Good morning mga tropapips! Heto na naman tayo magiisip ng uulamin! Tapos na din akong maglinis ng bahay balak ko din magtikloo ng mga nilabhan ko nun nakaraan. Ang problema kung ano na naman ang uulamin ngayon. Tamad pa naman akong lumabas ng bahay para maghanap ng mailuluto. Late na din kasi ang oras at wala na akong maabutan na maayos na mabibilis ngayon. Sana may dumaan na naglalako na isda. Kasi minsan meron dumadaan na naglalako ng isda para dun nalang ako bibili. Mainit na din kasi sa labas at nakakatamad na talaga. Kapag walang dumaan, mag delata nalang ako. Hindi naman sila mag rereklamo at minsan mas marami pa ang nakakain nila kapag delata ang ulam. Tiklop tiklop muna ako habang nagbabantay sa anak na nag oonline class. Baka kasi kung ano gawin kapag wala ako. Kapag sa computer kasi lahat pwedeng buksan. Kunwari nakikinig yun pala nag yoyoutube haha.. kaya bantay bantay muna habang nag titiklop. Hehe
2 comments
Katatapos Lang din nagtiklop sis habang nag aasist ng online class hirap nga mag isip ulamin araw araw hehe
Tama ka sis. Mahirap talaga mag isip. Mas mahirap pa sa nga exam nila haha