Magandang tanghali mga kanoise! Kakatapos ko lang mag luto at chicken curry ang akin napupusuan. Buti nalang nagustuhan ng mga anak ko ang chicken curry kung hindu baka di na ako magluto niyan. Sabi ng anak ko ang bango bango daw ng ulam namin at nakakagutom na. Kaso tulog pa ang bunso ko kaya maya maya muna kami kakain, gigisingin ko pa kasi siya. Gusto ko kasi sabay sabay kaming kakain, yan kasi ang nakagisnan ko na dapat sabay sabay kumain. Maliban nalang kung di ako kakain. Hehe pero kung hindi man ako kakain nakaupo pa din ako at pinapanood silang kumain. Para siguradong nakakain silang maayos lalo na ang bunso ko.
No comments yet