OK BA BINTANA MO so yun na nga noh. kakatapos lang namin magtest ng mga bintana. ang mga larawan makikita nyo ay kung saan ni checheck mabuti ng PM o Project Manager ang mga bintana kung ito ba ay pasado sa kanya. kung ito ba ay wala papasok na tubig kung sakali dumating ang malalakas na hangin na may kasamang ulan o ang tinatawag na bagyo. hehehe ang gara ko dito. Ang mga ginamit na pang test lang ay yun high pressure water gun. dapat talaga dito e mag sesetup muna sa labas ng mga tubo para pang test ng sa gayon e mga 2 hours na tuloy tuloy ang daloy ng tubig sana sa mga bintana at hindi lang yun maglalagay din siempre ng malaking electric fan para magsilbing siya malakas na hangin.. subalit matrabaho daw kaya ganito na lang ang ginawa.. (matrabaho naman talaga yun e) Mainam na itest ang mga bintana kasi malaking perwisyo ito sa gumawa dahil kapag ito ay hindi na test at dumating nga ang panahon ng tag ulan at ang mga halos ng bintana ay nagkaroon ng leak o pinapasok ng tubig ay. Perwisyo ito sa may ari ng building at perwisyo din sa gumawa dahil need talaga nila ayusin ito at maglalagay uli sila ng scaffolding o di kaya e mag ala SPIDERMAN yun tao nila para ayusin ang bintana hehehe biro lang dito. at hindi naman papayagan ang tao na sa ganun style aayusin ang bintana. safety first ika nga. kaya gagamit sila tiyak ng lift hanging scaffolding para marating nila yun bintana na aayusin at sa huli ang mapapagalitan e si PM o Project Manager, bakit hindi nagkaroon ng window test hehehe tapos magagalit si PM dun sa gumawa ng mga bintana.. bakit hindi maayos ang pagkakagawa.. so yun lang ano.. sana e may natutunan kau sa pinagsasabi ko kasi parang napapansin ko e nagiging seryoso na mga post ko ehehe..
No comments yet