MGA GANAP hehehe nabusy ako masyado nitong mga nagdaang araw kaya ngayon lang uli nakapag update dito.. so yun nga kukwento ko lang mga naganap nun Pasko ko dito. Pero Dec 24 pa lang kasi ay nalaban na ako ng inum noh hehe. pero hindi ganun kalalakas ang kalaban. kaya nun Dec 25 ay maaga ako nagising para puntahan yun parang simbahan nila dito. Need mo sumakay ng barge para marating ang lugar na ito kaya ayun sumakay ako kasama ang motor ko. ang bayad dito ay 500 riels per head. o 5 pesos sa pera natin. kaya ang binayaran ko ay 1,000 riels kasama ang motor. Ang ilog na tinawid namin ay ang tinatawag nila Mekong River. ewan bakit nila tinawag na ganyan yan. mga 5 mins siguro yun naging biyahe ng barge hanggang makarating sa kabila dulo. tapos yun pumunta na ako dun sa simbahan na yun.. ang napansin ko lang e parang mga vietnam community na mga nasa palagid ng simbahan. kasi iba mga salita nila compare sa madalas ko madinig. Tapos yun nga siempre kaya ako nagpunta dito ay para pasalamatan si God sa lahat ng mga blessing na binibigay nya sa akin at sa palagi nya ako ni guide o binabantayan.. at siempre hingi na rin ng kapatawaran sa mga nagagawa ko kasalanan ^^.. Pero alam nyo ba na meron kwento ang 2 statue na nakalagay dito, kung saan sila nakita o nang galing. eh ang sabe dito daw sa Mekong river sila nakuha. tapos yun na. ^^ sunod na lang uli yun kinagabihan na ehehe XD
No comments yet