HULI KA BALBON Nakakaawa ang sinapit ng mag asawa o mag jowa pa lang yata ito sa kamay ng mga taga dito.. Inabutan ko na nakakulong sila dalawa, nagawa ko pa nga kuhanan sila ng litrato sa sitwasyon nila.. at makikita nyo na galit na galit yun isa at pumunta na ako sa site office. para mag work.. at makalipas ng tatlumpung minuto at naisipan ko kamustahin ang lagay nila dalawa sa kulungan.. at hindi ko inaasahan na ganito na ang sumunod na nangyari sa kanila.. sila dalawa ay dinarang sa apoy.. at kitang kita mga natamo nila sugat. at siguro hindi kinaya kaya ang dalawa ay patay na.. haaaisstt ano ba nangyayari sa mundo.. kaya bumalik na uli ako sa site office.. pero sa pagkakataon ito ay lagi na sa isipan ko ang sinapit ng dalawa magjowa o mag asawa na yata na yun.. kaya mga ilang minuto uli ang nakalipas ay binalikan ko uli sila.. wala talaga awa ang mga gumawa nito sa kanila.. haaaisstt.. hindi ko alam bakit may mga tao talaga na ganun.. hindi ko na yata kaya ituloy ang kwento.. so yun lang muna.. matagal na pala uli ako wala update dito.. baka mamaya e i post ko yun mga litrato nila.. nagdadalawang isip din kasi ako na isama yun litrato eh.. lam nyo na may maseselang bahagi din kasi ako nakuhanan e..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet