At oo, sya din yung naging first dance ko.

20 39
Avatar for Yen
Written by
2 years ago

Ayoko sya maging first dance! Inis kong sabi kay Ate Jen habang hinahatak ko sya papunta sa CR dahil nag switch na ng genre yung kanta sa gym.


Ika unang semestre sa pangalawang taon namin sa kolehiyo nung may isang lalaking pumasok sa klase namin. Sabi nila irregular daw na estudyante ngunit hindi naman ako interesado dahil sa ganon lang talaga ako. Isang babaeng walang pakialam sa paligid , basta ang nasa isip ko lang ay mag aaral ako at papasa pagkatapos. Hindi ako yung tipong nililingunan lahat ng tao na nagdadaan sa paligid ko. Maraming ilang sakin , totoo yon at hindi ko sila masisisi dahil tama naman sila. Tila mahirap kasi akong pakisamahan.

Nasa isang klase kami noon nung unang napukaw yung atensyon ko hindi dahil sa kung anong magandang bagay kundi dahil naiinis ako. Naiinis ako kasi sa twing tinataas ko yung kamay ko dahil alam ko yung sagot e sya laging yung tinatawag ng guro namin at nasasagot naman nya yon. Noong mga panahong iyon , napahanga nya yung mga kaklase namin ngunit hindi ako. Bakit ako hahanga sa kanya? E yung puntos na para sakin ay nakuha nya at nung ako na yung tinawag saktong wala akong maisagot kasi hindi ko alam yung tanong. Sa isip isip ko non , kung hindi mo Lang sana tinaas yung kamay mo edi sana may puntos nako.

Matalino pala yong bago nating kaklase no? Sambit ng isa kong kaibigan ng tila hangang hanga sa kanya.

Oo , mukha ngang matalino pero alam ko din naman yung mga sagot sa tinatanong ni Sir kanina. Tugon ko sa kaklase ko na may halong paghihinayang dahil puntos ko na sana iyon.

Nagpatuloy ang klase at naging malapit nadin ako sa iba kong kaklase. Isang araw bigla nalang silang nagtatawanan at tinawag nila ko.

Yen halika may sasabihin kami. Sabi ni Shar na parang ligayang ligaya sa sasabihin sakin. Alam mo ba na crush ka ni Kim Chui?

Sinong Kim Chui? Tanong ko sa kanya at takang taka.

Yung bago nating kaklase , yung irregular.

Wag nyo nga akong pagtripan. Saka bakit Kim Chui? Hahahaha

Chinito kasi sya saka yung buhok nya bagsak parang sa shampoo commercial.

Iniwan ko sila don at hindi ko pinansin yung sinabi nila sa akin dahil mukhang pinagtitripan Lang nila ako. At kung totoo man? Hay naku. Ang weirdo ng lalaking yon. Ni hindi nga nagsasalita o kahit ngumiti man Lang. Alam nyo ba kung ano yung itsura nya? Maputi syang lalaki na singkit yung mata. Sa unang tingin mapakakamalan mo syang Koreano dahil sa buhok at mata nya. Meron syang bilugan na katawan pero sakto Lang naman sa tangkad nya.


Nasa internet shop kami parang mag Facebook at habang nag Facebook may natanggap akong friend request. Oo , yung lalaking weirdo. Sya yung nag add sakin. Pinakita ko yun sa mga kaibigan ko at tinukso nila ko...

Hala ka Yen! Inadd kana hahaha.

Nag scroll pako ng notification ko at nagcomment pa sya sa isang status ko. Dahil hindi naman ako snob nireplyan ko sya at tinawag ko pa syang Kim Chui sa comment. Sa pagkakatanda ko nagtanong sya kung paano gawin yung bio.

Nung mga sumunod na araw ay labis na akong naiinis dahil inaasar na ako ng mga kaklase ko sa kanya pero nagpanggap Lang akong na walang pakialam. Hindi ko na Lang sila inintindi. Hanggang sa dumating yung Acquaintance Party ng University namin. Ayoko sanang dumalo doon ngunit may dagdag grades kasi kaya halos lahat ay dumalo kasama nadin yung weirdo naming kaklase.

Pinilit kong maging okay kahit medyo naiilang ako dahil tingin sya ng tingin ng tingin sakin , dagdag pa yung pangangantsaw ng mga kaibigan ko na siguradong isasayaw daw ako non mamaya. Hindi ko mawari yung pakiramdam ko non , yung tipong gusto ko nalang umalis dahil ayaw ko makipagsayaw.

Ayoko sya maging first dance! Inis kong sabi kay Ate Jen habang hinahatak ko sya papunta sa CR dahil nag switch na ng genre yung kanta sa gym.

Sinamahan naman ako ni Ate Jen sa CR at nagpalipas kami ng ilang minuto doon ngunit pagbalik namin ay hindi padin ako nakaligtas. Nakita ko na papalapit sya samin dahil tinutulak sya ng mga kaklase namin. Alam ko na , alam ko na yung mangyayari! Hiningi nya kamay ko at tinanong kung pwede nya akong maisayaw at dahil nakatingin na sa amin lahat , pumayag na ako.

At oo, sya din yung naging first dance ko!

9
$ 5.81
$ 5.56 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @tired_momma
$ 0.05 from @Jane
+ 2
Sponsors of Yen
empty
empty
empty
Avatar for Yen
Written by
2 years ago

Comments

First dance ko.. Cguro yung kapartner ko sa JS prom nung third-year high 🤣 Pro ang saya ko nung sa third year college kc sumayaw kmi ng crush ko 🤣🤣

$ 0.00
2 years ago

Nung hs Hindi ako umatend ng prom 😂

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Madams, ang hard mo kay kimchui! Hahahh.. So ano naging akyo ba? Pabitin naman ang kwento mo eh, hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Naging boyfriend ko yan hahahaha

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

May part 2 ba to? 😂

$ 0.00
2 years ago

Gawan ko ba? Hahaha.

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Go na,hahhaha..aabangan ko yan,,ang bitin eh,hahaha

$ 0.00
2 years ago

Parang ayaw ko gawan e hahahaha.

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Kami yata naging team wattpad, pagka-attendance umuwi na hahahahahahah

$ 0.00
2 years ago

Nung Acquaintance? Haha

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Naalala ko din tuloy ang HS life ko. ayiiieeee...feeling ko may pakipot na nangyari jan :)

$ 0.00
2 years ago

Wala nmn hahaha

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

oww I remembered my JS prom, hindi ako first dance ng crush ko parent niya but I was the last dance haha.. mas romantic kaya ang last dance yieeee

$ 0.00
2 years ago

Ewan ko hahaha. Diko na Tanda last dance ko non 😂

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Kung sino la talaga ayaw mo yun pang lalapit sayo. Hahaha

$ 0.00
2 years ago

Sa una Lang naman kasi naging jowa ko to e haha

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Ay ganun ba sis

$ 0.00
2 years ago

Ayeeh mukhang my slight reality to ahh 😁😁 looking forward sa susunod na kabanata 🥰

$ 0.00
2 years ago

True story Yan 😂

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Sabi ko na nga ba😁😁

$ 0.00
2 years ago