Maraming akong tanong sa aking isipan. Mga tanong na hindi ko alam kung saan nagmula. Maaaring bunga ng imahinasyon o di kaya bunga ng labis na pag iisip. Mga tanong na sa katotohanan ay hindi ko din naman alam ang kasagutan. Isa sa mga tanong ay ito , saan nga ba matatagpuan ang tunay na ligaya? Ito ba ay matatagpuan pagkatapos mo makamit lahat ng gusto mo sa buhay? Ito ba ay matatagpuan kapag nakatuluyan mo yung taong matagal mo ng pangarap? O baka naman maaari mo din syang makita sa simpleng mga bagay at pangyayari na hindi mo akalain na makapagbibigay sayo nito.
Ang sarap pagmasdan ng langit hindi ba? Alam mo yung pakiramdam ng malaya tulad ng mga ibon na nakikita mo sa kalangitan? Ang pagtitig sa alapaap ay isa sa mga bagay na malimit kong gawin sa twing malalim ang aking iniisip. Naalala ko tuloy nung may nakita ako sa isang magasin , isang artikulo na kung saan nagbago ang buhay ng isang tao dahil sa kanyang determinasyon na abutin ang kanyang pangarap. Napahanga ako sa artikulong iyon at naitanong sa sarili kung kailan kaya ako magiging ganon. Napatingin lang ako sa langit at napangiti at sinabing kakayanin.
Madami na akong pagsubok at problema na nilampasan at para sa akin tagumpay ng maituturing yung pagbangon at paglakad muli sa twing dinadapa ako ng problema. Huwag mo ng itanong kung ano ano iyon , ang mahalaga ay buhay padin ako at patuloy na lumalaban ngayon.
Minsan nga naiisip ko parang hindi pantay yung trato ng tadhana sa bawat isa. Bakit yung iba ang swerte sa buhay tapos yung iba parang sinalo na lahat ng kamalasan dito sa lupa. Tulad ko , hindi ako pinanganak na maganda. Oo alam ko lahat ng nilikha ng Diyos ay maganda ngunit dumadating din sa punto na nasasaktan ka sa twing naririnig mo na sinasabi nila na pangit ka.
Tandang tanda ko pa noon, sa tindahan ni aleng nena kung saan ako napadaan. May mga grupo ng lalaki na nakatambay. Ang isa ay may sinambit na kataga " Pare ko , hindi ba ito yung tipo mo? Sumagot yung isang lalaki at ang Sabi " kung yan lang naman ay huwag na ". Sabay sabay silang nagtawanan na parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Mga lalaking walang respeto , akala mo naman mga kagwapuhan. Naglakad ako ng matulin at hindi na inisip yung nangyari. Maaring hindi ako maganda sa paningin nila pero alam ko darating yung araw na may iibig din sakin hindi dahil sa panlabas na anyo kundi dahil mahal nya yung buong pagkatao ko.
At iyon nga yung nangyari..
Sembreak namin nung magtagpo ang aming landas. Ako nga pala si Tonyo , ikaw? Ang pangalan ko ay toyang. Naging magaan yung loob namin sa isat isa dahil may isang bagay na pareho naming gusto at ito ay ang musika. Nagtatalo pa kami dati kung ano ba talaga ang tama , Spoliarium ba o Spolarium? Si Enteng ba talaga ay si Bosing at ang kanta ba talagang ito sa tungkol sa isyu noon ni Pepsi. Sinimulan kong magpaliwag na lahat ng iyon ay Maling Akala lamang. Si Enteng ay kaibigan ni Ely at ang kantang iyon ay tungkol sa inuman ng tropa.
Mas lalo pang lumalim ang aming pagsasamahan hanggang sa nagpaalam sya sa akin kung pwede daw ba pumunta sa aming bahay para sa Harana. Labis ang tuwa ko sa katagang sinabi nya at nasambit ko nalang tuloy na makalumang estilo na iyon na panunuyo sa kababaihan. Ngunit napakagandang ideya. Isang klasikong pamamaraan sabi nga nila.
Huwag kang matakot, iyan ang kanyang sambit nung niyaya nya kong sumayaw. Nagpaubaya ako sa kanya at sinabay lamang ang aking katawan sa saliw ng musika.
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay malay na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay.
Totoo pala yung liriko sa kantang Ang huling el bimbo. Sa pagkakataong iyon ay nakamit na din nya ang matamis kong oo. Sa mga panahon na hawak nya yung kamay ko doon ako nakaramdam na kaligayan na hindi ko maipaliwanag.
Bumalik tayo sa unang kong tanong. Saan nga ba matatagpuan ang ligaya? Kapag natupad mo na yung pangarap mo? o nakatuluyan mo yung taong pinapangrap mo? Para sa akin ang tunay ligaya ay matatagpuan sa puso. Isang simpleng kataga ngunit malawak ang saklaw. Hindi ko na ipapaliwanag pa. Isipin mo nalang mabuti kung ano ang gusto kong ipabatid.
Credits again on @meitanteikudo for the idea. Hindi ko alam kung may sense ba tong sinulat ko yays. Ito ay pinagsama samang titulo ng kanta ng aking paboritong banda na walang iba kundi Eraserheads.
Eey! Ang ganda nito mommy yen! Eraserheads is ♥♥♥