Christmas tree 🌲 Kahapon ay nilabas na ng kapatid ko yung Christmas tree namin mula sa pagkakatago sa baul. Haha. Para daw mawala na yung mga alikabok na nakakapit dito. Sakto naman ngayon na umuulan kaya hindi na sya mahihirapan pa sa pag-alis ng mga alikabok nito at libre pa shower sa Christmas tree dahil sa tubig ulan. Hehe.. Pero magsisimula kaming maglagay ng Christmas decorations after November 2 na para tuloy-tuloy na hanggang new year 🎉 Natatandaan ko noon, wala pa kaming Christmas tree na ganyang plastic. Ang ginagawa noon ng mga kapatid ko, ay naghahanap sila ng kahoy na maganda ang mga sanga na mukhang Christmas tree din. Binabalotan nila yan ng papel di hapon yata yun at saka sinasabitan ng mga palamuti.. Instant Christmas tree Kumbaga DIY.. Kahit ganun lang ay nagiging masaya narin ang pagdiriwang namin ng pasko. Nilalagyan ng mga simpling regalo. Kung minsan nga mga kahon lang na binalot sa Christmas wrapper's haha. Btw.. Magandang umaga po sainyong lahat. Ingat sa maghapon lalo na kung maulan kagaya dito samin. Huwag kalimutan magdala ng payong para hindi kayo sipunin at magkasakit. Ysa19 -🎉
3 comments
sa iba bansa totoong pine tree binibili nila.. hihihi... para after pwede itapon.. well kahit ano naman pwede.. gamitin iba nga super liit kasi wala din naman space.. .. excited ka na sa pasko ihihih
Mas okay sana talaga kung totoong Pine tree. Kaso wala naman, kaya its fine! Haha. Excited? Hindi naman masyado. Pero kakaiba kasi ang dulot ng Pasko.
di naman literal na pine tree din.. sa kanila kasi madami pine.. so dito. if wala e di if ano meron hehehe...