read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Munting guhit ng mga bulinggit 🥰 Share ko sainyo mga ka Noise, Yung nagkaroon ng activities yung dalawa kung pamangkin na both grade 1 students. Pinadrawing sila kung anong nasa isip nila na relate sa kanilang buhay. Yung first picture ay kay Baby Faith.. Dahil nag-iisa palang syang anak ni mommy and daddy nya. Kaya ang ginuhit nya ay may kasama silang mga bata ni mommy and daddy nya habang namamasyal. Kasi gusto nyang magkaroon ng mga kapatid. Gusto nya daw may mga kalaro sya lagi sa bahay nila. Minsan naabutan daw yan ng kapatid ko nag nagppray at narinig nya kung anung sinasabi ni babyFaith.. Ganito daw... Jesus sana makabuo na sila mommy and daddy ng baby para may kapatid napo ako.. with matching iyak-iyak pa daw ang bata and please.. Hehe. Second Picture- Guhit yan ni PrincessJ Isang malaking butterfly na kulay pink at bahay na kulay pink din. Kasi paborito nyang kulay ay pink. Haha. Lahat na gamit nya sa school ay kulay pink.. bag, lunchbag, mug, pati lalagyan ng mga lapis at pati loob ng bahay nila ay kulay pink. Kaya ganyan ang ginuhit nya. Hehe. Sabi daw sa mga parents ng mga bata.. Mga mommy, hulaan nyo dyan kung alin ang mga drawing ng anak nyo.. ayon nahulaan agad ng kapatid ko, kasi base sa drawing and kulay ng mga guhit. Haha. Simpling guhit mula sa batang bulinggit, Pero para sakin ay ligaya na ang hatid. Kasi nasubaybayan ko ang paglaki nila. Nasubaybayan ko mula ng sila ay sinilang at pati unang iyak at ngiti nila.. kaya masaya ako na kahit paano ay marunong na silang magdrawing, magsulat at magbasa ngayon. Ang haba na ng kwento ko.. hehe. Magandang umaga po sainyong lahat. Ysa19 -🌸

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.