Of Losing what I never Found
Let me write something using our very own language. Sorry in advance to my reader from other part of the world. Not sure if the translator will work on this but if you're curious to what is this all about, you can just tap that π button on this article. Thanks!
--
At muli, nabuo na nga ang nawasak
Pusong nagkapira-piraso ay paunti unti ng naghihilom
Subalit ang bakas ay hindi na mapag tatakpan
Nag iwan ng matinding sugat, subalit paglao'y unti unti ring maghihilom
Naranasan noon sayo'y ayaw ng balik balikan
Kombinasyon ng sarap at sakit ay di na muli hahayaang maranasan
Pag-ibig na sumira, isang taong nagpa ramdam
Paulit ulit mang masaktan noo'y wala nalang pakialam
Mahalaga'y may tayo, pero lahat pala yo'y ilusyon lang
Hindi mo naman kasi nilinaw, laro lang pala ang lahat
At gusto mo lang akong pasakitan
Minahal lang kita, oo nag nagmahal lang ako
Nagmahal lang talaga pero bakit mali yata ang pasok ko
Hindi uso sa'yo ang pagmamahal
Lahat nang yo'y sayo'y laro lamang
Alam ko din naman yon
Naalaman ko nong tumagal na
Pero may magagawa ba ako?
Kung puso ko yong nag desisyon na intindihin ka't tanggapin ka
Kahit pa ni isang usal ng pagmamahal
Wala kang naibulong sa naghihintay kong mga tenga
At dumating ang araw na tuluyan na akong nagising
Sa isang pagpapantasyang ako lang ang bumuo pero naka depende sayo ending
Masakit pero para sarili ko
Kelangan kong bumitaw o baka mabaliw nalang ako
Naghihintay, umiintindi - pero para kang isang lenggwahe na gusto mong matutunan ko
Ikaw mismong may gusto, ang hindi nag eeffort para sana maintindihan ko
Paalam na sayo
Paalam sa nga sugat ko
Bubuoin ko muna ang puso kong hinayaan kong mawasak mo
Para sa bagong ako at para naman sa tunay na kaligayahan ko
Paalam Mahal Ko.
Lumipas ang mga taon at nagawa kong buuin ulit ang sarili ko
Mahirap sa simula
Para akong nangangapa sa dilim
Walang idea kung paano ba ang lumimot
Walang araw na di papatak ang luha at muling maalala ang nakaraan natin
Bigla nalang matitigilan at maiisip pang bumalik ulit sayo
Ngunit inisip ko ang mga sakit na naidulot mo sa'kin
Dahil doon ay naging pursigido akong umusad
Yong di kana maaalala at di na maiiyak
Sa mga nakaraan nating "Nakaraan" nalang talaga
The End kumbaga
Wala ng kasunod at wala ng balak malagyan ng sequel pa
At ang mas nagpahirap sa lahat?
Yong iilang masayang ala ala na meron tayo ay pilit bumabalik sa utak ko
Iilan lang nga kaya diko mapigilang pahalagahan
Pero sinaksak ko sa isip ko.
Babangon akong muli, magmamahal pa rin dahil para sa'kin masarap ang magmahal
May kaakibat mang sakit, mahalaga matuto muli akong magmahal
At dumating na nga ang pinaka hihintay ko
Ang paglaya ko mula sa ala ala mo
Ngunit kasabay noon ay ang muling pagkatok mo sa pintuan ko
Nagmamaawa pa at bumubulong "Mahalin mo ulit ako."
Natitigan ko lang ang mata mo, biglang gumuho ang depensa ko
Akala ko lang ba na naka move on na ako?
Guni guni ko lang ba lahat ng yon?
Bakit isang sabi mo lang, parang matutunaw na at bibigay ako ulit sayo?
Binitawan ba talaga kita?
Or di talaga ako naka move on pa, sa'yo?
So, how many "Marupok" people are in there? Are you like the protagonist on this article? Saying she will move on because enough is enough. And all she can get from this relationship is nothing but just pain. So, she ended up with the decision that she will let go of the hand of the man she love. She ended their relationship but after just a year. After a long year of moving on, she's finally in there. But then there is this mapaglarong tadhana. When she's finally moving on the man came back and asking for a second chance. She discover that she still has feeling for the man. And she's about to show to the world her karupukan.
Are you like her?
--
Images used was all made and edited on Canva.
May 01, 2022
--
Sometimes its okay to be marupok, but if wala na sa lugar, learn to lie low din... dapat balance lang ang life.