Magandang araw kapwa ko manunulat at mambabasa, naway nasa mabuti tayong kalagayan sa mga oras na ito. Hindi biro maging isang katulong sa bansang banyaga. Gaano man ako ka busy sa mga gawain araw araw ay sinisikap ko parin gawaan ng paraan upang maibahagi ang karanasan ko sa bawat araw π₯° (mahirap mag english pero mas mahirap yata magtagalog ng tama lol).
Ipapakilala ko muna sa inyo ang mababait at magagaling kong sponsors. Ikakagalak ko kung mamarapatin niyo silang bisitahin din sa mga oras na free kayo π
Kahapon pa may natanggap akong notification galing sa admin ng noisecash, isang eksperimento ang kanilang ginagawa at ipapagawa nila sa isang user ang napakasimpleng gawain katumbas ng dalawang dolyar! Napakalaking halaga na din yon upang makatulong sa iniipong BCH sa ating wallet diba?
Binuksan ko ngunit diko nagawa dahil sa dami ng mga ginagawa ko kahapon at sabi ko babalikan ko na lang pagkatapos ng mga gawain ko ngunit ng aking binalikan ay diko na nakikita ang sakitang Next! Inisip ko na lang na sayang naman yon pero baka hindi din para sakin ang halaga ng BCH na yon kaya hinayaan ko nalang. Tinanong ko din ang iba at ganon din di daw nila nagawa. Kaninang umaga paggising ko, habang nag eexplore ako sa noisecash ay nadaanan ko ang post ni sis #Genearns at nabasa ko about sa notification na yon at ano ang ginawa niya. Nabasa ko din na gumamit siya ng ibang browser upang mabuksan at makita ang NEXT word.
Pagkabasa ko, pumunta ako agad sa playstore at ngdownload nito ngunit dahil kulang ako sa kaalaman ay natakot ako at baka magaya ako dati s account ni sis @Sophia09 na naapektuhan ang earnings niya dahil ngdownload daw ng new browser so hinayaan ko nalang hanggang nagmensahe sakin si sissy @Jay997 na subukan ko daw buksan sa firefox nga. Nilipat ko sa bitcoin wallet ko ang mga kinita ko sa both platforms hehehe mas mabuti ng walang sisihan sa huli π€β then open ko doon ang account.
Ilang beses kong sinubukan pero wala pa din, ngmessage ako ky sis Jay997 na wala pa din ako nakikitang NEXT at ngtakandin siya bakit daw ganon sakin. Hindi ko muna siya nereply at tiningnan kong mabuti. Nakakaloka haha need ko pala pindutin yong lalaking nakataas ang kamay π€ lol!
Ayun! Lumabas nga ang hinahanap ko sa wakas, binasa ko isa isa yong mga lumabas na post at ni rate ko sila ayon sa quality ng post. Hindi ko namalayan kung ilang post at rate ko pero ang nakasulat ay 50 task to do, siguro natapos ko ang tast ng diko namamalayan at nag eenjoy akong mag rate hehe.
Bingo! Nakuha ko na ang reward nila sakin dahil nagawa ko angbtask nanpinapagawa nila. Ang sarap sa pakiramdam na may reward ang ginawa mong effort. Nakakaproud talaga na nagawanko din kahit sa tingin ko nong una na diko magagawa π₯°.
Natutunan ko na ang pagsuko agad ay isang pagkatalo! Ang lahat ng pagsubok ay laging panalo ka kapag hindinka sumusuko agad, hanapan ng paraan upang manalo sa hamon ng buhay, maliit man na halaga pero nakakaproud talaga na nagawa ko din sa wakas!
Maraming salamat sa inyong lahat, maraming salamat sa pagdaan sa aking gawa, naway lagi tayong ligtas sa lahat ng ors Insha Allah God is good always Alhamdulillah π€²π
Plagiarism check via https://1text.com/
October 25, 2021 Monday
Article #46
Kuwait time: 1:35 PM
Sending of love,
@Sweetiepie β€β€β€
...and you will also help the author collect more tips.
Nagawa kodin yong task ko na ganyan, nung una tatanga din ako pero dahil mahilig magpindot ang kamay ko ayun nakuha ko din,dina ako gumamit ng browser...