read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Pana-panahon ng pagkakataon Maibabalik pa ang kahapon? Tama ba ang lyrics ng kinakanta ko? ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ Dahil alam kung iistorbohin naman ako ni NDRRMC' sa tunog ng alert nya.Kaya ang ginawa ko ay off ko yung phone ko. Dahil nga mas na nenerbyos ako sa vibration alert ng phone ko kisa sa kasalukuyang kinatatakotan na bagyo. Ayon naging mahimbing ang tulog ko mga ka noise. Mabuti na lang at wala naman kaming naranasan na matinding hagupit ni Paeng' maliban na lang sa kasalukuyang malakas na pag-uulan. Yan palang nakikita nyong yan sa larawan ay senend yan ng kapatid ko sa GC naming magkakapatid. Umikot-ikot kasi sila ngayong mga official ng barangay para bisitahin kung may mga affected na pamilya ba dahil sa bagyong Paeng.. So far, wala naman at kokonti lang naman ang nasa evacuation center.Balik tayo sa larawan, kwento nila Mama noon samin, yang sapa nyan ay naliligo daw sila noong mga bata pa sila dyan, dyan sila naglalaba, sa lumipas na mga panahon, nawalan ng sigla ang sapang yan,naging basurahan at Unti-unting nawawala ang tubig.Puro na kasi basura, kaya kapag may bagyo ay laging binabaha ang malapit sa lugar nyan.Mabuti na lang ngayon,ay medyo bumalik na ang magandang daloy ng tubig. Bago paman dumating ang bagyong Paeng ay natapos na ang ginagawang reprap, para hindi masyadong maapektohan ang mga nasa gilid ng sapa, everytime may ganitong bagyo.Naging maganda na ang daloy ng tubig. Hindi na bumaha.. Napahaba na ang kwentong kung mema.haha.Halina at humigop ng tea palampas muna ako sa kape.mAkati kasi ang lalamunan ko ngayon,kaya tea muna ako.. Magandang umaga and Ingats po tayo ๐Ÿค—

34 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.