CURRY CURRY so yun na nga noh. hehehe kanina nina lang e may kausap ako dito na isa sa noisemate natin na si @Lirabell about sa post nya nun isang araw na chicken curry at nagcomment ako na hindi ko kako bet ang lasa nun curry hehe tapos nga e itong naman si Taguro ay nagpasama kanina pumunta sa isang site at dun na kami inabutan ng lunch time. kaya naghanap kami ng makakainan na malapit mismo sa site. at ang sabi nya e meron daw siya alam na makakain na tiyak ko magugustuhan ko daw. at ayun na nga dito ako dinala sa Cafe Malaya (Malaysian Restaurant) nagtataka ako, bakit nya sinabi na magugustuhan ko dun hehe una si Taguro ay Singaporean at ako naman e siempre Pinoy. 5USD ang kain dito at eat all you can.. kaso halos yata ng pagkain ay puro may curry.. haaisst kaya no choice ako at hindi na lang ako nagsabi kay Taguro na hindi ko gusto ang pagkain. kaya kumuha lang ako ng konti talaga at yun pagkain na parang alam ko lang at makikita nyo ito sa picture sa ibaba. siya naman kase magbabayad ng kakainin ko e hehehe Pero nakadalawang balik ako hehe binalikan ko yun beef curry nila.. ang sarap pala nun e. 1st time ko lang kasi makakain nun.. para din siya caldereta na may hawig hawig.. pero pinakapanalo e yun salted egg hehe nakarami ako nun eh. Kaya ang lesson dito e wag na mag inarte sa pagkain lalo na't libre lang naman.. nyahahaha 😂
1 comment
Pag ganyan nasa harap bawal umarte lalabo ang mata kaya gora na aarte pa ba hahaha