Emotional ka ba?
Ilang days na ba akong hindi nakapagsulat?heheh...May times talaga na tinatamad ako mag-isip.hahaha..Minsan naman madami akong naiisip na isulat yon naman yong time na wala akong signal....
Kahapon dahil nawalan ng data yong globe..ewan ko kung sa inyo din...eh nakakabagot naman talagang walang internet kaya ang ginawa ko nalang ay nag gardening...napansin ko kasi na medyo madamo na din at napabayaan ko na...Sayang nga lang st hindi ako nakapag picture kasi naman nasa kalagitnaan ako ng aking ginagawa ng biglang bumuhos yong napakalakas na ulan...So alam niyo na po siguro yong mangyayari....Basang-basa ako eh tinuloy ko nalang yong ginagawa ko kahit umuulan..kaya hindi talaga ako makakahawak ng phone..hahahah..Nangyari na din ba sa inyo mga ka readers yong ganon..Yong para kang bata na naliligo sa ulan.hahaha..
*Hello to my generous sponsors thank you so all....*
Pakatapos ko nga mag gardening eh naligo ako kasi baka magkasakit ako....kailangan daw alagaan yong kalusugan...
Naalala ko pa habang nagbubunot ako ng damo eh ang lakas ng radyo ko.....minsan maganda din yong nakikinig ng radyo kasi minsan mas nadadagdagan yong ating kaalaman.....tulad kahapon.......Nakikinig ako about sa wealthness........Ang sabi ng doctor......ang pinaka sanhi daw ng ating karamdaman ay ang stress.....lalo na kapag walang pera..hahah..mukhang natamaan ako don.hahaha...nakaka stress naman talaga kapag walang pera...kahit kayo din po siguro mga ka readers...hehehe.....Pero meron sinabi ang doctor na ang pinakamalalang stress ay yong pagiging emosyonal kasi buong katawan daw yong apektado.......At kapag emosyonal daw kayo ay pwede daw yan mauwi sa stroke.....Si mahal agad sumagi sa isip ko..sensitive kasi yon✌️✌️ at minsan talaga emosyonal siya lalo na kapag namimiss ako.hehehe.....I love you mahal....by the way balik tayo sa topic.hahahah....Ayon nga.......Kaya mga ka readers ang sabi ng doctor iwasan daw ang pagiging emotional......Ang tanong pano naman yon maiiwasan kung talaga namang nadadala ka na ng emosyon........
Isa daw sa mga nakakatulong para mailabas ang ating emosyon lalo na kung nasasaktan tayo.....kumuha daw tayo ng papel at ballpen tapos lahat daw ng nararamdaman natin ay isulat natin don lalo na kung wala tayong makausap o kung meron nga kaso nag aalangan naman.....Mas ok na daw yong sa papel atleast hindi daw tayo machismis at kapag naisulat na daw natin to sa papel tapos medyo mabigat pa daw ang ating nararamdaman..basahin daw natin to ng paulit ulit hanggang sa gumaan ang nararamdaman natin.......Naisip ko may point din si doctor......Sa aking pakikinig ay nakalimutan ko na nga na matatapos ko na ang aking ginagawa at super basa ko na pala ng ulan.hahah
**Reminders**
Kaya po sa mga ka readers ko dyan na emosyonal eh para sa inyo ang article po na ito.heheh......Sana malagpasan niyo ang mga bugso ng damdamin para iwas sakit charot...heheh

Mag-ingat sa kulog at kidlat
Kahapon para akong tulala sa nangyari....Akala ko katapusan ko na pero siguro may plano pa sa akin si papa god kung bakit hindi pa din ako napuruhan...
Habang kausap ko ang mahal ko sa phone ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan pero hindi ko marinig na may kulog at kidlat....Kaya lang parang humina yong signal kaya tinapos ko na muna yong conversation namin dahil hindi na kami magkaintindihan....
Maya maya dahil sa gawa lang sa anahaw ang bubungan namin siguro dahil sa matagal na din ito ay biglang tumulo doon mismo sa malapit sa pinaglalagyan ko ng mga unan....Dali dali akong kumuha ng plastic pansamantala lang naman na ilalagay ko sa tumutulo para tumigil ito...Meron talagang alambre sa loob ng kwarto namin lagayan ko kasi ng sinampay kapag tulad ngayon na tag ulan......At don din yong may tumuluto....Nasagian ko yong alambre...Actually sagi lang talaga at hindi ko hinawakan..Yon din yong pagkulog at kidlat na napakalas at parang napaso yong buo kong katawan....Sumakit yong aking dibdib dahil parang may dumaloy na napakalas na kuryente sa aking katawan.....After noon nawalan kami ng kuryente..Medyo natakot ako sa nangyari..mabuti nalang talaga at hindi ko hinawakan yong alambre dahil kung hindi eh baka hindi lang yon yong nangyari sa akin.....Hindi biro ang kulog at kidlat dahil marami na din akong nabalitaan na namatay dahil dito......
Sobrang thank you pa din ako dahil ligtas ako.....Narealize ko na hindi talaga natin hawak ang ating buhay kahit napakalakas natin,kung yon na yong plano ni papa god para sa atin eh wala tayong magagawa.....Pero hindi naman natin maiwasan talaga ang aksidente kahit sobrang ingat na ang ginagawa natin.....
**By the way thank you so much sa aking mababait na sponsors,,old and new at sa mga nag renew....maraming salamat po ulit...**
Reminders:
Huwag tayo hahawak ng mga bagay na pwedeng maging dahilan para tayo ay mapahamak kapag meron na kulog at kidlat.....Kahit itak,kahit nasa loob din ng bahay ay iwasan natin humawak ng alambre,...ika nga sabi nila...ligtas daw ang may alam😅😅😅

Another blessings wow.....thank you so much sissy sweetiepie for renewing your sponsorship...godbless po..
Ang ganda naman ng bumungad sa akin....thank you so much sis @bloghound for renewing your sponsorship😊😊
Sino ba talaga ako
Naniniwala ba kayo na hindi lahat ng masayahin at palabiro ay masaya talaga?Minsan kailangan din nilang maging masaya,at tumawa para makalimutan nila yong mga hinaharap na problema....
Sino ba dito yong tipo ng tao na kapag kaharap ang mga kaibigan ay siya ang bida pagdating sa pagpapatawa pero sa likod pala ng ngiti na yon ay doble ang kanyang kalungkutan.....
Siguro masasabi kong isa ako don.....Ewan ko siguro yon na yong nakaugalian ko....Ang mali lang kasi kapag nag seryuso na ako ay hindi na daw bagay sa akin kasi nasanay silang palabiro ako at hindi bagay sa akin ang mag drama...hehehe....
Minsan naman pagdating sa mga problema ng kaibigan ko eh feeling nila ang galing ko mag advice,bilang ate....pero hindi nila alam na kahit sarili kong problema ay hirap din ako kung paano ayusin.....Kilala kasi nila ako na matapang at hindi daw sa akin bagay yong mahina......ganun talaga kasalanan ko naman kasi nasanay sila na ganon ang tingin nila sa akin.......
Hanggang sa may nakilala akong isang tao na na sa una yon din ang pagkakakilala niya sa akin....Pero ng maging super close kami ay doon niya nalaman na sa kabila ng aking pagiging palabiro ay may nakakubli din palang kalungkutan at sobra niya akong hinahangaan dahil sa kabila ng lahat ay nagawa ko pang magpatawa........Alam niyo na siguro kung sino yon.hahah
Siguro yong kasayahan na yon ay doon ako kumukuha ng lakas para harapin ko ang mga pagsubok sa aking buhay.......
***Thank you so much sa aking mga supportive at mababait na sponsors.....Salamat sa tiwala po...***
**Final thoughts**
`Masaya ako kapag nakakapag pasaya ako ng ibang tao....ang gaan sa pakiramdam kaya siguro ganon ako.heheh...`

DITO na nga ba?
Sino po sa inyo ang gumagamit ng DITO sim?Actually loyal ako sa globe kasi yon lang ang medyo malakas dito sa lugar namin pagdating sa signal...Kaya lang dahil nga sa bago ang DITO sim ay nag try din kami ng mahal ko para bumili..Actually libre niya ako...hahaha...55pesos yong isa so dalawa yong binili namin para tig-isa kami.....Pagdating ko sa bahay namin ng mahal ko ay excited kami pareho.....Ang nakakatawa kasi hindi man lang namin inalam kong paano ba gamitin yong sim na ito...Akala namin tulad lang ng globe or smart na kapag ilinagay mo na sa phone eh automatic activate na ito.........
Actually maganda talaga itong DITO sim kasi bukod sa sim card eh may libre pang sim ejector pin.....At hindi lang yan may free 3gb for data na din siya plus 100mins unli call all net plus unli text all net na din at 15days ito bago ma expired......So naisip namin ng mahal ko mas tipid nga naman yong DITO sim......At sabi nga ng iba malakas daw talaga yong signal.....
So ang nangyari dahil sa excited ang mahal ko eh siya ang unang nag try sa kanyang phone...tapos nakakatawa kasi bakit daw hindi gumagana.....So nag youtube ako para alamin kong paano gamitin yong dito sim......Kaya naman pala kasi hindi pala lahat ng mobile eh pwede sa DITO sim....and yong phone ng mahal ko ay hindi kasama don...Nalungkot tuloy ang mahal ko kasi excited pa naman kami pareho.......So ayon nga sa youtube kasama yong phone ko sa mga nabanggit ang probz nga lang kasi ang hina ng signal......Kaya ang labas para lang naman kaming na scam ng mahal ko.hahahahah.....
Actually malakas naman talaga ang signal ng DITO sim siguro depende sa location niyo.....kasi may isa din akong friend na talagang malakas talaga ang signal niya...At super tipid pa....Kasi daw yong load na 199 meron na itong 25gb for data plus call and txt tapos 30days bago ma expired....Sayang nga lang at mahina ang signal ng DITO sa amin kaya sa globe nalang ulit kami.hehehe...
Sa mga gusto mag try ng DITO mas maganda kung mag search muna kayo sa youtube kung paano gamitin para hindi masayang ang sim niyo....
Kailangan din po niyo mag download ng DITO app para ma activate ang inyong sim..
Thank you so much sa aking mga sponsors....
`Sa wakas nakapag sulat na din...sana ay nagustuhan niyo ang ginawa kong article ngayon...godbless po...`
Pasensiya na mga ka readers mukang mas nag enjoy akong basahin muna yong mga articles niyo kisa gumawa ng articles.hahahaa..Ewan ko wala kasi talagang pumapasok sa isip ko...Na occupied na kasi lahat ni mahal.hahahahh...By the way baka mamaya makagawa na...
Wow thank you so much adrielle1214 for renewing your sponsorship to me....Salamat po ulit sa tiwala....And happy din ako dahil nakaabot na din ako ng 500views...hehe
Night market
First time ko mag night market kagabi at nawili ako sa pamimili ng mga gulay...super mura kasi compare kung bibili ka sa tindahan.....Tipid na at siguradong fresh pa yong gulay...Karamihan kasi sa mga nagtitinda sa kanila ay talagang galing sa kanilang mga pananim......
No choice kasi ako nong utusan ako ng mama ko na mamalengke daw sa gabi.hahahah..Eh laging araw akong namamalengke.....hehehe..
Tapos dapat pala kahit nakalatag na sila ng mga paninda bawal pa daw mag benta hanggang hindi pa pumapatak yong alas syete...heheh...Sa isip ko may ganon pala...papagalitan daw kasi sila ng mga nagbabantay at pwedeng paalisin sa pwesto kapag nahuli......
Nang dumating nga yong 7pm ay may narinig ako mula sa malayo na bilihan na daw....After non ay paunahan kami sa pamimili dahil ang daling maubos....
Bumili ako ng sayote dahil bukod sa napakamura lang ay favorite ko itong lutuin..Minsan nilalagay din ng mama ko sa tenola.....kaya bumili ako ng isang kilo lang.heheh
Latundan ang tawag sa amin ng saging na ito....Isang kilo din ang binili....Napakamura lang at nakakatawa kasi may free taste pa.hahahah
Kalahating kilo lang ang binili ko nito.....Nasa tatlong piraso na din yong kalahati at medyo malaki na din..Ang sarap kasi nitong panimla lalo na kung napaka asim....
***By the way thank you so much sa aking mga sponsors na mababait...***
Pag-uwi ko ng bahay ang sakit ng braso ko dahil medyo malayo din yong nilakad ko simula sa binabaan ng sasakyan....
**Kumusta po kayo mga ka readers..pasensya na kung now lang ulit nakapagsulat.....heheh**
Ang dami ko na namang absent..heheh.pasensya na mga ka readers..bukod kasi sa ang hina ng signal nagpalamig din.hahahah..Kumusta po kayo...siguro bukas nalang ako makakagawa ng articles..magbabasa nalang muna ako..hehehe
Huwag padadala sa ating emosyon
Ilang days din akong hindi nagpaparamdam dito sa read.cash...Ganito kasi ang ugali ko kapag medyo may dumarating na pagsubok...Gusto lang maging busy ang katawan ko sa mga trabaho at ayaw kong paganahin ang utak ko..heheheh
Ako yong tipo ng tao na kapag may problema ay hindi ako nag fofocus muna don...Parang sa teleserye dapat may commercial....Kasi hindi tayo makakapag-isip ng tama kapag dinibdib natin yon.....Bukod sa hindi ito nakakatulong sa ating kalusugan..Pwede tayong makagawa ng isang bagay na maarin nating pagsisihan or magiging mali dahil sa ating emosyon.....
**Emosyon**
Yes dahil sa emosyon minsan yong mga problema o pagsubok na dumarating sa atin minsan lalo lang lumalala kapag nagdecide tayo na nangingibabaw yong ating emosyon....**Happy,sad,galit,nasasaktan...**Yan yong mga emosyon na hindi tayo nakakapag isip ng tama.......tama ba ako mga ka readers?hehehe.....Dapat kailangan munang humupa yong ating emosyon bago tayo mag desisyon para hindi tayo magkamali..
Thank you always sa aking mga sponsors na laging naka support sa akin...
**Love**
Kadalasan kapag nagmamahal ka....don mo mararamdaman ang halo-halong emosyon,may masaya,malungkot,at minsan nasasaktan.....And part na yan ng isang relasyon....Kung wala kang nararamdaman na ganyan ibig sabihin abnormal ka.hahaha....Actually gusto ko lang sabihin sa mahal ko na anuman ang pagsubok na haharapin namin.....Ang importante mahal na mahal ko siya....Tsaka pagsubok lang yan.....Sabi nga daw huwag mong problemahin yong problema...Hayaan mong mamroblema yong problema sayo....mga pilosopong kasabihan pero minsan nakakatulong din para maging positive tayo at huwag na mag isip ng kung ano-ano...
***Ewan ko kung may nakuha kayong aral sa article kong ito mga ka readers.hahahaha...Basta dapat happy lang sa buhay dahil ang sarap daw mabuhay.....***

Beautiful in my eyes
Kadalasan malalaman mo daw kung nagsisinungaling or nagsasabi ng totoo ang isang tao ay sa mata?Naniniwala po ba kayo dyan mga ka readers?
Ako kasi yong tao na kapag nakikipag kwentuhan or kapag may kinakausap ay gusto ko naka titig ako sa mata ng kausap ko...Parang sa pamamagitan ng pag titig ko sa kanya ay doon ko nalalaman kong nagyayabang lang ba siya,,or kung gumagawa lang ng kwento o sa madaling sabi...sinungaling siya...hehehe...
Ito yong kinaiinisan sa akin minsan ng mahal ko kasi hinding-hindi daw siya nakakapag sinungaling sa akin..For example kapag masama ang pakiramdam niya...Ang tanong ko sa kanya ay ...ano ba ang masakit sayo?..tapos sasagutin niya ako na ok naman siya......Pero ramdam ko na hindi at kitang kita ko sa mata niya na nagsisinungaling siya...Minsan naman kapag may hindi siya sinasabi sa akin..Ramdam ko din kong nagsasabi siya ng totoo...Kasi gusto ko tumitig sa kanya.......Pero ito yong hindi makalimutan ng mahal ko.hahahahaha...Yong mga titig ko daw sa kanya na mas lalong nakaka inlove.hahaha...Anong magagawa ko eh yon talaga yong mata ko.....Alam niyo po ba yong pakiramdama na kahit nag titigan palang kayo at walang sinasabi pero yong mga mata niyo parang nag uusap na.......Naku inlove nga ako pasensya na mga ka readers...at feeling ko valentines na.hahahaha
Asset ko ata yong mata ko....Kayo po mga ka readers ano ba asset niyo?hahaha
Kilan kaya ako bibisitahin ni **rusty**?Kapag nangyari yon siguro para na din ako nanalo sa lottoo....

My Forever love
Ilang days na din hindi ako makapag isip ng matino....Lagi nalang kasing si mahal ang naiisip ko.hahaha.charot.......Siguri dahil hindi pa din ako ok.....At kahit yong utak ko di pa din gumagana..Minsan kahit gustong gusto kong gumawa ng article..Blangko naman ang utak ko....Siguro naiintindihan niyo naman ako mga ka readers dahil alam kong minsan napapag daanan niyo din po yan.hehehe..
Ngayong araw hindi pwedeng hindi ako magsulat kasi may gusto lang akong batiin..Syempre kapag may isang special na tao sa buhay mo dapat yong mga araw na special sainyo ay hindi pwedeng walang good memories kasi minsan lang yon sa isang buwan dumating or tao..Actually 1yr and 2months palang kami ng mahal ko...Kung baga sa isang relasyon parang baguhan pa din yan..Pero para sa akin hindi yan baguhan kasi sa dinami dami ba namang nangyari sa amin...feeling nga namin 15yrs na kaming magkarelasyon...But ang swerte ko kasi ang bait ng diyos sa akin kasi binigyan niya ako ng isang taong mamahalin ako kahit sa mahirap na sitwasyon...........Kaya gusto ko lang sabihin sa mahal ko super blessed ako at siya ang ibinigay sa akin ng panginoon.......Baka sabihin nila ang corney natin kasi kahit monthsary ay cenecelebrate natin...Actually kahit wala naman na okasyon kapag nasa mood naman kami ay parang laging may okasyon....Parang laging special ang araw namin every magkasama.....Ganon ang totoong love....Hanggat malakas tayo,hanggat may pagkakataon ay iparamdam natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal..Huwag nating hintayin na iparamdam lang sa mahal natin na special sila kapag meron lang na okasyon........For me everyday laging special ang mahal ko sa akin..Kahit hindi ako showing masyado but deep inside..mahal na mahal ko siya......
Kung meron man akong wish para sa 1yr and 2 monthsary natin...Yon ay pagalingin ako ni lord para mas maparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal.......
***Salamat sa aking mga readers,sponsors,and commentors..Pasensya na kung feeling ko ngayon ay February na.hahahaha***
**My lucky day8**
@Labofmylife
Wow thank you sir @BcHouseVe for sponsoring me...gobless you sir..
Ist birthday
Hello,kumusta po mga ka read.cash....Sa wakas andito na ulit ako....Kunting pahinga lang talaga ang kailangan para maging ok ulit......
By the way mukang mapapasabak na naman ako ngayon sa trabaho...1st birthday kasi ng pamangkin ko kaya kahit pandemic....Dapat meron kahit kunti...Para kapag lumaki yong pamangkin ko may memorable na maikukuwento sa kanya paglaki.......
Nong bata daw ako simula sa 1st bday hanggang sa mag dalaga ako..Lagi nalang pansit ang niluluto sa akin tuwing kaarawan ko..Wala man lang na cake dahil hindi daw afford noon.....Pero nong 16 yrs old na ako doon ko naranasan mag blow ng candle kaya sa cake palang super happy na ako......By the way balik tayo sa topic.hahah..
Kanina nga ay super busy kami mag ayos ng decoration para mamaya....Actually tanghali na ngayon ay hindi pa kami nakakapagtapos.....Hindi naman talaga kasi ako designer.hahahah....Pero I try my best naman para maging maganda yong kalalabasan.....
Ito palang yong nasisimulan ko pero feeling ko pagod na pagod na ako.hahahah.Siguro baka galing palang ako sa sakit at medyo naninibago pa yong katawan ko.....Boy yong pamangkin kaya ganyan po yong design niya.Maglalagay pa kami syempre ng happy birthday at kung ano ano pa....Kaya medyo busy tayo ngayon...
Thank you so much to all my sponsors...If you want to visit them,please click the account..
****How about you?Ano bang naaalala niyo na pinaka memorable sa inyong kaarawan?****
Date published
November 04,2021
Thursday
12:05pm
Philippines
@Labofmylife

Sorry if hindi po ako ngayon active...I hope na gumaling na ako para balik ulit sa pag read.cash...Sa ngayon kilangan ko po muna magpahinga..
Tulong sa mama ko
Kumusta po mga ka readers,,pasensya na at super busy nong mga nakaraang araw....Mabait kasi ako na anak hahaha.....
Kahapon ay sinamahan ko ang mama ko at inalalayan na din dahil sa sobrang haba ng pila....Kailangan namin mag tyaga kasi malaking tulong na din sa amin yong ibibigay galing sa dswd..Nasa 5,000 pesos din kasi ang matatangap ng mama ko...
Maagang-maaga ay andon na kami sa area kung saan mag rerelease kaya lang dahil sa ang tagal matawag ang pangalan ng mama ko ay inabot kami ng tanghali..
Pero ang kinagandahan dahil may libreng pa Jollibee..Akala namin kong ano lang ang ibinibigay ng isang staff..Pero ng dumating na sa area namin may pa burger din pala...Akala ko fried chicken and rice.hahahah...But thank you atleast may panawid gutom na din...
Maya-maya ay nag ikot ulit sila..May pahabol na face mask,face shield at vitamins..
Salamat sa pa blessings at sa mga natanggap ng mama ko kahapon...
Pag uwi namin ay super sakit ng ulo ko...Ang sakit ng noo ko siguro dahil sa nalipasan na ng gutom..Mahigit 1pm na ata kami nakauwi at kahit yong mama ko ay napagod din....
By the way thank you so much to all my generous and amazing sponsors..
`Sa aking mababait na readers,upvoters,sponsors,commentors..thank you so much and godbless you all..`
Date published
october 31,2021
Sunday
@Labofmylife
Welcome here Mahal
Actually si mahal talaga ang unang nakakaalam nitong read.cash kaya lang dahil super busy niya lagi sa work kaya napabayaan niya na yong dati niyang account...Hanggang tingin nalang siya paminsan-minsan pero hindi na siya nakakapag published.....Hanggang sa ako na yong laging updated sa read.cash and panay kwento ko nalang sa kanya...hahahaha.....Sabi ko nga hindi siya selosa..super selosa lang..hahahaha...Ako din minsan ganon din....Minsan nga ang pinapag selosan niya sa akin nong una yong mga commentors ko kasi ang gaganda daw.hahaha...Sorry mahal kong ikaw ngayon ang topic ko.....By the way sa ayaw ng story ko ok lang po pwede niyo naman po na huwag nalang scroll pababa..heheh....
Naisip ng mahal ko na hindi na din naman siya updated sa dating account niya so bakit hindi siya gumawa ng bago at ito nalang ang ipagpatuloy niya.....Kaya nais ko din po sa inyo eh welcome ang aking mahal na si@Lorah at sana maging welcome din po siya sa inyo......@Sweetiepie thank you dahil ikaw yong unang nakapansin sa kanya.....Sabi ko sa kanya ako yong unang mag eesponsor sa kanya kaya lang pasaway signal ko.hahahaha....Pero sobrang na appreciate ko sissy yong pagiging sponsor mo sa mahal ko..sana tuloy-tuloy na yan..hahaha...
**Para sa mahal ko**
Sana mas ma enjoy mo na ang read.cash ngayon mahal..alam kong busy ka sa work but kapag gusto mo yong ginagawa mo sigurado magugustuhan mo yan..Wag ka lang mang chicks.hahahaha✌️✌️✌️
By the way thank you so much to all my generous sponsors..especially sa mga nag renew kanina...Salamat po at naalala niyo pa din ako.heheh..
Medyo maikli lang muna ang article ko ngayon....na excite lang kasi ako na may bantay na ako dito..hahahaha
Sa mga readers ko dyan maraming salamat po...
Mahal
❤️Same to you
Date published
october 28,2021
@Labofmylife
Wow mukang super blessed ang morning ko ngayon..Thank you so much sis@bloghound and sissy @sweetiepie for renewing sa sponsorship...godbless po....
Fresh Lumpia
Sino ba dito sa inyo yong magaling talaga magluto???Naku isa sa hinahangaan ko talaga sa isang tao ay yong napakagaling magluto...Doon ako mas lalong na inlove sa mahal ko.heheh....Naiisip ko sana kasing galing ko din sila..Pero alam naman nating mali yong icompare natin ang ating mga sarili sa kakayahan ng iba......Sa akin naman kasi hindi naman sa pag compare...basta super na aamaze lang ako..siguro dahil hindi ako masyadong magaling sa pagluluto..Ang alam ko lang yong mga simpleng lutong bahay lang at hindi yong mga pang negosyo😅😅
Dumalaw ako kanina sa bahay ng tita ko at super busy nila gumawa ng "**fresh lumpia"**
Akala ko pagkain lang nila,,yon pala ay pa order ng tita ko online....Actually wala akong alam sa pag prepare ng fresh lumpia..Ang alam ko lang talaga masarap ito super masustansiya.hahaha
Ito ang unang ambag ko dito kumuha ng cellphone at panay ang kuha ng picture..hahaha
Dahil nahiya na rin ako ay tumulong na ako sa pagbabalot ng sauce...pero syempre tinikman ko din muna yong sauce at masarap nga...
Dahil sa gusto ko din sanang matuto ay nag try din ako kaya lang nagkadurog durog yong gawa ko.hahahah..Sabi sa akin ng tita ko...O yan kasi...kainin mo yan.hahaha...So kinain ko naman...Mabuti pala yong tumutulong dahil may libre.hahahah
Ito ang gawa ng tita ko na ang layo naman talaga sa gawa ko..lol....Sa mga mahilig po diyan sa vege ay sigurado alam kong super masasarapan din kayo nito...
Binibinta yan ng tita ko sa halagang 70pesos per pack..At dalawang piraso na din yong laman...At talaga namang nakakabusog siya kasi super busog ko nong umuwi.hahah
By the way,thank you so much to all my supportive and generous sponsors...
**Final thoughts..**
`Sana ay nabusog kayo sa aking ginawang article..heheh..pero feeling ko ay mukhang mas nagutom po kayo...😅😅`
***To all my readers,upvoters,comentors...thank you so much and godbless..***
Date published
october 25,2021
8:39pm
Monday
Philippines
@Labofmylife
Ang hirap ng madaming amo
Nong nakipag sapalaran ako sa ibang lugar para mag trabaho ay napadpad ako sa cavite..Kaka graduate ko pa lang noon ng high school at para makapag ipon for college ay kinailangan ko muna mag trabaho.....Ayaw sana noon ng mama at papa ko dahil napakabata ko pa daw para magtrabaho pero porsigido na talaga ako noon...May kakilala kasi yong pinsan ko na naghahanap ng kasambahay sa cavite.....So nag try ako pero pagdating ko doon sa dasmariñas cavite ay hindi lang pala sa bahay ang trabaho ko...Pinapatrabaho din nila ako sa isang maliit na grocery store na pag-aari din ng kapatid ng amo ko.....
Bale yong naging amo ko ay apat na magkakapatid kasi parang share din sila sa kanilang negosyo...Sa unang linggo medyo ok yong trato nila sa akin......Pagdating ng isang buwan ay nakita ko na yong kanilang mga ugali..Kaya medyo nagtaka ako kung bakit walang tumatagal na katulong sa kanila....Hindi talaga sila maintindihan....Yong isang amo ko mabait naman siya..Si ate maribel ang pangalan niya at ito lang ang medyo ok sa kanilang apat...Tinutulungan kasi ako nito sa mga gawain kapag hindi ko na kinakaya...Yong isa namang amo ko ay laging tulog sa araw at nawawala sa gabi...Pero yon ang pinaka mayaman sa kanilang magkakapatid.....Kaya lang dahil sa inosente nga ako ay nagtataka ako sa amo ko na yon...Pero hindi ko nalang pinansin kasi naisip ko baka call center at tsaka wala naman akong karapatan para halungkatin ang buhay ng mga amo ko...Nagpunta ako don para magtrabaho...Yong isa naman na amo ko ay si kuya jojo,,yon ang pinakaayaw ko kasi kahit dis oras na ng gabi...akala mo naman kung anong emergency...Yon pala may itatanong lang sa akin kung nakita si ganito or kung nakita ko yong hinahanap niya..Naku hindi ba pwedeng ipagpabukas nalang......
Yong bunso naman nilang kapatid na si kuya hill ay yon yong nagbabantay sa grocery store..Tahimik siyang tao...hindi siya pala utos kaya lang sa sobrang tahimik niya..Kapag tumalikod ka ay sinisiraan ka naman sa mga kapatid niya...minsan nalilito na nga ako kapag ako yong duty sa store nila...Kasi yong isang amo ko ang gusto ng price yong mataas daw para hindi malugi...Eh ako pa naman ang naglalagay ng price tag....Yong isa naman ang gusto niya ay yong mababa lang daw ang price para hindi ma stock at maibenta kaagad...Kapag sinusunod ko yong utos ng isa...napapagalitan ako nong isa..kapag yong isa naman ang sinununod ko magagalit din yong isa...diba kahit sino malilito talaga kung sino ang susundin...Ang hirap talaga ng madaming amo....
Siguro mahigit kalahating taon na ako sa kanila na nagtatrabaho...Kinausap ako ng isa sa amo kong babae yong laging wala sa gabi at tulog naman sa araw..Ang sabi niya sa akin na may ipapakilala daw siya sa akin na magaling sumayaw..turuan daw ako dahil maganda daw ako at sigurado daw na pasado daw ako kapag pumunta ako ng Japan....Sabi ko naman naku po Ma'am hindi ko naman pinangarap na pumunta ng Japan..Tsaka kuntento na po ako dito sa ating bansa....Ang sabi ulit sa akin ng amo ko..Sayang daw ng ganda ko kasi malaking pera daw ang kikitain ko doon..Mag-isip daw ako....
Kinabukasan doon ko lang nalaman na ang isang amo ko pala ay manager ng isang sikat na club....Kaya pala nagpapagawa ng napakalaking bahay sa cavite...Sa una super na amaze ako kasi naisip ko grabe naman yong yaman ng amo kong isa na yon......Nong kausapin ako ay doon na ako nagtaka...
Makalipas ang ilang linggo at nagkasakit ako...mabuti nalang at nanaginip daw noon ang mama ko na nagsasayaw daw ako sa isang club kaya natakot ito at sinundo ako sa pinagtatrabahuhan ko....Nagulat nga ako ng dumating ang mama ko dahil hindi ko naman sinabi sa mama ko nong time na yon kung anong lugar ng pinagtatrabahuhan ko...Ewan ko siguro dahil iniisip ko kaya ko na din naman.....Mabuti nalang at sinabi sa kanya ng pinsan ko na nagpasok sa akin ng trabaho....Yong araw din na yon ay sumama na ako sa mama ko pag-uwi.....
Thank you so much to all my generous sponsors...Salamat din sa pag support po lagi sa akin...godbless you all..
End...
Final thoughts...
Huwag tayo basta-bastang mag desisyon lalo na kung ito ay hindi naaayon sa kagustuhan ng ating mga magulang dahil pwede natin itong ikapahamak......
Maraming salamat sa aking mababait na readers,sa lahat na naga upvote sa akin...sa inyo pong lahat...thank you so much...
Date published
october 24,2021
Sunday
8:49pm
Philippines
@Labofmylife
Pasensya na po..bukas nalang po siguro ako magbabasa ng mga articles niyo mga ka readers at magrereply ng mga comments.Super lowbat na po talaga katawan ko ngayon..Kailangan ko ng matulog ng maaga..goodnight everyone...
Parang nangyari ang aking napanaginipan
Nong nakaraang araw ay nanaginip ako..Isang masamang panaginip..Ayon sa aking panaginip ay may isang lalaki na humahabol sa akin.. na parang nasasapian ng masamang ispiritu at gusto akong patayin...Tapos may nakita akong isang matandang babae at ang sabi sa akin na para daw mawala yong sapi ng lalaki na humahabol sa akin ay kailangan ko daw hanapin ang simbahan at humingi ako ng holy water tapos isaboy ko ito sa lalaki....Kaya ang ginawa ko tumakbo ako ng tumakbo para hindi mahabol ng lalaki...Ewan ko kung saang lugar ako at kahit sa totoong buhay ay hindi ko alam ang lugar na yon..Nag makita ko ang simbahan ay agad akong pumasok sa loob.............Bigla akong nagising dahil nga sa nasipa ako ng bunso kong kapatid....
Kahapon ay umalis ako ng bahay at iniwan ko lang ang aking kapatid na lalaki 8yrs old sa aking mama..Sila lang dalawa yong naiwan sa bahay dahil ako ay may pasok ng trabaho....
Pag-uwi ko sa bahay mga bandang 5pm...Nakita ko na nakasimangot yong mama ko tapos yong kapatid ko ay nakahiga sa sala..Nakakumot at tanging ulo lang yong nakikita ko...Tinanong ko si mama kong anong nangyari at ang aga pa para matulog ang kapatid ko...
Kwento ng mama ko ay kanina raw na tanghali ay sumakit bigla yong ulo ng kapatid ko pagkatapos ay nagtatakbo sa labas..Hinahabol daw ito ng mama ko..Kahit ang mama ko nagtataka dito..Nong maabutan ng mama ko ay hinawakan daw ito sa braso subalit panay sigaw ng kapatid ko..Meron daw isang napakalaking lalaki na gusto siyang kunin....Sobrang takot na takot daw ang kapatid ko.....Niyakap ito ng mama ko hanggang hindi na daw nagpakita sa kapatid ko yong lalaki na yon kaya pumasok na ang kapatid ko sa loob ng bahay....
Kinabukasan ay ok na ang pakiramdam ng kapatid ko at tinanong ko ito kung ano ba talaga yong nakita niya kahapon...Ang sagot sa akin ay isang napakalaking lalaki daw ang humahabol sa kanya...Para daw siyang kukunin...Tinanong ko kung ano ang itsura ng mukha....Ang sabi ng kapatid ko ay malabo daw ang mukha at tanging katawan at ulo lang ang nakikita niya..Tapos nakita niya daw ito na pumasok sa kwarto ng mama ko at biglang nawala na.......
Ngayon tuloy ay naguguluhan ako kung ano ang ibig sabihin ng aking panaginip noong nakaraang araw...Yon na ba yon na nangyari sa kapatid ko?
Sino po ba sa inyo ang nakakaranas na din ng isang panaginip at minsan nahahawig ito at nangyayari sa totoong buhay?
Nais ko lang pasalamatan ang aking mga supportive at mababait na sponsors...Sa mga gusto din na makita ang mga articles na gawa nila ay eclick niyo lamang ang kanilang accounts..
Thank you so much din sa aking mga readers na walang sawang nagbabasa ng aking articles kahit minsan walang sense.hahaha..Na appriciate ko po kayong lahat....godbless po..
Date published
october 21,2021
thursday
3:06pm
Philippines
@Labofmylife
Maraming salamat po ulit sa tiwala at sa pag renew po ulit ng sponsorship sa akin sis@ibelieveistorya..thank you so much po talaga..
My Random Rewarder
Bakit kaya nalulungkot ako ngayon?May mali ba sa akin?ano pa bang dapat kong gawin?Sana lahat binabalikan..hehehe..Dami kong tanong..
4Days akong binalik-balikan dati at super blessed na ako non..Pero hanggang doon na lang ba talaga?
Nagsawa na ba siya sa akin at sa articles na ginagawa ko?
I know yong iba alam kong super mis na mis ka na din,...
Yong iba pinapangarap ka din ng tulad ko..pero hanggang pangarap na lang ba talaga?
Yong iba ay alam kong nadadaanan mo at natutuwa ako kapag nakikita kita sa kanila...
Kaya nasasabi ko ngayon na namimis na din kita....
Sa una ay labis mo akong pinasaya......
Sa una din ay lubos akong nagagalak sa tuwing nakikita kita...
Ngayon natutuwa pa din ako pero kulang kapag wala ka...
Ngayon din ay namimis kita sa tuwing nakikita kita sa iba,,yong pangarap na sana bumalik ka aking **Random Rewarder...**
Malugod ko din na sasabihin sa aking mga mababait na sponsors..
Aking pasasalamat sainyo ay mula sa aking puso...
Salamat sa pag supporta at sa kabaitan niyo...
Sa aking mga readers na laging andyan para basahin ang aking mga artikulo...
Kahit mga commentors din na may kanya-kanyang mensahe sa akin...
Ay nais kong magpasalamat na kayo ay andyan para sa akin...
At sa aking mahal ay pag papasensyahan mo na...
Kung iyong mababasa,itong aking ginawa..
Mahal naman kita,alam mo yan
Pero mas mahal ko pa din si random rewarder..hahahahahahs✌️✌️✌️✌️
Hindi ko alam kung ano ang tawag sa ginawa kong ito,tula, na parang balagtasan na ewan....hahahaha....
Kumusta po kayo mga ka read.cash ko dyan?Pagpasensyahan niyo na muna kung wala sainyong sense itong pinagsasabi ko.hahahah..Sakit kasi ng katawan ko at parang nabugbog ng madaming tao kaya kahit utak ko ay walang pumapasok kung anong article ang gagawin ko ngayon..hahah.Baka bukas ay ok na ako...
Ito nalang muna sa ngayon para hindi naman kayo mahirapan basahin...heheh.godbless po and goodmorning...😊😊😊
Date published
October 19,2021
Tuesday
6:50am
Philippines
@Labofmylife
Huwag ka na magalit mahal naman kita
**Ano ba gusto niyo para sa isang girl o boy na makakasama mo sa buhay?**
Sa akin madami,at dahil sa madami ay ayaw ko ng isa-isahin hahah..but nangyari na ba sa inyo na yong gusto ay opposite sa dumating sa buhay niyo pero mahal na mahal mo..
**Sensitive**-isa noon sa mga ayaw ko yong pagiging sensitive masyado kasi palabiro talaga akong tao at kahit seryuso ang mukha ko pero joke yong sinasabi ko...At minsan kapag magkasama kami dahil nga sa sensitive siya minsan bigla nalang yan sisimangot at ngingiti ng pilit pero dahil mahal ko siya ay alam kong affected siya.heheh
**Selosa**-ok lang naman yong pagiging selosa niya kasi nga ang pagseselos ay natural na daw yan lalo na kung mahal mo yong isang tao...Ang mahal ko sobrang selosa,bawal sa kanya yong may tatawag sa akin ng mga ayaw sa pandinig niya at naiintindihan ko naman yon...Bawal din yong may kausap akong girl,bawal din yong super close ako sa mga dati kong friends...Sabi niya sa akin selfish daw siya pagdating sa love niya...hahah..kaya lang mahal na mahal ko siya kaya sinusunod ko siya...Sabi nga kapag mahal mo siya ay gagawin mo ang lahat pars hindi kayo mag-away.....pero ang pag-aaway ay part na yan ng isang relasyon...
**Break-up-**maraming beses na ata yang nangyari sa amin..Ilang beses sinubukan pero hindi pala kaya...hahaha...pero dati sabi ko sa sarili kapag nakipag break na ay wala ng bawian at balikan...dapat panindigan pero pagdating sa kanya nawala lahat ng yon.makita ko lang siyang umiiyak at nasasaktan ay mas nahihirapan ako kaya ayon mag bebreak ngayon tapos mamaya mag tatawagan tapos kami na ulit para kaming tanga.hahahaha..Ganon talaga kapag mahal mo siguro hindi mo siya matitiis pero may attitude talaga ako na kapag alam kong tama ako ay tinitiis ko.hahahah..Yon din ang bad attitude ko at alam niya yon.hahahah
Ang pinaka importante ay mas minahal ko siya sa mga bagay na ayaw ko sana...siguro true love na ang tawag don...hahaha...
**Pasensiya na mga ka readers pumapag-ibig lang naman ako....Kayo po ba kumusta lovelife niyo ngayon?**
By the way before may article ends flex ko lang itong mababait at very supportive na sa sponsors sa akin..godbless po ..
**Para sa mahal ko**
Alam ko mababasa mo ito dahil may read.cash ka din at baka may mali akong nasabi,sabi ko nga sensitive ka..hahahah..Advance sorry na hahaha..pero wala naman atang mali sa article kong ito..hahaha
Alam ko na sasabihin ng mga ka readers ko dyan sino kaya ang mahal ko na yan?Sure ako na magtatanong agad si @sweetiepie..hahahaha..Ah secrets muna sa ngayon...pero minsan dahil selosa siya bawal na bawal ang may tumatawag sa akin na iba...Sis or sissy lang ganun siya sa akin ka strikta.hahahaha✌️✌️✌️ kaya sa mga tatawag dyan sa akin ng mahal,love,sweety,palangga ay naku pwede ay este hindi pwede at baka makipag break na siya sa akin.hahahahah basta mahal ***huwag ka na magalit mahal naman kita..🥰***🥰
Ewan ko kung bakit ito yong pinagsasabi ko ngayon..wala lang talaga akong matopic..baka dala lang ng walang tulog masyado dahil super lakas ng ulan at kulog kagabi....nakakatakot pero mas takot ako sa mahal ko.hahahah
Thank you so much mga ka readers sa pagbasa ng aking article ngayon na hindi ko alam kung may sense sa inyo o wala..hahaha
@Labofmylife
The situation of senior citizens while claiming their pension
Andito ako ngayon sa isang paaralan kung saan mag rerelease ng pension para sa mga senior citizens....Isa kasi ang nanay ko sa makakatanggap sa halagang 3,000 pesos ngayon...First time ng mama ko kumuha kaya sinamahan ko kasi meron pa naman siyang sakit na highblood....
**Habang nasa line**
Madami akong napansin habang nasa linya...Isa na itong senior citizen na nasa harapan ko...Kanina pa daw siya nangangalay at walang maupuan...Madami po talaga kasing tao at halos kulang yong mga upuan....Pero matyaga po silang pumipila para lang makuha yong kunting pera pero para sa kanilang mga senior citizens ay malaking tulong na po yon para sa kanilang pangangailangan tulad ng gamot,pagkain at mga vitamins...And tama naman po dahil yong nanay ko tuwang-tuwa at kahit medyo nahihilo nag tyaga ding pumila....
Doon sa matanda sa dulo na nakuha din ng camera ko...Yong inaalalayan ng isang lalaki..Yong may dala-dalang tungkod,,,Actually nag-iisa lang daw siyang pumunta dito at nagpahatid lang daw sa driver ng tricycle....Wala daw kasing sasama sa kanya dahil yong ibang anak niya ay nasa malalayo at yong isang naiwan ay may batang maliit na inaalagaan..Pasensya na mga ka readers at umiral yong pagiging chismosa ko.hahah..Pero nakakaawa po talaga....What if bigla na lang siyang mahilo habang pauwi,huwag naman sana....
Kahit ako nga nangangalay na din tumayo..Itong mga senior citizens pa kaya.heheh..Kaya para naman hindi ako maboring sa napakahabang pila ay binuksan ko itong aking account sa read.cash at gumawa ng article at naisip ko na ito nalang ang gawin kong topic ngayon,,yong situation namin dito ...
Sobrang pagod na pagod yong mga pulis mag explain sa mga senior citizens about sa line...Naalala ko nong grade 1 ako..paunahan sa pila....hahaha..Tapos ang rules dito na kapag tapos na daw yong sa unahan lahat ay saka uupo yong mga kasunod sa likuran...Ang nangyari after matapos ng sa unahan ng makita nong nakatayo sa pinaka hulihan na nakatayo ay sumugod ito sa unahan para siya ang umupo...Inunahan niya yong nasa ikalawa sanang pila...na gets niyo po mga ka readers ang kwento ko?hahahah....Natawa na lang ako sa itsura ng pulis kasi hindi niya naman mapagalitan yong mga senior citizens.hahahaha..
Sa ngayon ay nasa 15 sa linya pa kami ng mama ko and thanks god nakagawa ako ng article kahit andito ako.hahahah.
***Hindi ko alam kung may sense ngayon yong pinagsasabi ko hahaha...siguro nakakagutom talaga kapag ganitong situation..😅😅***
By the way thank you so much again to my amazing and generous sponsors...You click them also if you want to visit the account..
Date published
October 16,2021
Saturday
10:03am
Philippines
@Labofmylife
Pasaway na naman ang signal ko...hehehe..Hihintayin ko naman mamaya baka ok na at makagawa na ulit ng articles..By the way thank you po sa mga readers ko po and sponsors pati na din po sa patuloy na naga upvote sa akin...Maraming salamat pi sainyong lahat...
Ang aking mga gamot kapag ako ay nagkakasakit
Ang sakit ay part na yan ng buhay natin..Kahit anong iwas natin ay kusang dumarating..Minsan kusang dumarating ng di inaasahan...
**Mga herbal na dahon pero mabisa base on my experience**
Alam ko hindi lahat ng nagkakasakit ay umiinom nitong herbal...Kasi depende yan kung ano ang nakasanayan ng ating katawan kung sa doctor o sa herbal lang...Ang mga herbal na ito ay panlunas sa mga karaniwang sakit tulad ng **ubo,sipon,sakit ng tiyan,abnormal menstration,at nahihirapan umihi.**..Sana ay makatulong ito sa inyong ibabahagi ko...
**Isinsyang buhay**
Iwan ko kung tama ang spelling ko hehe basta yan po ang tawag dito sa amin...****Paano ba nakakatulong ang dahon na ito sa atin??Anong klaseng sakit ang natutulungan nito??****
**Pagreregla**
Sino ba sa inyo dito ang nakakaranas ng **abnormal menstration?**Yong ilang buwan bago datnan ng dalaw pero hindi naman buntis at ang iba naman ay dalaga...
Lumaki na talaga ako walang kaartihan pagdating sa gamot na herbal..Ang laging iniisip ko gumaling agad...
Unang dalaw ko noong 11yrs old ako...Ang sabi nila dapat daw may lihi para normal daw yong menstration pero sumunod naman ako sa mga sabi-sabi ng matatanda...Pero iwan ko sa una lang naging normal ang menstration ko..Pagdating ko ng 15yrs old paiba-iba na ang mood ng regla ko..Minsan 1month na hindi ako dinadatnan,minsan naman 3months..Natakot talaga ako kasi baka kako may sakit na ako sa ovary....May nakapagsabi sa akin na magaling daw itong isinsyang buhay na inumin para maging normal ang menstration....Every morning yong wala pang laman ang aking tiyan ay ito ang ginagawa kong kape..Kumukuha ako ng 5 pidasong dahon ng isincia at nilalagay ko sa tasa pero dapat hugasan muna para malinis..Lagyan ng mainit na tubig hanggang sa kalahati yong tasa at takpan ito..After 5mins ay pwede na itong inumin..Huwag na kayong magarap na masarap ito dahil super pait po talaga..Mas mapait pa ata sa ampalaya..hahaha.Pero gamot nga po ito kaya iniisip ko nalang na nakalimutan kong lagyan ng asukal....hahaha.Araw-araw ko siyang ginagawa hanggang sa nasanay na yong panlasa ko at sa wakas naging normal na yong menstration ko....
**Artamisa**
Siguro marami din po sa inyo ang nakakaalam nito...Ito ang pinaka mabisang gamot sa lamig ng katawan...Kapag feeling mo ay may kabag ka at parang hindi natutunawan...Pwede kang maglaga ng isang tasa nito at inumin mo...Pero kadalasan ang ginagawa sa akin ng mama ko ay hinihilot sa aking ulo at katawan lalo na kapag ang sakit ng katawan ko..Bawal nga lang mag pahangin...
kulungkugon
Kapag ang sakit ng tiyan ko ay nagpapakulo ako nito at ginagawa kong tubig para inumin...At nawawala nga ang sakit ng tiyan ko..Para naman daw sa mga buntis kapag malapit ng manganap...Kapag sumasakit daw yong tiyan,para daw malaman kung ito ay nag lalabor na daw or sakit lang ng tiyan ay kailangan uminom ng herbal na ito..Kapag hindi daw tumigil ang sakit kapag nakainom nito ibig sabihin ay manganganak na...
**Dahon ng ampalaya**
Isa ito sa mga nakakatulong para sa my mga anemic at sakit sa diabetis....May sakit kasi ano ng Insomnia kaya syempre lagi akong kulang sa tulog kaya kulang na kulang sa dugo....Kapag nahihilo na ako ay ito lang ang iniinom ko tuwing umaga...At kapag nakakainom ako nito ay gumaganda ang aking pakiramdam pero yong itsura ng mukha ko habang iniinom ko ito ay hindi ko maipinta dahil sa sobra ding pait.hahaha...At para sa may mga diabetis po dyan maganda mo na inumin ang ampalaya juice...Pakuluan niyo lang po ito ng kahit 5mins..Pwede na po yan...
**Lagundi**
Ang dahon ng lagundi ang pinaka kailangan natin ngayon....Madami sa atin ang nakakaranas ng sipon at ubo...At nakakatakot dahil kahit normal lang ito sa atin noon feeling natin kapag pumunta tayo ng hospital positive agad sa covid.hehehe..Yong mga takot po dyan pumunta ng hospital...Ito po ang gamot dyan..Ang dahon lagundi...Pakuluan niya lang po ito at kahit 3times a day kayong uminom ay ok lang...Wala naman po yang side effect..Mas madami mas mabuti at mas mabilis gumaling...
**Dahon ng bayabas**
Yong natural na dahon ng bayabas ang karaniwang ginagamit natin sa sugat....Kapag tayo ay nasugatan ito ang ginagawa nating panglinis para agad na gumaling....At ilang beses ko na din yan nasubukan ..Lagi kasi akong nasusugatan kahit sa puso..charot.hahahah
**Dahon ng malunggay**
Hindi lang ito gulay..gamot din ito sa sugat para iwas infection....Kailangan mo itong durugin at kunin yong katas at ilagay sa sugat...Lalo na kung maraming dugong lumalabas...Kapag nilagyan mo nito sigurado po na titigil ang pagdurugo...
**By the way before my articles ends gusto ko lang po magpasalamat sa aking very supportive at mababait na sponsors...Kung gusto niyo din po silang bisitahin click niyo lamang po ang kanilang accounts..**
*****Ang mga nabanggit ko sa itaas ay isa lamang sa aking mga gamot kapag ako ay may sakit or nasusugatan....But hindi ko po sinabi na gawin niyo din po ito kapag nagkasakit po kayo...Pwede naman na oo pwede naman na hindi.....May kanya-kanya po kasi tayong paniniwala at nakasanayan..Pero mas mainam pa din po na kung may masamang nararamdaman ay kumunsulta agad sa doctor...*****
**Thank you so much sa aking mga mababait na readers new and old and to my sponsors...**
**Lahat po ng larawan ako kanina ko lamang kinuhanan ng picture sa aming bakuran...**
Date published
October 13,2021
Wednesday
2:40pm
Philippines
@Labofmylife
Nakakita ako ng totoong engkanto
Ramdam ko ng malapit na ang November...Kaya gusto lang ishare sainyo ang aking karanasan noong ako ay 7 years old palang...
Naalala ko nong bata palang kaming magkakapatid ay lagi kaming pumupunta ng mga magulang at kapatid ko sa bukid..May maliit din kasing lupain ang papa ko doon na pamana sa kanya ng lolo ko dati...Nanghinayang naman ang papa ko sa lupa kaya ang ginagawa namin tuwing sabado at linggo kapag walang pasok sa paaralan ay sumasama kami ng kapatid kong lalaki sa bukirin....Tinutulungan namin ang papa ko na mag-igib ng tubig sa isang bukal na medyo malapit lang sa lupain namin para pandilig sa mga pananim....Tuwing hapon bago kami umuwi ng bahay lalo na kapag araw ng linggo ay nag-iimbak kami ng kuya ko ng tubig sa drum para kinaumagahan ay hindi na mahirapan ang papa namin..Hindi kasi kami nakakatulong kapag may pasok na sa paaralan.....
**Pag-iigib**
Sabi sa akin ng kuya na huwag na daw akong sumama sa kanya kasi daw mas natatagalan siya kasi ang bagal ko daw maglakad.hahaha..Eh sa ang isip ko noon ay laro lang yong pag-iigib ng tubig kaya pilit akong sumasama sa kuya ko....May nadaanan kami ng kuya ko na madaming kawayan....Nakakatakot talaga kapag napapalapit kami don...feeling ko kasi may lalabas na ahas sa kapal ng mga dahon....Paguwi namin galing sa bukal ay naiinis yong kuya ko sa akin kasi ang bagal ko daw maglakad at gusto niya mapuno agad yong drum para makauwi na kami ng bahay.......
**Conversation namin ng kuya ko**
**Kuya**:Bilisan mo na at malapit na gumabi,ang tagal mo kumilos..
**Ako**:Napapagod na nga ako kuya tapos gusto mo pang bilisan ko ang lakad..
**Kuya:**Sabi na kasing huwag ka ng sumama ang kulit mo..
**Ako**:Sabi kasi ni papa tulungan kita mag-igib ng tubig para mapuno agad..
**Kuya:**Eh mas natatagalan nga kasi para kang pagong..
**Ako**:Grabe ka naman kuya,mauna ka na nga at alam ko na din ang daan..
**Iniwan ako ng kuya ko**
Ang bilis nga ng lakad ng kuya ko hanggang sa nawala na siya sa paningin ko....Akala ko hindi seseryusuhin ng kuya ko ang sinabi ko siguro sa sobrang inis niya na sa akin......Binilisan ko nalang ang lakad ko kahit pagod na ako..Bigla ko kasing naisip na may dadaanan pa pala ako na isang nakakatakot na lugar...Doon sa kawayan na sobrang kapal ng mga dahon....Habang malapit na ako sa kawayan ay natuwa ako kasi nakita ko na yong likuran ng kuya ko na naglalakad..Naisip ko na love talaga ako ng kuya ko kasi hindi niya ako iniwan....***.Sumigaw ako "kuya hintayin mo ako!!Huminto ka muna!***...Siguro tatlong beses ko yon sinisigaw pero parang bingi ang kuya ko...Napatigil ako sa paglakad kasi nagtaka ako bigla sa kuya kung bakit panay ang hakbang ng kuya ko pero hindi naman nakadikit sa lupa yong kanyang mga paa..Dahil sa takot ko ay hindi ko na talaga alam ang gagawin..Pumikit nalang ako at umiyak...Pagdilat ko ng mata ay wala na ito.....Sa sobrang takot ko ay tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa kubo namin....Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagod ko...Panay tanong sa akin ng kuya ko kung bakit daw ang putla ko wala akong maisagot dahil kinakapos pa ako ng paghinga...Hanggang sa mahimasmasan ako at na ikwento ko ang nangyari sa kanila...Sabi sa akin ng kuya ko"Multo daw yon kasi ang kulit ko"Tinakot pa talaga ako..heheh...Pag-uwi namin ng bahay ay yon ang bukang bibig ko sa mga kalaro ko at sa nanay ko...Sabi sa akin ng nanay ko ang tawag daw don sa nakita ko ay engkanto...Nakakita na din daw kasi noon ang mama ko...Pero dalaga daw siya nong nakakita noon sa ilog...Mga tatlong batang **engkanto** daw ang nakita niya na naliligo sa ilog pero nong pumikit siya..Bigla daw itong nawala...
****Gusto ko lang mag thank you sa aking mababait na sponsors...****
**Ending**
Ewan ko kung may sense itong kwento ko.hehehe.Wala kasi akong maisip na ikwento kaya pag pasensyahan niyo na po muna ito...Naalala ko lang nong bata ako...
**Thank you so much sa aking mga mababait na readers..godbless poh.**
Date published
October 12,2021
10:19pm
philippines
Lead image:My own shot
@Labofmylife