read.cash Log in
@Reysky more from that month

Nilabas na nila ang malaking santa clause. Kaso malayo nga lang. Pero kanina pumunta ang mga anak ko at kalaro nila dun. Natuwa kasi kay Santa Clause at sa pailaw. At dahil gabi na din. Pinauwi na din sila kasi magpapahinga na si tatay ( may ari ng bahay). Malaki yun bahay nila pero dalawa lang sila ng anak niya ang nakatira, un isa nasa ibang bansa at si nanay pumanaw na dahil sa covid. Kakalungkot lang na hindi na naabutan ni nanay pasko dahil isa siya sa nadali ng covid. Hindi ko po siya nanay ah! Tawag ko lang sa kanya nanay hehe.. Tuwing ganitong season nila nilalabas si big Santa Clause kaya dati kapag nadadaanan namin ito nagpapicture kami. Nagkataon lang kanina di ko dala cp ko kasi lobat. Kaya kahit malayo pinicturan ko nalang para maishare ko dito. Kumain na ba ang lahat. Kami tapos na. Maliligo naman ako. Nakasanayan ko ng maligo sa gabi kasi feeling ko mas fresko at masarap matulog kapag bagong ligo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.