read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Car Accident Nagising ako dahil sa car accident sa tapat ng bahay namin. Involve ay tatlong car.. Nakarinig ako ng malakas na kalabog, akala ko may nagpapark lang para kumain, yung pala ay may aksidente na. Nasanay na kasi ako sa maiingay na sasakyan na nagpapark sa tapat ng bahay namin. Ordinaryn na kasi sa tenga ko yun. Kaya deadma ko lang, pero ilang minuto lang may narinig na akung sumisipol na police. Kaya nagduda na ako, kahit pupungas-pungas pa ay lumabas ako. Ayon na nga, maraming tao sa labas sa tapat namin para makimaretis kung anung nangyari at isa na ako dun. Haha.. Sabi nung ininterview ng police, may iniwasan daw yung nasa unahan na sasakyan, kaya pansamantalang nagpreno sya, na hindi naman inaasahan nung nasa gitna na gagawin nya yun.Kaya bumangga yung sasakyan nya nung nasa gitna sa sasakyan ng nasa unahan at yung sasakyan naman na nakasunod sa gitnang sasakyan ay hindi rin inaasahan na yung sinusundan nila ay makakabangga dun sa nauna., Kaya ang ending ay parang na sandwich yung nasa gitnang sasakyan.. Kaya doble ang damage nung nasa gitna both front and back. As usual yung ambulance ay nahuli naman sa eksena. Siguro tulog pa ang driver. Pero thanks God kasi wala namang malalang nangyari, except dun sa dalawang babae na nanghihina.Baka dahil sa nerbyos lang yun at yung isa ay may sugat sa noo. Kaya sa mga drivers dyan..Doble ingat po kayo..Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang isang aksidente. At hanggang dyan na lang po muna ang aking pag-uulat. Pasensya napo kung nagulohan kayo sa report ko. Sadyang antok lang po ako. Haha.. Ysa19 para sa BALITANG NOISE 😉 Back in a bit..

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.