513 Pesos gone in just 5 minutes
PUBLISHED: JUNE 9, 2022 TIME: 7:16PM PST ARTICLE #: 130
Okay, ilang days na din namaan akong nagsususlat ng English kaya for today's vidyow, magtatagalog na lang muna tayo. Well pwede pa rin naman akong mag English dahil medyo nasasanay na din ako. May advantage din naman ito dahil sa career path na pinu-pursue ko ngayon sa college, badly need talaga na fluent ka sa English language dahil kakausapin mo mga managers, employees and so on. Nakakatuwa din na sa pagsusulat ko dito marami akong skills na napa-practice, isa na dun yung pagiging talkative ko which is badly important din. Anyways, punta na tayo sa chika natin for today. Well feeling ko naman medyo nase-sense na ninyo tungkol saan itong article.
Okay, first clue: Nawala lang to nung June 6.6 sale.
Orayyt! Now alam nyo na? Nabudol na naman ako ni Shopee. Nako, medyo nakaka-conscious na yung mga ganitong klaseng gastos dahil kundi 5.5, 6.6, or sa mga sussunod pa, nandiyan pa din yung Payday sale na sobrang nakaka-budol talaga. Minsan gusto ko na nga i-uninstall dahil wagas na niya ko natutukso kaso may mga bagay kasi talaga na nakaka-trigger ng pagiging marupok ko gaya nung Piso Load at Cashback coins sa Meralco load. Sayang din yorn lalo na kapag ginamit ko na no mga sis!
So ayun nga, anong oras pa ang before midnight sale eh naka add to cart na yung mga bibilhin ko. First thing na ginawa ko is nilinis ko lang yung cart, tinaggal yung mga totally hindi ko na dapat bilhin. (Well may times kasi na bored lang ako kaya ina-add to cart ko) Then ayun, inayos ko na ung mga bibilhin. I just told myself, 'Haidee, magpigil kaaaa'. So, ayun lahat ng needs muna yung inuna kong i-check out pagpatak ng alas dose.
PARTY PLATES AND SPOONS
So dahil nga malapit na yung 8th Birthday ng unico hijo namin eh nagplan ako ng kaunting salo-salo. And since tamad ako maghugas ng mga pinagkainan kapag ganyan eh bumili na lang ako ng mga paper plates. Mura naman at kasya na to sa aming lahat since kaunti lang naman kaming mga tao dito sa bahay. If you also want to buy some, ayan lang sa baba yung pangalan ng store. Nga pala, dumating na din to kanina. Nag-antay lang ako ng 1 day delivered na agad.
Vitamins for my kiddo
Last time bumili din ako ng Scotts na buy 1 take 1 dito sa Shopee and super legit naman dahil naka Shopee Mall at galing talaga sa manufacturer ng mga gamot. Noong nakita ko na meron din silang Ceelin, ayan binili ko na din tho di naman masyado nagkakalayo yung price. Pero dahil sa coins, medyo naka bawas pa din si Budol Mom.
Boxer shorts and undies
First time ko siyang bibilhan ng boxer shorts and since mura lang naman, bumili na ako at isa to sa igi-gift namin sakanya. Nakisabay na din ang tatlong pirasong undies ko kasi mura lang at maganda raw ang quality.
Lippies from Pinkflash
Isa sa mga nabudol sakin. Kako, ang tagala na nito sa cart ko. Paano ba naman, puro watsons na yung mga lippies ko dito. Kaso, natry ko na ung lipsticks nila kaya binili ko na lang. Magaganda din ang shade. Ayoko din kasi ng pula.
Foamwash Bottle
Dapat bibilhin ko na to noong nakaraan kaso nawalan ako ng free shipping kaya ngayon lang ulit nagkaroon kaya di na ako nagpatumpik tumpik pa. Sayang din. So nung dumating siya, agad kong ginamit. Okay naman pero hinay hinay lang sa pag kuskos sa feslak nyo if balaak nyo gumamit nito. Po-post ko na lang sa noise.cash ko ung review about this product.
Anyways ayun lang, nakaraos na naman ako sa panibagong nonsense piece. Charrrr. Bawi tayo next life!
Thank you for stopping by my article for today! If you still haven't read my previous articles, here are these:
Interested ako sa pinkflash sissy..maisearch nga..