Kwento ko lang mga ka Noise yung nangyari sa alagang aso ng mga pamangkin ko kanina. Kalalabas ko lang ng bahay para magpahangin at the same time tambay dun sa may kainan. Nakasalubong ko yung tatlong aso na alaga ng mga pamangkin ko. Sabi ko sa kanila, bakit ba kayo ikot ng ikot? Anung hinahanap nyo? Ganyan kami makipag-usap sa kanila. Yun bang parang tao lang ang kinakausap namin. Yun nga lang hindi naman sila sumasagot samin. Hehehe.. So ayon na nga.. nakarating na ako dun sa may kainan. Nakita ko naman yung tatlong aso nasa gilid sila ng kalsada, that time maraming mga sasakyan ang dumaraan. Nakita na lang namin yung isang alagang aso ng pamangkin ko ay biglang tumakbo patawid sa kalsada. Hinabol nya yung asong hindi naman taga rito samin.. ayon sa paghabol nya dun sa isang aso, sakto naman may dumaan na malaking truck, may bigla na lang kaming narinig na tunog at nakita na lang namin yung aso ng pamangkin ko ay nasagasaan.. dead on the spot sya eh. At yung asong askal ay hindi naano. Grabe yung kabang naramdaman ko.. Pati mga alalay sa kainan ng kapatid ko ay nalungkot sa nangyari. Mabait kasing aso yun, bibihirang lumabas ng bahay. Kapag sinabi mo uwi..uuwi sya.. Kapag gusto nyang pagkain.. Sinusubuan namin sya.. Anak sya ni Jackie..yung lagi ko din pinopost dito dahil mabait na aso na kinawiwilihan ng mga customers dito. That time kasi walang tao sa bahay nila. Kasi nag attend ng birthday party yung mga pamangkin ko. Naghanap yata syang kasama kaya lumabas yung aso sa bahay nila.. May mga lumalapit na samin para hingin yung aso.. gagawin yatang pulutan.. eww. Haha! Sabi namin hindi namin yan ibibigay kasi ililibing namin yan. Kasi sobrang napamahal na kami sa asong yun. Since pandemic naging kasa-kasama na namin yung aso. Naging libangan at hindi itinuturing na hayop.. kundi isang part ng pamilya. Nung dumating yung mga pamangkin ko. Todo iyakan sila.. ramdam mo yung lungkot talaga, katulad din ng pagkamatay ng Papa nila.. Sabi nung isa.. namatay na nga si Papa,, pati ba naman si fatty na libangan namin ay nawala na din.. ☹️ Hayop lang sila kung ituring Pero once napamahal kana sa isang hayop. Kahit iba sila sa mga tao ay mararamdaman mo yung lungkot kapag bigla itong naglaho. Ps- Hindi kona pinost yung pics ng aso habang nasa kalsada ito at wala ng buhay. Nalulungkot lang ako..kaya pati sa gallery ko ay deleted narin.. RIP Fatty 🐾 Ysa19 -☹️
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
5 comments
aw sad naman.. well i always believe m,ay sinsagip sila sa mga amo nila.. yun na lang lagi ang iniisip ko if may pets na nawawala
Ganun na lang nga din ang iisipin ko mula ngayon. Pero hindi agad ako nakatulog kagabi. Nakikita ko parin kasi sa isip ko yung pangyayari.
wawa nman ung doggy pero sana sunod wag hayaan makalabas
Kaya nga eh.. Wala kasing tao dun sa kanila. Baka nakanap ng madadaanan nya.
parang nakikinita ko ung itsura. hays poor doggy