read.cash Log in
@Reysky more from that month

Laba Day Grabe kadami na pala ng labahin ko tapos hindi pa nakisama ang araw sa akin dahil makulimlim ngayon. Wala pa naman uniform anh asawa ko kailangan makatuyo ako ngayon. Na overwhelm ako sa last post ko kasi ang daming nag comment. Hindi ko tuloy mareplyan pero dito ko nalang sasagutin habang nag iintay akong matapos ang pinapaikot sa washing. Pwede po kayong mangaroling basta po alam nyo bahay ko hahaha.. Hindi ako pwede mag alkansya kasi sa tuwing nag iipon ako na sarado ang alkansya may nagkakasakit sa amin kaya yun naipon kong barya di ko nilagay sa alkansya dahil ayaw ko may magkasakit sa amin. Sa bote na naka open para incase din na humingi ang anak ko ng barya dun din ako dudukot. Naisipan ko kasing ipunin ang barya kasi nalalapit na ang pasko. Maraming bata ang mangangaroling ayaw ko kasing sabhin sa mga bata na patawad lalo na kung nag effort silang kumanta. Kasi ang mga bata kahit maliut na barya ang ibigay mo jan masaya na yan. Naka pag breakfast na po ba ang lahat. Ako tapos na. Kape at tinapay muna ako ngayon. Dahil busog pa naman ako. Magandang umaga mga kaibigan...

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.