

@Ysa19

Mogu-Mogu Katatapos ko lang maglunch mga ka Noise at ito iinom muna ako ng Mogu-Mogu. Pamparelax sa tiyan. Dati hindi ko yan gusto, kasi ang unang natikman ko nyan ay yung strawberry flavor. Mas masarap pala itong coconut flavor. Lasap na lasap mo yung lasang coconut nya o niyog. Bakit kaya tinawag itong Mogu-Mogu? Wala naman silang flavor na monggo? Haha..Mema lang po,lunch narin kayo dyan..Mag aalasdose na.. Ysa19-🤔

@Ysa19

Dilis Ulam for tonight ay DILIS.. Natripan ko lang itong kunin nung naggrocery kami ng kapatid ko. Pati ba naman DILIS ay instant na. may nakita pa nga ako dun PUSIT. Haha.. So ayon, masarap naman ang lasa nya. Pero mas masarap parin yung natural talaga.. Kayo po anung ulam nyo dyan? Kain kayong marami para hindi mapagkamalang naghihirap daw! Kapag nakita ka sasabihin, Alam mo si ano,, ang payat nya na ngayon. Siguro hirap sa buhay.. Tapos kapag makita ka namang mataba.…

@Ysa19

The Bar... Tara po inom tayo. Haha. Just kidding! Hindi po ako umiinom liquor.hehe. Nadaanan ko lang ito nung punta kami ng Mall ng kapatid ko. Bigla akung bumalik kung saan nakalagay ang The Bar na ito. Ang cute kasi ng kulay nya ano.. Girl na girl.. Bigla akung napangiti at sabay kuha ng cellphone ko then click. Pagkatapos sabay alis na agad ako dun. Baka kasi makita ako ng kapatid ko na tinitingnan ang alak nyan. Haha. Goodevening Everyone 😁

@Ysa19

Car Accident Nagising ako dahil sa car accident sa tapat ng bahay namin. Involve ay tatlong car.. Nakarinig ako ng malakas na kalabog, akala ko may nagpapark lang para kumain, yung pala ay may aksidente na. Nasanay na kasi ako sa maiingay na sasakyan na nagpapark sa tapat ng bahay namin. Ordinaryn na kasi sa tenga ko yun. Kaya deadma ko lang, pero ilang minuto lang may narinig na akung sumisipol na police. Kaya nagduda na ako, kahit pupungas-pungas pa ay lumabas ako. Ayon na…

@Ysa19

ÀDS Herbal Oil Ito yung karamay ko lagi kapag may nararamdaman akung sakit sa katawan., Ubo, sipon, sakit ng ulo, muscles pain, sakit sa tiyan at iba pa. Sobrang mabisa kasi ang herbal oil na ito. Medyo may kamahalan nga lang. Kaya sobrang tinitipid ko sya. Umabot yata sakin ng ilang buwan. Yang bote nyan ay wala ng laman. Pero hindi ko sya tinatapon kasi sinisinghot-singhot ko sya. Haha Hindi na kasi namin macontact yung dealer nito. Kaya wala na tuloy kaming mabilhan nito.…

@Ysa19

Akala ko kung bakit gumagalaw yung umbrella. Dahil pala kay mingming. Nakita ko sya pinaglalaruan ang payong. Ayaw nya sigurong mabasa ng ulan. Kaya pansamantalang sumilong sa payong. Ayaw magkasipon. Haha. Btw,, Off to somewhere! Makikikain lang sa house ng kapatid ko. Besperas kasi ng fiesta sa kanila ngayon. Haha.. I shall return mga ka noise.. Ysa19 -😉

@Ysa19

Asiatic Lily Hanggat may bulaklak pa, post nyan. Haha. Mabuti na lang at may relatives akung nasend sakin ng mga ganitong photos. Alam naman kasi nya na mahilig talaga ako sa mga bulaklak.Hehe.. By the way,, goodmorning to all.. Ganda naman ng sikat ng araw ngayon. Sarap bumalik dun sa fiesthan. Kaso parang hindi nakikibagay ang aking tiyan. Haha. Iwan koba kapag may okasyon dito samin o kung saan na pupuntahan namin ang tiyan ko ay hindi marunong makibagay. Hehe . Pero…

@Ysa19

Ang sama ng tingin sakin ng isang Pusa. Paano ba naman kasi naabutan ko sya kinikiss nya yung pusang kulay golden yellow. Buntis na nga, nilalandi nya parin. Haha. Sabay umalis sya papalayo sa isang pusa ng makita nya akung pinicturan ko sila.. Siguro sa isip nya.. Istorbo naman ang taong ito. Haha.. By the way! Kararating lang namin galing fiestahan. As usual busog much Si Ysa19 Wala akung pics, kasi nasa bag ang aking cellphone. Hindi ko naisipan na magpicture muna bago…

@Ysa19

Pusang Buntis Sabi daw dun sa nabasa ko. Mas malaki pa daw ang population ng mga pusa kumpara sa ating mga tao. Kasi yung pusa buwan lang ang pahinga buntis ka agad sila. Tatlo hanggang apat mahigit pa ang mga anak nila. Kaya talagang mas marami sila kung icocompare ang population nila sa mga tao. Pero yung mga pusa naman, maiksi lang ang kanilang buhay. Halos ang kinamamatay nila ay nasasagasan sa kalsada. Tapos sabi pa daw nila, ang favorite kainin ng mga pusa ay tinik.…

@Ysa19

Ano ba ang tawag sa bulaklak nato? Kahapon ay naglibot-libot ako sa likod bahay ng kapatid ko. Para maghanap na something to capture para may pangpost dito. Pero wala eh. Sadyang naaakit talaga ako sa mga bulaklak. Hehe. Sabi nga ng isa ditong ka Noise natin @Sheena34 may title na daw ako dito sa Noise.. Queen of Flowers daw.. haha.. Btw.. Wednesday naman agad? Kakastart palang ng October. Parang sobrang kay bilis lang talaga ng oras at araw. Pero kahit ganun,, kay bilis man…

@Ysa19

Share ko lang mga ka Noise itong pinitas kung bulaklak kahapon. Basta bulaklak isa ako nyan sa salarin.Kung hindi koman picturan ay pinipitas ko yan. Haha. Amg cute kasi ng kulay nya pink with yellow sa gitna. Anyway! Goodmorning everyone. Happy Wednesday to all.. Keepsafe always guys 😉 Ysa 19 -🌸

@Ysa19

Magandang hapon sainyong lahat. Kasing ganda ng mga ulap sa kalawakan na tila ba cotton candy na kumakaway na tila sabi nya halika at ako'y iyong tikman. Haha. Ganda ng ulap ngayon dito. Pero kanina lang ay biglang umulan. Kaya naman yung kapatid ko ay biglang napasigaw. Yung mga nilabahan ko halina at ako'y inyong tulongan kumuha ng mga sinampay. Haha. Kung ano-ano naman ang kwento ko na wala namang mga kabulohan. Pero sa totoo lang, kumukulo na ang aking tiyan at…

@Ysa19

Kumusta ang panahon sainyo mga ka Noise? Ito samin oh, maganda ang panahon at kay linis tingnan ang mga ulap. Napost kona ang isang pics ng picture nato sa kabila. Kaya dito naman ako. Hapon na kasi ay wala man lang akung post dito. Later na lang po ulit. Maghahanap lang akung something na makakain. Haha.

@Ysa19

Froggy is in the house yow! 🐸 Kagabi lang yan sa house ng kapatid ko. Si froggy ang sumalubong samin papasok at hanggang sa pag-alis namin sa bahay. Haha. Hindi ko lang sya nakunan ng malapitan. Kasi ang likot-likot nya. Tatalon-talon sya. Palibhasa isa syang palaka. Anyway! End of hanging habagat na daw. Kaya magsisimula na ang tag-lamig. Kaya asahan na natin ang malalamig na gabi, hanggang sa december. Kaya sa mga single dyan! Hanap na kayo ng magiging jowa nyo habang may…

@Ysa19

A new morning is a sign of a new blessings. Goodmorning everyone! Musta ang tulog nyo kagabi? Kung ako ang inyong tatanungin, Maaga akung nakatulog around 10.30 pm yata.Sinamantala ko yung malamig na panahon.haha. Pero ngayon, sarap na sarap pa sana ako sa pagtulog. Paunat- unat pa sa kama. Habang yakap ang unan.. May bigla ba naman kumatok sa pintuan ng aking kwarto.. Toktok..toktok.. Ne gising na dyan. . Ayosin mo ang cellphone ko kasi hindi ako nakakaconnect sa internet…

@Ysa19

Hey! Its Thursday once again! Kay bilis naman ng araw.. Bukas naman ay friday.. Sunod naman ay Saturday.. Ibig sabihin nun ang sunod sa Saturday ay Sunday.. hahaha. Parang kanta lang ni Imelda Papin.. Sobrang kay bilis lang.. Pati pag-ibig ay isang linggo lang. Haha. Mema lang po mga ka Noise.. Share ko lang ang pics ng halaman na nasa harapan ng aming bahay. Kay gandang pagmasdan ang mga bulaklak dba.. dba.. hehe.. Ysa19 po na nangungulit lang sainyo. Haha. Magandang Umaga…

@Ysa19

Salamat naman at natapos narin ang napakalakas na ulan. Nadiligan ang buong paligid yun nga lang at tila nasobrahan. Haha. Napasarap yung tulog ko... Makalabas na nga mga ka Noise. Pag-ganito kasing oras.. May hinahanap na ang aking tiyan.. haha. Magandang hapon po sainyong lahat. Isang ngiti muna dyan like this po 😁 Ysa19 -🌸

@Ysa19

Night Captured! Habang nagpapatunaw ng pagkain. Tambay ako sa labas ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin at Para narin makakita ng pweding ishare dito. Ito na nga, walang iba halaman ang nakita ko.haha. . Ang cute lang kasi ng dahon nya. Parang plastic lang katulad nung dahon sa Christmas tree. Iwan koba kung saan naman nanggaling ito.Bago lang kasi ito sa paningin ko. Kung hindi binili ay may nagbigay naman nito sa kapatid ko. Anyway! Kumain naba kayong lahat o…

@Ysa19

Munting guhit ng mga bulinggit 🥰 Share ko sainyo mga ka Noise, Yung nagkaroon ng activities yung dalawa kung pamangkin na both grade 1 students. Pinadrawing sila kung anong nasa isip nila na relate sa kanilang buhay. Yung first picture ay kay Baby Faith.. Dahil nag-iisa palang syang anak ni mommy and daddy nya. Kaya ang ginuhit nya ay may kasama silang mga bata ni mommy and daddy nya habang namamasyal. Kasi gusto nyang magkaroon ng mga kapatid. Gusto nya daw may mga kalaro…

@Ysa19

Yung tipong nagandahan ka sa isang post. Tapos cocoment ka sana. Pero hindi mo magawa kasi hindi ka naman nakafollow sa kanya.. Saklap ano? Tamang basa kana lang at heart ka. Haha. Sinong nakarelate? Taas kamay at paa po.. Sabay sabing ano ba naman yan! Haha. Goodmorning Philippines Goodmorning Noise World Goodmorning to all.. Make some. Noiseeeee.. 😁

@Ysa19

Helicopter 🚁 Kanila lang yan habang nasa likod bahay ako nakatambay. Tapos may bigla akung narinig na ugong mula sa himpapawid. Sabi nila may helicopter daw! Sabi ko nasan? Akala ko nasa unahan dadaan yung helicopter.. Yun pala ay sa bandang likoran ko. Habang papalapit na.. Hinanda kona ang camera ng phone ko. Sabi bilis ng lipad ng helicopter, mabuti na lang at nahagip pa sya ng camera. Haha. Btw.. Isang maulan na hapon naman po samin. Wala na yatang katapusan ang ulan…

@Ysa19

Oatmeal Chocolate Flavor Katatapos ko lang maglaba. Gutom na ako, kaya ito na lang muna ang kakainin ko for breakfast.. chocolate oatmeal. Parang champorado lang naman ang lasa. Haha. Tara po kain muna ako and pahinga ng konti. Inhale / exhale.. Sana naman hindi umulan para matuyo ang aking mga nilabahan.. Goodmorning mga ka Noise.. Keepsafe always.. Ysa19 -🌸

@Ysa19

Pork Menudo for Lunch! Tanghalian na... Tara na mga ka Noise.. Kain tayo.. ulam namin ay pork menudo. Akala mo naman ako ang nagluto. Haha. Tamang taga kain lang po... Happy lunchtime and enjoy your meal mga ka Noise.. 😉

@Ysa19

Afternoon Workout At Home! Legit na legit pala ang mag-workout sa bahay. Lalo na kapag ganitong oras. Sobrang pagpapawisan ka talaga. Haha. Sobrang tagaktak ang pawis ko ngayon.. Dati ginagawa kona din ang magworkout, hindi para magpasexy huh. Para mabawasan lang ng fats sa katawan. Masarap kasing pinagpapawisan ka. Parang magaan sa pakiramdam.. Try nyo din mga ka Noise. Ilang minutes lang naman yan. Para mabawasan ang mga natatagong bilbil natin dyan.hehhee. Good afternoon!…

@Ysa19

Bakit naging dalawa ang buwan dito samin? Haha. Tambay lang dito sa labas ng bahay, habang pinagmamasdan ang liwanag ng buwan ngayon. Kahit todo buhos ang malakas na ulan kanina na tila ba ayaw ng tumigil pa. Pero napagod din yata sya at huminto ng mag 5 pm na.. at ito na si buwan nagpakita ng liwanag na nya na parang sinasabi nyang..Kahit gaano man kalakas ang unos na dumarating sa inyong buhay. Lahat yan ay may katapusan. Darating ang araw na titigil sya at makakakita kayo…

@Ysa19

Bagong umaga naman ng linggo.. So simulan natin ang bagong umaga na mga bulaklak na ito. Para maging masaya at makulay ang araw ng makakakita ng post kung ito. Hehe. Kasing tingkad ng mga bulaklak nayan ang araw ngayon.Sana man lang buong maghapon na maging maganda ang panahon dito. Yung mga nilabahan ko kasi kahapon ni isa ay wala man lang natuyo. Anyway! Happy Sunday to all.. Babangon na ako at yung kapatid ko ang kulit-kulit. Bantayan ko daw yung sinaing nya at may…

@Ysa19

Sarap ng tulog ni Mingming.. Mingming lang po ang pangalan ng mga pusa dito samin. Mapalalaki man o babae. Hahaha. Ganyan kasarap ang tulog ko kanina. Kahit may iniinda sa katawan na nakakainis at nakakabagot ⛳ Ang sarap ng tulog ko, pero biglang nagising lang, akala ko kasi uulan naman! Yung mga sinampay ko. Dali-dali akung buhat sa higaan. Yun pala tirik na tirik ang araw! Guni-guni ko lang yata yun o sadyang may trauma na ako sa ulan!. Haha.. Btw. Gutom na ako,…

@Ysa19

Kwento ko lang mga ka Noise yung nangyari sa alagang aso ng mga pamangkin ko kanina. Kalalabas ko lang ng bahay para magpahangin at the same time tambay dun sa may kainan. Nakasalubong ko yung tatlong aso na alaga ng mga pamangkin ko. Sabi ko sa kanila, bakit ba kayo ikot ng ikot? Anung hinahanap nyo? Ganyan kami makipag-usap sa kanila. Yun bang parang tao lang ang kinakausap namin. Yun nga lang hindi naman sila sumasagot samin. Hehehe.. So ayon na nga.. nakarating na ako…

@Ysa19

Fall Season in the Philippines Parang sa ibang bansa lang ang ano.. May fall season.Hehe. May mga oras talagang nahuhulog tayo sa mga bagay-bagay na nagbibigay satin ng dahilan para panghinaan tayo. Pero darating din yung oras na makakaahon tayo kung saan man tayo bumagsak. From fall to rise again.. Gaya ng liwanag pinapalitan sya ng dilim at ang dilim naman ay pinapalitan ng liwanag. Yan ang sinasabing no one is permanent in this world. Kung sa tingin mo ay lumalakbay ka…

@Ysa19

Talking to the moon 🌝 Kay gandang pagmasdan ang liwanag ng buwan ngayon. Kung pwedi ko lang syang kausapin at sabihin sa kanya na... Palit muna tayo ng pwesto pwedi ba? Ikaw dito sa baba at ako sa taas. Para maranasan ko ding tingalain at maranasan kung pano kumislap katulad ng kanyang ningning sa kalawakan. Isang muni-muni lang po na imposebli namang mangyari. Haha. Nagpapapresko lang dito sa labas ng bahay at ayon nakaisip tuloy akung pweding ipost dito dahil sa buwan…

@Ysa19

Mga ka noise sabay-sabay tayong lumabas ng bahay at sabay tingnan ang maliwanag na buwan ngayon.Sa pamamagitan nun ay parang magkakasama narin tayo dito sa noise.kasi iisang buwan lang naman ang tinitingnan natin.hehe.. Very nonsense ano? Pero yan lang po kasi ang naisip ko.haha. Kumbaga memasabi lang.hehe.. Nandito ako sa labas ng bahay, para lumanghap ng sariwang hangin at the same time para humanap ng magandang signal.Kung nasa kwarto lang kasi ako, hindi ako makaupload…

@Ysa19

Indian Mango Bakit kaya tinawag itong Indian Mango? Galing ba sa india ang mga buto nito?Itinanim at kahit saan tinatapon ang mga buto nito, hanggang sa makarating dito satin sa Pilipinas? Ang dami kung tanong, hindi kasi ako gumagamit ng google. Haha. Photo not mine.. nadaanan ko lang ito kanina sa fb. Bigla kung naalala ang nakalipas. Marami kami noong puno ng mangga. Sa likod bahay at kahit sa harapan pa. Kapag ito ay namumunga, sobrang hitik na hitik ito sa bunga. Minsan…

@Ysa19

Tara na sa Peryahan 😉 Sa halos mahigit na dalawang taon ang nakalipas. Ngayon naman lang ulit dito samin makakapagcelebrate ng fiesta. Nagsimula na ngang maglagay ng peryahan kagabi dito. Nagtataka ako, sabi ko sino ba ang salita ng salita kahit gabi na? Boses ng lalake ang naririnig ko.. Sabi naman ng kapatid ko, dun yan sa may peryahan. Naglalaro yan sila ng binggo. Ang lakas kasi ng Sound system nila.. Parang abot sa kabilang barangay. Malapit lang kasi samin ang barangay…

@Ysa19

Dahil sa sobrang hina ng signal dito samin. Mapa wifi man o DATA connection. Post ko sana ito kaninang umaga pa. Pero ngayon lang naging matino ulit ang signal. Kaya post kopa rin itong bulaklak. Bulaklak parin at walang iba. Hehe. Tindi ng init ngayon. Nakakaluto ng skin pati utak at pati narin dugo ay nakakakulo. I'm sure mamaya nito ay biglang uulan naman! Kaya sa may mga nilabahan dyan, maging alerto kayo sa unang patak palang ay dapat takbo na kayo para kunin ang mga…

@Ysa19

Ngayon ko lang napansin, wala pa akung post dito mula kahapon pa. Kaya ito na lang muna. Mga bagong sibol na bulaklak sa harap ng bahay namin. Akala ko sa halaman nyan ay hindi tumataas ng ganyan.. tumataas pala sya, lampas bakud na sya. Pero kokonti palang naman ang mga bulaklak nya.. Btw.. Happy lunchtime po sainyong lahat. Sa mga may ulam dyan.. pahingi naman. Hahaha.. Ysa19 -😉

@Ysa19

Kasalanan ng Peryahan! Ngayon lang yang larawan nyan. Send samin ng 10 years old kung pamangkin sa groupchat namin. Akala namin ay kasama nya dun pumunta ang mga kapatid nya. Tapos ilang minuto lang, pumunta dito samin yung kapatid ko. Tinatanong nya kung nandito daw samin si nonoy.. Sabay sabi namin nasa peryahan sya, nagsend pa nga ng picture sa GC.. haha. Kanina pa daw kasi sya hanap ng hanap sa anak nya. Hehe. Kasalanan ng peryahan yan. Haha. Mga bata sabik sa mga…

@Ysa19

Pink Blossom 🌸 Ito'y isang hiram na larawan Mula sa aking pinsan. Sobra lang akung nagandahan Sa kulay nyang rosas. Magandang umaga mga ka Noise. Huwebes naman? Aba kaya bilis nga naman ng panahon. Konting kembot at tumbling lang ay buwan naman ng November.. Magsisimula naman ang takotan! Kabilaan naman ang costume party kung saan-saan. Gumagawa lang naman ang mga tao ng sariling katatakotan.haha. Btw.Keepsafe always mga ka Noise! Ysa19-🌸 #FlowerMakesmeHappy

@Ysa19

Christmas tree 🌲 Kahapon ay nilabas na ng kapatid ko yung Christmas tree namin mula sa pagkakatago sa baul. Haha. Para daw mawala na yung mga alikabok na nakakapit dito. Sakto naman ngayon na umuulan kaya hindi na sya mahihirapan pa sa pag-alis ng mga alikabok nito at libre pa shower sa Christmas tree dahil sa tubig ulan. Hehe.. Pero magsisimula kaming maglagay ng Christmas decorations after November 2 na para tuloy-tuloy na hanggang new year 🎉 Natatandaan ko noon, wala pa…

@Ysa19

Christmas is in the air.. Nagsisimula na kami ditong ilabas ang mga nakatagong Christmas decorations. Specially yang Christmas tree namin na mahigit sampung taon nayan samin. 7ft ang taas nyan at maganda ang pagkakayari. Hindi kagaya ngayon mga tinitinda sa Mall na iba na ang pagkakayari ng Christmas tree. Yan samin ay plastic talaga sya. Nabili lang yan ng kapatid ko noon ng nasa 3k mula sa unang sahod nya noon sa trabaho nya. Kasi pangarap nya talagang magkaroon ng…

@Ysa19

Ngiting Pang-halloween like this 🎃 Natawa ako kanina sa kwento sakin ng isa sa ka noise natin dito. Sabi nya na mention daw ako sa isang Gc na very active daw akung magpost dun sa kabila which is Noise.Apps! Sabi ko naman sa kanya sinong nagsabi nyan sayo? One post a day lang nga ako dun at minsan wala akung post at sasabihin nyang very active daw ako dun! At isa pa, may sinabi pa daw yung girl na menintion ko daw sa isang post yung isa din na ka noise natin dito na lagi…

@Ysa19

Notif from Ninong 😁 Matagal na akung hindi nakakabasa ng ganyang notif mula kay Ninong.. Lastyear pa yata yung last. Hehe. Naging busy kasi ako sa kung saan-saan. Kaya kahit post ay madalang.. Ayan tuloy nasermonan ako. Haha.. Pinamigay kona yan kanina pa at mag-iipon ulit para ipamigay din sa iba. Ganyan tayo sa Noise... Walang akin lang.. Walang atin-atin lang.. Dapat share to everyone... Para happy ako... Happy ka.. Happy sya . At happy tayong lahat! 😉 Ysa19 -😉

@Ysa19

Love is blind Totoo naman pala talaga ang kasabihan na " LOVE is BLIND.. Ito yung nasaksihan ko kahapon sa dalawang magpartner na ito. Humingi sila ng makakain sa Eatery ng kapatid ko. Akala ko ordinary lang silang namamalimos ng pagkain. Habang papalapit sila sa kainan ng kapatid ko, nakita namin na magkahawak kamay silang dalawa. Inaalalayan ng lalake ang babae habang naglalakad sila pareho. Pero pareho naman sila nangangapa sa daan. Sabi ng isang alalay dun sa kainan..…

@Ysa19

Mga bata talaga ngayon Ibang-iba na kung kompara natin noon. Convo with my 9 year's old nephew.. 12 pm in the afternoon kahapon.. Pumunta sya dito sa bahay namin.. Akala ko sa kanya kararating lang galing school kasi nakabag sya. Un pala paalis na sya ulit papuntang school nya. Sabi ko,, maaga ka ngayon noy? Sagot naman nya sakin.. Hindi anty papunta napo ako sa school. Hindi ako pweding ma late at mag-absent ngayon. Tanong ko naman sa kanya.. bakit? Sagot nya sakin.. Kasi…

@Ysa19

Punong Guyabano na may Puso ❤️ Nagsisimula naman mamulaklak ang puno ng guyabano sa gilid ng bahay namin. Ang ganda lang pagmasdan kasi mga korting puso sila.. Sana lang mabuo lahat yan at maging ganap na bunga. Pero sa totoo lang, hindi naman ako nakakatikim ng bunga nyan.. Kasi once na may napadaan at kanya-kanyang pitas lang. Haha! Btw! Happy sunday to all.. Parang tahimik yata ang mga nakaredbell sakin? Isang sigaw nga dyan na may kasamang kaway-kawa.hehe. Ysa19 -❤️

@Ysa19

Ulan 🌧️ kulog at kidlat ⛈️⛈️ Nagsama naman ang tatlo. Si ulan, kulog at kidlat! Ano kaya ang dapat? Itago ang cellphone? Mamaluktot at kunin ang kumot? Yakapin ang unan Para maagang matulog? Ahahaha... Nakakatakot talaga ang kidlat. Akala mo ikaw ay raratratin ng napakabangis nyang apoy! Parang galit na galit at tila ba naghahamon.. Naku po,,wala akung laban sa kanya. Kaya mabuti pa ay itago muna ang cellphone. Ysa19-😁

@Ysa19

Kay lupit mo naman! Magandang araw Aking nasilayan. Ngiti mo ay sadyang nakakasilaw. Kaya naman ako ay biglang Napasigaw! Yes.. ako'y maglalaba ngayong lunes. Pero minsan talaga ay mga mapaglinlang. Yung kagandahan nya ay biglang nalusaw at pinalitan ng pagpatak ng napakalakas na ulan! Kaya naman mga nilabahan ko ay mukhang basang sisiw sa sampayan! Ako naman ito ay wala ng nagawa! Kundi napatulala ☹️ Sabay sabing! Kay lupit mo naman araw. Ysa19-🤣

@Ysa19

Someone is turning 18 on Saturday 💞 May dumating na birthday invitation sakin kahapon. Merong isa sa family member namin ang magcecelebrate ng 18th birthday nya sa sabado. Pero sa totoo lang sa October 26 pa talaga ang birthday nya. Advance celebration lang, kasi kung saktong 26 gaganapin ang celebration nya, ay may mga pasok sa school ang celebrant at ang mga invited nyang mga friends. Back tayo sa invitation card.. Omg! Isa ako sa nakatuka sa Bills 💸 Paano kaya yan, wala…

@Ysa19

Hindi agad makatulog dahil sa peryahan sa barangay. Sobrang laki ng sounds.. Abot yata halos tatlong barangay ang lakas ng volume ng mic. Mahigit isang buwan pa bago ang fiesta dito samin. Kaya ganun din ang titiisin namin gabi-gabi. Huhu.. Yung isa kung kapatid ay ng hirap na sakin ng earphone. Kasi hindi daw sya nakakatulog agad sa sobrang lakas ng sounds sa binggohan! Pero useless naman daw ang earphone. Dinig nya pa daw ang ingay! Haha.. .Kaya kahit maaga akung…

@Ysa19

I choose to stay here day by day! Masarap mag-ingay na wala kang naaapektohang mga tao. Masarap mag-ingay pero sa tahimik na paraan. Kata sa tulad kung tahimik na tao,bumabalik-balik talaga ako sa site nato.Dito ako nakakapost na malaya.. Dito ako nakakalahad ng mga saloobin ko,mapa seryoso man o kalokohan lang. I choose to stay here.. Day by day! Happy Tuesday everyone 😉 Mema ano? Haha.. Ysa19-💞 #FlowerMakesmeHappy

@Ysa19

Taas kamay kung sino ang naka-experience ng ganito 😉 Natatandaan ko dati, gawain namin yan nh bunso kung kapatid. Kapag kumakayod ng niyog yung panganay naming kapatid na lalake ay sumasakay kami sa likod ng kayuran ng niyog. Kunyari kabayo ang sinasakyan namin. Haha! Tuwang-tuwa na kami kahit ganyan lang yung mga nilalaro namin. Ngayon bihira na yata ang may ganyan na kayuran ng niyog.lahat na kasi d kuryente..Pero yung isa kung kapatid meron parin nyan. kaya kapag walang…

@Ysa19

Kakaning latik for meryenda. Tara na mga ka noise at sabayan nyo akung kumain ng latik. Gawa ito sa malagkit na bigas na niluto sa gata. Latik din ba ang tawag nyan sainyo? Binili ito ng kapatid ko kaninang umaga. Kaso hindi naman ako sanay kumain kapag umaga. Kaya tinago kona lang muna para may meryenda ako ngayon. Hahah.. Ayon busog na ng tummy ko.. Sana kayo din nakapagmeryenda na. Ysa19-💞

@Ysa19

Plastic kaba? Kasi sya Oo.. 😁 Napaaga ang gising ko dahil sa bukas sara, bukas sara ng pintuan sa aming sala. I'm sure kapatid ko yun, medyo madilim naririnig konang nagwawalis sa harap ng bahay namin.Hindi narin tuloy ako nakatulog.. at dahil nga nasa kwarto pa ako, ito munang plastic plants ang ipopost ko dito. Haha! Plastic lang sya, pero sa una mong tingin ay parang totoo.. Kagaya din yan sa mga tao. Minsan ang akala mong totoo sayong harapan ay totoo nga. Kung ano-anong…

@Ysa19

Plastic Plants Yan lang po muna ang ishare ko dito. Nasa loob pa kasi ako ng kwarto ko. Napaaga lang ang gising kasi sa ingay ng pintuan sa sala namin. Bukas sara kasi, ang agang nagising ng kapatid ko. Pati tuloy ako napaaga din ng gising. Pero sa totoo lang... antok pa si Ysa19.. haha. Magandang Magandang Umaga sainyong lahat.. Smile naman dyan para goodvibes 😁 Ysa-💞

@Ysa19

Naghahanap akung edit.. Biglang kung nadelete ang post ko Ano ba yan..haha.. Ito na lang muna. Mamaya kona lang ipopost ulit yun. Pasaway kasing daliri kung ito. Haha! Cross stitching, Ito pala yung libangan ko bago ko natagpuan ang Noise.. Sobrang na addict ako dito.. Once nasimulan kona kasi, parang ayoko ng tigilan pa. Kaya tuloy napasma ang kamay ko. Haha. Marami pa ako nito, kaso ang iba ay hindi nakaframe.. Mahal kasi magpagawa ng frame.. Sis peechay ito pala yung…

@Ysa19

Malunggay Cheese Pandesal Ito yung isa kung inaabangan tuwing umaga. Ang mainit na pandesal.. Kasabay ng mainit na kape. Tara po mga ka Noise.. Sabayan nyo akung uminom ng mainit na kape at sabayan narin natin ng pagdotdot ng mainit na pandesal. Magandang umaga 😁 Kaway-kaway sa mga nandito na sa bago nating tambayan. Ysa-💞

@Ysa19

Malunggay Pandesal Mabuti na lang at may naabutan pa ang kapatid kung malunggay pandesal. Minsan kasi ay nagkakaubusan ang tinda. Masarap kasi ang lasa nito at with cheese pa sa loob. Kaya ang sarap idotdot sa mainit na kape. Kayo ba mga ka noise? Breakfast naba? Kung hindi pa.. Tara napo at magkape at kumain ng pandesal. Pandesal lang po ako, kasi hindi ako sanay kumain ng kanin sa umaga. Ngiti naman kayo dyan. 😁 Goodmorning Ysa-💞

@Ysa19

Lavender and Lace Ito yung isa sa mga nagawa kung cross stitch before. Kung titingnan mo parang iisa lang ang kulay nila. Pero madaming mga kulay yan. Mga magkahalong pink and lavender ang kulay nyan. Dark, light, very light.. Pati yung mga dahon nyan ay ganun din.. may dark green, light green, very light. Sa paggawa ng cross stitch, kailangan mo dyan ay mag-imbak ng maraming tiyaga. Kasi once na wala kang tiyaga sa paggawa nyan ay wala karing mabubuo. Katulad din yan sa…

@Ysa19

Ingay noon ay Nasaan na ngayon? Nakakabinging katahimikan Aking namamasdan. Ang maingay na mundo dito Katahimikan ang pumalit nito. Noise. Cash kung ikaw man ay tuloyan ng mawawala. Wala akung ibang babangitin kundi ang salitang maraming salamat. Salamat sa mahigit isang taon na ako'y pinasaya mo. Salamat sa mga biyayang hinatid mo sa mga taong nandito. Salamat sa mga kaibigang nakilala ko dahil sainyo. Malaking pagbabago sa pagkatao ko ang maging bahagi ng site nato.…

@Ysa19

Victorian House 🏡 Another cross stitch na ginawa ko. Yan ang tinatawag na Victorian House. Kahit maliit lang yan, dyan ako sobrang nahirapan. Sobrang mabusisi kasi yan.. From stairs, doors, windows, trees, and most of all yung mga flowers na maliliit sa paligid ng bahay. Yan din ang may pinaka maraming sinulid, marami kasing kulay yan. Kaya kahit maliit lang yan, yung gastos dyan ay malaki. Pero worth it naman kapag nakikita munang buo ang iyong pinaghirapan..😁 Anyway! Happy…

@Ysa19

Magandang morning mga ka Noise. Ito parin tayo para magmuling mag-ingay dito. Samahan nyo ko ah.. Hehe . Once nakasanayan muna kasi syang gawin. Parang kulang ang araw mona hindi mo sya nakikita. Parang sa pagtimpla lang yan ng kape. Kung walang asukal, hindi sya sweet 🥰 Kaya kahit anung mangyari. Dito parin tayo para sa kanya. Kahit pa may bago na . Yung puso natin ay nandito pa Parang ex mo lang yan.. Kahit wala na kayo . Pilit at pilit mopa rin sya iistalk sa mga social…

@Ysa19

Egg Cracker's Meryenda time na.. Egg Cracker's lang po at dotdot sa mainit na kape para lumambot. Haha. Bigla akung nagising ng pumasok ang kapatid ko sa kwarto ko..Biglang sabi ang mga sinampayyyyy..Bigla akung balikwas. Nagbabadya naman ang malakas na ulan. Akala koba sa kanya nagsawa na sya! Pero ito bumabalik ulit. Haha.. Ay ewan! Makahigop muna nga ng kape after this maliligo na ako.. Meryenda narin kayo mga ka Noise. Ysa19-💞

@Ysa19

Iphone 7 🍎 Iphone 7 finally nasa kamay narin kita. Hahaha.. But oops.. teka lang mga ka noise. Hindi pala sakin ito. 😁 Kanina lang.. Nagchat sakin ang isa kung kapatid. Sabi nya sakin, hanapin ko daw sa sasakyan yung singsing ng isa naming kapatid kasi nawawala daw.. Sabi ko naman baka nasa bag lang nya. Reply nya naman sakin, hinanap na daw sa bag, pero wala talaga. Kaya ang sabi ko naman sa kapatid kung lalake. Buksan nya ang sasakyan at may hahanapin akung singsing na…

@Ysa19

Early gising Maaga akung nagising dahil sa lamig ng panahon. Samahan pa ng electric fan na nakatutok sakin. Ayon tamang nginig lang! Haha. Mabuti na lang at nandito ang aking mahal na unan. Hindi baling wala akung kumot basta maraming unan. Kahit saan ako mabaling ay may mayayakap 🤗 Anyways! Busy ako later for family occasion.Kaya I'm sure bondat later. kaso wrong timing naman, kung kailan may kainan, saka naman nagparamdam ang singaw sa dila ko.huhu. Pero keri naman yan..…

@Ysa19

Thank God its Sabado Maganda ang bungad ng sabado ngayon. Maganda ang sikat ng araw.. kasing ganda ng nagbabasa nito. Kung lalake ka, eh kasing gwapo mo din. Haha.. Sana tuloy-tuloy ang magandang panahon ngayon hanggang mamayang gabi. May family occasion kasi kami. Abala na dito yung mga nagluluto.. Pero hindi naman dito samin gaganapin ang occasion.. Sa ibang town.. hehe. Mamaya na lang po ulit mga ka noise. Bibilangin kopa kasi kung ilan ang coins ko sa alkansya. Nas bills…

@Ysa19

Hayahay ang buhay ni kuya 😉 Ang init ng panahon ngayon. Kaya naman lumabas ako sa bahay namin para magpahangin. Pero napangiti ako sa nakita ko. Yung lalake nakahiga sya sa harap ng truck nila, habang gumagamit ng celphone. Haha. Paano kaya kung makalimot sya at bigla syang nahulog? Wahhaha. Nakakarelax kasing tumambay sa harapan ng aming bahay. May dalawang acacia na malalaki kaya naman presko ang hangin. Naging pahingaan nyan ng mga biyahero pati na yung mga riders na…

@Ysa19

Just got home 😉 Kararating lang namin.. From 18th birthday celebration. Kakapagod pero masaya at higit sa lahat.. happy tummy ang inyong lingkod.haha. May gising paba dito? Haha Tambak po ang unread messages ko.. Sa tingin ko aabutin ako ng umaga dito sa kakabasa.haha.joke! Pahinga lang ng konti at matutulog na si Ysa19..

@Ysa19

Lechong baboy Ito palang yung lechon na baboy kagabi. Kaso natawa ako sa pamangkin ko. Lumapit sya sa lechon.. Sabi nya, bakit parang horse daw ang lechonh baboy? Sagot ko naman sa kanya, Oo nga ano. Haha. Magandang umaga sainyong lahat mga ka Noise. Happy sunday po.. medyo puyat pa ako. Hindi agad ako nakatulog kagab, gawa ng pagkauwi namin ay uminom pa ako ng kape. Haha.. Ysa19-💞

@Ysa19

Musta napo kayo dito at doon? Hehe. Hindi pweding hindi makadalaw dito. Kakamis yung mga notifications dito. Nakakamis yung heart nya. heart mo sa kanya. Haha. Tapos heart nating lahat.. 😉 By the way.. Happy Sunday to all.. Keep smiling, para goodvibes po lagi tayo... Ysa19 -💞

@Ysa19

Balloons 🎈 Ano kaya ang magic nh balloons? Once makita natin ito, matanda man mapabata ay talagang ma aamaze? Hehe.. Ito pala yung decorations sa debut party kahapon. Sobrang na aamaza ako sa mga balloon's. Parang bata lang na wiling-wili sa katitingin ng mga balloons nyan.. Btw.. Hapon naman po mga ka noise. Meryenda naba? Ako busog na busog na.. suman yung meryenda ko. Marami ang nakain ko, masarap kasi ang pagkakuto nito. Pero mabigat sa tiyan. Haha. Ysa19 -😁

@Ysa19

Magsisimula muna ang araw ko sa bulaklak 🌸 Marami naman kasing mga bagong bloom ang mga halaman dito. Nagsimula lang yan sa iilan na seeds na kinuha ko sa ecopark last January yata yun.. at ngayon parami ng parami ang mga bulaklak sa paligid ko. Kaya naman maraming bubuyog at paro-paro lagi sa amin. Lilipad-lipad para amuyin ang bango ng mga bulaklak. Haha. Btw.. See yah in a bit mga ka Noise. May gagawin lang ako.. Pero magkakape muna ako.. Tara higop po. Haha.. Goodmorning…

@Ysa19

Puno ng Buko 🌴 Tara na at subukan nating umakyat sa puno ng buko. Haha. Sa tindi ng init ng panahon ngayon. Masarap sanang uminom ng sabaw ng buko. Kaso hindi naman ako marunong umakyat dyan! Haha. Anung klase kaya kung makakita ka ng babaeng umaakyat sa puno ng niyog 😁 Btw. Lunchtime napo mga ka noise. Kain na tayo, gutom na ako eh.. Hindi pa kasi ako na breakfast. Kaya pagsabayin kona lang ang breakfast and lunch 😉 Ysa19 -❤️

@Ysa19

Del Monte Pineapple Juice Dahil nagcrave ako sa buko kanina, pero hindi naman ako marunong umakyat at wala namang aakyat. Kaya dito na lang po ako sa Del Monte Pineapple Juice.. haha.. Easy lang kunin ito, basta may tindahan makakahanap ka agad nito. Hehe.. Maganda ito sa tummy, lalo na kung medyo hindi ka natunawan ng pagkain. Btw.. After this.. ligo muna ako, ang init ngayon dito. Dyan muna kayo mga ka Noise., Pagbaliki ko dito sisimulan ko naman ang pagbabasa ng mga…

@Ysa19

Knock knock! May tao paba dito? Huhu. Ang tahimik na ☹️ Kantahan ko kaya dito. Para magkaroon ulit ng ingay. Haha! Put your hands up Sing my song The butterfly fly away.. I'm nodding My hips like yeah.. Moving my hips like yeah 😁 Hay naku po, nililibang ko lang sarili ko habang post dito. Nakakalungkot kasi talaga, yung dating nakasanayan mong pang-araw-araw ay napakatahimik na. Sana muling bumalik ang ingay at sigla dito.. 🤔 Ysa19 -🤔

@Ysa19

Malayo na ang tingin ni Mingming. Kaya need na daw nyang matulog. Bukas na lang daw syang magbabasa ng mga unread messages dito 😽 Goodnight po lahat.. Salamat sa mga dumadalaw sa post ko at naghaheart sa post ko kahit mga mema lang po.. 🙏 Ysa19 -💤💤

@Ysa19

Variagated Vinca ☘️ Itong larawan na ito senend lang sakin sa messenger ng kamag-anak ko na nasa ibang planeta. Haha . Simula kasi ng Pandemic at nauso ang mga plantita at plantito ay nagkaroon narin sya ng hilig sa pagtatanim dun ng mga halaman. Kaya ito yung isa sa mga tanim nya ang variagated vinca. Btw. Kay bilis lang talaga ng araw ano. Martes na naman, ilang days na lang at November na. Pero sana ay hindi naman maging malakas na bagyo ang binabantayan ng Pag-asa…

@Ysa19

Malinao/Malinaw Tara na at magtampisaw dito sa Malinao. Malinaw means clear water.. Malapit lang ito sa lugar ng asawa ng kapatid ko. Walking distance lang kung gugustohin mo makarating mula sa bahay nila. Malinis ang tubig dahil running water ito. Kung titingnan nyo ay green na green ang kulay nya. Since wala naman sa plano, basta lang nagkayayaan,Wala akung damit na dala, kaya hanggang tingin at tanaw na lang ako sa kanila. Tamang ikot-ikot lang sa paligid at langhap ng…

@Ysa19

A bouquet of bills worth 18 thousand's Last October 22, yung advance 18th birthday celebration na pinuntahan ko. Totoo pala talaga yun na 18k ang nakalagay sa bouquet ng celebrant. Akala ko fake lang. Haha.. Sabi ng mga bisita.. Sana all... Haha.. Dati nag celebrate din ako nyan debut, pero hindi pa naman uso ang ganyan. Tamang handa lang at simpling salo-salo ay okay na.. Pero ngayon, ibang-iba na. Ginagawa ng bouquet ang pera. Haha. Btw.. Nakalimutan kung magpost buong…

@Ysa19

NDRRMC Alert Ito yung dahilan kung bakit nagising ako ng madaling araw. Ang lakas ng vibration ng phone ko, kaya naalimpungatan ako.. Akala ko kung anong ingay ang naririnig ko.. vibration lang pala ang cellphone ko from NDRRMC.. Mas nakakanerbyos pa ang tunog ng phone kisa sa paalaala nila. Haha. Yan tuloy late na ako ngayong nagising.. Sobrang lakas po ng ulan ngayon, sana naman hindi kalakasan ang bagyong paparating. Btw.. Babangon na ako mga ka Noise. Ang ingay ng pusa…

@Ysa19

Dahil sa maulan Kaya ito dewdrops shot tayo 😁 Kanina pa ako nag-iisip ng pwedi kung maipost dito. Pero wala akung choice kundi ang dahon na nasa harapan ko. Hahaha.. HIndi kasi ako makalabas ng bahay dahil sa lakas ng ulan... Si Paeng pala ang dahilan ng pag-uulan ngayon. Makita ko lang ang paeng nyan, tiyak malilintikan sya sakin! Hahaha. Anyway! Dahil maulan at hindi makalabas ng bahay. Mabuti pa ay maglinis ng kwarto at itapon ang mga dapat itapon sa basurahan. Iligpit…

@Ysa19

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw Ang iniisip-isip ko Hindi mahinto pintig ng puso. 🎶 Dahil hindi makalabas ng bahay Ang tanging pweding gawin kona lang ay dumungaw sa bintana. kahit wala namang matanaw. Kundi ang mga bahid ng mga patak ng ulan mula sa salamin ng bintana ng aking kwarto. Muli namang dumadagundong ang paligid dahil sa kulog. Muling bumagsak ang napakalakas na ulan. Sana naman ay huwag na syang sabayan ni kidlat na aking kinatatakotan. Haha. Ingat tayong lahat…

@Ysa19

Biyahero sa barko Kinumusta ko yung asawa ng pinsan ko, kung kumusta ang panahon sa dinadaanan nila. Galing kasi sya sa Mindanao at pauwi na dito sa bikol. Nasa trucking services kasi ang work nya, from.luzon,vizayas and Mindanao. Ang dala-dala nika ay mga parcel from shopee and lazada. Sumasakay sila ng dalawang barko. Sabi nya okay naman daw ang panahon dun, okay naman ang dagat at walang malalaking alon. Which is good naman kasi nakakanerbyos kayang sumakay sa barko tapos…

@Ysa19

Mawala kaman ng tuloyan Never kitang makakalimutan. Noise still Noise ❤️ ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️ Thank you Admin ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️ We love Noise.Cash ❤️❤️❤️❤️❤️

@Ysa19

All Classes are Suspended Public and private school. Dahil sa magdamagang pag-uulan dito sa bicol region ay suspended lahat ng klase public and private school. Pero dahil late nagsabi na wala ngang mga pasok, itong pamangkin ko ay nakaready na sana sya para pumasok sa school nya. Kaya lang ng sinabi ng teacher nya sa Gc na wala ngang pasok, ay nalungkot sya kasi excited pa naman syang magpractice para sa gaganapin nilang Halloween party sa saturday at malamang hindi rin…

@Ysa19

Tinatamad din pala ang mga sasakyan? Hahaha. Ito naman ang aking nakita habang tambay ako sa terrace ng aming bahay. Sobra kasing naparami ang kain ko.. Kaya kailangan maglakad-lakad muna. Haha. Tatlong 10 wheelers na truck ang nakaparada sa tapat ng bahay namin, hanggang doon pa sa may tapat ng bahay ng bahay ng iba. Hehe. Pero nagpapaalam naman sila bago magpark, sinasabi nilang kakain lang daw sila saglit.. Wala naman problema samin yun, kasi ang kakainan nila ay Eatery…

@Ysa19

Droplets 💦 Pumapatak na naman Ang ulan sa bubong bahay... 💦💦💦 Dahil magdamagan ang ulan simula pa kagabi at hanggang ngayon. Kaya puro droplets na lang ang ipopost ko dito. 😁 Kunyari street photography, pero sa totoo lang, dito lang naman yan sa harap ng bahay namin. Napansin ko kasi yung nakapark na stainless tricycle ng kapatid ko. Ang ganda kasing tingnan ng mga droplets. Wait ko sanang mahulog sila, pero kapit na kapit sila eh.haha. Sana ganun tayo mga ka Noise.. Kahit…

@Ysa19

Let us pray to God that through the powerful aid and intercession of our Ina, Our Lady of Peñafrancia, we may be protected by her mantle of love, and be spared from the effects of this typhoon. Keepsafe everyone.. Keepsafe bicolandia. Ysa19 -🙏

@Ysa19

#PAENGPH Naggsisimula ng magparamdam si Paeng. Malakas na ulan ang aming nararanasan ngayon si bicol region. Sinamahan pa ng malalakas na kulog at matatal na kidlat na tila ba galit na galit sa nagbabaga nyang kulay. Hanggang dito na lang po muna at itatago kona ang phone ko,nakakatakot kasi, baka biglang tamaan ako ng kidlat. Ingat po sa lahat lalo na doon sa mga low lying and flooded areas. Ysa19 -🙏

@Ysa19

Here comes the rain again! Galit na galit na si Paeng. Nagsisimula naman syang maghasik ng ulan. Kanina pansamantala sana syang tumigil at nag liwanag ang paligid. Pero ngayon lumakas naman ang mga bagsak ng ulan at ang paligid ay dumidilim na naman. Sana naman ay hindi mawalan ng kuryenti mamaya. Para makasuguro akung hindi malolobat ang phone ko, kahit pa naman totally lowbat ay chinacharge kona 😅 Ganyan dapat dba? Maging ready lagi tayo.. This is me Ysa19 -💞 Muling…

@Ysa19

Creamy Carbonara Creamy carbonara galing sa may mabuting pusong kapitbahay. Haha. Habang nakaupo ako sa may terrace namin at pinagmamasadan si PAeng,, ay ulan pala.haha..may dumating na grasya galing sa kapitbahay namin. Ito yung creamy carbonara. Nagcrave daw sila sa carbonara kaya naisipang magluto. Ayon solve ang meryenda ko. Hehe.. Post and run lang ako dito mga ka Noise. Kapag walang kidlat browse sa mga unread messages and post. Kapag nandyan naman si kidlat, tago…

@Ysa19

Katakot naman ☁️ Bukas daw ng madaling araw between 2am-5am ay tatamaan ang bicol ng bagyong Paeng. Kakatakot po lalo na dun sa mga bahaing lugar. Ang iba dito ay nasa evacuation center na para makasiguro na ligtas sila. Ang iba naman ay ayaw lumikas kasi ayaw iwanan ang kanya-kanyang bahay.Kami naman dito ay maagang naghapunan na, para anytime mawalan ng kuryente ay nasa kanya-kanyang kwarto na,makikiramdam kung anong susunod na kabanata.Minsan nga wala kaming tulogan,…

@Ysa19

Pana-panahon ng pagkakataon Maibabalik pa ang kahapon? Tama ba ang lyrics ng kinakanta ko? 🎶🎶🎶 Dahil alam kung iistorbohin naman ako ni NDRRMC' sa tunog ng alert nya.Kaya ang ginawa ko ay off ko yung phone ko. Dahil nga mas na nenerbyos ako sa vibration alert ng phone ko kisa sa kasalukuyang kinatatakotan na bagyo. Ayon naging mahimbing ang tulog ko mga ka noise. Mabuti na lang at wala naman kaming naranasan na matinding hagupit ni Paeng' maliban na lang sa kasalukuyang…

@Ysa19

Noiseapps Updated 😁 Finally na update kona rin ang noise.apps ko. Kanina kopa kasi sya hinahanap sa palystore pero hindi ko makuha. Nandun lang pala sya sa mga installed apps na.. Tapos update kona.. Thank you Madam @Carjomier sa pagturo sa akin kung paano gawin yun. Tapos na ang problema ko sa pagbabasa ng mga unread messages 🤣 Kayo din mga ka noise update nyo na. Ysa19 -😁

@Ysa19

Panibagong Pag-usbong sa hamon ng panahon. 🌿 Salamat naman at okay na ang panahon ngayon. Buong magdamag na walang Kuryente at walang signal dito samin. Parang bumalik ako sa nakaraan na ang tanging naging ilaw ay kandila. Hinihintay ang pagtila ng ulan at nakikiramdam sa mga hampas ng hangin. Pero sabi nga, lahat ng yan ay may katapusan, kung merong unos' ay panibagong " Pag-asa' tayong matatanaw. Gaya ng halaman nyan, tanggal ang lahat na mga dahon nya, pero muling may…

@Ysa19

Bangus 🦈 Nagpaalam sakin kanina ang kapatid ko. Sabi nyan bantayan ko daw ang sinaing nya at bibili daw sya ng isda. Sabi ko naman sa Kanya ok.... Maya-maya lang ay dumating na sya, Sabi ko nasan ang isda na binili mo? Binigay nya sakin yung plastic bag, tapos nilabas nya yung mga laman ng plastic 🤣 Puro bangus na junkfoods ang laman ng plastic. Hahahah.. Naisahan ako.. 😁😁 Akala ko bangus na isda ang bibilhin nya para ulam namin ngayon. Hehe. Wala daw kasing isda na…

@Ysa19

Napansin nyo naba ito mga ka Noise sa chat box?. Bagong update naman yata ito o late lang ako sa tsismis?. Haha. May delete to everyone na.. May edit narin Mark as unread 😁 Naririnig na yata ng admin ay nababasa na pala ang mga hinaing dito. Haha. Kaya gumagawa narin sila ng paraan para ma improve pa ang apps nila. Thank you po Noise.Apps 🙏

@Ysa19

Lily's Picking Pumpkins Tuwang-tuwa ang batang ito sa pagpitas ng totoong pumpkins. Hehe. May farm kasi dun sa UTAH' ng mga pumpkins. Kapag malapit na ang undas, pumupunta sila dyan sa farm at nagpipitas ng mga pumpkins.Inuukitan kasi nila yan like this 🎃haha. Soon makikita kona sya sa personal with her siblings. Pupugin ko yan ng halik. Haha. Parang baby doll lang kasi, very jolly na bata. 😁 Btw.. Magandang gabi sainyong lahat mga ka Noise. May kunting pag-ulan parin ngayon…

@Ysa19

Panaginip lang pala ☹️ Maaga akung nakatulog' pero maaga din akung nagising dahil sa isang panaginip. Pumasok din si Mama' dito sa aking kwarto, nakawhite jacket sya at lumapit sa akin. Ako- Mama bakit ang aga mong nagising? Mama- Hindi kasi ako makatulog Ako- Dito kana Mama' sa aking tabi at lalagyan ko yung noo mong vicksvaporub para makatulog kana...At yung nga ang ginawa ko sa kanya, sabay syang higa sa katabi ko at massage ko yung ulo nya hanggang makatulog sya. At…

@Ysa19

Sinaing Naabutan kung nagsasaing ang alalay sa Eatery ng kapatid ko. Todo halukay sya sa kanin habang kumukulo ito. bali Sampung kilong bigas kasi ang sinasaing nya kada maubos yung kanin. Hindi kailangan ma tutuong yung kanin o kaya sobrang lambot ang kanin, kasi lugaw ang kalalabasan nyan. Haha.. Sabi ko wait lang at at document ko lang habang nagsasaing sya. Todo smile na sana sya, akala siguro video, hehe. Sabi ko picture lang ng kanin at kaldero hindi ka naman kasama 😁…

@Ysa19

My Other side 🧙🧹 Dahil kapanahonan ko ngayon. Pagbigyan nyo na ako. Minsan lang ako magpost ng pagmumukha ko.hehehehehe... Nakita ko lang ito sa tiktok Sabi ko sa sarili ko Parang gaganda ako dito🤔 Matry nga..haha.. Pero parang wala ring talab. Wahhaha.. Ysa19 -🧙

@Ysa19

First day of November 🕯️ Lahat ng bagay sa mundo ay kumukupas. Halat ng tao ay kailangan lumisan. Pero ang mga naiwan nilang bakas ay hindi dapat natin kalimutan. November 1, Araw ng paggunita sa ating mga mahal sa buhay na nasa kabilang mundo na. Sila man ay wala na sa ating paningin. Sila man ay hindi na natin nakakasama, pero yung mga naiwan nilang ala-ala ay magiging buhay sa ating mga ala-ala. Magandang umaga mga ka Noise. Kay ganda ng sikat ng araw ngayon. Sana naman…