Isa nalang siyang naninimot ng binigay kong pagkain. Ang kalat nilang kumain sabog sabog. Wala kasi ang mga aso kaya wala silang kalaban. Pero mamaya baka masimot din yan kasi unti unti din silang pupunta jan. Nakapagtirik na ba kau ng kandila. Sa akin paubos na. Hindi kasi ako nakadaan sa puntod ng tatay ko bawal daw kasi. Baka pag tapos na ng undas tsaka ako dumaan sa kanya. Noon nabubuhay ang tatay ko, naalala ko lagi silang napunta ng bikol ng nanay ko. Para dalawin ang mga kamag anak ng nanay ko. Kaso wala ng kasama nanay ko kaya hindi na siya makapunta. Pandemic pa, kaya lalong hindi makadalaw sa mga mahal namin sa buhay. Tamang tambay din ako sa labas, ang kamig kasi ng simoy ng hangin. Sarap din alalahanin ang mga masasayang nakaraan. Minsan ang sarap balikan ang nakaraan. Pero hanggan alala nalang talaga.
No comments yet