read.cash Log in
@Tadiak

DAY 3 So yun na nga pangatlong araw na mula nun nag positibo.. at hindi ko pala nabanggit nung una na meron naman ako panlasa at pang amoy.. sa ngayon ang nararanasan ko ay paninikip ng dibdib na parang meron nagtutulak mula sa harap ng dibdib mo at meron naman nagtutulak mula sa likuran mo.. ganun yun feeling. at ang hindi pa mawawala wala e itong sipon.. na isa dahilan kung bakit hirap huminga.. yun bang matutulog ka na nakatagilid tapos maya maya e magbabara na sa kabila butas ng ilong mo kaya ang need mo gawin e kumabila naman ng tagilid at maya maya makakaramdam ka ng ginhawa kasi nawala ang barado ilong pero maya maya din e magbabara uli yun kabila naman.. nagegets nyo ba yun ibig ko sabihin hehehe.. kanina nagising ako ako mga 8am na medyo ramdam yun paninikip ng dibdib.. naisipan ko mag suob.. kaya ang ginawa ko na lang e pumunta ako sa isang massage place malapit dito na meron sila sauna room at steam room.. medyo napamahal lang kung ang ginawa ko e yun suob na nagpakulo ng tubig na may asin.. e gusto ko kasi buong katawan ko e pagpawisan ba.. kaya ayun.. alam ko na iba hindi agree dahil sa lumabas pa ako at pwede makahawa sa iba.. pero siempre meron naman ako face mask.. kaya nga sauna lang ang pinunta ko dito at hindi massage.. ano nga ba maganda naidudulot ng sauna o steam sa atin https://bit.ly/3tJqeKX basahin nyo na lang dine.. at gaano katotoo na nakakatulong ang suob para gumaling sa covid-19.. https://bit.ly/3pTQq4C ako naniniwala ako.. basta.. kaya ko nga ginawa e kasi naniniwala ako na gagaling ako hehehe at bumili na rin pala ako ng 2 test kit para malaman kung negative naba ako.. hindi ko pa uli sinusubukan dahil sa meron pa ako sipon.. at ramdam ko na mag positive uli ako.. medyo mahal din kasi isang test kit na nabili ko.. 3USD kaya kako baka masayang lang.. pag wala na ako sipon saka ko uli susubukan.. O sya yun lang mga ka-noise mate.. stay safe everyone..

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.