read.cash Log in

@Nhene32

Joined 15 October 2021 · 17 posts

120 KT

0 KT · 48¢ received · 0 KT · 9¢ given

Posts

@Nhene32

Self Rebond Magandang Araw kapwa ko manunulat at mambabasa kamusta kayong lahat dito¡ Shout out sa aking sponsor sweetipie at jay997 maraming salamat sa pagtitiwala at support niyo sa akin, Bakit nga ba self rebond Ang title nitong asking artikolo kasi halos karamihan sa mga babae ay gusto Ng straight na buhok kaya nagpaparebond tayo kahit mahal Ang presyo into, Kahapon Ng umaga wala akung magawa kaya naisipan kong irebond Ang aking Sariling buhok, Kasi hindi na talaga maganda tignan nagmumukha na Akong bruha sa buhok kung Hindi na maintindihan kung buhok paba Ng tao o buhok Ng aswang hahaha, Yan yong buhok ko nung diko pa Siya narebond mukhang bruha na kahit suklayin mo ng suklayin dina Siya maayos dry na din Ang buhok Kasi Wala ding treatment na Ng yayari haha Ito yong ginamit ko bremod keratin silky straight rebonding,,naglagay lang ako Ng unti sa malukong yong kasya lang sa buhok ko,Una kung iplay sa buhok ko yong no.1 binabad kulang Ng 30 minutes sa buhok tapus Ng 30 minutes binanlawa Kuna at pinatuyo sa electricpan Kasi Wala Naman akung hair dryer,at Nung Natuyo na Ang buhok ginplantsa Kuna hanggang mag straight Ng maayos at Nung ok n Ang pagka straight niya naglagay na ulit ako Ng bremod no.2 yong kasya lang din panlagay Sa buhok ko at babad lang din ulit ng 30 minutes ayusin lang Ang pagkakalagay Ng gamot sa hibla ng buhok mo,pagtapus Ng 30minuts banlawan na shampuhin na at lagyan Ng conditioner tapus patuyuin na ulit at kapag tuyo na plantsahin na ulit *Hanggang sa masatisfied ka sa pagka straight Niya* At ito na Siya first time kung magself rebond Kasi nanghinayang ako sa 1500 na ibabayad ko salon kaya ako nalang Ang gumawa para sa sarili ko,nakatipid pa ako ng 1200 Kasi 300 lang Ang bili ko dun da gamot inorder kulang yon sa lazada,mabilis lang din Ang deliver sa lazada 2 days lang dumating agad , Mensahe Sa mga kapwa ko babae na gustong makatipid o ayaw gumastong Ng Malaki bumili nalang kayo Ng gamot at kayo nalang Ang gumawa para sa sarili niyo or magpatulong nalang sa Kapatid o kaibigan na gusto din magparebond para mas makatipid Ng Malaki Kasi Ang halagang 1500 ay makakabili na Ng 25kilos na bigas yan... Sa kapwa ko manunulat,mambabasa,likers,upvoters,at sa aking sponsor maraming salamat at pinagtyagaan nitong basahin itong aking Sulat.. @therandomrewarder maraming salamat sa pagpansin nitong aking sulat

@Nhene32

Maraming salamat sa aking Bago sponsor @sweetipei At sa aKing first sponsor jay997 maraming slamat Shout out to therandomrewarder

@Nhene32

Modules Hello sa lahat na kapwa kung manunulat at mambabasa,kamusta kayong lahat Dito?ako ayos Naman laging buzy sa pagtuturo aking anak sa kanyang module o assignment SA pan araw araw 2020 nag umpisa Ang pandemic at nung dumami na Ang nasasalanta Ng covid 19 nagkaroon nalang din Ng online learning at modules na tinatawag,kaya Ang sa mga anak ko two days online at yong natirang 3 days ginawa nila lahat Ng modules at age assignment nila,,Ang hirap din pala sumagot Ng modules Kasi Hindi mo alam kung saan mo kukunin Ang isasagot mo dun SA modules kapag Hindi pa nadidiskas ni teacher,nakakalito na nakakabuang magturo sa mga bata minsan kasi hindi ko kabisado mahirap na din kasi Ang module kahit sa mga elementary palang Lalo na pag nag math at science nakakatanga mas magaling pa sumagot ang anak ko kisa sa akin haha Yong dalawang anak ko grade two at grade five pero Ang tinututukan kulang yong grade two ko at yong grade five kung anak bahala na siya sa buhay niya Hahaha Hindi na siya nagpapaturo SA akin Kasi kaya na daw niya sagutan yong kanya,at sa kabutihang palad matataas din yong nakukuha niyang Marka,parehas nilang dalawa paborito Ang subject na math, sana bumalik na ulit sa normal Ang panahon mawala na Ang pandemic at Maka pasok na ulit Ang mga bata sa totoong skwelahan,Ang daming studyante Ang nahihirapan SA new normal na panahon gawa Ng pandemic nato lalo na yong mga colleges na kung saan saan humahagilap Ng sagot nila kapag Wala Silang Makita o mahanap sa google. Halos kumapit ang lahat SA module at online klas para lang makatapus at makameet Ang mga pangarap nila sa buhay,kahit mahirap tiniis nila para lang makapagtapus sila sa kanilang pag aaral,Kasi sayang Naman Ang taon kapag himinto sila kaya lahat ng paraan sinubukan na nila,kahit wala maayos na gadgets,walang maayos na signal nagtiis sila para lang makapag online,yong Kapatid ko sa probensya lumalabas pa ng kalsada para lang makasagap Ng signal kapag my kailangan siya gawin,bukid o patag Kasi sa lugar namin malayo Ang Bahay Namin SA bayan kaya medyo mahina ang signal kailangan pang lumabas para makasagap Ng maganda signal.. Kaya sana sa sunod na taon Wala ng pandemic at bumalik na sa dati ang pamumuhay Ng lahat nakakamis na Ang nakasanayan mating nakagawian.. Sa kapwa ko manunulat at mambabasa maraming salamat at pasensya na kayo Kasi madalang akong nakakabisita sa inyo,medyo busy lang talaga.

@Nhene32

YouTube Hello everyone kamusta Ang lahat na kapwa ko manunulat at mambabasa,sana at nasa mabuting kayong kalagayan lahat! Nuong November 2020 nag umpisa akong sumali SA YouTube dahil sa pag yaya sa akin Ng aking kaibigan subukan lang daw namin kung anung kalakaran SA YouTube at kung kakayanin nga ba namin,at dahil wala din akong ginagawa at nakakaburing na din tumambay,sinubukan Kuna,sa umpisa palang mahirap na maki sub to sub ka sa kapwa mo YouTuber tapus kinabukas ilalagas ni youtube Ang naipon mung MGA sub,pati watch hour binabawasan din Niya,tyagaan lang talaga, Hanggang sa maabot mo yong 1000 subscription pagkatapus niyan kailangan mo din mag ipon ng 4000 watch hour at pag nameet Muna c 1000 subscription at 4000 watch kailangan muna mag applay ky youtube. After niyan na maaproved kana ni YouTube kailangan muna Naman makibaka hahaha kailangan mong makisali sa mga premier o watch to watch para makaipon ka ng sinintimus at maabot mo yong 100dollar para sumahud ka! Ako nameet ko si 1000 subscription dahil tinulungan ako ng mga kaibigan ko at yong 4000 watch hour ko kaibigan ko nadin ang bumuo sa kulang ko 3000hours,at Ngayon na monitized channel na ang channel ko sumali Ako sa mga premier at watch to watch Minsan my nagpapalipad sa mga premier pero madalang lang din kailangan mo din talaga sipagan mag upload ng mga video at swertehan lang din kapag magustuhan ni YouTube ang iyong upload tutulungan ka Niya o irekumenda Niya yong video mo.pero yong iba siniswerte Sila SA YouTube kasi kapag mahilig ka magpalipad Ng tip madami din Ang magpapalipad sayo para mas mabilis Kang sumahod kaya lang Panu kung wala kang badget para ipalipad Wala din magpapalipad Sayo,kaya tyagaan at swertehan nalang talaga kaya diku talaga masabi na magiging matagumpay sa larangan no YouTube At ang masaklap lang Jan inabot na kmi Ng 4mons Ng kaibigan ko hindi padin kami sumahod hahaha pero medyo malapit na din sa awa ni God.. At sa mga makakabasa o makapansin nito na kapwa ko manunulat at mambabasa sa aking sponsor,upvoters maraming salamat,, To therandomrewarders🙏🙏

@Nhene32

Luksong baka Hello kapwa ko mambabasa at manunulat kamusta naman kayo dito? Sa mga batang lumaki bago pa man nauso ang computer games at iPad, namimiss niyo ba maglaro ng isa pang papular na larong pambata noon, ang luksong baka? Nakakamiss maging bata at aktibo sa paglalaro nito! SHARE nyo na ang childhood memories ninyo habang nilalaro ito mga Ka-Mega! paborito kung laro itong luksong baka lalo na shaynes garter ang taas kung tumalon nung bata pa ako at kapag walang pasok ay naglalaro kami ng luksong baka o shaynes garter,pero ngayon tumakbo lang ng ilang minuto pagud na pagud na ako at hinihingal, Pero ngayong panahon parang dahan dahan na nawala ang larong 80s-90s mga kabataan ngayon ay halos puro gadgets nalang ang hawak at pinaglalaruan nila,di manlang nila naranasan yong ganitong laro,di lang nila alam na mas masaya ang mga larong 80s-90s kisa sa mga laro ngayon na walang binipisyo sa katawan,minsan yong mga anak ko naglalaru sila ng habol habulan at tago taguan, Pero kadalasan celpon talaga ang pinaglalaruan nila halos mapuno na ng games ang celpon kaka download nila at minsan mahirap narin sila tawagin at utusan pagnakafucos na sila sa laro nila at kapag inuutusan bumibigat na ang mukha at mga paa nila bawat galaw my tabog,at tinatamad na din sila gumawa ng mga takdang aralin nila,kaya hindi talaga pwede na nakababad sila lagi sa celpon nila,kaya tinatanggalan ko sila ng celpon pagkatapus ng online class nila para makapaglaro din sila ng ibang laro,at kapag hindi sila matanggalan ng celpon nagpupuyat sila hanggang madaling araw ,iba na talaga ang mga kabataan ngayon mas mabilis na sila matuto sa kung anu anung bagay o laru na nakikita nila kaya kailangan talaga na mabantayan masubaybayan sila ng maayos. Mensahe Wag pabayaan maglaro ng maglaro ng gadgets ang mga bata subukan nating ituro sa kanila ang kinalakihan nating mga laro, Sa kapwa kung manunulat at mambabasa maraming salamat kung mapansin mo itong aking munting kwento...

@Nhene32

Election is waving Noong nakaraang election nagpatransfer kami dito sa makati kasi dito na kami nakatira stay in sa work ng asawa ko,at nung araw na ng butuhan pinuntahan kami ng kakilala ng asawa ko na workers ng barangay inabutan kami ng sobre na my tag 500 ang laman at kasama na dun ang list ng ibubuto namin so ayun tinanggap na namin ang sobre kasi kusang bigay naman yon at hindi namin hiningi,kaya dina namin tinanggihan haha,ganun din ang kalakaran sa probinsya na aking pinanggalingan kapag sumapit na ang hapon anjan na ang biyayang sobreng galing pulitiko bibilhin na ang iyong buto, Kinahapunan pumunta na kami sa school para bumuto at meron isang watcher dun na nakabantay sa amin na kakilala din namin inabangan niya talaga kami sa pinto tapus nung dipa siya makuntinto pumasok siya room at tinignan yong mga balota namin ng asawa ko,kaya pinagalitan siya ng mga teacher kaya lumabas siya ulit tapus nung tapus na kami mag vote ihuhulog na namin sa machine yong balota namin bigla ulit pumasok yong watcher at titignan sana kung sinu yong binuto namin tawa ako ng tawa kasi nahuli yong asawa ko na kabilang partido lahat ang binuto namin hindi niya naitaob ang kanyang balota,kaya sinabihan siya nung watcher na madaya ka naman boss eh,hahahaha Sabi ng asawa ko ibubuto ko kung sinu ang nasa puso ko hindi ko binibinta ang buto ko kahit tumanggap ako ng pera ...after nung botuhan at counting na ng balota nagulat kami bakit biglang naging zero yong mga binuto namin,yon pala my dayaang nangyari yong sampong teacher pala dun na nakaasign nabayaran na din kaya,nagsayang lang kami ng boto namin kasi nabasura din Sana ngayong darating na election gising na ang mga tao sa katutuhanan at wag na pairalin ang pera pera lang kasi tayong lahat din ang maghihirap kapag naka upo na sa pwesto yang mga gahaman,wag na sana tularan or mabalik ang dating nakagawian,butuhin kung sinung nararapat at makatulong sa bayan,, Proud duterte ako umpisa pa lamang na nailukluk siya sa pwesto kahit masama ang bibig niya dahil palamura atlest tunay siya sa sarili niya,,kapag napapanuod ko yong funny moment ni pres. Duterte natatawa nalang ako siya lang yong president na nakaupo sa pwesto na hindi laging nakaharap sa camera kung hindi naman kailangan at hindi laging pumupunta sa ibang bansa kapag hindi naman kailangan maraming nagawa project na hindi nailantad sa publiko.. Message Sa mga kapwa ko pinoy at butante sana ilukluk natin sa pwesto kung sino yong nararapat at my pagmamahal sa ating bansa at sa ating mga Filipino wag basihan ang laman ng bulsa pakiramdam natin mabuti kung sinu ang makakatulong sa ating bansa... Hello my co writers and reader magandang araw sa inyong lahat!maraming slamat sa makakapansin ng aking kwento,pasensya na at medyo buring ang kwento hindi pa ako hasa magsulat!

@Nhene32

Cheater Hello every one!and hello world!kamusta ang lahat dito? Sabi ng iba cheater always a cheater kaya sinubukan kuna kasi napasubo na ako dina pwedeng umurong haha! At dito mag uumpisa ang aking kwento cheater is always a cheater!bago naging kami ng asawa ko tinanung ko muna siya kong my asawa o anak ba siya or wala para wala akung masagasaan or masaktan na iba at ang sabi niya wala daw!kay si ako GO na kasi wala daw eh,,kaya naging kami after a year nabuntis ako sa panganay ko kaya nagsama kami tapus lumipas ang ilang bwan my nakita akong extrang cp at dun ko nalaman na habang masaya pala kami habang nag sasama kami meron din palang naghihintay sa kanya n GF at anak,akala wala talaga akung nasagaan yon pala meron,yon nga lang aware yong babae sa lahat ng gawin niya kasi since high school pa pala sila ganun at ganun ang nangyayari pumapayag yong babae na my ibang juwa ung juwa niya ang sakit lang kasi ang daming lalaki nakishare siya. At nung nakapagtapus na ung lalaki nakahanap ng work at naasign dito sa manila kaya dito din kami sa manila nagkita bali kaharap lang ng bahay ng tita ko yong office nila kaya nakikita daw niya ako araw araw at at yong juwa nia andito din pala sa manila at alam ng juwa niya bawat umaalis kami tinitiis niya lang ,ang tanga kulang kasi diku nalaman yon. At nitong pandimic na naiwan kami sa province at nauna siya bumalik dito sa manila nag usap kami na bawal muna uminum kasi kakagaling niya palang at bawal magsinungaling ,bawal gawin ang bawal alam niyo na kung anu yong bawal,so ayon omokey naman siya kaya nagkasundo kami na mauna na siya bumalik dito sa manila kasi my trabaho pa siya,tapus nung nasa manila na siya araw araw naman siya tumatawag nung inabutan na ng ilang bwan medyo dumalang na ang tawag niya kaya nagtaka ako bakit di siya nagtawag araw araw ang sabi niya buzy daw sa trabaho pero hindi ako naniniwala kasi ilang taon din ako tumira sa loob ng office nila kaya nagduda na naman ako na bumalik siya sa gawin niya!kaya bumalik kami ng mga anak ko sa manila at pakiramdam ko nagbubuhay binata na naman ang ang asawa ko kaya sinabi ko nalang sa kany,gusto mo pala magbuhay binata sana sinabi mo nalang para dina ako nagsayang ng pera ang panahon para lang makabalik dito,,at mga ilang bwan lang nalaman ko lahat ng pinaggagawa niya at sa mismong bibig pa niya lumabas ang kalukuhan niya..at nung nahimasmas siya ginawang niya sangkalan ang iba sa mga kalukuhan niya. Kaya ngayon naniniwala na ako sa sinasabing cheater is always a cheater.. To my sponsor maraming salamat! To therandomrewarder maraming salamat!

@Nhene32

Chocolate's Good evening,Good morning universe! Hello my co writers and readers!kamusta kayong lahat dito? Chocolate-Sabi nila kapag buntis ka daw wag kang kumain ng mga pagkaing maiitim,pero ako nung buntis ako sa bunso kung anak halos araw araw ako kumakain ng chocolate bawat tapus ko kumain ng kanin kumakain na agad ako ng chocolate kasi pag di ako kumain ng chocolate parang nauumay na naglalaway ako kaya hindi ako nawawalan ng chocolate na stock,nung diku pa alam na buntis ako bumibili ako ng shawarma at balot tuwing gabi,makatatlong shawarma at balot muna ako bago makatulog yon pala naglilihi na ako hahaha,tapus nung mga 4 months na ang tyan ko nagstart na ako maghanap ng chocolate bawat sahud pumupunta akong grocery hindi ko talaga nakakalimutan bumili ng chocolate, Tapus bawat punta namin sa bahay ng mga kaibigan namin lagi silang my nakaready na chocolate diary cream or tobleron nauubus ko yon bago kami umuwi pag my matira na hindi ko maubos kain dinadala kuna pauwi haha,ang subrang sarap lang talaga ng chocolate nung nagbubuntis pa ako at nung nanganak ako sa baby ko maputi siya hindi siya maitim mana siya sa papa niya pero yong mata at kulay niya nag mana sa akin,at ngayong 2 year old na siya ang bibo niya subrang kulit favorite niya panuurin lagi ang cocomelon at mahilig din siya sa chocolate haha Sabi nila pag buntis ka wag kang kumain ng maiitim na pag kain pero bakit ang baby ko ang puti e puro naman ako chocolate ng buntis ako tapus kumain din ako ng inihaw kapag linggo na mag ihaw ng isda ang asawa ko,,hindi talaga totoo yong sabi sabi na pagkumain ka ng maiitim na pagkain magiging maitim ang anak mo paglumabas,,kasabihan lang yon walang katutuhanan,kapag maputi ka maputi ka talaga ,kapag maitim ka maitim ka talaga wag na erason ang maiitim na pagkain kung maintim ang ank mo kasi tunay na kulay natin yan.. Halos karamihan sa atin favorite ang chocolate kasi sadyang masarap talaga sila pero yong gusto ko talagang chocolate yong puro siya walang halong biscuit,kasi kapag kumain ako ng chocolate na my halong biscuit feeling ko kumakain lang ako ng biscuit na my coat ng chocolate.,at.gusto ko din yong chocolate na my mani,bwat grocery ko binibilhan ko din ng chocolate mga anak ko kasi gusto din nilang kainin yon..at isa pa kapag nagugutom ka at kumain ka ng chocolate or anung matatamis na candy nababawan yong gutom mo pwede din siya pantawid gutom kahit papanu at malakas din siya na pampataba kasi napakatamis nia.. To my sponsor na lagi akong hinihikayat maraming salamat! To ; TheRandomRewarder maraming salamat at napapansin mo itong aking kwento!

@Nhene32

Outing sa ilog Hello co writers and reading magandang araw! And hello uneverse! Kamusta ang lahat dito! Outing-ngayong gabi mag outing sana kami ng family at mga frieds namin kaso lang wrong timing din kasi my low pressure area na dumating ang lakas ng ulan kaya naudlot ang lakad hindi natuloy ang ganda sana ng pupuntahan naming ilog running water talaga siya,nakakamiss mag outing umpisa kasing magpandemic hindi na kami lumalabas palengke nalang ang napupuntahan ko tapus mga anak ko sa loob ng bahay nalang din walang labas labas,excited na sana kami ng mga anak ko napurnada pa ng dahil sa ulan haha Nagluto pa naman ako ng pansit canton at liempo na babaunin namin sa outing kaso di naman natuloy kaya dito nalang ulit kami sa bahay kasi hindi naman makakalabas kasi malakas ang ulan at yong mga friends namin tinawagan nalang namin na dina matutuloy kasi malakas ang ulan mahirap magbyahe kaya sa sunod nalang namin ituloy ang pag outing pag wala ng low pressure area sa pinas,sana lumabas kaagad ang low presure area sa pinas, Dati nung wala pang pandemic linggo linggo kami mag outing nag ambag ambag lang kami para sa gastusin pambiling babaunin na food,tapus kanya kanyang intrance karamihan sa beach ng caveti napuntahan na namin misan umaabot pa kami ng batangas tapus,merong beach na napuntahan na maraming lato at buko libre lang ,,subrang saya manguha ng lato sa dagat haha,at meron din mga fresh na isda na nabibili kapag umaga kaya bumibili nalang kami kapag my dumadaong na baruto,at magluto kasi my baon naman kaming kaldero,always ready kapag my lakad para di magutom kaya my baong kardero at bigas ang lola niyo para anytime pwedeng magluto,yong iba naliligo sa dagat yong iba nagluluto tulungan nalang para mabilis matapus at makakain ang lahat,tapus kain ligo ulit at yong iba nag iinum ng unti lan, Nung wala pa ang pandemic ang saya lang punta d2 punta duon,pero ngayon dimu manlang magawa kung anung gusto mong gawin kontrulado ang galaw mo kasi takot ka mahawaan ng virus kaya mas piliin mo nalang pumirme sa loob ng bahay kisa lumabas na nakakatakot ang pandemia To my co writers and readers maraming salamat sa nakakapansin at matyagang pagbabasa ngbaking kwento To my sponsor maraming salamat! @TheRandomRewarder maraming salamat at napansin mo itong aking kwento.

@Nhene32

Problema Hello Every one! My co writers and readers yahoooo kamusta naman kayong lahat dito! Nuong MAY 2020 pumunta kami ng asawa ko dun kila ante sa valenzuela kasi kakagraduate lang ng pinsan ko at pinapunta kami so ayon na ngayong pagtapos ng tanghalian nag inuman sila sa baba at my videokehan din my mga kasama silang di nila kilala ang sabi ante bisita daw yon ng kabila na nakijoin sa kanila mag inuman, So ayon na nga duon na nag start ang aming problema after to weeks nung pagpunta namin ky ante nag umpisa ng mag yelow wish yong ihe ng asawa ko tapus nagpacheck na siya sa private clinic ang sabi my HIPA B daw kaya binigyan siya ng gamot kaso ang problema habang ilang linggo niya na iniinum yong gamot na nirisita sa kanya ng doctor di parin siya gumagaling mas lumalala pa siya umabot pa sa nangangati na siya ng dahil lang sa gamot na iniinum niya tapus 1 nigth nakahiga na kami nagsabi siya hindi daw siya makahinga kaya pumunta siya ng ospital kasama niya yong katrabaho niya kasi hindi ako makaalis kasi kapapanganak ko palang nong time na yon,kaya kaofficemate niya yong sinama niya pagka umaga pagdating ng kapatid ko pinuntahan ko siya agad sa ospital at ang sabi lang ng doctor nung gastric lang daw yon pero hindi ako naniwala na gastric lang yon kaya paglabas namin ng ospital nag hanap ako agad ng private ospital na tatanggapin siya kasi pag sa pag hindi siya tinatanggap kasi wala daw siya sakit kaya tinawagan ko yong kapatid kong kakaopera lang din, kung saang ospital my kilala silang doctor kaya nirefer nila kami sa advintes kaya napasok kaagad ang asawa ko tapus nung inexamin na siya ang sabi ng doctor my bara daw yong ugat niya malapit sa my updo niya kaya lang wala silang gamit na pwedeng gamitin na pang opera sa asawa ko kaya nirefer ulit kami ng doctor sa manila doctors ospital pero same doctor parin ang hahawak sa asawa kaya naglipat din kami agad agad pagdating don sa manila doc. Nag ward lang kami kasi ang mahal ng room,nung nandun na kami sa loob inintay lang namin ang doctor kasi titignan siya ulit after nun pinag fasting na siya 2-3 days ata yong fasting niya binibigay lang sa kanya na pagkain juice,orange at gulaman tiniis niya yon hanggang maoperahan siya,pagtapus ng operation niya mga 2 days lumabas na kami kasi ok naman na daw siya halos 1week din kami sa ospital ang kasalitan kulang don yong isang lalaking kapatid ko pinupuntahan niya ako sa ospital para palitan magbantay sa asawa ko,at yong mga babies ko iniwan ko sa kapatid kung babae,pasalamat lang din talaga ako kahit lagi kami nag aaway naasahan ko sila nung time na yon sila pa mismo nag alok ng tulong sakin kasi alam nilang nahirap ako kasi kakapanganak ko palang tapus ganun na ang nangyari,at yong yong mga pinsan ng asawa ko di manlang sila nakakaalala kamustahin ang asawa ko ma ang laki ng tulong ng asawa ko sa kanila. Tapus nung pwede na kaming lumabas nagbayad muna ako halos kulang kulang 180k din ang damage namin sa ospital pero ayus lang kasi gagaling na din siya,pagtapus ko magbayad lumabas na kami dinaanan muna namin yong mga anak namin dun sa bahay ng kapatid ko para kunin at makauwi na,pagkauwi namin naglipit agad ako ng mga gamit namin kasi uuwi kami agad sa province kasi pinagpahinga muna ng office yong asawa ko ng 2-3months kaya umuwe kami sa province, Tapus nung nasa province na kami ilang linggo na hindi parin gumagaling ang asawa ko parang mas lalo pa siyang lumalala at yong balat niya tinubuan na ng butlig butlig dahil sa gamot na iniinum niya kaya ng hingi kami ng tulong ky mama para mapatigna sa manggagamot ang asawa ko first try di siya gumaling kaya lumipat ulit kami sa iba 2nd try ayon gumaling ng ang asawa ko,hindi pala siya doctoran..isang gamot lang ang pinaiinum sa kanya gumaling siya agad,after 1 month nakabalik siya ng trabaho at nagulat lahat ng katrabaho niya na makabalik work na siya bumalik din ang dating hitsura at katawan niya, sa dami ng katrabaho ng asawa ko ni isa sa kanila wala manlang my nakaalalang mangamusta,pero pagkailangan nila ng tulong sinadya pa nila ang asawa sa bahay. Hello universe maraming salamat sa makakabasa ng aking kwento! my sponsor maraming salamat sanay madagdagan kapa ng marami hehe To @therandomrewarder @rusty maraming salamat

@Nhene32

Food is life Good morning my fellow writers and readers and hello universe,, Food is life ika nga,,karamihan or nakasanayan na nating mga pinoy ang kumain ng kumain lalo na kapag may ocassion at magsipuntahan ang mga kamag anak at kaibigan maganang kumain kapag my kasamang kwentuhan at tawanan dimu napapansin paubus na pala ang pagkain sa inyong harapan,masayang kumain kapag marami kang kasama,at maraming baong kwento ang iyong mga kasama,tawanan dito,tawana doon,nakakamiss lang talaga ang mag ipon ipon.. Kahapon nagluto ako ng spagetti para sa mga anak ko nilagyan ko ng madaming hotdogs at sauce yong niluto ko nilagyan ko na rin ng condince milk para medyo matamis tamis,kasi favorite ng bunso ko yong spagetti at yong dalawang anak ko unti lang kinain nila kasi malalaki na daw sila iba na yong favorite nila pero nung bata pa sila gustong gusto din nila ang spagetti..siguro halos karamihan sa kabataan gustong gusto talaga ang spagetti lalo na pagmadaming sauce at hotdogs,pero kapag lumaki na sila nag iiba din ang taste nila,,pero ako kahit matanda na ako gusto ko padin ng spagetti lalo na pagmedyo creamy napapadami akong kain.,pero yong panganay ko nakucontrol niya na yong kain niya kumakain lang siya ng saktong busog siya tapus pagnagutom siya kumakain nalang siya ng tinapay at magtimpla ng milo,kasi pangit daw pagtumaba siya di kakasya ang mga damit niya sa kanya, Ngayong araw gumawa ako ng pansit at tortang itlong kasi yon ang hininging almusal ng mga anak ko magana silang kumain kapag gusto nila yong pagkain kaya kong anung gusto nila ulam yon ang niluluto ko para makakain sila ng madami,kasi pag hindi nila gusto ang ulam hindi sila kumakain ng maayos uunti lang nakakain nila, pagka katanghali magpreto nalang ako ng isda at gumawa ng gulay para kahit papanu makakain sila ng gulay, piling gulay lang din ang gusto nilang kainin tulad ng kalabasa,carrots,sitaw at patatas maraming gulay ang ayaw nila kaya minsan inuunti unti ko sila pakainin ng gulay hanggang sa magustuhan na nila, Paalala; Wag kumain ng subra kasi lahat ng subra ay nakakasama,kumain lang ng tama..magtira ng para mamaya hahaha To my fellow writer and readers maraming salamat sa makakabasa nito! Sa aking sponsor na naghikayat sa akin na sumali dito jay997 maraming salamat! @TheRandomRewarders/rusty maraming slamat,

@Nhene32

Buhay bukid Hello every one, Magandang araw mga karead cast,my fellow writer and readers kamusta ang araw niyo, Pinanganak ako sa isang province,ang aking nanay at tatay ay magsasaka,at nung medyo lumaki na ako at nagkaisip sumasama ako sa palayan na sinasakahan ni papa lalo na kapag anihan na ng palay kahit hindi ako papayagan ni mama kasi bata pa ako,makati at mainit dun sa palayan ,sumasama padin ako ky papa kasi gusto ko humawak ng sako para sa palay at pagkatapus ng anihan my nagtitinda ng makakain sa gilid tulad ng tinapay,ice candy at drinks para pangmeryenda,at pagkatapus ng meryenda ay naglalaro na kaming magkakapatid maghahabulan kaming magkapatid sa gitna ng palayan ang saya lang at pagtapus namin maghabulan aakyat kami ng punong kahoy at kukuha ng mga prutas,pagkatapus namin kumuha ng prutas mamumulot din kami ng mga shell para my pang ulam kinagabihan Nung lumaki na ako ganun padin ang ginagawa ko pupunta sa palayan kapag anihan pero dina ako nag aabang ng makain kasi ako na ang nagdadala ng makain nila papa,nagluluto ako ng pagkain para dalhin dun sa palayan at ng makakain na sila papa at mama pagkatapus ng anihan manghihingi kami isa isa ng tag isang sakong palay at ibinta namin para makabili ng gusto naming bilhin na mga gamit,tuwing anihan lang kasi ng palay nakakabili kami ng bagong gamit, At pagpumupunta kami ng bayan kailangan muna namin maglakad ng 20minuts bago makarating sa bayan kasi dati wala pang kalsada sa amin at wala pang mga motor kaya kailangan mo talaga lakarin para makapuntang bayan, pero ngayon my kalsada na at tulay meron na ding mga motors kaya kahit paanu lumuwag luwag ang pamumuhay sa bukid,at sa awa ng diyos kahit papanu nakapag aral kami at ngayon halos nasa manila kami nakatira kasi dito na kami nagkaroon ng trabaho at mga asawa salitan nalang kami ng mga kapatid ko magpadala ng pera ky mama at papa,at kahit dito sa manila magkakalayo din kaming magkakapatid kasi my kanya kanyang pamilya na,pero minsan nag uusap usap kami mag iipon ipon padin kAmi kapag hindi mga buzy at halos kada taon umuuwi kami sa province kila papa ang saya lang kapag madami kayo kahit nagkakagulo kami nagkakasundo din naman agad. Mas masaya ang buhay province kisa dito sa manila na ang mahal ng mga bilihin at minsan hindi pa fresh ang mga gulay at isda ,di tulad sa province na lahat sariwa walang pollution fresh na fresh ang gulay fruits ikaw mismo ang kukuha sa taniman or sa puno kapag gusto mong kumain or magluto.. Buhay province simple pero ang saya sipag at tyaga lang ang kailangan mo.sa province para gumanda ang iyong buhay at ng hindi ka magutom,bawal ang tamad sa bukid To my fellow writers at readers sana ay mapansin niyo itong aking mumunting sulat maraming salamat sa makakabasa nito, sa aking sponsor maraming salamat, To @therandomrewarders @rusty maraming salamat!

@Nhene32

Panganay Hello every one,magandang araw my co writers and readers! Kwento kulang itong napaka strikto kung kapatid!hahaha Dati close naman kami ng kapatid kong panganay ,nung mga bata pa kami hanggang sa nag dalaga ako ok na ok kami nag aaway kami minsan pero nagbabati din kami agad kasi normal lang naman sa mga kapatid ang mag away minsan wag lang lagi haha, nung naging high school kami sabay kami pumapasok ng school at tuwing week end pagnaglalaba ako ng uniform ko sinasali kuna din ung uniform niya para isang labahan nalang tapus pagpumasok na kmi dinadagdagan niya yong baon kung pera hehehe,mabait naman siya Pagcollege namin dun na siya nag umpisa maging strikto ayaw niyang pumupunta ako sa building nila kahit same school lang kami pagkaiba lang ng building kaya di ako pumupunta lagi sa building nila minsan lang kapag my kukunin ako or kahit walang kukunin napunta padin alam muna minsan masaya talaga magpasaway tapus pagmakita niya ako pagala gala sa building nila naiinis siya haha,tapus pagnagjuwa ako tinitigna niya kung saan saan niya makita makita sabihin niya sakin,hoy nakita ko juwa mo dun my kasamang babae haha,sabi ko yaan mo siya jan siya masaya ehh,kaya ayun usok usok na naman ilong niya kasi wala ako pakialam sa pinaggagawa ng juwa ko,Siyempre bata pa ako nung time na yon ehh, hindi pa iniisip magseryoso kasi di naman sila seryoso ehh, Pagkaclosing ng school year nag apply ako paibang bansa so ayun sa edad kong 19 year old nakapasok ako ng UAE haha,,pagdating ng UAE syempre nanibago ako sa pagkain oras ng tulog at oras ng gising at sa sandamakmak na trabaho pero mababait naman yong mga amo ko kaso nadismaya ako sa sahud ko kasi parang hindi siya tugma sa trabaho ang daming trabaho tapus yong sahud nasa 10k lang hindi ako nasatisfied sa sahud ko na pang all around na trabaho my 4 kids pang mahilig mag utos kaya tinapus kulang ang 2 years ko tapus uwi ako at dina bumalik, Manila-Nung nasa manila na ako nag apply ako ulit paibang bansa tapus yong nahanap ng agency ko na magiging amo ko ay hindi katulong ang kailangan,ang hanap niya ay magiging asawa niya,kaya ayong umatras ako kasi natakot ako sa kargada niya diba ang laki laki ng kargada ng mga arabo hahaha,at isa pa bata pa ako nun sa age of 21 bata pa ako haha,mabait naman sana yong arabo na yon kasi pumunta pa siya dito sa manila para lang makita ako kaso natakot lang talaga ako ,,nung nalaman ng kapatid ko yon sabi niya patulan kuna daw kasi gaganda daw ang buhay ko dun wag kuna daw papalagpasin,pero syempre diku siya sinunud hahaha Ginawa ko nagjuwa ako ulit at naging katrabaho pa niya kasi dun din siya nag apply ng work sa pinapasokan ng juwa ko kaya ayon usok usok na naman ang ilong at nguso ng kapatid ko hahaha,at ako wala paki kahit anu pa sabihin niya kasi sabi ng papa ko kung saan ka masaya yon ang gawin mo haha,kaya yong juwa ko ay naging asawa kuna at ayaw talaga ng kapatid ko sa kanya kahit anung gawin kong paglalapit sa kanilang dalawa,inabutan ng ilang taon nagkaanak nalang kami ayaw padin talaga ng kapatid ko sa kanya hindi parin niya pinapansin ang asawa ko kaya bandang huli sabi ko sa sarili ko bahala kau sa buhay niyo kung magpasinan kayo or hindi matatanda na kayo na. Bunsoy-Pero nung nakita ng kapatid ko yong bunso ko parang natuwa siya kay bunsoy lagi niyang kinukulit kapag nakikita niya pagpumunta siya sa office,kaya napapansin kung umuokey na siya sa asawa ko hindi niya na dinididma kapag pinapansin siya haha lumambot din ang strikto kung kapatid pagnapunta siya sa bahay binibigyan niya ng pangmeryenda ang mga bata nakakatuwa lang ang kapatid kong napakastrikto lumambot sa pagdating sa mga pamangkin niyang makukulit. To my fillow writers and readers my sponsor jay997 maraming salamat,sana ay mapansin niyo itong mumunti kung sulat @TheRandomRewarder @rusty maraming salamat sa pagpansin ng aking sulat Godbless sating lahat!

@Nhene32

@TheRandomRewarder maraming salamat

@Nhene32

My Daugther inlaw Hello Every one Siguro nagtataka kayo bakit ''my Daugther inlaw''ang tittle ng aking article ngayon! Kasi ganito yan nong nanliligaw palang sakin ang aking asawa tinatanung ko siya kung my asawa or anak ba siya or wala sabi niya wala,so ayun Go Go na ako kasi walang sabit after a week naging kami yong tinatrabahuan kasi nya na companya ay kaharap lang ng bahay ng tita ko kaya kami nagkakilala so ayun na nga inabutan kami ng taon bago ako nabuntis at nung nabuntis na ako nagsama na kami sa iisang bubong tapus mga ilang bwan lang nagpapaalam siya na magbakasyon sa kanila na siya lang syempre ako nag umpisa ng mataka bakit hindi niya ako isama sa pag uwi sa kanila Kaya ang ginawa ko hinalungkat ko ang mga gamit niya at my nakita ako extra phone na nakatago dun tapus tinignan ko yong phone lowbat na kaya tinanggal ko nalang yong sim card at nilagay ko sa phone ko at nung naopen kuna yong phone ko andun lahat ng palitan nila ng text nung girl sa inbox hindi nabura kaya nabasa ko lahat ng pinag usapan nila, Ang subrang sakit lang na akala mo lahat totoo na walang sabit kasi nagtanung ka naman umpisa palang para walang masagaan or masaktan na iba,kaso malakas lang talaga siguro si tadhana magsinungaling kaya napapaniwala niya ako na wala siyang sabit, Pero kahit ganun paman ang nangyari hindi niya kami iniwan kahit pinapaalis kuna siya pagkatapus kung manganak kasi ayaw kong makipag agawan kasi yong isang juwa niya aware na pala sa lahat ng ginagawa niya ako lang ang walang alam.. At ngayon malaki na yong bata at mukhang mabait naman siya ayaw lang siya ipahiram ng mama niya sa papa niya kahit gusto niya makasama ang papa niya di siya pinapayagan. Ngaun ay nasa grade 6 na yong bata halos magkakasunod lang sila ng panganay ko, Kilala din ng mga anak ko ang ate nila kasi habang lumalaki nagtatanung sila kung sinu yong batang tumatawag sa papa nila kaya sinabi nalang namin na ate nila yong kapatid nila sa ama minsan nagtatawagan silang tatlong magkapatid at mag usap at harutan,na akala magkakilala talaga sila sa personal kung mag usap sila,tanggap nila na magkapatid sila sa ama, sa ngaun mukhang nagbago na din ang kanilang papa hindi na umaabot kung saan saan galaan kapag hindi kasama ang kaniyang pamilya,bawat galaw niya inuuna niya muna ang mga bata. This coming Dec. We plan na umuwe sa province nila kasi pinapauwe kami ng papa niya sa birthday nia. Kaunting paalala lang: Wag maniwala kaagad sa sabi sabi/kwento/mabulaklaking bibig lang kilalanin mabuti ang iyong sasamahan wag magmadali dahan-dahan lang makakarating ka din sa gusto mong puntahan na walang nasasagasaang iba. T0 My fellow writer and readers maraming salamat if mapansin or mabasa niyo itong aking kwento.. Godbless sa ating lahat!!

@Nhene32

Hello every one! Maraming salamat jay997 sa matyagang pagturo sakin kung panu gawin ito at sa pag sponsor,yaan mo at pagbutihin kupa ang paggawa nito.

@Nhene32

My high school life, Noong first year high school palang ako meron akong crush at subrang cute nya lagi ko siya tinitignan kapag wala kaming classi kasi magkakatapat lang ang room namin,ganun lang ang routin ko araw araw kapag walang teacher silip silip sa bintana hindi ako mahilig magpunta sa canteen kasi masikip at maingay, Nung nagsecond year na kami maybe kalagitnaan of the year he court me kaso diku din siya masyado pinapansin kasi gusto din sya ng kaibigan ko kapag inaantay nya ako tuwing uwian or ililibre nya ako ng meryenda anjan padin yong friend ko nakikisali ayaw umalis kahit alam nyang nanliligaw na sakin si boy ayaw pa padin patalo kaya pinabayaan ko nalang so ayun walang sagutan na nangyari,at nagiging hobbit ko yong bumili at maglagay nalang ng cheppee sa bulsa ko para dina ako lalabas ng school or pupunta ng canteen kapag gusto ko ng mangangat, tapus nung 3rd year na kami lumipat ako ng school kasi kinuha ako ni ante kaya lumipat ako sa city tapus sya naiwan dun,,pinuntahan nya ako sa bago kung school pero diku na sya pinansin para dina sya bumalik ulit kasi hindi din naman magiging kami kasi ang layo kuna sa kanila kung magiging kami man ay hindi din magtatagal,tapus nung medyo ok na ako sa bago kung school nagkaron ako ng friends na basagulira tinuruan nila akong magsigarilyo at uminum bago pumasok ng school at bago umuwi after 1-2 week i realized na hindi sila mabuting kaibigan para sakin kaya napaisip ako kung magboboyfriend ba ako or makikipagfriends kaya mas pinili kung makipagboyfriend nalang ako my bago din nanligaw sakin at mukhang matino naman sya kaya sinagot ko sya after a week at sya nalang ang naging friend,boyfriend ko hanggang sa naggraduate kami ng high school Nung nagcollege ako dina kami magkasama ng juwa ko nasa ibang school na siya kasi yong course na kinuha nya wala dun sa school na pinasukan ko kaya nagkahiwalay kami pero kahit ganun tuloy padin ang communication namin kaso pagkasecond year kinulang ako sa budget kaya huminto muna ako at siya nalang ang nagpatuloy mag aral hanggang sa makagraduate siya, samantalang ako naman ay nag aply padubai kahit bata pa ako nun 19 year nakipagsapalaran na sa ibang bansa kaso nadismaya ako sa liit ng sahud at subra subrang trabaho, Pero kahit magkalayo kami magkasundo naman kaming dalawa umabot kami ng 10years kaso hindi din kami ang nagkatuluyan kasi nung nakapagtapus na siya ng college at nakapagtrabaho na siya nangialam na samin ang nanay at 2 kapatid nya,yong tatay at 3 kapatid nya walang problema 6 silang magkakapatid,umabot pa sa time na mga kapatid nya na ang nagtitxt sa akin at hindi na ang boyfriend ko,kaya naman naman at ginawa ko ay umiwas nalang,at nag antay kung sinu yong darating na para skin,after 3 year sabi ng mama at pinsan ko hinanap daw ako ng dating juwa ko kaso wala na my dumating ng bago na para sakin, At yong unang manliligaw ko naging close friend kami hanggang ngaun ang saya lang kasi hindi kami nagkakailangan pagnagkitakita kami tawanan at kwentuhan to da max. Wala talaga akong maraming karanasan nung high school at college ako kasi pagtapus ng klase uwian na ang dritso.