Tara na sa Peryahan ๐ Sa halos mahigit na dalawang taon ang nakalipas. Ngayon naman lang ulit dito samin makakapagcelebrate ng fiesta. Nagsimula na ngang maglagay ng peryahan kagabi dito. Nagtataka ako, sabi ko sino ba ang salita ng salita kahit gabi na? Boses ng lalake ang naririnig ko.. Sabi naman ng kapatid ko, dun yan sa may peryahan. Naglalaro yan sila ng binggo. Ang lakas kasi ng Sound system nila.. Parang abot sa kabilang barangay. Malapit lang kasi samin ang barangay hall. Kung saan dun nilagay ang peryahan. Sa totoo lang, wala man lang akung alam about sa peryahan nyan. Kung anong mga nilalaro dyan. Isang beses lang yata ako nakapunta sa ganyang peryahan. Yun bang tatapon ka ng piso, tapos kung saan matapat yung Piso mo ay yun din ang premyo mo. Kadalasan ang tawag nila dyan ay peewehan. Kasi Junkfoods na peewee ang premyo dun. Haha. Pero ngayon.. kung kailan dyan ay yayain ko ang mga tao dito. Para pumunta dun sa peryahan. Maka experience man lang ulit at makapaglibang. Tamang nood sa mga naglalaro.. Mahigit isang buwan pa bago ang fiesta samin. Pero hindi kona sasabihin sainyo kung kailan ang exact date, baka sugurin nyo ako dito. Hindi pa naman kami naghahanda na kapag fiesta. Tamang lock lang ng pintuan ang ginagawa namin at nakikikain na lang sa ibang bahay ng kapatid ko. Haha.. Ysa19 -๐
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
6 comments
hahahahaha paliit ng palit ang bilog ngayon sa pagtapon ng piso.. piso pa rin ba o lima piso na hahaha
Hindi ko alam kung piso parin ang tinatapon dun. Kung limang piso na.. huwag na lang. Haha.
oo nga mahal na masyado pag 5 peso coin..
Ang saya nyan sis maingay na nakakatuwa din hihihi.
Kaso istorbo sa mga studyante. Mapupuyat sila. Haha.
Ay oo pala, nakaka distorbo nga yan sa mga studyante