Yung nagkulay ka ng buhok dahil grabe na sa puti kaya pati kamay ipinang brush na din sa buhok makulayan lang ang lahat ng buhok. Hirap kasi magkulay ng buhok mag isa tapos hindi ko pa lahat nakikita kahit na may salamin. Kaya ginawa ko nilagay ko sa palad ko at parang ishinampo ko sa buhok ayun pati palad ko nangitim na din. Mahaba kasi buhok. Hindi ko din naisip maglagay ng gloves kasi wala akong gloves sa bahay. Kaya hinayaan ko nalang. Matatanggal din naman yang itim sa kamay kasi lagi din akong nagbabasa ng kamay. Importante nalagyan ko ang buhok ko ng itim na pang kulay. Ayaw ko din pagupitan buhok, mas bet ko ang mahabang buhok kaya kahit hirap ako magkulay ok lang basta maganda na siyang tingnan. Hindi na ako mukang lola hahaha! Ni request din ng asawa ko na kulayan ko daw kaya ginawa ko na kesa laging pagtripan un mga puti ko sa buhok. Ang masama may parte pa akong hindi nakulayan hahaha. Ayun maputi pa din na iwan. Ewan ko ang daling pumuti ng buhok.. baka isang buwan lang maputi na ulit ito haha.. Breakfast tayo guys! Kape at may natira pa akong putok na tinapay. After nento punta ako palengke para bumili ng maiuulam namin. See you later guys. Babush!!!
4 comments
ganiyan talaga sis, tiis ganda lang, mawawala Naman yan, Lalo na madalas ka maghugas ng pinggan, at maglaba, sasama Ang kulay ng kamay mo sa sabon.hehehe
Oo sis! Konti nalang ang kulay sa kamay. Basta makulayan lang ang buhok ko masaya na ako. Wala kasi akong pang paparlor at nanghihinayang ako sa pera kasi babalik din naman sa dati.
yan ang tinatawag na tiis ganda sis haha
Tama ka jan sis! Hahaha