Goid morning guys.. Masaya na naman ang anak ko kasi nagana ang Roblox. Ilan araw dub shutdown ang roblox sa di ko alam ang kadahilanan. Yan lang kasi ang libangan niya sa computer. Syempre may oras lang ang paglalaro sa computer bawal ang magbabad. Dahil walang pasok, napasarap ang akin tulog. Malamig kasi at umulan kagabi. Hindi na ako bumangon nun umulan para icheck ang mga butas na pwede suutan ng mga tubig basta enjoy ko lang tulog ko. At nakakatuwa walang tumagas.…
@Reysky in November 2021
Gisang kalabasa at pritong daing ang tanghalian namin ngayon. Ngayon palang magtatanghalian kasi naglaba ako, tinapos ko muna para isang trabaho nalang. Kasi na late ng naman ang amin tanghalian. Pero ok na din kesa sa hindi makakain. Kakaguton na din! Meron ba dito tulad ko late mag tanghalian?
Isa nalang siyang naninimot ng binigay kong pagkain. Ang kalat nilang kumain sabog sabog. Wala kasi ang mga aso kaya wala silang kalaban. Pero mamaya baka masimot din yan kasi unti unti din silang pupunta jan. Nakapagtirik na ba kau ng kandila. Sa akin paubos na. Hindi kasi ako nakadaan sa puntod ng tatay ko bawal daw kasi. Baka pag tapos na ng undas tsaka ako dumaan sa kanya. Noon nabubuhay ang tatay ko, naalala ko lagi silang napunta ng bikol ng nanay ko. Para dalawin ang…
Tuesday agad! Bukas makalawa saturday na ulit. Ang bilis ng araw. Sana ganun din kabilis mawala si covid at iba pang lumalabas na sakin ngayon. Gusto ko na kasing ipasyal ang mga anak ko. Sa ibang bansa, malaya na silang nakakapasyal basta mag suot ng mask dito kahit may faceshield bawal pa din mga bata. Meron na din dito sa amin na 12 to 17 ang vaccine. Pinag iisipan ko pa ang panganay ko kung ipapavaccine ko. Nag iisang lalaking anak ko kasi siya. Parang ang hirap. Kapag…
Flex ko lang yun aso ng kumpare ko, chow chow ang cute cute! Ang sarap yakapin. Baby pa yan paano na kapag lumaki na sya. Ang hirap niyang paamuhin kasi lagi siya nakabundot sa amo niya. Pero hindi siya masungit gusti niya lang lagi nasa tabi ng amo niya. Gusto ko din ng ganyan aso kaso hindj ako pwede mag alaga, kasi mag aaway lang kami ng asawa ko. Kaya hiram hiram lang muna. Mahirap din kasi mag alaga ng ganyan aso kasi maseselan din. Baka yun pagkain nyan mas mahal pa sa…
Good night everyone antok na ako. Actually nakatulog na ako kaso ginising ako ng bunso ko para mag hugas ng pwet niya kasi nag pupu daw siya sa cr kaya hinugasa ko siya at binuhos ang kanyan pupu. Ewan ko ba bakit antok na antok ako ngayon. Siguro dahil hindi ako nakatulog ngayon hapon at maaga pa ako nagising kaninang umaga. Ganitong oras palang inaantok na ako. Tamang youtube siya para mag pa antok din. Sana makatulog na siya para hindi na niya ako gisingin. Masakit sa ulo…
Good morning mga tropapips! Heto na naman tayo magiisip ng uulamin! Tapos na din akong maglinis ng bahay balak ko din magtikloo ng mga nilabhan ko nun nakaraan. Ang problema kung ano na naman ang uulamin ngayon. Tamad pa naman akong lumabas ng bahay para maghanap ng mailuluto. Late na din kasi ang oras at wala na akong maabutan na maayos na mabibilis ngayon. Sana may dumaan na naglalako na isda. Kasi minsan meron dumadaan na naglalako ng isda para dun nalang ako bibili.…
Tamang tama nakita ko na ang matagal ko ng hinahanap ang Nail cutter. Ang haba na kasi ng kuko ko, dapat na siyang gupitan. Minsan kasu kapag nagpapaligo ako ng bunso ko hindi ko namamalayan na nakakalmot ko na siya. Ang likot kasi maligo, tumatalon talon pa kasi kaya kapag nakakawakan ko nakakalmot ko. Nakapag meryenda na ba kayo? Ako kape ulit. Low budget ako ngayon ilan araw kasing maaga nauwi ang mister ko kaya tiis tiis muna. Bawi nalang sa susunod na sweldo minsan lang…
Champorado again! Ewan ko ba! Hindi talaga ako nagsasawa sa champorado, ang sarap kasi! Uwi ito ng asawa ko, nagtanong kasi siya kung ano gusto ko sabi ko, champorado! At tanen! Ayan na meron na akong almusal. Mga anak ko ang trip pandesal na palaman Goya hilig namin sa chocolate noh! Sweet kasi kami. Haha char lang! Masarap kasi ang chocolate kaso nakakahyper lang talaga lalo na sa mga bata. Kaya mainam na sa umaga nila nakakain para para pag dating ng gabi hindi na sila…
Lunch time na mga Tropa Pips! Pininyahan na Manok ang menu for today. Nag request kasi ang jowa ko na gusto niya ng pininyahan kaya naman kahit hindi keri ng budget ko, gora pa din para maiba naman ang maiulam namin Pinanood ko pa sa youtube kung paano lutuin at kung ang ingredient, masyadong madugo ang presyo. Hehe.. pero ok lang naman kasi minsan lang naman kami makakain ng ganito. Madalas fried chicken, adobo, mechado at paksiw na bangus. Kaya naisipan ko din magluto ng…
Nilabas na nila ang malaking santa clause. Kaso malayo nga lang. Pero kanina pumunta ang mga anak ko at kalaro nila dun. Natuwa kasi kay Santa Clause at sa pailaw. At dahil gabi na din. Pinauwi na din sila kasi magpapahinga na si tatay ( may ari ng bahay). Malaki yun bahay nila pero dalawa lang sila ng anak niya ang nakatira, un isa nasa ibang bansa at si nanay pumanaw na dahil sa covid. Kakalungkot lang na hindi na naabutan ni nanay pasko dahil isa siya sa nadali ng covid.…
Salamat at natapos na ako sa mga gawaing bahay. At ngayon lunch time na. Naglalaway ako sa dilis at may natirra pa akong isang bangus pinirito ko na din. Grabe mapaparami ang kain ko dito. Last week pa ako naglalaway sa dilis. Hindi ko natiis na hindi bumili, mejo may kamahalan lang pero satisfied ako sa amoy habang piprito ko ito. Yung fried chicken sa mga kids ko yan, di sila nagsasawa sa fried chicken. Laging request nila yan. Kaya kapag nabili ako ng isang buong manok…
Ang cute nito. Hindi ko alam ang tawag sa ganitong klaseng hayop pero nakakatakot siyang hawakan. Kasi tinundo ko yun daliri ko biglang nag expand yun malakarayom niyan balat. Hindi siya balat matutulis. Natusok nga yun daliri ko, hindi pa nakakalapit bigla silang nagbexpand yun nakakatusok. Kaya sabi ko titingnan ko nalang siya pero hindi ko hahawakan. Pero kung gusto mo siyang hawakan dapat sa banda tiyan mo siya unang hahawakan tapos mahihimas mo na siya. Pero nakakatakot…
Putok Na Tinapay at Mainit Na Kape Masarap isawsaw sa mainit na kape ang Putok na tinapay. Nakita ko lang sa tindahan at ito ang naisip kong almusalin ngayon umaga. Sa tagal ko na dito nakatira ngayon lang ulit ako makakain ng putok na tinapay. Wala kasi nito sa bakery na binibilhan ko. Noon bata ako ito ang madalas bilhin ng tatay ko sa bakery at syempre kami sarap na sarap dito. Buti nalang may nagtinda ng putok kundi hindi wala hindi ko siya makakain. Good morning guys…
Be careful with my heart Wayback 2012 Itong palabas sa tv ang nagpaopakilig sa akin tuwing busy ang asawa ko sa farm. Yung panahon na ito buntis ako sa pangalawa ko, nasa quezon province pa kami nakatira ang hirap humanap ng signal ng tv. Nun binili ako ng asawa ko ng cp na may tv dun ko lang siya napapanood. Pinagtitiyagaan ko talaga kahit maliit lang. Ngayon binabalikan ko oa din mapanood aa youtube. Hanggan ngayon pinakikilig pa din ako ni sir chief at maya. Iba itong…
Kakauwi lang galing handaan. Nakalibre ng hapunan. Hindi na ako nag isip ng uulamin kanina kasi naimbitahan ng kapitbahay sa birthday ng anak niya. At nakatipid din ng isang gabing ulam. Hindi ko din nasagot ang tawag ng jowa kasi iniwan ko ang cp ko dahil lobat. Alam naman niya kung nasaan ako kasi chat ako bago lumabas. Grabe busog ko ngayon, daming handa. Hindi mo nga alam kung anong uunahin mong kainin eh ahha.. sa bagay minsan lang naman kaya halos lahat tinikman ko…
Yung nagkulay ka ng buhok dahil grabe na sa puti kaya pati kamay ipinang brush na din sa buhok makulayan lang ang lahat ng buhok. Hirap kasi magkulay ng buhok mag isa tapos hindi ko pa lahat nakikita kahit na may salamin. Kaya ginawa ko nilagay ko sa palad ko at parang ishinampo ko sa buhok ayun pati palad ko nangitim na din. Mahaba kasi buhok. Hindi ko din naisip maglagay ng gloves kasi wala akong gloves sa bahay. Kaya hinayaan ko nalang. Matatanggal din naman yang itim sa…
May isang batang nangungulit sa akin habang siya ay nagyouyoutube. Nagpapabili na naman sa akin ng candy samantalang naibili ko na siya ng potchie. Ang bilis niya kasing kainin, parang minamani lang. Kaya kaoag sumakit ang ngipin hindi maipinta ang mukha. Nakameryenda na ba kayo. Kami kakatapos lang. Nagpalibre ako ng pizza sa akin jowa. Gusto ko kasing tikman ang bagong bukas na tindahan dito na malapit lang din sa amin at may tinda silang pizza. Hindi ko napicturan kasi…
Kmjs na! Alam ko maraming nag aabang at nanonood nito. Sana maka experience makapunta sa ganitong kagandang lugar. Isa sa pangarap ko ang malibot ang magagandang tanawin sa Pilipinas. Walang impossble kay God kung ipagkakaloob niya ito sa akin. Kahit isa lang sa pinaka maganda lugar sa Pilipinas makapunta lang ako, masaya na ako at pwde na na madeads hahaha. Joke lang! Pero gusto ko talaga makarating sa ganyan sana may manlibre hahaha.. Nood muna ako ng kmjs. Kayo din…
Chicken Curry Nakapagluto din ng ibang putahe. Buti kumain ang mga anak ko. Kasi sa totoo lang pihikan sila s pagkain. Nun natikman nila masarap daw ang chicken curry at ayun madami silang nakain. Syempre natuwa naman ako kasi 1st time ko lang magluto nito. Try ulit akong magluto ng ibang putahe baka sakali magustuhan din nila.
Good evening guys! Nandito na naman ang cute na cute na si shubby. Natutuwa kasi ako dito sa dog na ito. Ang lambing lambing sa amin kaso maharot lang kasi baby pa. Ang mahal din pala ng bili niya dito sa dog na ito. Tapos vaccine pa. Hindi din biro ang mag alaga ng aso lalo na kapag may breed. Mahal din ang gastos kapag nagkakasakit sila. Kaya ako oang askal lang ako. Kasi hindi maselan. Nag dinner na ba kayo? Kami tapos na kanina pa. Asual dami ko na naman nakain dahil sa…
Dahik maaga siya nagising, kakapanood sa youtue nakatulog na ulit siya sa sala. Hindi talaga siya mahilig mag unan. Kahit matigas ang tinutulugan niya kapag inabot siya ng antok matutulog at matulog siya. Dahil nakatulog siya, lalabas muna ako para bumili ng malulutong ulam. Ano kaya ang mailuto. Hmmm! Isip isip na naman. Haha! Baka sa labas na akin magkaidea ng lukutuin ulam. So paano mamaya nalang kita kits!
Toasted bread with Coffee Merienda tayo guys, may tinda sa kalapit bahay namin ng mga tinapay namili ako at toasted bread ang napusuan ko. Swak din sa mainit na kape. Di ko namalayan kanina na nakaidlip ako. Nagising nalang ako sa tawag sa cp. Tumawag kasu ang hipag at nangungutang. Kasi na short siya. Hindi naman ako nagdalawang isip kasi hindi naman ibang tai. Kapatid siya ng asawa ko. Yun lang nashare ko lang.. hehe.. Gandang hapon sa lahat.
Rebisco choco and Kape Breakfast ko nga biskwit muna. Tinamad akong bumili sa labas. Nawili akong pag aralan ant karastar. Free games siya kaso di ko magets na naman. Naggawa ako ng wallet sa metamask ng karastar ewan ko wala akong maclaim. Bahala na kung wala. Wala pa naman akong tiyaga kapag hindi ko makuha o pag wala akong makuha. Haha Try din ako mag tanong sa tg baka sakaling makapaglaro ako. Tara kain tayo. Isa pa sa iniisip ko ang uulamin namin. Pero gusto ko sana ng…
Good after kanoise! Ang bilis ng oras. 3 pm na agad. Maya maya gabi na naman. Anu kaya ang mameryenda. Natatamad naman akong lumabas kasi ang init. Inaantok ako peri lakas ng trip ng asawa ko, kada pipikit ako kinikiliti ako. Kaya hindi na ako natulog. Mamayang gabi nalang para walang storbo. Haha... Gusto ko din palang mag thank you kay miss @leticiafelize. Thank sa pag share ng blessing. Parehas po tayong mahilig sa kape. Sa ngayon hindi muna ako magkakape at kumakabog na…
Good morning tropa Pips! Tapos na magbreakfast, kumain kasi ako sa labas ng pares kasama ang aking jowa. Niyaya niya kasi ako kumain syempre ako go agad. Masarap kasi ang pares dito sa amin. Kaya hindi nakakasawa pero wag lang araw araw baka mapabilis ang buhay. Hehe Tapos na din magwalis walis sa labas. Nag iisip ako kung maglalaba ba ako o hindi, pero bukas nalang para friday. Sakto wala ng susuotin na uniform jowa ko kaya bukas nalang maglalaba. At isa pa sa iniisip ko…
Fried chicken and Ginisang Kalabasa na may Dilis Kahapon adobong paa ngayon naman ay gulay at hindi mawawala ang fried chicken sa kids. Pero nagsasabay naman sila ng gulay, kaya may makukuha din sila sustansiya. Kailangan ko na din mag diet kasi pataba na ako ng pataba. Peri hindi ko mapigilan kumain lalo na kung masarap ang naihahain ko. Kahapon nga lang, grabe napa extra rice ako sa adobong paa. Parang ayaw ko ng ulitin hahaha.. pero ok lang kasi naenjoy ko yun cravings…
Nag iipon na ako ng barya para sa december. Para pag may mangaroling may maibibigay akong barya. Pwera pa ang mga tig lilima at tigsasampung coins. Nasa ibang lagayan sila. Mas madali kasing mag ipon ng barya kesa sa papel, kasi kapag wala akong pera yung ang nagagastos ko ang mga barya naiimpok lang sa wallet. Kaya naisipan ko ilagay sa bote at ganyan na pala siya karami. Dinner time na guys, ang ulam namin eh kung ano ulam namin nun tanghalian, yun din ang ulam namin sa…
Laba Day Grabe kadami na pala ng labahin ko tapos hindi pa nakisama ang araw sa akin dahil makulimlim ngayon. Wala pa naman uniform anh asawa ko kailangan makatuyo ako ngayon. Na overwhelm ako sa last post ko kasi ang daming nag comment. Hindi ko tuloy mareplyan pero dito ko nalang sasagutin habang nag iintay akong matapos ang pinapaikot sa washing. Pwede po kayong mangaroling basta po alam nyo bahay ko hahaha.. Hindi ako pwede mag alkansya kasi sa tuwing nag iipon ako na…
Sinigang ng Paa ng Manok Niluto na ang natirap paa ng manok sa akin ref. Pero nilagyan ko din ng laman para sa mga bata, dahik hindi sila nakain ng paa ng manok. Wala daw silang makain sa oaa ng manok kaya ayaw nila. Ako at ang jowa ang ang tumitira ng paa pero ako talaga ang umuubos. Sarapa kasing sinisimot simot yun buto. Tapos crunchy pa kapag nakain in buto na puti. Ewan ko ba bigla ako nagcrave sa paa. Natawa nga ako sa bunilhan ko sabi baka daw buntis ako. Sabi ko naku…
Good night guys! Dahil maaga ako nagising kanina at hindi ako nakatulog ngayon hapon. Hinihila na papikit ang mata ko. Talaga antok na antok ako, samantalang ang anak ko alive na alive pa. Sana hindi siya mangulit para makatulog ako. Minsan kasu nangigising para magpatimpla ng gatas. Basta late siya matulog hindi pwedeng hindi siya iinom ng gatas. Siguro pang paantok niya din. Tamang youtube muna siya ngayon. Kapag wala siyang magawa yan ang trip niyang gawin ang manood.…
Kape at Suman Pasalubong ni mister sa akin ang suman. Masarap daw kasi ang suman na malapit sa trabaho niya kaya binili niya ako ng tatlo. Yun dalawa nilagay ko muna sa ref meryenda ko mamaya. Continuation ng laba laba dahil kahapon ubod dami ang hindi kinaya ng katawan lupa ko. Kaya ito ang akin please nagkakaabalahan ngayon umaga. Gawa daw ako ng chicken fillet at yun ang ulamin namin mamaya. Magluluto din ako ng tortang talong. Naglalaway kasi ako sa torta kaya un ang…
7 hours kami nawalang ng net dahil sa Meralco power Outage. Buti nalang walang pasok mga bata ngayon. Kaya ok lang kahit walang net. Dumating na din yung order kong bananaque at turon. Merienda namin mag anak. Nakakamiss talaga kumain nento buti nalang inalik ako ng kumare ko at ito na siya. Bibihira lang kasi ako makakain ng bananaque at turon. Meryenda na tayo guys!
Tamang nood sa naglalaro ng pool dito sa tabing bahay namin habang ninanamnam ko ang simoy at lamig ng hangin. Total ang mga anak ko ayaw pa pumasok ng bahay kaya dito muna sa labas nagpapahangin. Ulam din namin ngayon gabi ang sinapaw sa sinaing na okra at pritong talong at chicken fillet. Tamang saw saw sa suka na maanghang. Sa akin yun gulay diet na ako kunware hahaha.. inu unti unti ko na din tapos bukS balak ko mag sumba dito sa bahay habang tulog mga kids ko. Ayaw ko…
Ayaw talaga ako pumayat mg asawa ko. Pinasalubungan ako ng champorado. Alam niya kasi favorite ko ito. Hindi ko naman matanggaihan baka masayang at walang nakain ng champorado dito kaya no choice kundi kainin ko nalang. Nakapag zumba na din ako kanina. Pero kapalit ay champorado hahaha.. bumalik lang yun calorie na ni burn ko kanina. Anyway ok lang kailangan iapreciate lahat ng binibgay ni hubby baka magtampo ang grasya. Tsaka ang sarap kaya. Iniisip ko linggo ngayon…
Pritong Galunggong at Ginisang petchay ang pananghalian namin ngayon. Puro gulay muna ako ngayon at less kanin. Unti unti lang sa pagbabawas ng kanin baka mabigla ang akin tiyan. Mahirap na magkasakit na ulcer. Dapat unti unti lang. Nagawa ko na ito dati kaya alam kong effective. Wag lang akong dadalhan ng masarap na pagkain ni mister at talagang masisira si dyeta ko. Mejo late na din ang lunch kasi napachismis ako sa hipag ko ayun inabot ako ng 11am sa kanila na di pa ako…
Nakapasyal din sa wakas sa puntod ng tatay ko. Dun na din kami nag hapunan. Omorder nalang kami sa mcdo kasi may bagong tayo din ng branch ng mcdo malapit samlibingan ng tatay ko. Marami din nag jojogging dito. Kaya pagtapos nila mag jogging derecho mcdo. Hahaha.. Nakakamiss talaga ang tatay ko kaya kayo kung may tatay at nanay pa kayo mahalin nyo kasi masarap pa din na may matatawag kang tatay at nanay. Kaya miss na miss ko na tatay ko. Siya lang kasi nakakaunawa sa mga…
Good morning mga katropa Pips! Badtrip lang ako. Kasi yun computer ko ayaw magtuloy tuloy mag bukas. Nag update lang tapos black screen na. Na shshut down naman ng maayos. Sabi sa akin ng pinagbilhan ko software na daw ang sira at hindi sakop ng warranty kasi lagpas na ng 1 month saklap naman. Wala pa naman ako alam sa ganyan. Pinalitan ko muna ng ibang cpu para magamit ng anak ko. Buti may reserba. Hays!
Yung katatapos lang magtanghalian pero ito tamang trip ubusin ang natirang pandesal kaninang umaga. Dami na niya nakain peri kumain pa din. Natuwa naman ako. Kasi minsan hindi niya trip kumain ngayon tamang kain siya. Kaya bigay lang ang gusto basta kumain lang Still badtrip pa din dahil hindi ko maayos ang computer namin. Wait ko nalang jowa ko para siya ang mag ayos dito. Sa badtrip ko tamang linis tuloy ako ng bahay kahit malinis naman. Haha mawala lang ang inis ko. Kesa…
Good evening mga tropa Pips! Tapos na mag dinner at tapos na din maghugas ng plato at malinis na din ang mesa. Books naman ang trip ng anak ko. Tinitingnan niya ang mga drawing at kapag letter nagtatanun siya sa akin kung anong letter. Atlist diba hindi cp ang laging hawak niya minsan mga toys niya ang nakakalat ngayon books naman. Kaya ok lang magkalat liligpitin niya lang. Hehe..
Good morning Guys! Kung kagabi ang hawak niya at books ngayon ang mga toys naman niya Little Pony katabi niya lahay yan matulog. Kapag aakyat kami, ipapaakyat nita din yan at kapag baba kami, ipapababa niya din yan. Tapos patatayuin niya na oara kang susuguring ng mga toys niya haha.. Breakfast tayo! Nagluto ako ng pancit canton pero sila lang kumain ako hindi. Kape lang ako at tinapay. Mas bet ko kasi yun guisado kesa ganyan pansit. Tsaka mataas ang calori niyan bawal sa…
Nakalibre ng ulam! Hamonado na galing sa birhtday ng hipag ko kaya nakalibre ng ulam. Mamaya doon din ako mag memeryenda para makatipid. Hehe Kumuha nalang ako ng ulam namin doon kasi sayang ang kanin namin kung doon kami kakain. Kaya idecide na kumuha nalang at dito kumain. Tara kain tayo guys! Sabayan nyo ako..
Spaghetti Sarap talaga magluto ng hipag ko ng spagheti yung diet ka pero mapapadami kain mo sa sarap. Ayun nakalimutan ko na ang diet ko kumain ako ng marami at takenote nag uwi pa ako haha.. hindi ko mapigilan eh sarap talaga. Nakapag dinner na ba kayo. Ako baka hindi na kasi busog na busog ako ngayon araw na ito. Iba talaga kapag may handaan kasi susulitin ang kain kasi minsan lang naman ito. Kaya bukas nalang ulit ako magbabawas ng kain hahaha.. kain na kayo guys!
Good morning guys! Eto na nag init ako ng spagetti na galing sa handaan kahapon. Meron pang kalahati sa ref nagpatira kasi si husband ng spagetti baka daw ubusin ko na naman mag isa haha.. wala eh masarap kasi yun spagetti hindi ko mapigilan. Hindi ko na naisip diet ko. Tsaka kanina nag zumba na ako dito sa bahay. Nagpapawis at nagtanggal ng calorie. Masarap kasi ang nakapapagpapawis gumagaan ang katawan ko. Pagtapos ko mag grocery naman ako need ko bumili ng stock like milo…
Magandang hapon noisemate. Tamang merienda naman ako turon. Nag order ako sa mare ko. Bawal kasi kainin ang spaghetti kasi sa asawa ko yun hahaha. Nakaidlip din ako dahil kanina, maaga ako nagising para magzumba. Alam nyo bawas timbang pero di ko maiwasan di kumain haha. Masama din kasi ang hindi kumain baka mag ka ulcer. Tara, sabay sabay tayong mag merienda.
Good morning guys! Kamusta ang morning niyo. Ako, happy kasi gawa na yun pc namin. Makakagawa ng maayos ng. Module ang panganay ko. Sana hindi na ulit masira ang pc namin. Mahirap kasi lalo sa mga bata dahil ito ang ginagamit nila sa pag online class. Breakfast na guys! Ako kape muna wala akong maisip na maalmusal sa ngayon. Kasi mamaya may handaan na naman akong pupuntahan. Makakatipid na naman ako ng isang araw na pagluluto. Haha..debu kasi ng pamangkin ng asawa ko at…
Good afternoon! Sobrang init ang panahon ngayon. Kakatatamad kumilos. Iniisip ko tuloy kung pupunta ako ngayon para tumulong sa pag design dahil bday ng pamangkin ng asaaa ko. Tinatamad kasi ako lumakad dahil tirik ang araw. Sakit pa naman sa balat. Pero malaan pa. Kapag natabunan ng ulap ang araw haharipas ako ng lakad papapunta sa kanila. Sa ngayon chill chill muna ako habang tahimik ang mundo ko. Hehehe
Good night noisemate. Busog na busog na naman ako sa handaan at takenote may uwi pa ako. May pang almusal at meryenda na naman bukas. Ready na din ako para sa 2nd dose ko bukas. Sana walang masyadong epekto sa katawan ko para hindi ako lagnatin. Paalam na muna ako guys! At may tatapusin lang akong panoorin. Ayaw ko pang matulog kasi busog pa nga ako. Maya maya na konti kapag magaan na tiyan ko. Ingat at good night!
Good morning guys! Ready na ako for 2nd dose. Biyahe na ako papunta sa imus complex. Sana hindi ako lagnatin para makagawa gawa ako sa bahay. Mahirap kasi ang masama ang pakiramdam. Pero alam ko kaya ng katawan ko ito. Basta iexercise lang ang bahagi ng na injectionan para mabilis mag circulate ang gamot at maraming tubig na dapat inumin. Kape lang ang breakfast ko kasi hanggan ngayon busog pa din ako dahil sa mga nakain ko kahapon. Bawi nalang pag uwi ng bahay kung…
Nakauwi na din sa wakas! Grabe ang tagal namin doon. Nawalan kasi ng net kaya hindi nakausad ang pila. Pero ngayon ok atlist nabakunahan na ako ng 2nd dose at wala na akong iisipin kundi ang panganay ko naman. Mag fill up mo kami sa site na binigay ng mayor dito at pwede ba magpabakuna. Pero ayaw ko muna ngayon kasi malamang yan mahaba pa ang pila hindi naman mahilig lumabas ang panganay ko kaya hindi ako nangangamba. Papahinga muna ako. Nakakapagod mag intay mag bumiyahe.…
Flex ko lang yung nadaanan ko ng isang araw, ang sunset. Nun isang araw ko pa sana ito ipopost kaso nawawala sa isip ko. Sakto wala din akong maisip na maipost kaya ipapakita ko lang ang nasaksihan ko. Sayang nga yun kanina na partial luna eclipse hindi ko kasi dala ang cp ko nun nakita ko siya na parang halfmoon pero ang laki niya. Siguro yun iba dito nakita nila ang buwan. Ang linaw bali kanina walang bahid ng ulap sayang talaga hehe. Anyway mag sleep na din ako napagod…
Ngayon lang ulit nakapag open ng noise. Nakipaglibing kasi ako through online. Ngayon kasi ang libing ng lola ko. At isa pa masama pakiramdam ko. Tumalab na ang 2nd dose na moderna na tinurok sa akin kahapon. Para akong tinatrangkaso. At sobrang sakit ng ulo ko. Gusto ko lang humiga at matulog. Hindi ko pa makuha ang gusto kong pwesto sa paghiga dahil masakit ang kaliwang braso ko. Hays akala ko di ako tatablan yun pala hindi. Haha.. Papahinga muna ulit ako. At ang ulo ko…
Dinnet time! Dahil hindi ako nakapamalengke kanina dahil sumama ang pakiramdam ko. Maling at noodles muna ang amin uulamin ngayon gabi. Hindi ko din nakuha ang sweldo ng asawa ko kaya hindi din ako nakapamili. Favorite din kasi ng mga anak ko yan maling at noodles kaya wala din problema, walang mag iinarte hehe.. tara kain tayo guys! Magaling na nga pala ako at hindi ko na ramdam ang vaccine sa akin. Makakapaglaba na ako bukas. Kanina sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pati ulo…
Good morning mga kanoise! At dahil ok na ok na katawan ko. Todo linis naman akk ng bahay namin. 2 days ko din kasing napabayaan. Kaya naglinis muna ako. Naglaba na din ako kasi super tambak na naman sila. Parang mga artista kasi ang mga anak ko. Mabasa lang ang damit palit agad. Haha.. pero ok lang ganun talaga ang buhay ng isang ina. Dapat mahaba lagi ang pasenxa. Mamaya lalabas kaming mag anak. Namiss kasi namin ang pailaw sa plaza. Sympre magbabaon ako ng alkohol para…
Good afternoon mga noisemate. Sa wakas natapos na din sa paglalaba. Sa ngayon pahinga muna at mamaya lalabas kaming mag anak. Magsisimba muna kami bago kami pumunta sa plaza para ipasyal ang mga bata. After nun kakain sa labas. Sana payagan ang mga bata na pumasok sa loob ng fastfood pero kung hindi mag order nalang at sa bahay kakain. Mahalaga mailabas sila ng bahay at makita ang labas. Lalo na ang bunso ko kasi sympre siya yun hindi masyadong nakaranas na makagala bigla…
Rain rain go away pls! Wala panira ng lakad ang ulan! Nalungkot ang mga bata ng malaman nila na di na kami tuloy dahil sa biglaan pag ulan. Kaya ito ang mga bata hindi alam kung ano ang gagawin. Ayaw naman namin ituloy mag asawa kong ganito ang panahon dahil hindi din sila mag eenjoy. Open place kasi ang pupuntahan namin kaya napag desisyunan na wag na munang ituloy. Nextime nalang. May susunod pa naman. Di pa naman ako nagluto ngayon dahil alak ko sa labas kami kakain. Pero…
Tamang nood muna ng kmjs! Naawa ako doon sa dalawang bata na pinabayaan na ng nanay at bukod dun ginapos pa ang paa! Hindi pinakain! Buti nalang may mga mabubuting loob na tumulong sa dalawang bata. Pano kung wala. jusko!, patawarin sana ng panginoon ang mga taong gumawa ng ganoon sa dalawang bata. Sana maisip din sila ng nanay nila para alagaan. Pero malabo na un mangyare kasi iniwan na sila. Diyos nalang bahala sa kanila.
Magandang tanghali mga kanoise! Kakatapos ko lang mag luto at chicken curry ang akin napupusuan. Buti nalang nagustuhan ng mga anak ko ang chicken curry kung hindu baka di na ako magluto niyan. Sabi ng anak ko ang bango bango daw ng ulam namin at nakakagutom na. Kaso tulog pa ang bunso ko kaya maya maya muna kami kakain, gigisingin ko pa kasi siya. Gusto ko kasi sabay sabay kaming kakain, yan kasi ang nakagisnan ko na dapat sabay sabay kumain. Maliban nalang kung di ako…
Yung nag iisip ka kung saan ka kukuha ng pambayad sa internet at talagang mahina na bigay sa akin noise. Pero may isang himala, nakapulot ako ng 2k hindi ko inaasahan pag buklat ko 2 libo. Yun saya ko na halos mapatalon ako sa tuwa. Thank you Lord, hindi ko hinihingi pero binigay mo agad. Di mo talaga kami pinababayaan. Sobrang saya ko talaga.! May pambayad na ako sa net namin. At dahil sobra yun 2k nagpabili ako ng pizza sa anak ko. Dito lang sa kalapit bahay. Nakaoag…
Magandang tanghali! Lunch time na! Nagluto ako ng ginisang sardinas na may kangkong. Ang dami kasing blessing na dumating sa akin na gulay. Di ko na nga napicturan kasi yung bisita ko wala kaminh humpay sa kwentuhan. Tapos binigay ko yun mga pinagliitan ng anak ko para sa mga pamangkin niya. Sana nga lang di agad masira ang mga gulat na binigay niya pero bagong ani naman lahat kaya fresh na fresh. Kain tayo guys! Sarap ng ulam ko.
Good morning! Breakfast muna tayo. Di ko alam tawag sa tinapay na yan basta ako binili ko lang. Nagugutom kasi ako. Hehe Mejo inde na ako active mag post kasi wala akong maisip. Minsan naman sobrang busy nakakalimutan ko. Minsan nga mag oopen lang noise tapos pusuan ko yun mga nababasa ko. Sa ngayon wala akong magawa kaya ito mag noise muna. Tapos n din mag exercise kaya tamang breakfast at magmuni muni muna. Nag iisip ng bagong pwedeng ibusiness. Para makatulong sa asawa ko…
Tortang talong Niluto ko na yun bigay sa akin ng frend ko na talong. Tinorta ko kasi miss ko ng kumain ng tortang talong buti nalang ang panganay ko nakain ng nito kundi ako lang uubos nito. Konting rice lang kinain ko kasi mas maraming ulam ang nilagay ko. Kailangan ko kasi mag bawas ng kanin para mabawasan ang timbang ko. Ang goal ko maka 56 kilos ako. Kasi ngayon nasa 67 kilos na haha. Ang laki ng tinaba ko. Kaya need mag balik alindog hehe.. Kain muna ako at suaubuan ko…
Matatapos na naman ang araw ng walang nagagawa sa buhay. Nakatambay sa labas at nagpapahangin. Nagbibilang ng taong nadaan. Naglalaro kasi anak ko kaya dito lang ako sa labas. Mabilis dib kasing magdilim dahil lamang ang gabi sa panahon ngayon. Dinner na din pero busog pa. Kasi may blessing na dumating kanina. May nagdala ng spaghetti, sympre di ko napigilan kumain ako. Ahha sarap kaya. Maaga pa naman para kumain. Siguro maya maya na. Mga 6:30 na sigro. Hehe..
Good morning guys! Kagigising ko lang. Ang sarap kasing matulog. Nakalimutan ko na may klase nga pala ang anak ko. Buti nalang marunong siyang mag alarm at magbukas ng computer. Hindi siya na late sa klase. Pag baba ko ito na ang nadatnan ko. Tinanong ko kung kumain siya sabi niya kumuha nalang daw siya ng biskwit at nagtimpla ng milo. Pero nagluto na ako ng kanin at may ulam. Di lang talaga siya sanay mag almusal ng ganun. Mag prepare lang ako ng pananghalian namin.meron na…
Ginisang kalabasa na may malungay ang ulam namin for today! Late post na kumain na muna kami bago ako nag post dito. Kasi baka sabihin na naman ng anak ko kakain nalang ako magccp. Mano tapusin muna daw ang akin kinakain. Kay ito tinapos ko muna bago ako nag post haha. Gulay gulay muna ako ngayon. Dahil dmi stock sa ref na gulay. At syempre kasama na din aa diet ko hehehe. Magandang hapon sa lahat! Keep safe always..
Meryenda sa umaga. Ensaymada at kape! Kanina nagpabili ng pandesal ang jowa sakto nakita ko kalalabas palang ensaymada kaya hindi ako nagdalawang isip na bumili nito. Kasi bukod sa bago at naaakit ako sa kulay niya. I forgot my diet haha.. kasi may mantikilya nga pala ito. Naisip ko ok lang minsan lang naman. Ibawi ko na naman sa exercise. Sakit na nga binti ko hahaha.. ok lang yan kapag sumakit ibig sabihin effective haha.. kain muna ako. Naisip ko kasing iflex ang…
Kakauwi lang galing sa bday ng pamangkin ko. Dami ko na naman nakain. Kasi walang almusal almusal derecho tanghalian na. Kaya sinulit na kain. Mamaya sana hindi na umulan para makapasyal sa imus plaza at matingnan magandang mga naggagandahan ilaw doon. Sa ngayon pahinga muna para may lakas mamaya sa paglilibot sa plaza.
Good afternoon noisemate.! Pauwi pa lang galing divisoria at quiapo. Kung kailan ka naman pumunta dito tsaka naman umulan. Naghanap kasi kami lcd ng laptop na bigay ng biyenan ko. Sira kasi lcd sayang maganda yun laptop. Kaso sakit naman sa bulsa magpagawa ng laptop. After 3 yrs, nakarating ulit ng manila. Nothing change maliban sa maluwag na kalsada. Pero ok na din. Luminis talaga ang manila at wala na masyadong vendor na nakalatag ang paninda sa kalsada. Ganda, mahusay ang…
Binalik na pala ni noise ang freetips. Swerte naman ng meron. Mapapasana all nalang talaga. Pero ok lang kung wala ganun talaga ang life. Kahit unang salta ko palang dito sa noise wala na talaga ako ganyan kaya hindi na masakit sa akin. Masaya ako na nakakakita ako na may laman bawat post ng iba. Nakakamiss din kasi. Any way dinner time na at dahil kakauwi ko lang bumili nalang ako ng lutong ulam. Wala na akong oras magluto at pagod na din kakalakad kanina galing divi. At…
Good morning! Breakfast muna tayo. Kape at pandesal na may cheese. Naglakad lakad ako sa labas. Para bumili ng pandesal. Hindi muna ako nag exercise kasu masakit pa mga binti ko dahil ilan oras din kaming naglakad kahapon. Ang sarap sa pakiramdam ng nakalabas ng bahay ang makakita ulit ng ibang lugar. Nextime ayain ko sa moa ang asawa ko. Para maigala din ang bunso ko. Bago yun papavaccine ko muna panganay ko para wala na akong iisipin pa. Bukas kasi open sa lahat ang…
Gusto kong mag pasalamat sa mga mababait na kanoisemate ko dito na hindi nag atubiling mag share ng blessing nila sa akin. Hayaan nyo kapag ako naman ang binigyan ng pagkakataon hindi ko kayo kakalimutan. Hahanapin ko kayo isa isa. Haha.. Nagtataka din ako. Bakit may sent sa transaction sa wallet ko pero wala namn akong sinesendan. Bakit kaya? Di lang isang beses nangyare sa akin ito. Sigro pang 4 na. Ngayon ko lang tinanong dito baka kasi may katulad din ng sa akin.…
Flex ko lang yun pinuntahan namin nun saturday. Sa imus plaza! Nakatayo na ang mga inaabangan ng mga bata don. Halos lahat ng character na gusto nilang makita ay nandun na. Nga lang si olap ang trip nilang makasama sa picture. Yung bunso ko hindu alam sinu ang ang mga pupuntahan. Pero dahil sobrang dami ng tao at marami din nagpapakuha ng larawan. Minabuti na lang namin umalis at kumain sa labas. Nakalimutan na din ang social distancing. Sa totoo lang hindi na siya mukang…
Di ko malaan kung anong pwesto ba ang gusto niya. Nanonood pero maligalig pa din. Samantalang ako pinagmamasdan ang bawat kilos at galaw niya baka kasi magkamali biglang bumarog sa sahig. Kaya dapat alerto ang aking mga paningin sa kanya. Nakatapos na din maghugas at magwalis walis sa bahay. Gusto ko sanang magtiklop kaso wala na ako sa wisyo pang kumilos. Inaantok na din kasi ako. Maaga din kaming gigising dahil mag papavaccine ang panganay ko. Sana hindi ganun kahaba ang…
Good night guys! Antok na ako. Maaga pa gigising bukas. Ang lamig na kapag gabi hindi maaring hindi magkumot. Tapos yun hangin galing sa labas na lalong nagpapalamig sa kwarto ko. Feeling ko tuloy naka aircon ako kahit wala kaming aircon. Namnamin na ang ganitong panahon dahil pag nag summer tiis init na naman. Sana matulog na din itong bata na ito kasi panay kalabit sa akin na gusto niya magkaroon ng mga nakikita niya sa youtube. Oo lang ako ng oo kahit di ko siya ibbili…
Waitin sa pag papavaccine sa panganay ko. Buti maganda view dito. Nasa grandstand kami ng bagong gawa dito sa imus. Sana mabilis ang pag usad ng pila para maaga makauwi sa bahay. Ang dami pa naman tao ngayon.
Clear sky ngayon. Kaya sobrang init! Tumambay ako ngayon dito sa tapat ng bahay namin para makapagpahinga ang mga fan namin at makatipid sa kuryente. Buti kanina mabilis lang ang pag usad ng pila sa vaccine. Maaga din kami nakauwi. Hindi lang ako nkadalaw agad kasi need ko agad magluto ng tanghalian namin at tapos nun naglinis ako ng bahay, walis walis kasi dami na naman kalat. Meryenda time. Sakto habang nakatambay dito. May dumaan na nagtitinda ng suman. Bagong luto pa…
Chicken adobo with boiled egg Dinner time! Mapapadami ang kain pero pipilitin kong hindi kasi diet nga ako.haha! Pag ganito ulam at sobrang malasa kahit sabaw lang ulam na. Lalo na kung magkakamay naku po di maiwasan na mapa extra rice. Sana lang mapigilan ko sarili ko. Tara kain tayo guys! Samahan nyo kami. Kailangan mabilisan post baka mapagalitan na naman ako. Hahaja