read.cash Log in
@Tadiak

ANG BOBO! at ANG BABOY! Alam nyo ba? na ang lugaw ay essential! narinig nyo na rin siguro yan ano. at nag viral pa nga ng kasagsagan ng lockdown dyan sa Pinas.. pero hindi yan ang kwento ko ngayon ehehe, pero tungkol din ito sa lugaw na madalas ko din kainin dito sa Cambodia, eto yun Porridge with minced Pork and Century Egg at yun deep fried pork ribs garlic nila. sarap nyan eh..palibhasa gawa ito ng Chinese e. lam mo naman pagdating sa food mga yan e malinamnam talaga ang lasa, kasi nagamit sila ng MSG o yun mas kilala na brand yun AJI NO MOTO na aking ni re-search ay ito ay nagmula sa Japan. e sa name pa lang nya diba o baka kasi di nyo lam yun e hehe. o ako na naman ang hindi pa nakakaalam nun anoh. Pero Alam nyo ba na ang tawag o ang maririnig mo sa mga Khmer(Cambodian) kapag sinabing lugaw ito ay "BOBO" sa kanila.. naalala ko dito si Mr. Larry Gadon ehehe.. pero sa google ang spelling nya ay BABAR kung gagamit ka ng google translate at i click mo yun speaker icon para mapakinggan mo kung ano daw ba sabi eh BOBO talaga dinig ko hehe. So bakit ko ito sinasabi ngayon sa inyo noh. at hindi ito about sa pulitika na may nagkonek na dati sa LUGAW ano.. yun PINKachu pa nga at HADOKEN O KAMEHAME WAVE NI GOKU.. hindi dahil dun noh Eh baka sakali mapunta kayo dito sa Cambodia at maisipan nyo kumain ng Lugaw e alam nyo na kung ano ang dapat nyo sabihin "bakit hindi ba sila marunong mag english?" may marurunong din naman e malay nyo nga diba kung natapat kau sa hindi gaano marunong.. kaya ayun.. "ngek.. kakain lang ng lugaw dadayo pa ng ibang bansa ahahaha" nga naman. baka lang naman mapadaan at hindi nyo alam mga ganun salita noh. (kausap ang sarili ahaha) So yun lang ano. ugaliin kumain ng Lugaw para ikay?? hehe at Magandang Araw ng Martes sa lahat XD

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.