Nakapasyal din sa wakas sa puntod ng tatay ko. Dun na din kami nag hapunan. Omorder nalang kami sa mcdo kasi may bagong tayo din ng branch ng mcdo malapit samlibingan ng tatay ko. Marami din nag jojogging dito. Kaya pagtapos nila mag jogging derecho mcdo. Hahaha.. Nakakamiss talaga ang tatay ko kaya kayo kung may tatay at nanay pa kayo mahalin nyo kasi masarap pa din na may matatawag kang tatay at nanay. Kaya miss na miss ko na tatay ko. Siya lang kasi nakakaunawa sa mga drama ko sa buhay. Pero ok lang kahit di na siya magparamdam sa akin kasi ok na ang buhay ko. Babaunin ko ang lahat ng magagandang alala niya nun nabubuhay pa siya. I miss you tay..
No comments yet