Hello beautiful and handsome readers and writers here! Whats up? Nakakalungkot lang talaga na makita ang nangyayari sa ibang bahagi ng Pilipinas. Nakakapanlumo makita ang mga kabahayang nakalubog na sa baha, mga pamilyang nasa evacuation centers, mga batang umiiyak sa takot at ang ibang mga nawalan ng kanilang mahal sa buhay. Masakit man isipin ang lahat ng ito ngunit wala tayong magagawa kundi tanggapin ang mga nangyayari. Hindi tayo bibigyan ng ating Panginoon ng mga pagsubok na di natin kakayanin. Sinusubok lang tayo kung hanggang saan ang ating pananampalataya, kung sa ganitong kagipitan ba ay naaalala natin Siya? O di kaya ay sinisisi ba natin Siya? Laging tandaan na sa bawat lungkot na ating nadarama ay may kapalit na saya sa hinaharap kaya laging maging positibo sa buhay at wag mawawalan ng pag asa, ipagpatuloy ang buhay at pananalig sa Diyos dahil balang araw makakamtan natin ang bawat hinihiling natin Insha Allah.
Ang aking halamanan:
Noong una di talaga ako mahilig magtanim, di ako yong tipong tinatawag na PLANTITA dahil tamad ako magdilig haha, pero diko namalayan isang araw habang ngwawalking/jogging kami ay umabot na pala kami sa may Aani's Market sa Fti Taguig. Ang tindahang ito ay nvbubukas langvtuwing sabado at linngo, marami angbtinitinda dito, mga ibang ibang klase ng halaman at bulaklak, mga isda at gulay, mga prutas at kakanin, meron ding mga damit ang maliliut na kainan. Makikita monhalos lahat ng hahanapin mong pang araw araw na gamit doon. Maliit lang siya na area pero marami kang pagpipilian o mabibili.
Habang linilibot ko abg market na yon, biglang napunta ang mata ko sa mga maliliit na rosas na tanim, naakit ako sa ganda nila kaya ayaw ko manv bumili ngunit diko mapigilang maakit ng magagandang bulaklak dahil na din sa mga mura nilanv presyo from 50 php pataas. Doon na nagsimulang makahiligan kong magtanim at dahil limitado anv lugar namin kaya ngpagawa ako ng sabitan ng aking mga halaman at pinagtiyagaang alagaan sa gitna ng mainit na panahon sa Taguig. Diko namamalayan na humigit kumulang sa limanv libo na pala anv nabibili kong mga pananim π€ gumigisingbako ng maaga upang diligan araw araw ang aking mga tanim at tinatanggal ko ang mga tuyong dahon. Mula ng makita ng mga kapitbahay ko na namumulaklak at ang vandang tingnan ng hanging garden ko ay naingganyo din silang magtanim gaya ko walang dumadaan sa harap ng bahay namin na di napapalingon at humanga sa mga tanim ko. Ibat ibang bulaklak anv aking collection maging violet sili ay meron din ako.
Ibat iba ang mga collection kung bulaklak kaya bawat napapadaan sa tapat namin ay napapa WOW talaga na siyang ng encourage sa akin upang alagaan pang mabuti ang mga halaman ko. Lagi nilang sinasabi na sa area namin ako pa lang ang may ganitong mga halaman. Malulusog sila ngunip payat ang may ari π lol!
Sobrang saya ko tuwing gumigising ako sa madaling araw, pagkatapos ko magdasal ng Fajr o Dawn prayer ay bitbit ko na ang aking pandilig, kinakantahannko sila minsan at kinakausap pa hahaha natatawa ako sa sarili ko para akong baliw sa ginagawa ko. Kinakausap ko sila na laging maging malusog at mamulaklak ng marami at wag malanta agad sahil diko afford abf fertiliser. Minsan kapag nakikita ako at naririnig ng mga kapitbahay ko na kinakausap nila ako ay binibiro nila ako at baka daw biglang sumagot ang mga bulaklak ko haha silly me!
Ngunit dumating ang araw na flight ko na papuntang Kuwait. Sobrang lungkot ko dahil alam kong maiiwan ko ang mga tanim ko at walang mag aalaga kagaya ng mga ginagawa ko . Ibinilin ko sa mga kapatid ko at pamangkin na alagaan nilang mabuti dahil sayang naman ang effort ko kung bigla na lang silang mamamatay. Lagi akong nagtatanong sabkanila about sa mga tanim ko at ang sagot nila ay ok naman, hanggang dumating ang araw na sobrang tag init sa manila at nawawalan pa ng tubig kaya di nila madalas madiligan dahil nagtitipid ang lahat sa tubig dahil walang tubig sa mga gripo st sadyang bmaasa silang pumila sa malayobg lugarbpara may tubig lang. Natagalan din umulan. Makalipas ang isang taon ay ngmensahe ako sa kapitbahay namin upang padalban ako ng larawan ng aking mga tanim kasi abg pamangkin ko di niya sinasabi sakin ang totoo at baka natatakot na pagalitan ko sila.
Nakiusap ako na kapitbahay namin na kung maaari ay picturan niya ang aking hanging garden dahil miss na miss ko ng makita, ng ipadala niya sakin ang larawan ay bigla akong nanlumo at biglang tumulo ang mga luba ko sa nakita ko. Masakit din pala malaman wala na ang mga inaalagaan mo maging ito man ay mga halaman lang. Sobra akong nalungkot at nagalit ako sa aking kapatid at mga pamangkin ngunit naunawaan ko naman sila dahil maging noon pa man naranasan ko din yong panahong wala talagang tubig at limitado lang talaga. Noon kapag ganon na ang situation, yong budget ko sa paliligo ay idinidilig ko nalang sa mga halaman ko, dina ako naliligo basta madiligan ko lang sila. Sobrang sakit talaga na MAS MASAKIT PA TALAGA SA BREAK UP!
Matagal ako nakamove on at nagtampo sa mga kapatid at pamangkin ko pero ngayon tanggap ko na ang lahat. Magsisimula nalang akong muli ngunit diko alam kung magagawa ko pa kayang muli π
Mensahe:
Masakit mawalan maging ito man ay halaman din lalo na kapag minahal at inalagaan mo sila. Sadyang magkakaiba ang tao ngbpag aalaga. Marahil malusog sila sa mga kamaybko ngunit nagtampo ng ako ay lumayo. Nakakapanghinayang pero ganon talaga ang buhay.
Maraming maraming salamat sa mga bgbasa ng aking artikulo. Nawa ay nagustuhan niyo at napangiti kayo ng aking mga bulaklak. Mga alaala na lang ang meron ako at kailanman diko na sila makikitabpang muli. Mapapalitan man sila pero iba parin yong sayang naramdaman ko sa kanila. Maraming salamat sa mga panahong lagi nila akong napapangiti kahit sobrangbpagod na ako.
Pasasalamat:
Thank you so much to all the readers and commentors! To all of my sponsors and upvoters mostly @TheRandomRewarder thank you a lot. You guys always motivating me and let me feel I can do it. Hope to see you again in my next article, God bless us all Insha Allah
Plagiarism check at 1text.com
October 12, 2021 Tuesday
Kuwait time: 2:15 pm
Article #33
All photos are originally mine
https://1text.com/plagiarismchecker/unauthorized
Sending of love,
Sweetiepie β€
...and you will also help the author collect more tips.
Ang gaganda po ng mga halaman niyo ,mahilig din ako sa mga halaman na namumulaklak na mga bulaklak kaso pagnagtanim ako di nabubuhay ng matagal.