Sa parke!
May isang araw na pakiramdam ko parang nag iisa nalang ako, walang nakakaunawa sa aking nararamdaman. Pakiramdam ko pasan ko ang mundo, diko maipaliwanag pero patuloy ang pagpatak ng aking mga luha. Nasasaktan ako ng walang dahilan, parang ang pakiramdam koy sobrang lungkot ng paligid. Gusto kong mag isa at magmuni muni sandali.
Sa aking paglalakad ay napadpad ako sa isang park, tahimik din ang lugar at iilan lang din ang mga taong nandon, may iolang pamilya na masasayang ngkukwentuhan sa isang tabi, nakaupo sila sa inilatag na sapin at may mga pinagsasaluhang pagkain, mukhang ang saya ng pamilya nila, nagkukwebtuhan at nagtatawanan. Palihim akong napapalingon sa kanila at naiinggit sa buhay na meron sila. Sa di kalayuan ay natanaw ko naman ang isang lalaki na tila malungkot din, bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan na tila may dinadalang mabigat sa kanyang kalooban. Nakatitig sa kawalan.
Maya maya ay naisipan kung maglakad lakad upang gumaan ang aking pakiramdam, maganda ang panahon, malamig ang simoy ng hangin at di gaanong mainit. Tamang tama ang panahon sa pamamasyal. Napatigil ako sa nagbebenta ng sorbetes, may iilan na bumili kaya napabili na din ako. Umupo ako sa isang bakanteng upuan upang doon ko kainin ang binili kong icecream. Maya maya ay nakita ko din ang lalaki na bumili ng icecream at nagulat ako dahil sa direction ko ang tungo niya.
Lalaki: Hi, are you alone?
Me: Yes.
Lalaki: Can I sit here if its it's ok for you.
Me: Yes ofcourse why not.
At kinuha ko ang aking bag at umurong ako sa kabilang dulo ng bench upang makaupo din siya. Sa isip ko hindi naman sakin ang place upang pagbawalan ang sinumang makiupo diba? Tahimik siyang umupo at kumain ng icecream ganon din ako, walang imikan dahil we both stranger. Ng biglang nagulat ako ng magsalita siya.
Lalaki: Why you're alone? Ang ganda ng paligid, by the way Im Gerald.
Me: ammmm choose kong mapag isa, I'm Lily . By the way you too bakit ka nag iisa?
Then ngkwento na siya kung bakit. Malungkot daw siya kasi kakabreak lang nila ng girlfriend niya. Niluko daw siya nito at matagal na pala silang may relasyon ng bestfriend nito pero saka nalang niya nalaman one day nong nag inuman daw sila at malasing ang bestfriend nito at nasabi na matagal na sila ng girlfriend nito. Tinanong nito ang girlfriend at umamin naman kaya mas pinili nalang daw niyang palayain ito kahit na mahal na mahal pa niya ang babae, siya nalang daw ang magpaparaya lumigaya lang sila. Ako naman mas pinili ko munang manahimik at wag ng magsalita about sakin. Naging magaan ang loob namin sa isat isa, madali siyang pakisamahan at masasabi mong napakabait niyang tao, sa sandaling nakilala ko siya ay naging magaan na ang loob ko sa kanya.
Ang bilis ng pangyayari, sobrang nagtiwala ako sa kanya kahit dipa kami gaanong magkakilala, naging magkaibigan kami sa maikling panahon. Mabait siya at makikita mong respetadong tao. Masayahin din at mapagbiro kaya di mahirap pakisamahan. Napadalas ang aming pag uusap at minsan nagkakatagpo kami sa parke.
Lumipas ang mga panahon at diko aakalaing siya pala ang pupuno ng kulang sa buhay ko, ang magpapangiti at magbabalik ng sigla sa buhay ko. Siya pala ang magiging katuwang ko sa buhay sa hirap man o ginhawa....
To all of you, maraming salamat sa patuloy na pagpapakita sakin ng suporta, pagbibigay sakin ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang aking sinimulan. God bless us all Insha Allah.
Sana ay nagustuhan niyo ang simpleng kathang isip kong ito, naway nasiyahan kayo sa article kong ito. Hanggang sa muli maraming salamat!
October 30, 2022 Sunday
Taguig, Philippines
All images are mine
Stay safe all, God bless
Akala ko naman totoo na. Pero mukhang totoo naman :D