Indian Mango Bakit kaya tinawag itong Indian Mango? Galing ba sa india ang mga buto nito?Itinanim at kahit saan tinatapon ang mga buto nito, hanggang sa makarating dito satin sa Pilipinas? Ang dami kung tanong, hindi kasi ako gumagamit ng google. Haha. Photo not mine.. nadaanan ko lang ito kanina sa fb. Bigla kung naalala ang nakalipas. Marami kami noong puno ng mangga. Sa likod bahay at kahit sa harapan pa. Kapag ito ay namumunga, sobrang hitik na hitik ito sa bunga. Minsan hindi na namin yan iniintindi at nagkakandahulog na lang sila. Kapag may humingi samin, sige lang kumuha ka.. Kapag naman may bagyo yung mga bunga ng mangga ay nahuhulog yan sa bubong ng aming bahay. Akala namin kung minsan ay may nagbabato sa aming bahay. Yun pala ay bunga lang ng mangga. Hehe. Pero ngayon ay wala na.. Kahit isang puno ng mangga ay wala ng natira. Dahil sa kagagawan ng mga bagyong dito lagi sa bikol ang gusto nilang daanan. Mga punong mangga ay unti-unti ng nabubuhal at napuputol , hanggang sa tuloyan ng maubos. Btw..Lunch naba kayo mga ka Noise? Ako laging maaga ang lunch ko. Pinagsasabay kona kasi ang lunch and breakfast para tipid ngumuya.haha. Joke! Ysa19-😉
9 comments
Ahahaha natakam ka lnag sa mangga e
Namiss ko yung bagong pitas lang tapos kakagatin muna sya with balat pa. Haha..
Nangangasim ako ang sarap ng ganito pagkahinog. Same sa probinsya namin sis unti-unti ng nawawala mga tanim na puno dahil sa mga bagyong dumaan dati maraming santol at mangga sa paligid ng bahay ngayon wala na kahit isa.
Dito samin sis, meron pa naman puno ng mangga at iisa na lang yun.. dun sa bahay ng kapatid ko. Hindi pa naman gaano syang nabunga kasi bata pa. Pero dati noon, manawa ka lang talaga sa daming mangga.
Hindi pa pa nahon ng indian mango ngayon pero pagpanahon naman laging may uwi nyan ang brother ko ganyang ang kulay at berde sa ngayon wala pang bunga manamisnamis ang ganyang kulay.
Kaya nga sis, nag-aagaw yung lasa nyang matamis saka maasim.
Ang tagal ko na nga rin hindi nakakakain nyan wala pang libre ni brother ahaha
Kapag Summer time sis, yan may mga bunga na ang mangga. Nagkalat nyan ang nagtitinda.
Ay!Oo pagnaman pawala na akala mo hilaw pa pero pag nibuksan mo para syang may pasa magkabila.