🎵🎵 I've go to move on and be who I am I just don't belong here, I hope you understand We might find a place in this world someday But at least for now, I gotta go my own way🎵🎵 - Ive gotta go my own way, Nikki Gil LSS nanaman. Hahah! Pero may mga ganitong relasyon tlaga eh. Yung halos lahat nalang di na mapagkasunduan. Puro away, puro di pagkakaintindihan. Kaya wala ka ng choice kundi bumitaw nalang at lumayo. Kahit mahal mo pa yunf tao, wala ka ng magawa eh. Nakakapagod din…
@Pandariezl in June 2021
Share ko lang nung nag-aaral pa ako tapos si Hubbybi nagwowork sa Supermarket. LDR pa kami nun. Sa South sya nakatira tapos ako sa North. May promo yung supermarket na baon pack. Kumuha sya ng isa, and pina-salary deduct nya para maiuwi nya sakin that time. Lagi kasi akong puyat at gutom nung nag aaral ako. Trimester kasi kami tapos laging may projects kaya ayun, talagang matutuyot ang braincells mo sa kakagawa ng mga projects. Super touch ako dito kahit di ako mahilig sa…
Lunchtime na! Hindi ako gaano makakain kasi busog pako. Hahaha! Yung kaibigan ko kasi nagpagrabfood ng breakfast sakin knina. Ang heavy sa tyan grabe. Hahaha! Hanggang ngayon, ambigat parin ng pakiramdam ko sa tyan. True pala na pang Big ang Big Breakfast Meal ni Mcdo. Hahaha Kaso sayang naman ang prinepare ng mister ko na Scrambled Egg kung di ko kakainin. Hahaha! Kaya eto, pakonti konti ko nalang inuubos. Hehe Kain na kayo mga kapatid! Happy eating sa lahat ❤️
Goof Afternoon! Its already lunchtime! Done eating my lunch which is scrambled egg. Wasnt able to eat my apple coz Im too full. But anyway, I want some dessert so I’ll eat the ferrero I got from our home. Ferrero is very tasty and I love it because of the nut inside. Im not a fan of sweets or chocolates. I only eat chOcolate when it has nuts inside. It feels like it balances the sweetness of the chocolate. Hehe Lets thank God for our lunch today. Happy Eating everyone.
Jusmeyo, busog na busog padin ako. Di na tuloy ako nagmeryenda. Hahaha! Puro tubig lang. Parang ayoko na kumain habambuhay. Charrrr! Tagal mag uwian, sbi ko kay Hubbybi maggrocery kami. Hehe Ngayon nalang ulit makakapasok ng grocery matapos ang ilang buwan. Ano naba itsura dun? Hahaha Sa mga nanay na katulad ko, ang supermarket tlaga ay langit para samin. Ang sarap mag ikot ikot sa grocery, kaso hanggang ikot lang. Hahaha! Kasi kulang ang budget. 🤣 Lalo pag maraming sale,…
Jusko! Magandang gabi padin kahit nakakatakot yung karanasan ko ngayong gabi. Hahahaha! Paano naman kasi, pakatagal kong inabangan ang sweldo tapos ayun, nung iwiwithdraw na biglang di lumabas ang pera pero nadebit ako. Mapapajusmeyo marimar ka tlaga! Tipong wala ka na ni-singko sa bulsa tapos may ganun aberya pa. So tawag agad sa hotline ng bank para maireport. Nakakaloka! Ang tagal ng convo sa telephone. Hingi ng details na ganito ganyan. Check ng email, ganire ganun. Wala…
Gandang gabi po sa lahat! Ano na gawa nyo? Ako eto nag aabang sa mister na nakapila sa cashier hahaha lumabas nko ng supermarket kasi need naman social distancing. Di tulad noon na dalawa pa kami sa harap ng cashier. Kasi tinitignan kong mabuti kung madodoble ba punch o ano. May mga news kasi noon na over ang resibo nla kasi may maling napunch ang cashier, basta ganun. Eh ako sobrang maingat ako. Ayoko kasi magrekla-reklamo hahaha Kaya bantay sarado nalang para maiwasan ang…
Good Morning sa lahat! Grabe sobrang pagod kahapon. Dko na nagawa magpost ulit bago matulog. Hahaha! Anyways, Thank you Lord ulit sa panibagong araw. At salamat po ulit sa biyaya na natanggap. Happy happy lang. Hehe Kahapon kasi naweweirduhan ako kay NC eh. Pero sabi ko, tiwala lang. Tyaga tyaga lang. Tapos nung gabi, ayun na. Di ako makapaniwala. Biglang andami na ulit. 🤣 Kaya thank you Lord talaga. Ligo na me, baka abutan nanaman ng service. Ingat po!
At dahil nga sa karanasan ko kay CIMB Bank kagabi, tlagang super recommended ko na sya. ❤️ Super the best si CIMB Bank lalo sa mga seller na isa sa mode of payment ang GCASH. Kasi link sila ni HCASH eh. As far as Im concerned, wala pa naman nabawas sa pera ko. Dagdag pa nga ng dagdag kasi anlaki ng interest nya eh. Ang daming benefits kong nakukuha dito sa CIMB. May free insurance pa up to 250,000. Wala ako nilabas na kahit isang singko para maka-avail ng debit card nla. Di…
Gandang tanghali mga kaibigan! Nagsikain naba ang lahat? Ayan o, nag uulan na. Parating na yata si Bagyong Dante. Hehe Mejo okay din kasi atleast nababawasan ang init. Di na kasi tlaga keri yung init nung mga nakaraan araw eh. Hmm. Browse browse lang. Nakakainip. Gusto ko na umuwi. Hahaha! Pumasok lang para umuwi ang peg. Hahahah! Busog na busog ako, sanay na tlaga akong walang rice. Anong ulam nyo? Busog nadin ba kayo? ❤️❤️
“Ang buhay ay sadyang ganyan lang yan. Di mo alam ang tungo kung saan..” Hahahah! Lyrics to sa tagalog version ng Qing Fei De Yi na opening track sa Meteor Garden. Susko! Antagal na ng nakakaraan at nakailan beses na nga ako umulit panuorin yun pero gusto ko nanaman panoorin. Ang pogi pogi kasi ni Dao Ming Zu. Tska di kasi nakakasawa yung story. Hahaha! Nakakabaliw yung palabas na yun hanggang ngayon. Ang tanda tanda ko na pero gustong gusto ko padin. Kayo ba? Naabutan nyo…
Gandang hapon po sa lahat. Yiee, lamig. Ang lakas kasi ng ulan kanina e. Tag-ulan naba? Hehe Sarap na nito matulog pag sa gabi, dka na maliligo sa pawis. 🤣 Presko na sa pakiramdam. At magagamit na ulit lalo ang mga kumot. Problema lang nito nagiging malamok na e. Kaya dapat laging malinis ang kapaligiran. Itapon ang mga naiipon na tubig sa bakuran. Laging linisan ang paligid ng bahay. Wag na din mag imbak ng mga tubig na walang takip, jan kasi namamahay ang mga lamok dba?…
Good Evening! Eto yung sulit na sulit na Sansrival ng Burger Machine. 22pesos lang ito pero sulit na din para sa mga nagkecrave ng sansrival. Knowing na mahal ang sansrival cake tlaga. Bitin sakin ang isa nito kasi super fave ko si Sansrival. Kaya nga lang eh wala nakong budget kaya tiis nalang muna. Atleast nakakain hahahah! Sansrival is made of meringue, butter icing and nuts. At dahil may nuts sya kaya favorite ko sya. Hahaha! Wag lang ako magkakaroon ng gout at di nako…
🎵🎵 There's a place in your heart to love me again Happiness and joy you bring When you call my name Come on in out of the rain🎵🎵 - Come on in out of the rain, Sheryn Regis Noon, sikat na sikat ang mga singing contest sa tv. And sobrang gagaling talaga. Ito si Sheryn Regis gusto ko din sya dati. Ang taas ng boses nito e. LSS ko sakanya yang kanta na yan. Ewan ko ba. Nagagandahan din kasi ako sa lyrics eh. Lagi nagpeplay sa utak ko. Hehe Dati sikat na sikat din sya. Kaso nga…
Naalimpungatan bigla. Aga ko kasi nakatulog e. Naalala ko lang sinasaway ko yung anak ko matulog na. Dko alam kung ano oras na sya nakatulog. Hahaha! Ang hirap tlaga sa katawan ko, pag nakatulog na ng 4-5hrs, bglang magigising. Hindi ako nakakatulog ng dretso na hanggang umaga. Hays Sarap sana matulog kasi parang umuulan, kaya nga lang hirap nako makabalik sa tulog. Amp! May gising paba? Magsitulog na tayo, bawal magpuyat. Hehe Goodnight everyone!
Good Morning everyone! Ang lamig no? Sarap matulog. Eto nanaman, Thursday nanaman. Ilang araw nalang weekend nanaman. Bakit ganun? Apakabilis lumipas ng araw? Hehehe Hanggang ngayon busog na busog pa ko sa kinain namin kagabi. Nagpa-jollibee kasi si Hubbybi. Tag-iisa kaming super meal. Haha! Ayoko na talagang kumain, ansama sa pakiramdam kapag sumosobra sa kain e. Amp! So ayun, get up get up na! Salubungin ang umaga na may ngiti at saya! Have a nice day to all!
Absent ngayon sa work. Linis muna ng bahay bago asikasuhin ang dapat asikasuhin. Parang binagyo din bahay namin, daming kalat. Hahahaha! Iba talaga pag babae ang naiiwan sa bahay, lahat maayos at bawal ang kalat. Kasi si Hubbybi makalat to e. Sarap paluin hahaha Charr! Pero iba talaga mag alaga ng bahay ang mga ina. Masinop, malinis ang bawat sulok at bawal ang mga nakakalat sa kung saan saan. Lahat ng gamit may tamang pwesto. Kaya mabuhay ang mga Ina na walang sawa at…
Sana hindi nalang binago ni SSS ang way ng pagbabayad sa mga loans via BAYAD CENTER. Ang hirap kasi nitong PRN na to. Kahapon pa ko request ng request eh wala naman ako natatanggap. Hindi naman nagegenerate. Pati yung sa tatay ko, dko mabayaran dahil walang latest PRN na nakalagay. Puro past due na. Ayaw naman tanggapin sa Bayad Center. Okay pa yung dati e, basta may form ka ng Loan Payment, go lang agad sa Bayad Center. Bayad na agad at posted na. Ang hirap din kasi di…
Lunchtime everyone! Dahil nasa bahay pa, nakapagluto din. Menudo ang menu namin ngayon. Hehe! Request ni Hubbybi. Minsan nalang sila makakain ng luto ko, sobrang busy kasi sa office eh. Wala na akong time makapagluto. Puro si Hubbybi na ang nagpeprepare pati baon ko. Simpleng menudo lang to. Baboy na menudo cut, carrots, patatas at tomato sauce lang. Sinangkutsa ko lang ng maigi yung baboy para talagang lumabas ang lasa nya at sumarap ang lasa. Ayun! Kain napo tayo. Pause…
Gandang pagabi! Tapos na magmeryenda. Nanlibre si Hubby ng Mang Kiko Pizza at Halo Halo. Busog nanaman. Hahaha! Mejo nagawa nadin ang dapat asikasuhin. Hays. Diyos ko, tulungan Nyo po ako sa mga bagay bagay sa buhay ko. Natatakot ako pero alam kong di po Ninyo ako pababayaan. Tanggalin Nyo po sana ang takot at pangamba ko. Naniniwala po ako na ano pa man ang mangyari ay lagi po Kayong nakagabay at nakasuporta sa akin. Diyos ko, Kayo lang po talaga ang makakapitan ko sa…
Ayun. Ambigat nanaman ng tyan ko. Hahaha! Pag nasa bahay talaga hindi maiwasan ang pagkain. Lol Ang takaw kasi ng mga kasama ko eh, pati ako nadadamay HAHAHAHAH! Pero ang sarap naman kasi talagang kumain. Anyways, nakaready na matulog. Antay nalang si Hubbybi na nagsasampay ng mga labahin. Pati si Bebe na matapos sa pagkain. Sya nalang nagdinner kasi busog na kami ni Hubbybi. Hahaha! Etong batang to laging gutom. Walang kabusugan. Pero hindi naman tumataba. Pero salamat sa…
Gandang Umaga po! On my way to office na. Jusko napipikit pa ako. Bat ba ganito, kahit anong gawin tulog parang kulang na kulang. Hahaha! Pagod na pagod kaluluwa ko. Amp! Ayun, maliwanag na. Mukang maaliwalas naman ang panahon. At mukang maaga makakarating sa office. Kain na kayo ng breakfast. Ako busog padin hanggang ngayon. Ayoko na talaga kumain. Dna ko kakain promise! Hahahaha! Ingat po ang lahat! Godbless everyone.
HALA! May napansin ako. Bagong update yata ni Noise. May na ❤️ akong comment. Tapos bglang nagred yung sa tips, then bglang nag green. Nung chineck ko yung wallet ko, parang nabawasan. So ngayon, kapag nag ❤️ ka, parang mababawas na sya sa earnings mo. Not very sure about it kaso yun nga, parang nabawasan yung sakin. May nagtip kasi sakin so expect ko ay mas lumaki yung sa earnings. Pero pagkakita ko, ang liit lang nung nadagdag. So ayun. Siguro gnawa yung ganun kasi gusto…
So eto po yung sinasabi ko na bagong update ni NC. Not sure po ako talaga kung bumabawas as per my 1st post. Nasabi ko lang na parang nabawas kasi may nagtip pero di dumagdag. Lol Kung ano man ang purpose nito ay alamin nalang sa susunod heheh Pero kasi pag red means deduct dba? So ayun. Dko padin alam. Inoobserve ko pa sya. Kasi nagred na ganyan kaso may tip back. Kaya dpa sure kung ano ba talaga meaning ng red na yan. Anyways, abang abang nalang sa mga new updates pa. Dpa…
Hahaha! Ang aga aga mainit ulo ng mga tao. Hahaha! Meron kasi dto hindi daw alam ang gagawin, eh sabi ng supervisor kapag may bibig kana dapat alam mo na. Pwede naman daw eka magtanong. Hahahahah! Sabi ko wag mainit ang ulo dahil mainit ang panahon. Mas malaking problema kapag inatake ka. Chill at relax lang tayo mga katauhan dito sa NC. Wag tayo sasabay sa init ng panahon kasi baka maheatstroke tayo. Hahaha! Ingat!
Gandang hapon! Maaga nag out sa office dahil may aasikasuhin. Paiba iba yung panahon. Uulan tas bgla iinit. Eto yung mejo crucial na panahon kasi di magstabilize ano ba tlaga. Kaya dapat lagi nakavitamins at mag ingat e. Para di tayo basta dapuan ng sakit. Kalusugan nalang talaga ang tanging kayamanan natin ngayon. Dahil sa panahon ngayon ang pera napakadali maubos lalo na kapag nagkasakit ka. Kaya mas maganda ingatan mo na ang sarili mo. Ingat po tayong lahat!
Just got home! Grabe sobrang pagod. Di din ako masyado nakatambay dito kasi ang daming ganap. Ang hirap na talaga lumabas ng bahay. Nakakaubos ng pera yung paggagrab. Kundi kanaman maggrab, ano oras pa makakauwi. Sana maging maayos na tlaga ulit lahat. Hays. Kakain nadin kami ni Hubbybi. Ulam namin ay Escabecheng Lapu Lapu na bigay ni Tatay. Naku, favorite ko ito. Sana masarap. Hahaha! Dko pa kasi natitikman. Anyways, dinner napo tayong lahat!
Gandang gabi po sa lahat! Dinner napo! Ito po ang ulam namin ngayong gabi, Escabecheng Lapu Lapu. Sana masarap. Hahaha! Kanina pang tanghali ito nabili ni tatay pero ngayon lang namin makakain kasi sobrang daming gnagawa. Antagal ko nagcrave dito. Hehe! Gusto ko tlaga yung mga ganitong luto e. Mga may sarsa. Hehe Anyways, kainan na!
Good Morning po! Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat! Gumising ng may ngiti sa labi. Itaas ang lahat ng problema sa Diyos. Tatagan ang loob na harapin muli ang panibagong araw. Maraming oportunidad ang nakaharap satin, pilitin natin buksan ang ating mata para makita. Maging positibo at iwasan ang mga negatibong bagay. Ika nga nila, malakas ang ating isipan. Law of Attration. Kung ano ang nasa isip mo, yun ang mapupunta sayo. Kaya magagandang bagay lamang ang isipin.…
Lunchtime na! Wooooh! Grabe nanaman init ng panahon. Maraming tubig nanaman katapat nito. Sana mag-5pm na para mkauwi na. Gusto ko humilata sa bahay. Haha! Walang kapaguran ang katawan at isip ko ngayong buong linggo. Gusto ko tuloy matulog maghapon hahaha! Anyways, may previous post ako tungkol sa CIMB Bank. Mamaya magpost ako about sa mga benefits nya para atleast magka idea ako. Ako kasi talaga, dati dko pinapansin yang CIMB. Nakakatakot pa kasi di naman siya kilala dito.…
Meryenda napo! May bigay na mini siopao tas pabaon ni Hubbybi na Nova. Hehe Paubos na yelo ko, wala nako malamig na tubig. Ayoko ng di malamig, nanghihina ako. Hehe Nkakaantok yung init, gusto ko matulog pero di pwede matulog sa office. Hahaha! Dibale konting oras nlang nman at uwian na eh. Makakapahinga nadin naman. Hehe Kain na kayo! Ano pagkain nyo? Ano ginagawa nyo? Hehehe
Ayun. Nakapila sa supermarket. Grabe haba naman ng pila. Kokonti lang bibilhin kaso mapapatagal dahil sa mahabang pila. Hays. Wala naman magagawa kundi mag antay. Kaya ayoko sumama sa grocery eh, kasi mahirap pumila. Hahaha! Sumasakit likod ko kapag matagal akong nakatayo. Tapos kapag time na hihiga na ko, ayun, dko na sya magalaw. Eto din dahilan bat ako nagbawas ng timbang eh. Kasi baka dahil sa bigat. Pero eventually hindi pala. 5’6 1/2 lang naman height ko pero parang…
BENEFITS OF CIMB DEBIT CARD - PART 1 1. Registration & Availment - Sa CIMB Card, hindi mo na kailangan pumunta at pumila sa Bank. Hindi mo nadin kailangan magpabalik-balik pa para mag-sumbit ng requirements. All you need to do is to download the Mobile App at dun mag-register. Dun ka nadin magsisignature sa app katulad ng ginagawa natin sa bank. Less hassle diba? At safer kesa sa magpunta kapa sa bank. 2. Free Debit Card with no Annual Fee - Yes! Visa Debit Card ang ibibigay…
Goodnight na po sa lahat. Matutulog na at maaga pa gigising bukas. Marami kaming gagawin ni Hubbybi bukas so need na agad magrest. Salamat po Diyos sa araw na ito. Salamat sa pagpapakita ng Iyong kabutihan at pagpapala sa amin. Naway gabayan Nyo po kami palagi sa araw araw ng buhay po namin. Hiling ko po ay bigyan Nyo pa po kami ng maraming bukas para mapagbuti po namin ang aming buhay. Salamat po uli Lord. Tulog na tayo guys! Wag na magpuyat dahil masama sa kalusugan iyon.…
Good Morning! Tapos na magpunta ng palengke. Kainan na po ng meryenda. Grabeee! Nakabili din ako ng matagal ko ng craving. Yung buchi na orange. Wala kasi talagang mabilhan samin nito eh. Sobrang nakakamiss kasi nung bata ako lagi ako kumakain nito. Super tagal na nung huli ako kumain nito. Grabe parang bumalik ako sa pagkabata. Hahahaha! Ang saya saya. Super saya lalo kapag yung craving mo nakuha mo eh. Hahahahah! Kain napo tayo! Pakabusog po. Araw ng pahinga ngayon pero di…
Yey! Hooray! 1000 subscribers for me! Thankyoy everyone! Dati talaga wala akong pakeAlam kung may magsusubscribe o wala. Hanggang ngayon naman okay lang kahit di ako bet isubscribe. Sis/Brader kita basta okay ka kausap. Basta chill lang tayo at relax. Palitan lang ng healthy conversation at info. Bawal po mag away away sa aking profile. I always trying to be kind and polite as much as possible. Kasi ayoko magspread ng toxicity kay NC. Hahaha! Kaya as much as possible, good…
Gandang tanghali po! Tapos na kumain ng lunch. Kare Kare ang ulam. Kinain nadin yung natirang pansit kagabi. Grabe busog ko. Hehe Pahinga lang saglit at magbabanlaw naman ng labahin. Super init, for sure mabilis lang to matuyo eh. Hahaha! Sarap matulog ngayon. Maya maya makaidlip muna. Buksan saglit ang aircon para makapag-pahinga man lang. Magamit man lang ang Rest Day kahit ilang oras lang. Hahahahah! Kain napo! Eat well mga kapatid!
NW: The House Arrest of Us. Grabe, laughtrip din eh. Tsaka eye opener din para sa mga magjojowa na nagbabalak mag-asawa. Naku! Kung magpapakasal, siguraduhin nyong ready na kayo sa kahit anong malaman nyo sa jowa nyo. Siguraduhin na kayang tanggapin kung ano pa man ang dmo alam sa jowa mo. Hindi naman kasi lahat talaga nalalaman natin e. Maraming bagay ang di nasasabi o naaamin kahit pa matagal na magkasama. And true din, kapag nakasal na lalong mas maraming secrecy kasi nga…
Ayun. Gabi nanaman. Nakaidlip ako kaninang mga 6pm. Grabe antok ko. Haha! Matutulog nanaman tapos may pasok nanaman. Another taranta at busy week naman. Lord guide me please sa week na ito. Sana po maging okay po ang lahat. Wooooh! At sana magawa na po ulit namin magdiet. Hahaha! Kapag naiistress ka kasi talaga wala kang ibang magawa kundi kumain ng kumain eh. Hehe! Kahit anong gusto mong magpigil, dmo mapigilan. Sana mabawasan na ang stress para makabalik na sa active…
Nakaidlip na kanina! Ayan. Papak naman ng Fried Chicken at Bingo Orange Flavor. Hahaha! Katakawan iz real. Nood na ulit ng The House Arrest of Us. Di ako fan ng KathNiel pero maganda tong palabas nila na ito. Para ito sa mga magjowa na gusto na magpakasal. Sana kilalanin muna natin mabuti yung taong papakasalan natin, at pagdesisyunan maigi kasi di basta basta ang kasal. Walang perpektong relasyon pero siguruhin natin na ano man ang mangyari, kaya natin pangatawanan at…
Goodnight na po sa lahat. Antok na ko. Hehe! Naunahan na ko matulog ni Hubbybi. Ako kakatapos ko lang manood. Pampaantok. At yun inaantok na nga. Pupwesto na ng higa para makatulog na. But before that, let us pray muna. Thank you Lord for this day. Thank you the continous support and guidance. Please help us with our burdens and problems. We lift everything to you. We are very sorry if sometimes we forget that You are there and loving us. Thank you again for the life, and…
Good Morning po sa lahat! Its monday morning! Pasukan nanaman. Hahahah! Tinatamad pa ko pumasok. Heheh Pero di pwedeng umabsent. Kaya tara na at bumangon para sa bagong araw na nag aantay. Stretching muna para mabuhay at dumaloy ang dugo. Bawal tamarin, laban lang! Ganyan talaga ang buhay, mahirap pero kailangan tuloy tuloy lang. Osya, makaligo na at baka abutan nanaman ng service. Hahaha! Ingat ang lahat. Ciao!
Good Morning! Ayun, sira yata si Globe. Hindi ako makapagregister sa Data Promo nila. Hays. Hindi din makakapag NC dahil walang data ang cellphone ko. Naki-open lang muna sa browser. Hahaha! Gawa gawa ng konting paraan para makabisita dito. Hehe Sana matapos na maintenance ni Globe para makaregister nako. Kalungkot kapag walang data ang cp eh. Hahaha! Anyways, focus muna sa work. Ingat po!
Yey! Meron na akong data! Salamat naman at naayos din agad si Globe. Hehe! Nangangati yung kamay ko kakaregister kung gagana naba kanina. Hahaha! Gusto ko maiyak pag nagrereply si Globe na di maprocess yung request. Lol! Ganun na sguro tlaga, karamihan sa mga tao naging dependent na sa cp nila. Halos di mapalagay o di makatiis na di hahawakan ang cp. Kasi nasanay na sa ganun sistema. Anyways, dahil may data na makakafocus na ko sa pagwowork. Charrr! Kaya din gusto ko…
Good Afternoon! Lunch time napo! Apple lang kinain ko after 15hrs fasting. Bloated padin feeling ko dahil sa mga kinain ko kahapon. Hahahaha! Grabe na yan. Haha! Sobrang takaw namin kahapon. Sana matunaw na lahat ng taba na ito. Hahaha! Nood padin ng The House Arrest of Us. Sobrang laughtrip tlaga nito. Hahaha! Parang sira yung mga maid. Kung anu anong hinala ang ginagawa sa utak kaya nagkakagulo. Assume ng assume na tama mga pinag iisip nila kaya lalong nagiging magulo yung…
Meryenda time! Hopiang Monggo ang meryenda ko. Hehehe! Binili namin kahapon sa palengke. Yung tag-limang piso lang ang isang balot. Bet na bet ko ito dati nung bata ako e. Pero dati parang tres lang per balot to. Hehehe Tumaas na talaga ang presyo ng paninda. Hahahah! Sabagay, ilan taon pa kasi ako nun eh. Ngayon matanda na ako, talagang tataas ang presyo. Hays! Sarap bumalik sa pagkabata. Yung walang stress at walang masyadong iniintindi. Ang problema mo lang yung kung…
Just got home! Nagfoodtrip pa kami ni Hubbybi bago umuwi. Hehehe Bibili sana ng Tofu at Bokchoy kaso wala sa supermarket kaya naglakad nalang kami pauwi. Along the way daming kainan na nakikita kaya ayun, aya ng aya. Hahahaha! Kumain kami ng Pares kaso di masyadong bet kasi di sya legit pares na malapot ang sabaw. Pero keri lang. Tapos bumili ng mga kung anek anek na kutkutin. Hahaha! Bili din ng drinks sa 7/11. Tapos bago tuluyan umuwi, bumili pa ng Takoyaki. Hahahaha! Ang…
Share ko lang yung napicturan namin ni Mister habang naglalakad pauwi. Naku naman mga mam at sir, nakiusap na nga na wag tapunan tapos talagang ginawang tapunan pa din ng basura. Napakahirap ba talaga sumunod sa pakiusap? Hays. May nangongolekta naman araw-araw ng basura dito sa amin, bakit di magawang itabi muna ng maayos. Hahahaha! Nakakastress yung ganyan na nakiusap kana tapos parang nang aasar at di padin sumunod. Hahaha! Sana mabago ang ganitong kalakaran. Hehe
Mejo nastress lang ako sa part ng palabas na The House Arrest of Us wherein si Korics (Daniel Padilla) ay pwedeng ipursue yung dream nya. Samantalang si Q (Kathryn Bernardo) ay hindi pwede. Pinipigilan ni Korics si Q na matupad ang pangarap na makapunta sa London. Eh dba, kapag mahal natin ang isang tao dpat support tayo sa kung ano ang pangarap nila lalo na kung makakabuti naman yun sakanila? Hindi itutuloy ang kasal dahil hindi nasunod yung gusto ni Korics? Bakit ganun?…
GoodMorning! Nakaligo na. Bihis nalang at hintay sa company service. Ang aga ko nagising, naunahan ko pa nga yung alarm eh. Hahahaha! Pero dpa ako bumangon kanina. Sarap tlaga namnamin ng higaan. Parang ayoko nga bumangon. Para akong na-glue sa higaan namin. Hahaha Sarap talaga matulog kapag malamig. Haha! Gising nadin ba kayo? Inat inat na! Godbless sa lahat!
Office na! Buti nalang malapit lang yung office ko sa bahay namin kaya hindi masyadong stress yung travel time. Hehe Keri lang. Pero dati, nung wala pang pandemic kahit malapit lang ang office, stress sa pagcommute. Ang hirap kasi sumakay ng jeep or bus. Laging siksikan at punuan noon. Kaya minsan kahit sobrang lapit ko lang, sge lang, bus nako kasi yun lng ang mas mabilis masakyan. Tapos hassle pagbaba kasi punong puno na. Parang sardinas na yung bus. Ganun noon. Tapos…
Soundtrip muna habang wala pang tao sa office. Hehe Now Listening: Narda, Kamikazee Nung panahon na sikat na sikat tong kanta na to, halos kahit san ka magpunta ito ang pinapatugtog. Tapos kahit saan tv station ka manood, guest ang Kamikazee. Pati na sa mga videoke, usong uso to dati, at hanggang ngayon. Catchy naman kasi tlaga yung song. Nung panahon din nito, sikat na sikat ang mga OPM Band. Nakakamiss yung rakrakan days. Lahat ng makikita mo sa tv mga banda. May mga new…
Good Afternoon! Lunch time na! Apple lang ulit habang nanonood ng The House Arrest of Us. Last episode na to. Pagtapos nito Dr John naman. Haha! Nood nood lang habang breaktime para malibang. Haha Sabayan nadin ng NC. Haha Ano po ulam ninyo? Di ako makascroll sa feeds dahil sa sobrang bagal ng data. Haha Eat well everyone!
Tapos nanaman ang isang oras na breaktime! Balik work na! Grabe sobrang dilim! Sana naman wag umulan ng malakas na malakas. Sana wag na muna umulan, ganyan nalang muna na madilim. Hehe Para di mainit. Ang gulo na ng panahon no? Minsan sobrang init, tapos ngayon sobrang dilim na parang may parating na super bagyo. Di na maintindihan. Hays. Ingat po tayong lahat.
Share ko lang yung assignment ko dati na ginawa sa 3dsMax. Yung 3dsMax ay isang computer software para makagawa ng mga 3d Objects. From simple shape like cube, imomold mo sya para maging isang object. So ang assignment namin noon ay irender ang mga chess pieces na ginawa namin sa daily activities. Super isip ako ano bang pwede gawin at ito nga ang naisip ko. Unusual naman kasi talaga yung Underwater Chess. Haha! Ewan ko anong pumasok sa utak ko at ginawa ko yan. Muntik pa…
Nakahiga na! Jusko day! Nakakapagod. Hehe Nakakastress talaga makasalamuha yung mga mayayabang na tao pero wala naman talagang maipagyayabang. Sana wag tayo maging mapagmataas kung wala naman tayo. Tapak lang sa lupa. Yuko din ng konti. Hindi yung konting nakatikim ka ng pera akala mo na kung sino ka. Magdesisyon ka ayon sa kakayahan mo lang. Hindi yung makasabi ka pero di mo naman kaya. Maglabas ka ng pera, hindi yung iaasa mo pala sa iba kaya puro yabang ka. Bat may…
Gandang gabi! Nakakain na ba kayo? Ako, eto nakahiga na pero kakain pa ng fried chicken! Hahaha! Pangtanggal stress lang sa nakakastress na araw. Hahaha! Sarap kumain pero nakakaguilty. Lol Kelan kaya matutupad yung pagbabalik loob ko sa pagpapapayat? Hahaha Tuluyan na yata akong nadapa. Hindi na ako makabangon hahaha
Good Morning! On my to office! Jusme, pupungas pungas pa dahil puyat na puyat. 1230am na nakatulog kakachikahan with Tatay, Mama and Ate. Hahaha! Kaya eto, kulang sa tulog. Gusto ko pa matulog kaso need pumasok. Need tapusin ang work before the long weekend! Yun na nga, nalalapit na ang Holiday nanaman. Independence Day na sa sabado, ilan kaya ang maghihiwalay na mga mag jowa at magging malaya na sa sabado? Charrrr! Hahahaha! Goodvibes lang tayo. Magmahalan lang at walang…
Good Afternoon! Lunch time nanaman! Apple lang ulit ang kinain. Wala ako gana. Hehehe Pero pag gabi, magana ako haha Bat naman ganorn? Hahaha Anyways, Im rewatching Dr John. Grabe, ganda talaga nito. One of the best na Korean Drama na napanood ko. Husay lang eh. Tsaka ang galing lang ng twist na yung magaling na doktor may kakaiba palang sakit na dinadala. Sobrang astig tlaga ng palabas na to. Pati mga kanta, ang gaganda eh. Di nakakasawa panuorin.
🎵🎵Now the day bleeds Into nightfall And you're not here To get me through it all I let my guard down And then you pulled the rug I was getting kinda used to being someone you loved🎵🎵- Someone You Loved, Lewis Capaldi Ang lungkot lang nung kanta no? Nasanay tayo na nanjan yung mga taong naging bahagi ng buhay natin at minahal natin. Pero once na mawala sila, paano na tayo? Nasanay na tayo na anjan lang sila, na kasama natin. Yung tipong walang katapusan ang bukas. At hindi…
Gandang gabi!Nasa bahay na kanina pa. Hahahah! Nakaupo lang at nagpapahinga. Mejo nakakatamad pa kasi maligo. Ang weird lang din. Pagdating ko ng bahay ligo agad. Pag alis ko ng bahay sa madaling araw, ligo ulit. Ilang oras lang yung pagitan ng pagligo. Hahahaha! Kasi naman, hindi talaga ako sanay na hindi maliligo kapag lalabas ng bahay. Unless sa palengke ang punta ko. Hehe Nakakalagkit ng feeling tlaga kapag di naligo e. Sobra pa naman ako magpawis. Kaya ayun. Wala lang.…
Nung nakaraan araw, habang naglalakad lakad kami ni Mister nakakita kami bilihan ng kung anu anong pagkain. Nakita ko itong ampaw or rice crispies. Bumili ako kasi naalala ko yung anak ko mahilig dito. Nung bata ako mhilig din ako dito e, halos maubos ko yung isang balot sa isang upuan. Kaso bnabawalan ako kasi mejo matamis sya. Hahaha! Jan sguro nabulok ang ngipin ko dati. Tas messy kainin kasi ang hilig bilhin ni mama yung pabilog. Hayss! Childhood memories talaga…
Relax relax muna. Kain kropek habang nanonood ng kung anu ano. Nagpapaantok lang. Heheh Masarap itong kropek lalo na kapag sinawsaw sa suka. Ang crunchy pa. Lalong masarap manood habang mag nginunguya. Hahaha! Sabi ni Hubbybi, manonood daw kami. Pag nanood kami panigurado knockout nako. Hahaha! Ewan ko ba, napakadali mapagod ng mga mata ko. Haha! Anyways, kain napo kayo ng hapunan. Eat well everyone.
Magandang Umaga! Yes, narecharge nadin hehe Khapon kasi puyat ako eh. Kagabi maaga ako nakatulog sa sobrang antok nadin. Prepare na muna for work, baka abutan nnaman ng service na dipa nakagayak. Hahaha! Breakfast na kayo. Ingat po ang lahat!
Cold Morning! On my way na sa office. Ang sarap lang nung weather, ang lamigggg! Kahit sa office malamig din. Dapat pala nagdala na ako ng jacket. Kuya Wil, eto na best time para mamigay ng jacket. Charr! Hahahah! Parang gusto ko ng Ramen or any noodles. Sarap din siguro ang Mami ngayon no? Hahaha! Eto lang masarap na panahon e, pag malamig talaga. Kape kape na guys! Breakfast nadin at ingat po ang kalahatan!
BENEFITS OF CIMB DEBIT CARD - PART 2 1. Best for GCASH USER- Best ito sa mga online seller na may payment option thru GCASH. Pwede mo kasi matransfer sa debit card yung pera mo using the GCASH App ng WALANG FEE! At pag winithdraw mo, wala din fee. So buo padin yung kinita mo. 2. Customer Service - One of the best! Kasi yung customer service nila hanggang 10pm. So kung may aberya na mangyari, pwede mo agad itawag. And dahil nga may app ito, pag natrace agad sa system na may…
Lunchtime! Now Watching: Dr John, Episode 2. Ang gara lang no? Bumubuo tayo sa isip natin ng mga paniniwala natin sa ibang tao. Na dapat ganito ganire sila. Para magustuhan natin sila. Na dapat kung ano standard natin, maging ganun sila para maibigay natin yung respeto saknila. Pero pag nadisappoint nila tayo, makakalimutan na natin lahat ng magagandang bahay na ginawa nla. Dahil lang di nasunod yung nasa isip natin kung paano ba dapat sila. Hindi dapat ganun e. Dapat…
Gandang Hapon po! Coffee break na! Kainan na! Nova t Bingo Orange. Hahaha! Sarap talaga ng Bingo Orange, mula bata ako favorite ko to eh. Hahaha! Nagulat nga ako meron papala nito, kaya nung nakita ko sa supermarket, nagpabili ako kaagad kay Hubbybi. Akala ko dati wala na to eh. Konti lang kasi may gusto sa flavor na to. Kamusta ang araw nyo? Kumain naba kayo meryenda? Anong meryenda nyo? Tara kain na!
Gandang Hapon po! Naghahasik nanaman ng kainitan si Haring Araw. Pinatikim lang ng konting lamig tas eto nanaman, kay init nanaman. Kaya talagang mauuso ang sakit ngayon eh, dahil sa pabago-bagong panahon. Kaya dapat lagi tayo maging ready at mag vitamins kung maaari. Kumain din ng masusustansya at iwasan ang mga fastfood. Gulay at Prutas parin ang best source of energy kaya dont forget na laging kumain nito. Ingat palagi!
Share ko lang yung favorite ensaymada ko na mabibili sa Laguna. Hahaha! Dahil lang kay Hubbybi kaya ako nakatikim ng ganito. Taga Laguna kasi sya. Sobrang sarap na sarap ako sa ensaymada na to. Di kasi sya yung usual na ensaymada eh. Meron syang palaman na bacon sa loob. Kaya super malasa talaga sya. Tagal ko ng di nakakain nito kasi dna nakakauwi ng Laguna si Hubbybi. Kapag okay na ang lahat, papabili ulit ako sakanya nito. Miss na miss ko na yung lasa. Kayo? Ano ang…
Bahay na! Ligo muna at prepare ng ulam na lulutuin. Matagal ko ng craving ito at dko na kaya tiisin kaya lulutuin ko na. Hahahah! Dbale na tumaba, atleast busog! Charr! Diet padin pero kontrol nalang. Number 1 na rule sa pagdadiet naman ay yung magkaroon ng disiplina e. At wag magpagutom. Kung disiplinado naman kumain for sure dnaman tataba. At wag nagpapagutom kasi tendency nun ay lalo ka kakain. Kaya ayun. Tara na at magprepare!
Dinnertime! Pero ako tapos na magdinner. Hahahaha! Kasi sobrang excited ako kumain. Nagluto ako ng Stir Fry Tofu with Bokchoy. Ooppps! Di po ako chinese, sobrang hilig ko lang talaga sa mga chinese food. Ewan ko ba! Hahahah! Tapos pinartner ko din to sa fried rice na napakaraming bawang! Sobrang sarap grabeeee! Pati si Hubbybi, naparami ng kain. Hahahah! Bokchoy is parang petchay din, pero mejo iba yung lasa nya compared sa normal na pechay. Nakalagay sa tag ni SM ay “Pechay…
So ayun nga. Kausap ko yung friend ko na naoperahan dahil sa Ovarian Cyst. Nakupo! Masama pala yung dysmenorrhea o pananakit ng puson kapag nagkakaregla ang babae. Pati na yung masyadong heavy flow ng menstruation. Yun daw ang isa sa mga symptoms na meron na pala syang cyst. Grabe yung cyst na nakuha, napakalaki! Magtataka ka paano nagkasya yun saknya eh kung titingnan naman parang normal lang. Tapos may laman na halos 2L ng dead blood. Jusko nakakatakot maopera. Kaya mas…
Goodnight! Isang araw nanaman ang natapos. Matulog na po tayo at bukas kailangan nanaman natin gumising at magtrabaho. Need po ulit natin magrecharge para bukas ay may energy nanaman. Pasalamatan natin ang Lord sa lahat ng biyaya na nakamtan natin today, maliit man yan o malaki. Blessing is still a blessing! Wag napo magpuyat, nakakahina ng immune system yan! Pray napo at matulog na. Gandang gabi sa lahat! Have a peaceful sleep!
Magandang Umaga! Isang regalo nanaman ng buhay mula sa Diyos Ama. Isipin natin, paano natin magagawang makabuluhan ang araw na ito? Let us be happy and positive through out the day. Mahirap mabuhay pero wala naman tayong ibang choice. Let us just enjoy our life. Stop frowning and stop attracting negative vibes. Isipin nalang natin na binigyan ulit tayo ng Diyos ng pagkakataon na ayusin ang ating buhay. Gawin ang mga nainisin natin. At maging masaya at kuntento tayo. So get…
On my way to office! Yey! Its Friday! Tapos bukas holiday. Long weekend it is! Katuwa. Heheh! Mahaba habang araw na makakasama ko ang aking family. Excited din ba kayo sa holiday bukas or may pasok din kayo? Hehe! Anyways, ingat ang lahat ng mga papasok at lalabas ng bahay. Sunod padin po tayo sa protocol ng pagsusuot ng mask at faceshield. Keep distance po sa mga tao. Let us continue practicing Social Distancing. Ingat po!
🎵🎵 Kailan mo ba matututunan? Kailan mo ba 'pagsisigawang 'Di mo na 'pagkakailang tayo? Kay rami nang pinagdaanan Ano pa ba ang iyong kailangan? Nagsusumamo na sabihin mo🎵🎵 Minsan may mga tao na hindi maamin sa iba na jowa nila si ganito o ganire. Bakit? Kasi kinakahiya nila? Pero bakit nila sinagot diba? Mahal naman natin kaso minsan takot tayong makarinig ng masasakit tungkol sa taong pinili natin. Pero dba dapat maging proud tayo sa kung sino ang mahal natin? Maraming…
Nasa labas ng office para magpick up ng inorder. Grabe yung init, di kinakaya ng aircon ng kotse. Pati kahit nasa lilim, ramdam na ramdam sa balat yung init. Nagbalik nanaman si Haring Araw, g na g nanaman. Hahaha! Buti nalang pabalik nadin sa office. Grabe kawawa tlaga yung mga nasa field work. Titiisin yung init na to. Kaloka. Ingatan mo po sila Lord. Hays
Pauwi naaaa! Maaga tayo ngayon kasi nga long weekend. Hahahah! Excited me umuwi! Kanina sobrang init, ngayon naman super ulan. Paano na yung mga expose sa daan? Jusko, sakit talaga ang aabutin. Swerte ko lang nasa office, tapos may service. Paano yung mga wala? Iappreciate natin lahat ng bagay sa paligid natin. Minsan mukang maliit na bagay lang pero hindi. Sobrang laking bagay na pala nun. Kaya lets all be thankful. Kahit dto sa NC. Magkano man makuha natin, pasalamat tayo.…
Tadaima! NW: Samurai Gourmet. Ang sasarap nung mga kinakain dito. Hahaha! Nakakagutom eh. Parang gusto mo din kainin yung kinakain nla. Hahaha! Ang weird lng nung bida, parang ang dami nyang namiss sa buhay nua. Tapos lagi syang nagdadalawang isip sa mga ginagawa nya. Lagi din syang nahihiya. Gusto nya yung mga kilos nya ay wala syang maririnig sa ibang tao. Pero di naman natin mapiplease lahat ng tao kaya gawin natin kung ano ang makakapagpasaya satin at kung saan tayo…
Sabi sa description, “Ang love parang bayad sa jeep. Minsan, hindi nasusuklian.” Eh ang tanong, sa tamang tao kaba nagbayad? Hahahahah! Baka kasi hindi, kaya hindi nasuklian. Hahaha! Kaya ayun, nganga at team sawi. Masakit sa puso kasi wala ngang sukli. Pero kahit ganun, okay lang yan. Patuloy kapa din magmahal. Ganyan talaga ang buhay e. Malay mo, mahanap mo nadin yung tamang tao na mamahalin at higit pa sa bnibigay mo ang ibigay sayo. Dba? Gandang gabi sainyo. Ingat ang…
Trust. Once yan ang nasira, napakahirap na mabalik. Hindi basta basta maibabalik yung dating pagsasamahan. Isang maliit na kasinungalingan, pwedeng makapagpabago ng lahat. Ang hirap makalimot, mag move on. Ang hirap maging okay na parang walang nangyari. Kasi yung bagay na nakasira ng tiwala mo, paulit ulit na magpeplay sa utak mo. Paulit ulit mo iisipin anong nagawa mong mali, ano bang pagkukulang mo bakit naging ganun. Kaya bago tayo gumawa ng ikakasira ng tiwala ng iba…
Ayun. Kain din pag may time. Nagtake out si Mister ng Tapsilog with Sisig at TapsiTosilog. Hahaha! Ambango ng sinangag, grabeee! Sa sinangagan na to kami lagi kumakain dati kapag may extra pera kami. Hahaha! Noon kasi nung una kami magsama, nag aaral pako at sya naman may trabaho pero below minimum. Kaya pag nagkakapera kami, tinitreat nya ako sa sinangagan na to. Masayang masaya kami everytime nakakakain kami sa sinangagan kasi after kumain busog na busog kami at nakangiti…
Bakit kayo ganun no? Bakit kailangan tayo iwan ng mga tao? Bakit may time limit tayo sa mundo? Bakit tumatanda? Hindi ba pwedeng forever lang magkakasama? Hindi ba pwedeng hindi magkasakit ng malubha? Pwede bang hindi mamatay? Nakakapanibago kasi yung pakiramdam na hindi mo na makikita yung isang taong matagal mo nakasama. Nakakapanibago na nakasanayan mong anjan sila pero paggising mo ng isang araw, wala na. Ang hirap tanggapin na isang iglap magbabago na lahat. Na lahat ng…
Magandang Umaga po sa lahat! Happy Independence Day po! Ipinagdiriwang ng bansa ngayon ang Araw ng Kalayaan. Ang araw na ito ay dineklara kung saan tayo ay naging malaya mula sa mga mananakop ng ating bansa. Pero sa tingin ko, hindi naman lubusan naging malaya kasi nga taglay padin natin ang mga paniniwala at nakagawian na dinala dito ng mga mananakop. Sguro naging malaya lang dahil tayo ay pinamumunuan na ng mga kapwa natin Pilipino. Osya, tama na yan. Hahahaha! Simulan na…
Good Morning! Happy Independence Day! At dahil holiday, simulan na ang dapat gawin. Hahaha! Laba laba na agad. Buti dito sa bahay nila Mama, fully auto ang washing machine. No need magpiga. Aantayin mo nalang na matapos at magsasampay kana. Stress free kasi pwede mong gawin ang iba mo pang gawain. Hahahah! Gusto ko bumili nito kaso wala pang budget. Hehe! Kaya tiis muna sa makalumang way. Long weekend tayo kaya after nito, pahinga pahinga din. Hahahaha! Have a blessed day…
Breakfast na! Ito yung left over kagabi na prinepare ni Mama. Grabee! Super favorite ko tlaga to. Hehehe! Gustong gusto ko talaga ‘to lalo kapag maraming tahore. Ewan ko ba, bat sarap na sarap ako sa tahore. Hahaha! Di din ako mahilig sa bangus dahil sobrang matinik, pero pag ito tlaga ang luto gustong gusto ko. Hahahaha! Hays. Ansarap tlaga ng lutong nanay at lutong bahay. Mas masarap talaga ito kaysa sa fastfood. Hahahaha! Sarap!
Konti nalang malapit na matapos mga labahin. Hehehe! Nagnenetflix ako habang naglalaba. Mapahinga man lang kahit paano. Ang pinapanood ko ay “Jesus is Dead”. Si Jaclyn Jose ang gumaganap na ina ng 3 magkakapatid na may kanya kanyang personalidad. Yung panganay nya ay may Down Syndrome. Yung isa naman na lalaki, hindi makapasa sa board exam at nakabuntis pa. At yung nag iisang babae naman ay naging lesbian at nabroken hearted sa girlfriend nya na pinagpalit sya sa ibang…
Lunch time na po! Kainan na! Isa ulit to sa pinaka favorite kong ulam. Sinigang na Maya Maya sa Miso. Lalo pag luto ni Mama. Iba talaga pag luto ng nanay eh. Sobrang paborito ko dito yung mustasa. Gustong gusto ko yung lasa. Dko din alam bakit. Hahahha! Pero ang sarap kasi nya. Sobrang bet din yung isdang Maya Maya. Mataba kasi sya. At masarap ang laman. Dati, nung bata ako, kumain kami ng pritong maya maya tapos natinik ako. Grabe, akala ko susuka ako mg dugo. Anlaki kasi…
Yown! Buti nalang tapos na maglaba bago umulan hehe Kaya nga lang yung ibang sampay dpa tuyo. Dbale, baka mamaya naman aaraw nanaman e. Anyways, pahinga na muna. Makatulog muna at makabawi ng energy. Late na kasi nakatulog kagabi pero sobrang aga parin nagising kanina. So ayun! Enjoy nalang yung holiday. Pahinga din muna kayo guys kung pwede kayo magpahinga. Para may energy ulit pagkagising. Heheh Ingat po ang lahat!
Gandang Hapon! Grabe no? Sa tagal natin dito sa NC minsan mauubusan ka na din tlga ng maiseshare eh. Lalo na pag araw-araw ay yun lang naman yung gnagawa mo. Tapos mapapaisip ka, ano pa bang quality content na pwede maishare? Sa dami na kasi ng naishare, mapapaisip ka kung meron paba? Pero narealize ko, marami pala. Balikan lang natin yung mga nangyari noon. Kaso minsan ang hirap din isa-isahin. Kasi may recent na pangyayari na gusto mo din ishare. Hahahahah! Kaya ang…
Gandang gabi! Kainan na! Nagluto si Mama ng Shanghai. Grabe ang saya ko. Hahhahaah! Last time pa ko nagkecrave din dto e, ngayon nlang ulit nakakain. Hahaha! Gusto ko nga sana yung Davids Tea Shanghai pero okies na din to kasi masarap naman version ni Mama ng Shanghai. Grabe, dami ko napapak. Ang shanghai ang isa sa mga famouse na food items sa handaan. Ewan ko ba pero ang dami nangungupit nito sa mga party. Hahahah! Ang sarap nya kasi papakin at di nakakasawa lalo pag…
“Don’t judge my choices when you dont understand my reasons.” - Anonymous Totoo naman dba? May mga bagay tayo na nagagawa dahil sa mga rason na di alam ng iba. Pero maraming judgemental jan na madaming sinasabi na akala mo alam na alam nila ang buhay mo. Sana matigil na yung panghuhusga sa mga desisyon ng iba. May kanya kanya tayong buhay e, may kanya kanyang nangyayari sa buhay natin na di naman napapagdaanan ng iba kaya hindi na sila para makialam. Yung iba kasi basta kuda…
Tulog na si Bebeko. Pagkatapos kumain, maya maya nakatulog. Haha Ang lamig nman din kasi kaya sarap na sarap ang bata. Sabi namin, bukas uuwi na kami ng Daddy nya sa bahay dahil need na ulit mag work at magtinda. Maiiwan muna sya sa lola nya. Ayaw daw nya, kaso sabi namin di pwede. Minsan may mga desisyon tayo na mahirap gawin pero para sa kapakanan naman din naman ng anak natin. Mahirap malayo sa anak. Hindi mo mahawakan, dmo makita ang ginagawa. Pero no choice, mahirap ang…
Before you sleep, think of all the things youve done for today. Does it make you happy? Does it make you calm? Does it make you contented? If yes, go to sleep and continue with your life. But if not, think of the reasons why you felt that way. Maybe, your life today is not really the life you want. And if thats the case, think of ways on how to achieve what you want. Then, start doing it as soon as possible! Dont waste time. Because time is really a precious thing that you…
Good Morning! Ito agad ang agahan! Hahaha Para okay ang aking tyan. Simula bata lagi kami may ganito e. Kasi nga masarap sya tsaka maganda nga daw sa sikmura. At mula noong bata kami, sobrang kulang talaga ang isa nito. Hahahaha! So yung 5pcs nito kpag nabuksan hindi tlaga tatagal kasi nga iinom ka ng iinom. Hahahah! Hanggang ngayon na nagkaanak nako lagi sya kasama sa grocery list dahil favorite din sya ng anak ko. Sarap sarap naman kasi talaga. At talagang healthy dahil sa…
Breakfast! Goto, lumpia at tokneneng. Binili ni kuya sa sikat na tindahan ng goto. Grabeee! Sarap tlaga dto sa resthouse ni Ate. Nyahahaha! Pag kasama tlaga ang buong pamilya, di ka magugutom eh. Hehe Daming foods, halos di nauubos. Ikaw nalang din magsasawa. Hehe Ngayon lang ako nakakain ng goto or baka akala ko lang? Lagi kasi plain lugaw lang nakakain ko e. Pero masarap yung goto, ang daming laman loob. Sayang walang utak ng baboy, gusto ko din yun e. Yung nakababad sa…
Ang aming ulam kaninaaa! Adobong Manok ni Mama! Hehehe Andaming bawang, sobrang sarap. Patunay na di ako aswang kasi mahilig ako sa bawang. Hahahahah! Iba talaga ang luto ng mga nanay natin no? May trademark yung lasa. Yung lasa ng pagkabata natin. Ksi yun ang luto na kinamulatan. Kaya ako talagang parang bumabalik sa pagkabata sa tuwing nakakakain ako ng luto ni Mama. Heheheh! Kain na yung mga di pa kumakain! Ingat po lahat!
Bahay na kami! Dumaan muna ng Mcdo Drive thru bago kami ihatid. Hehe! New in the menu ni Mcdo itong si Minion Fries. Masarap naman at okay ang lasa. Fries na may cheese sauce at mayonnaise lang naman ito eh. Hahaha! For the experience lang kaya nagpabili. Masarap din kasi magtry ng mga new foods. Hahahaha! Pahinga at maliligo na ulit. Yey! Pwede maaga matulog. Hahahah! Musta ang maghapon nyo? Nagmeryenda naba kayo? :)
Good Morning, Monday! Start nanaman ng work week! Maaga nagising dahil maaga din ako nakatulog kagabi. Hehe! Sarap matulog, ang lamigggg! Dpa din bumabangon, higa higa pa konti. Heheh! Thankyou Lord! Thank you po sa lahat! Sobrang the best po kayo. Hindi ako perpekto pero damang dama ko ang pag alalay nyo sa akin palagi. Ang dami kong nagagawang mali pero alam ko, anjan padin kayo. Salamat po sa guidance. Salamat po sa pagbbgay ng wisdom. Utang ko po ang lahat sainyo. Hindi…
On my way to office! Its Monday, lahat ng tao busy na busy sa pagpasok. Makikita mo yung daan, ang daming tao. Mga nag aabang ng masasakyan. May bakas pa ng pag ulan yung company service. Nag uulan yata kaninang madaling araw. Pero ngayon maaraw na. Ingat po sa lahat ng papasok at may mga lakad. Sunod padin sa mga New Normal Protocols. Wag pasaway sa daan at maging alerto. Ingat po!
“The older I get, the more I realize how beneficial it is to be private about things.” - Anonymous Tama. Minsan hindi natin kailangan o hindi natin dapat ishare ang lahat ng nangyayari sa buhay natin. Meron kasing mga tao na nagpapanggap na concern sayo pero ang totoo, gusto lang sumagap ng mga detalye sa buhay mo para ichismis sa iba. May mga tao din na di masaya sa success mo. Gagawan kapa ng issue kapag nalaman na naka-angat ka. Kaya mas mainam na itago mo nalang sa…
🎵🎵“Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?”🎵🎵 - Kanlungan, Noel Cabangon Kung may pagkakataon tayo ngayon, wag natin sayangin. Maging masaya tayo at makuntento sa buhay natin. Pilitin natin tuparin ang mga pangarap natin. Mahalin natin ang mga taong nakapaligid sa atin. Dahil pag dumating na ang panahon na nawala tayo, o nawala sila, puro pagsisisi nalang ang mararamdaman natin dahil di natin nagawa ang nararapat. Kaya wag natin isipin na laging may bukas…
Importante ba ang kasal? Oo naman. Importante yun no. Dahil kasunduan yun na nangangako kayong dalawa na kahit anong mangyari, mananatili ang pagmamahal nyo sa isa’t isa. Pero sa panahon ngayon, nababalewala na din minsan ang kasal. O siguro kasi, naiisip ng iba na sobrang magastos ang magpakasal. Syempre naman, sino ba naman ang tao na ayaw ng magandang kasal? Minsan lang naman ito dumating sa buhay natin eh. Kaya maganda at masaya tlaga na mapaghandaan. Pero ayun nga,…
Good Morning! Sensya napo sa mga di ko na nareplyan na comments. At salamat din po sa pagcocomment. Malaking bagay para sa akin na makabasa ng comments ng iba. Ayun nga lang, kahit anong gawin ko eh walang halaga ang puso na naibibigay ko sainyo. Hindi ko alam kung ako ba yung may problema kasi sa iba naman gumagana. Ayun. Sana maging maayos din ang lahat at maging masaya. Prepare na muna sa pagpasok. Ingat po tayong lahat :)
Good Morning! On my way to office na! Sabi sa radyo, “If you are passionate with what you are doing, you’ll never feel that you are working”. Oo nga eh. Tama nga naman. Di mo mararamdaman ang pagod kung mahal mo at gusto mo yung ginagawa mo. Lagi kang masaya gawin ang mga task at work kasi yun yung desire ng puso mo. Kaya kung ikaw ay di masaya ngayon sa kung nasaan ka man, ibig sabhin lang na hindi talaga yan ang gusto ng isip at puso mo. Pero minsan napipilitan tayong…
“The distance between dream and reality is called action.”- Anonymous Yes! Kung gusto mo talaga matupad ang mga pangarap mo, gawin mo! Kailangan mo kumilos, kailangan mo pagsumikapan. Dahil wala naman pangarap na nakukuha lang basta basta. Kailangan mo tyagain kung talagang gusto mo mangyari ang isang bagay. Pag nakuha mo naman yun, sobrang worth it ng pakiramdam. Kaya wag na magpatumpik tumpik, gawin mo na habang bata ka pa at may oras pa. Kasi kapag di mo yan nagawa,…
Pauwi napo! Magandang hapon sainyo. Pansin ko lang talaga madami nakong di mabigyan ng tumitibok na puso. Sa akin po ba ang problema? Nahihiya kasi ako sa mga nagcocomment, wala sila napapala sa akin. Hehehe! Pero sabi nga, ienjoy lang daw ang site. At wag damdamin kung kumikita o hindi. Pero somehow kasi, pag di ko naseshare sa iba, parang nakakalungkot din. Kasi syempre, alam naman natin lahat na kaya nandto tayo ay para din kumita ng kaunti. Hayaan nyo, pagpray nalang…
Yey! Dumating na yung inorder ko sa Shopee! Crystal Kiamoy Candy ang tawag. Matamis yung crystal candy tapos maalat yung kiamoy. So nagcocompliment silang dalawa. Favorite ko ito nung bata ako, lalo yung version nya na nakakabit sya sa plastic ring (singsing). Wala nako mabili nun kaya sinubukan ko ito. Hindi sya yung totally kalasa ng hinahanap ko but still masarap padin naman. Lagi nalang ako nagkecrave sa mga childhood foodies na nakasanayan ko. Yung iba ang hirap…
“Mornings are gift from God” - Anonymous Yes, it is! Kaya good morning sa lahat! On the way na sa office! Katulad nga ng lagi kong sinasabi, ang bawat umaga ay regalo mula sa Panginoon. Kaya itong regalo na ito, lets use it wisely! Gawin natin ang mga karapat dapat. Huwag tayo gumawa ng mga bagay na labag sa utos ng Diyos. Alam naman natin ang tama o mali, kaya dun tayo sa tama lagi. Minsan mahirap gawin ang tama, pero yun ang mas makabubuti. Pati na sa huli, wala tayong…
🎵🎵”Magkahawak ang ating kamay, at walang kamalay malay. Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay~.”🎵🎵 - Ang Huling El Bimbo, Eraserheads LSS bgla. Hehehe! Natatandaan nyo pa ba kung sino yung first love nyo nung bata pa kayo? Sila yung unang nagpakilig satin. Tapos diba sinusubukan pa natin sa FLAMES yung mga name natin at ng first love natin. Pag ang total ay F lang or Friends, ang sakit sakit tanggapin. Sakanila din natin naranasan ang first heartbreak na akala natin…
Lunchtime na! Kakatapos lang kumain. Kumuha lang ng ginisang toge at chicken afritada. Nakakaantok. Hahaha! Buhay baboy ba ito? Hahaha! Sabi nila, masama daw matulog pagtapos kumain. Isa daw kasi yun sa cause ng pagkabangungot. Masama din daw kasi dpat daw hayaan mo muna bumaba ang kinain mo bago ka matulog. Pero para sa akin, ayoko din tlaga natutulog after kumain. Napapansin ko kasi, pag ganun ang gnagawa ko, nag aacid reflux ako. Sguro kasi, hindi pa nga maayos na…
San po kaya ang problema nito? First time ko lang kasi maka-encounter ng ganito. Mula 6am yung mga payout ko kay NC hanggang ngayon pending payment padin. May problema po ba si CoinsPH or kay NC ang problema. Ang tagal kasi nya ngayon magpayment successful. Hehehe! Dnaman sa nagmamadali kaya lang worried lang po. Sayang din naman kasi kung di sya makukuha. Nakakasad pero tiwala lang. Baka may delay lang ngayon. Naeexperience nyo din ba ito ngayon? Ano po kaya ang problema…
Gandang gabi! Halos kakauwi lang! Kumain kami ni Hubbybi ng pares sa tabi tabi. Ang haba na ng nilakad namin pero ang bigat padin ng tyan ko. Sobrang sulit yung pares na kinain namin. Hahaha! Napakabigat sa tyan at napakadaming servings. Mejo kulang lang sa tamis at lapot, but nonetheless, masarap pdin sya. Dinadayo sya ng maraming tao. Pagdating namin dun nakapila na ang mga tao at parang di nga nauubusan ng customer eh. Ambilis ko lang naubos yung sakin kasi masarap, pati…
Good Morning! 4am palang gising na ko. At dna ulit nakatulog. Hehe Ewan ko ba sa katawan na ito. At ayun, hanggang ngayon pending padin yun ibang earnings ko sa coinsph. Pero meron iba na nagsuccess na. Grabe lang kasi sobrang bagal. Pero keri lang basta meron nagsusuccessful. Sguro intayin ko nalang lahat. Hehe Maipon nalang sila dun. Hehe Anyways, babangon na para mag ayos. Ayoko na tlaga matulog ulit kaso baka mamaya sa office nako nito antukin. Hahaha! Ang bilis ng araw,…
Bakit kaya ganun? Yung ibang earnings ko kahapon di pa sya successful until now. Pero yung na-cashout ko kanina, nagsuccessful na sya. Magiging successful padin kaya yung kahapon na until now naka pending padin? 630am pa kasi yun pumasok sa CoinsPH kaso wala padin e. May ganun ba talaga katagal na pagprocess? Hehehe Pero sabagay, yung iba naman naging successful na. Antay ko nalang din sguro talaga. Nakakakaba kapag may unusual na nangyari no? Hindi ka mapakali. Hahaha!…
“Don’t be afraid of being different. Be afraid of being the same as everyone else.” Huwag kang matakot kung kakaiba ka. Huwag kang matakot kung may sarili kang pagpapasya. Huwag kang matakot kung di mo gusto ang gusto ng karamihan. Dahil, ikaw yan. Yan ang pagkatao mo. Yan ang tatak mo. Kung di ka tanggap ng iba na ganyan ka, wag ka mag alala. Ibig sabhin lang nun, hindi sila ang mga tao na dapat mong samahan. Hindi sa lahat ng sitwasyon, dpat kung ano ang iniisip ng iba ay…
Nag uusap kami ng mga friends ko about pagpapapayat. Sabi ng beki friend ko, kahit ano daw gawin pagpapasexy at pagpapaganda, pag ang lalaki gusto magloko, magloloko yan. Oo nga no? Karamihan sa mga artista, kahit ang gaganda nila nakukuha pa din na maloko sila at ipagpalit. Kahit anong buti mo, kapag di ka na bet ng jowa mo, hahanap at hahanap ng iba yan. May point naman. Pero sabi ko nga, if magpapapayat or magpapaganda, wag gawin para sa iba. Gawin natin para sa sarili…
Meryenda po! Ang meryenda ko ngayon ay tinatawag na Red Bean Bun. Ang sarap ng palaman nitong monggo. Hehehe! Mahilig talaga ako sa monggo, kahit sa hopia, monggo lang ang kinakain ko. Bihira ako kumain ng ibang flavor kasi ayoko ng super matamis. Nangingilo ako. Ito yung madalas din kainin na tinapay sa Anime. Hahaha! Dahil kami ay mahilig sa anime at fascinated sa mga bagay bagay sa Japan, kaya lahat ng related sa Japan ay gusto namin maexperience lalo na yung mga pagkain.…
Gandang gabi! Pagkalabas ko ng office kaninA, dumiretso kami ni Hubbybi sa supermarket para bumili ng mga rekados para sa lulutuin sa linggo dahil Father’s Day nga. Pagtapos namin maggrocery, kumain kami sa Mang Inasal para unli rice. Hahahaha! Grabe, ang hirap na mag dine in ngayon kasi magkahiwalay na kayo ng table ng kasama mo e. Pati marami nadin nagbago. Dati ang Mang Inasal laging puno yun e, halos wala ka maupuan kasi nga dahil sa promo na unli rice pati na yung…
Good Morning! On my way to office! Grabe! Sobrang saya ko mula kagabi. Kasi ang Diyos talagang di ka pababayaan. Minsan nagkakamali ka, pero kapag nanalig kapa din Sakanya, di ka Nya tatalikuran. Salamat po Diyos dahil kahit kailan di mo tlaga ako pinabayaan. Nung mga nakaraan parati akong worried dahil sa gagawin kong desisyon. Pero ngayon panatag na dahil binigyan ako ni Lord ng assurance na magiging okay ang lahat kahit ano pa man desisyon ang gawin ko. Walang paglagyan…
Sobrang worried ko mula pa kahapon kaya naghanap ako ng ibang crypto wallet bukod kay CoinsPH. Hanggang ngayon kasi hindi padin nagrereflect sa CoinsPH acct ko yung nacashout ko na $1.50. So ayun nga. Una kong ginawa is ininstall ko ulit si Bitcoin.com. Para matesting ko kung san ba ang problema. Sa bitcoin.com kasi instant pumapasok yung earnings natin mula dto sa NC. Pero ang problema ko ay kung paano ko sya maka cashout. Wala kasing cashout si bitcoin.com sa Philippines…
So ayun, lunch time nanaman! Tapos nako kumain, konting pancit, monggo at isang apple. Hahahah! Yan lang ang lunch ko today. Tapos mamaya pag uwi sangkatutak nanaman lalapangin kasama si Hubbybi. Hahahaha! Tuwing friday may monggo talaga na ulam dito sa office. Nakasanayan na kapag biyernes, monggo ang ulam. Pero sino ba nagpauso nun? Hahaha Dati nung bata ako, kapag naglalaga si mama ng monggo at pag malambot na, kumukuha muna ako bago nya timplahan ng rekado. Tapos…
Gandang tanghali po! Ilang minuto nalang tapos na ang lunchbreak. Ang bilis lang talaga ng oras. Hahaha! Hala! Ang dami na palang members dto, nung unang sali ko dito nasa 1k++ lang, ngayon nasa 2.3k++ na. Ang galing naman. Masaya din kasi talaga mag-share ng nangyayari sa buhay mo e no? Minsan kasi sa reality, wala naman talaga tayo makausap o masabihan ng mga ginagawa natin. Kaya nga sguro usong uso ang social media e. Dahil dun, kahit wala tayong kausap, pwede natin…
Just got home! Eto ang mineryenda ko kanina sa office. Ibinili ako ni Hubbybi kasi alam nyang favorite ito. Hahaha! Throwback nanaman kasi bata pa ako uso na ito! Hahaha! Ang sarap papakin nito eh pero bawal daw marami kasi baka magka-hepa. Yellow kasi yung kulay ng chichirya. Hahahaha! Kakatuwa lang makakakain padin ng mga lumang chichirya. Iba talaga ang hatid na saya e. Kayo? Kamusta na? Anong mineryenda nyo? Pahinga muna ako saglit tapos maliligo nadin. Ingat po ang…
Pahinga lang muna ng saglit, kakatapos lang gumawa ng Mini Cheesecakes na request ni Mister. Yun daw ang gusto nyang handa para bukas. Hehe! No bake nalang yung ginawa ko para mas madali. Halos same lang ng lasa pero mas masarap parin yung baked na cheesecake. Pagtapos magpahinga ng konti, aayusin na ang higaan para makapagpahinga na at matulog. Sabado nanaman bukas! Yey! Last working day of the week na bukas tapos pahinga na naman ng isang araw. Sana pwede umabsent ng…
Goodnight na po! Tapos na makipag videocall sa mga parents at kapatid ko. Laughtrip lang sa mga kwento, laughtrip din kapag nakakapang-asar. Hahahaha! Kwentuhan lang ng mga kaganapan sa buhay at kung anu ano pang chismis. Nakakapagod makipagdaldalan. Hahaha! Maganda din yung paminsan-minsan nakikipag kamustahan sa mga kapamilya. Kasi sa panahon ngayon bihira na talaga ang magkakasama at magkakabonding. Ang hirap mag biyahe. Hindi kasi safe pati na hirap na sumakay kasi nga…
Good Morning everyone! Ayun, pumasok na sa CoinsPH ko yung mga cashout ko na di nagreflect nung nakaraan araw. Hehe! Salamat sa Diyos. :) Gandang panimula sa umaga. Di na ako umasa na papasok pero atleast pumasok. Masaya nadin! Ang aga ko nanaman nagising, di ko alam kung bakit. Pero okay lang yun, makagayak na para pagdating ng service di nako nagmamadali. Hahahaha! Sa mga may pasok jan, inat inat nadin! Bawal na tamarin kasi its Saturday na! Bukas pahinga na ulit.! Ingat…
Its another Saturday! Ang aga pa lang pero ang taas na ng araw agad! So lets go! Galingan natin today guys, konti nalang at makukuha na ang reward na 1 day pahinga which is di din mapapahinga kasi maraming lilinisin sa bahay! Hahahaha! Pero okay lang yun kasi minsan pangtanggal stress din ang paglilinis ng bahay e. Kapag nakita mong malinis na tsaka kalang makakangiti at makakahinga ng maluwag. Dun mo mapifeel na masarap na magpahinga. Masarap kasi talaga na makita na…
So somehow parang blessing in disguise ang pagloloko ni CoinsPH kasi nung nagloko sya feeling ko mas nakahanap ako ng mas better. Oha! Parang sa lovelife lang ah! Hahahah! Ng dahil sa delay ni CoinsPH, nahanap ko si PDAX which is parang mas napasaya ako sakanya. Kasi whenever nakakapag-cashout ako dito sa NC, instant transfer din sya sa PDAX. Wala na syang pending time, andun na agad agad. Tapos kapag nagconvert ka into Peso at gusto mo na syang itransfer sa Bank Acct or…
“Just because you value them, doesnt mean that they value you.” - Anonymous I agree. Hindi porket pinahalagahan natin ang tao ay papahalagahan din nila tayo. At hindi din tayo mamahalin ng tao sa paraan kung paano natin sila mahalin. Kaya dapat natin tanggapin kung ano lang tayo sa ibang tao. Tanggapin ang katotohanan na hindi laging equal at fair ang ibibigay satin. Kaya kung nagpahalaga ka ng sobra sobra, wala kang magagawa kundi tanggapin na di ka kayang pahalagahan ng…
Nasa bahay na! Maaga nag off kasi uuwi kami sa bahay nila Mama at Tatay dahil Fathers Day bukas. Maaga din ako umuwi para mag asikaso ng mga dadalhin at lulutuin hahaha! Minsan nalang magkasama sama kaya marami nanaman pagkain. Sana masulit ang isang araw na pahinga. Walang gagawin kundi kumain lang. Kaya wag na magtaka bat tumataba kasi panay ang pagkain. Hahaha! Nagkecrave nga ako ngayon ng banana q e. Kayo? Ano pong meryenda nyo?
Gandang gabi po sainyo! Nakahiga napo. Tapos nadin kumain. Ang ulam namin ngayon ay ang trending Lechon Baka ni Andoks. Grabe, kaya pala pinipilahan ito, ang sarap nga pala talaga. Sobrang malasa yung karne nya at malambot. Pati na hindi din sya masebo. Grabe yung haba ng pila sa Andoks para lang makabili nito. Nung una 320php lang ito, pero di nagtagal nagtaas din ang presyo dahil siguro ay sa pagtrending nito. Pero worth it naman din sa price, kasi tunay na masarap naman…
Good Morning po sa lahat! Maaga nagising para masimulan na ang labahin. Maraming gagawin kasi mamaya magluluto pa ng panghanda. Hehehe! Happy Fathers Day po sa lahat! Salamat sa lahat na nagsisikap itaguyod at buhayin ang kanilang pamilya. Salamat sa mga ama na pinanindigan ang responsibilidad nila. Salamat sa mga ama na di natakot pangatawanan ang pamilyang kanilang binuo. Mabuhay po kayong lahat! Tara na guys! Magsimula na agad tyo ng mga gawain para maaga matapos. Para…
Kape na po tayo! Ang sarap talaga dito sa bahay nila Mama. Dami kung anu ano, at ang daming makakain. Hahaha! Usually di na talaga ako nagkakape, kasi tinantanan ko na. Nung nag aaral kasi ako grabe ako magkape. Hahah! Simula grumaduate ako, tinigilan ko nadin. Pag sobrang kape kasi, nagiging acidic. Maganda ang kape sa katawan pero kapag sobra, syempre hindi din. Lahat naman kasi ng sobra, masama diba? Kahit nga magmahal ng sobra masama e hahahaha! Oh, wag na humugot.…
Hi po! Share ko lang sainyo itong Bento Cake na binili ko para sa aking Tatay! Actually tatlo ito, yung isa ay para sa aking kuya at yung isa pa ay kay Hubbybi. Bumili ako ng ganito para magsilbi na gift sakanila. Pati na para mas madali ubusin. Haha! Minsan kasi pag sobrang dami ng pagkain, hindi na maubos e. Ang ending, natatapon lang. Eh nakakapanghinayang kasi magtapon ng pagkain e. Dahil syempre mahirap din kumita ng pera. Lalo ngayon na pandemic. Kaya lahat tlaga ng…
Just woke up! Grabe ang sarap matulog! Lalong sumarap kasi umulan e. Hahahaha! Finally, kahit paano nakapagpahinga din. Haha! Nakabawi man lang sa pagod. Maya maya ng konti, mag iihaw naman para sa dinner. Dinala ko yung samgyup grill para hindi na kami sa uling mag iihaw. Mejo hassle pa kasi magpabaga ng uling pati ang pagpaypay. Hahaha! Ganun din naman ang lasa kapag naihaw na. Hehe Minsan yung katamaran talaga nakakatulong para bumilis ang trabaho e. May kasabihan nga…
Tapos na maligo! So eto, nagpabili ako kay Mama ng conditioner. Napansin ko yung buhok ko lagi naglalagas at super nag dry na. So ang gnawa ko, binawasan ko ang pagsashampoo ko. Ang ginagamit ko nalang mostly ay conditioner. Simula nung nagconditioner nalang ako, nabawasan na yung hair fall ko. And gumanda na din ang bagsak ng hair ko. Sabi din kasi na masama daw ang laging pagsashampoo. Sguro kasi ang tapang din ng shampoo na head & shoulders. Kahit na nilalagyan ko na ng…
Magandang umaga! Maaga gumising dahil malayo ang panggagalingan! Hehe Nakapag ayos na ng ibang dadalhin pauwi, need na maligo at magbihis pero antok pa ko e. Ang hirap tlaga gumising ng maaga. Huhu! Pero dibale, bawi nalang mamaya pag uwi sa bahay. Hehe! Let us thank Lord God for this new morning! Ang aga palang, biyaya na ang ibinigay nya agad satin. Biruin mo, binigyan nya pa ng extension ang life natin! Galing diba? Kaya isa yan sa marapat na ipagpasalamat tlaga natin.…
“Work for a cause, not for applause. Live life to express, not to impress.”- Anonymous Kapag may ginawa tayong bagay, gawin natin para sa tamang dahilan. Wag natin gawin para magpasikat lang. Wag natin gawin para may masabi na may nagawa tyo. Gawin natin yung mga bagay para sa sarili natin, dahil gusto natin at hindi para sa ibang tao. Wag tayong gumawa ng mga bagay na naaayon sa kagustuhan ng iba. Kasi di tayo magiging tunay na masaya. Gawin natin kung ano ang nais ng puso…
Share ko lang yung Lumpiang Sariwa na bigay ni Kuya kahapon. Paninda nila ito pero dahil Father’s Day kahapon ay may palibre sila sa amin. Hehe! Hindi sila ang nagluluto nito, hinahango lang nila at nireresell. Mas matrabaho pa kasi kung sila mismo ang magluluto. Pero yung nagluluto naman ay kilala nila so trusted na malinis at masarap tlaga. Ang isang styro ay 70pesos at naglalaman ng dalawang piraso. Since bata pa ako favorite ko na itong Lumpiang Sariwa. Napakasarap kasi…
Ang sipag talaga ni Admin. May bagong description nanaman. Pero totoo ito. Lahat gagawin ng isang magulang para maitaguyod at mabigyan ng magandang buhay ang anak. Kahit mahirap, kahit nakakapagod, basta para sa anak ay kayang gawin ng magulang. Lahat gagawin para makatipid, lahat gagawin para maibigay ang gusto ng anak. Kahit pa wala para sa sarili basta ang anak ay meron, okay lang yan sa isang magulang. Lalo na kapag nakikita na masaya ang anak at nasa maayos ito.…
Sa totoo lang di naman tlaga minu-minuto kailangan magpost dito sa NC para kumita ka e. Basta maganda at interesting ang post, mayroon naman magbibigay tlaga ng heart. Ngayon sinusuri ko nadin tlaga yung mga post na bibigyan ko ng heart. Kasi sayang din tlaga kapag nadetect ng system na sumusupport tayo sa spammers. So ayun nga, hindi need minu-minuto na magpost ng kung ano nangyayari sa life natin. Mas maganda na may quality at related din sa picture yung mga post natin.…
Tapos na magdinner! Ito ang ulam ko ngayon gabi. Ang pinabaon sakin ni Mama na Paksiw na Bisugo or mas tinatawag kong Paksiw na Pink. Kasi yung isda kulay pink e. Hahaha! Isa ito talaga sa favorite kong ulam lalo na kapag may kapartner na bagoong. Sarap na sarap din ako dito lalo na kapag ang kanin ay sinangag na puno ng bawang. Grabe, parang nagugutom tuloy ulit ako. Hahaha! Di ako fan ng Paksiw na Isda pero pag ito talaga ang inihain, talagang napaparami ang kain ko. Pati…
“Look forward with hope, not backward with regret.” - Anonymous Yes! Wag na natin paulit ulit balikan yung mga hindi magagandang nangyari. Pati wag na natin patuloy na pagsisihan yung mga masamang nangyari noon. Instead, gawin natin itong lesson at inspirasyon para mas lalong pagbutihin ang buhay natin. Lagi natin harapin ang araw na may baon na bagong pag-asa para mag-improve at abutin ang mga goals natin. Wag natin hayaan na pahinain tayo ng nakaraan. Lets hope for a…
“They burn the bridges , then ask why you never visit.” May mga taong hugas kamay lagi. Yung tipong gagawan ka ng masama o di kaya lalayuan ka. Tapos kapag nag iba na ang pagtrato mo saknila, bgla nilang babaliktarin ang sitwasyon. Wag natin itolerate yung mga ganitong tao. Kung layuan nila tayo, so be it. Basta alam mo sa sarili mo na wala kang ginawang masama saknila. Basta alam mo sa sarili mo na hindi ka nakapanakit at nakaapak ng ibang tao, hayaan mo sila sa trip nila.…
“Stop Wishing, Start Doing.” - Anonymous Yes! Hindi puro wish, dapat may kilos at gawa din. Kahit anong pangangarap natin, kung walang pagsisipag, wala din. Kung may gusto ka abutin, kailangan mo pagsikapan. Hindi mo yan basta nalang hihintayin na dumating. Hindi din yan basta ipagdadasal. Sabi nga, Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kahit anong dasal mo, kung wala kanaman pagkilos, wala kadin mapapala. Hindi totoo ang genie in the bottle na kapag nabuksan mo ang bote…
Gandang gabi! Matutulog palang po. Hehehe! Nawala yung internet kanina. Buti naayos na. Sa mga ka-NC natin jan, wag tayo mawalan ng pag-asa dto. Always remember, 10pesos per day is better than 0 pesos per day! Maliit man yung nakukuha natin dito, isipin mo nalang na nag iipon ka, at sa tamang panahon kapag kailangan mo, may madudukot ka. Okay lang kahit di gaano kalakihan, atleast may nakukuha. Sa FB nga wala naman tyo nakukuha pero no big deal dba? Tsaka sabi nga ni NC, wag…
Share ko lang itong Sansrival Cake na binili ko for Mama nung Sunday. Haha! Nakita kasi ni Mama na si Lemon Square ay may tindang cake. At isa ng sa flavor ay ang Sansrival. Super favorite ni Mama yung Sansrival so nagsabi sya sakin na gusto nya daw matikman. Biruin mo yun, all along akala ko mga cupcakes lang meron si Lemon Square, meron nadin pala syang bakery! So ayun nga, bumili kami. 550pesos ang isang 8” cake, tapos ang taas nya ay nasa 2” yata. Mejo mahal hahaha!…
“Nobody cares about your story until you win.” - Anonymous Yes! Tanggapin na natin ang katotohanan na karamihan sa tao sa paligid natin ay walang pake sa struggles natin. Di nla tayo papansinin kapag tayo ay nasa alanganin or nasa hirap. Pero mapapansin nila tayo kapag tayo ay nasa tuktok na, kapag nakamit na natin ang mithiin natin sa buhay. Ganun naman kasi ang karamihan, hindi ka belong sakanila kapag wala ka. Lalo na kapag wala kang pera. Hindi ka papansinin, parang di…
Two years ago, pumunta kami ng Singapore. Sakto kasi ung pagpunta namin ay para icelebrate yung birthday ni Mama. Inutusan ni Ate yung brother-in-law ko na bumili ng cake for Mama. At ito yung binili nya. Sobrang cute nito. Parang Strawberry Shortcake yata ito. Sobrang nakakatakam yung malalaking strawberries. Ang sarap sarap nyang tignan. Tignan mo palang parang busog kana. Pero actually, kapag tinikman mo sya hindi sya matamis. Kung maaalala ko nga, parang wala tlaga syang…
Nakakarelate ako sa bagong description ni Admin. Kanina kasi yung kawork ko daldal sya ng daldal na kesyo ganito ganyan. Tapos bgla nya sinabi sakin, “buti kapa wala kang problema”. Kaya tinanong ko sya, “pano mo naman nasabi na wala akong problema?”. Hindi na sya nakasagot. Ako kasi yung taong nakangiti lang lagi kahit bigat na bigat na yung nararamdaman. Ayoko nagsasabi sa iba ng pinagdadaanan ko. Kasi lahat naman tyo may kanya kanyang dinadala. Ayoko nandadamay pa.…
Gandang gabi! Lets eat napo! Nagcrave ako bigla sa pancit canton with egg kaya nagpagawa ako kay hubbybi. Heheh! Pinasamahan ko nadin ng siomai, kasi naman masarap ito with siomai. Si hubbybi di nadaw kakain kaya ako nalang. Hehe! Sobrang spoiled ko kay hubbybi kaya lalo nanaman ako tumataba. Unhealthy food ito pero kung minsan lang naman ay okay lang. Kain padin tyo ng masustansyang food! Yung mga fastfood at instant food keri lang pero wag araw araw ksi nakakasama ito sa…
Parang gusto ko ulit panuorin yung movie na City of Angels. Actually super old movie na sya na pinagbibidahan ni Nicholas Cage at Meg Ryan. Yung kwento nya kasi sobrang tragic. Si Nicholas Cage kasi dito is parang Angel. Sya yung sumusundo sa mga kailangan na mamaalam sa mundo. Ang mga angel na katulad nya ay walang emosyon o pakiramdam at hindi din sila nakikita. Si Meg Ryan naman ay isang Doctor. Tapos si Nicholas nagkagusto kay Meg. Ang weird no? Pano nangyari yun.…
Ayun. Inopen ko yung Wattpad Acct ko at nakita ko yung mga stories na nilikha ko noon. Hahaha! Grabe! Hindi ko maisip san ko nakuha yung creativity noon sa pagsusulat. Ngayon kasi parang di ko na kaya bumuo ng story. Parang wala na akong alam gawin sa mga dati kong ginagawa naman. Sobrang nafocus ako sa kakatrabaho na parang nalimutan ko na yung mga hobbies at talents ko noon. Miski nga magdrawing parang di ko na kaya eh. Nagdoubt nako sa kakayahan ko. Hehehe! Nawala na yata…
“Invest in your dreams. Grind now, Shine later.” Tama! Yung mga pangarap natin kailangan natin talagang paglaanan ng hirap at oras. Grind lang ng grind. Work lang ng work. One day, gigising knalang na anjan kana pala sa goal mo. Nakamit mo na pala. Wag mo intindihin yung hirap, kasi may kaakibat na ginhawa yan. Pag nagsumikap ka, may balik na maganda yan. Kaya wag tayo susuko sa pangarap natin. Hindi madali maabot, pero pag naabot mo, worth it.
Gandang Umaga! Nasa office na ko. Na-late ako ng dating sa office kasi absent yung driver na laging sumusundo sakin. Maraming dapat gawin ngayon tapos nalate pa. Hehe! Pero okay lang din, hindi na kailangan problemahin kasi wala naman mapapala kahit problemahin ko pa. Nakarating naman na ako sa office. Maliit na bagay lang naman, hindi na kailangan palakihin pa. Mas mainam na iignore nalang kapag hindi naman masyado big deal. Iwas stress, iwas sa negativity. Atleast…
Minsan tlaga may time na mababa ang earnings sa NC. May time na halos wala nagpupuso, may time naman na parang mabibigla ka kasi yung isang simpleng post mo napakalaki ng value. Pero ano man yung makuha natin, okay lang yan. Sabi nga diba, kahit maglakad ka ng ilang kilometro, dka basta basta makakapulot ng pera. Kaya kung ano man makuha natin dito, masaya padin dapat. Tyagain lang natin. Noon kasi talaga nasa 10pesos lang ako nagsimula dito e. Hanggang sa nag iincrease na.…
Lunchtime! Kain na po! Relyenong Bangus at Ginisang Toge ang food ko ngayon. Yung relyenong bangus ay bigay ni Kuya nung Monday. Paninda nila ito. Pero hindi din sila ang gumagawa. Hinahango lang din nla at pinopost online. Hati kami ni Mister sa isang buong relyeno. Sakin yung part na buntot kasi dko masyado gusto yung sa uluhan. Mejo nalalansahan kasi ako. Yung ginisang toge naman ay isa sa ulam na free sa company. Super fave ko ang gisadong toge. Hahaha! Sarap kasi lalo…
“Its going to be hard. But hard does not mean impossible.” May mga bagay tayo na gusto natin mangyari sa buhay natin. Minsan sobrang hirap. Minsan feeling mo di mo kaya. Pero tandaan natin na mahirap lang yan, pero hindi imposibleng makuha natin yan. Trust your goal and yourself. Wag kang basta susuko. Kung di magsucceed ang unang plan, bka need mo ng other plan para magsucceed. Hindi imposible ang pangarap mo. Kailangan mo lang pagtuunan ng time at energy. Kailangan mo lang…
Bahay na! Galing kami ni Hubbybi sa pagbili ng mop at brush para sa CR. Habang naglalakad pauwi, nakakita kami ng Banana Q! Grabee! Nagpabili agad ako kasi nung last time ko pa ito kinecrave. Hahaha! Masaya na sana kaso mejo matigas na yung saging. Pero okay lang, masarap padin naman. Haha! Di ako masyado mahilig sa saging. Okay lang yung lasa pero minsan di ko type yung amoy ng saging. Hehe Pero yung anak ko parang monkey, sobrang favorite nya ang saging. Ang lakas kumain…
Kakatapos lang maligo. Bago ako nakaligo, naglinis pako ng CR. Grabe, nakakapagod. Yung drainage ng cr kasi barado. Hindi tuloy nagdedrain agad yung tubig, bumabaha kapag may naliligo. Hirap talaga kapag nagrerenta kalang. Ilan beses na namin sinabi sa may-ari ng apartment na nagloko na yung drainage. Kaso wala padin aksyon. Nagloko lang naman to simula ng magpagawa sila ng kung anu-ano sa bahay nla. Kabit ng tubo kung san-san dto samin. Tingin ko nga sala-salabat na yung…
Ayun nga. Ang hirap lang kapag nangungupahan no? Kahit anong bayad mo, di mapapasayo yung bahay na yun. Ang hirap gastusan ng bahay na di naman sayo eh. Ang hirap din pagandahin at lagyan ng kung anu ano kasi in the end, dnaman mapupunta sayo. Ang mahal naman din kasi magkaroon ng sariling bahay e. Maraming requirements na kailangan. Maraming oras at perang gugugulin bago makakuha ng slot. Tapos magbabayad ng downpayment. Tapos monthly na mahabang panahon mo babayaran. Yung…
Napipikit na! Pinipilit nalang makapagtype hahaha! Sobrang pagod ngayong araw kaya tlagang hinahatak na ng antok. Dibale, Biyernes na bukas. Sa sabado naman ay di ako papasok. Kailangan pa ng konting sipag para matapos ang isang work week. Grabe no? Parang kakadating lang ng lunes, tapos malapit nanaman ang weekend. Napakabilis tlaga matapos ng araw. Hindi ko na nga masyado maramdaman e. Biruin mo, ilan buwan nalang -Ber months na. Malapit nanaman magpasko. Ikalawang…
Gising na! Grabe, wala lang! Hahaha! Wala nako maisip. Nagbabasa basa pero parang wala naman ako maintindihan. Pero sana, totoo yung sinabi sa news na possible ang Mask Free Christmas this year. Para masaya na lahat ng tao muli. Sa Singapore nagpaplano na sila ng Covid19 end game. Goal nla na mavaccinate na lahat ng tao by July. Dto kaya sa Pinas? Hanggang kailan kaya tayo magtitiis? Mejo mabagal kasi yung proseso dto sa atin no? Nakakalungkot lang din. Dito nga sa City…
On my way na sa office. Ang bilis magpatakbo ni Kuyang driver kahit kailan. Haha! Pag may humps, panigurado pati yung nakasakay tatalbog e. Hindi kasi sya nagmemenor kapag may humps. Hahaha! Daig ko pa nakasakay sa roller coaster pag sya ang driver. Pero nasanay nadin naman ako kahit paano. Kaya nga lang minsan mejo hilo nako pag bumababa. Hahahah! Minsan nakakatakot din talaga sya magpatakbo. Masyado nya kasi binibilisan. Okay lang naman kung clear lagi ang daan kaso minsan…
Share ko lang yung life hacks na ginawa ni Hubbybi dati. Kasi nung Christmas, nagbgay yung boss namin ng 1pack na Sharksfin. Sa bahay may steamer naman kami kaso nga lang sobrang laki nya. Para sa paggawa kasi ng leche flan yun na maramihan. Eh nagpapaluto lang ako kay Hubbybi ng ilang piraso para sa breakfast. Tapos yan nga yung ginawa nya. Ginamit nya yung metal cheese grater para magsilbing steamer. Ako hindi ko naisip. Pero totoo nga ang kasabihan, ipagawa mo sa tamad…
Uwian na! Yey! Di ako papasok bukAs. Hahaha! Saya ulit, long weekend. Char! Hahah! Long weekend pero bawas nga lang sweldo. Ikaw? Ano pipiliin mo? Pahinga o pera? Minsan mahirap din mamili no? Kasi parehas mo kailangan. Pero in the end, mapapatanong kanalang kung ano ba talaga mas importante sayo e. Ano nga naman ang silbi ng pera kung magkakasakit ka naman diba dahil sa kakulangan ng pahinga. Okay lang paminsan minsan magpahinga. Bigyan din natin ng time ang mga sarili…
Done eating dinner! Movie marathon muna with mister. Hahah! Pinapanood namin yung Pakboys Takusa na pinagbibidahan nila Janno Gibbs, Andrew E, Dennis Padilla at Gerald Napoles. Mga mister na di makuntento sa mga magaganda nilang asawa. At patuloy na nang chichicks pa. Hahaha! Naistress na yung mga asawa nla dahil sa pagiging babaero nla. Pero kahit ano pa man bantay mo talaga sa lalaki, pag gusto magloko, eh magloloko yan. Gagawa at gagawa ng paraan. Haha! Kakatawa nalang…
Rise and shine! Kahit wala pang araw! Hehehe! Dami gagawin, mamalengke muna kami ni Hubbybi! Nakalista na ang ulam, mejo marami pero keri lang. Haha! Hirap kasi pag may batang papakainin. Tapos andami bawal sa anak ko. Baka magtrigger kasi bigla yung allergy nya, mahirap na. Wala pa naman syang gamot pati na wala yung pedia nya. Sa isang pedia lang kasi kami nagpupunta eh. Subok na kasi namin yung pedia nya. Unang tingin palang sa anak ko, alam na agad ang problema. Pati…
Start na ng pagluluto. Ito ang unang menu. Hahaha! Sinampalukang Manok. Masarap ito kapag maasim na maasim ang sabaw. Masarap higupin pati na masarap isabaw sa kanin. Gustong gusto ko sinasabaw ito sa tutong na kanin. Ewan ko ba, napakasarap para sa akin. Hahaha! Sinigang mix nalang ang gnamit kasi mejo mahirap na bumili ng sariwang sampalok dito sa amin e. Pero masarap din pag sariwang sampalok tlaga ang gnamit. Haha! Excited nako kumain pero di pa lunch time. Haha! Kayo?…
Lunch time na po! Eto po ang aming inihain na lunch. Tortang Dilis at Sinampalukan Manok. Yung Tortang Dilis ay sinamahan ko ng sibuyas at bawang para mas lalong malasa. Yung sinampalukan naman ay para panabaw. Masarap kasi kapag may panabaw kapag prito ang ulam eh. Ayan. Marami nanaman makakain na rice. Haha! Pero okay lang kasi weekends naman. Simula monday, balik na tyo sa pagbabawas. Desidido na ulit makabangon mula sa pagkakadapa. Gusto ko nadin maramdaman muli yung…
Just woke up! Grabe mejo masakit yung ulo ko. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos. Ang lambot masyado ng unan. Haha! Sumakit yung leeg ko, mali kasi yung pwesto ng ulo ko e. Ayoko tlaga ng malambot na unan e. Hindi kasi nasusupport yung bandang leeg. Yun pa naman yung delicate area. Mas gusto ko talaga mejo matigas na unan, para steady lang yung ulo. Lagi pa naman ako nakatagilid, nag uuneven tuloy yung ulo ko sa katawan ko kasi sa sobrang lambot ng unan, kinakain ng unan…
Ang iniiiiit! Kain muna tyo ng ice cream. Kanina dumaan kami ng 7/11 para magpabarya ng 1000. Naalala ko gusto ni Tatay yung Halo Halo flavor kaya bukod sa Asado Siopao at Big Bite Hotdog, nagpadagdag nadin ako ng Ice Cream. 2 in 1 ice cream nalang ang binili namin para may choices. Ube Keso at Halo Halo ang flavor na napili namin. Pagbukas palang ng ice cream, nangangamoy na yung mabangong amoy ng Halo Halo Flavor. Ang sarap! Hahaha! Ang sarap ng Ube Keso. Nagtatalo yung…
Share ko lang po itong napakasarap na tinapay na ito na kinalakihan namin kainin. Hehe Ang tawag dito ay Bowling. Pabilog sya na parang bola at sobrang lambot. May butter din sya sa ibabaw kapag ilalagay na nila sa paper bag. Ang sarap nito lalo pag mainit na mainit pa at bagong hango sa oven. Hindi ako mahilig kumain ng tinapay pero pag ito talaga ang binibili nila, ang dami ko nakakain. Ang sarap kasi talaga nya. Sobrang malinamnam at ang lambot ng loob. Hindi din sya…
Yun! Kakagaling lang sa palengke at tapos na din iprepare ang mga lulutuin para mamaya. Grabe! Daming tao talaga sa palengke kapag linggo. Siksikan ang palengke. Ang dami din nagtitinda ng kung anu ano. Hehe Di mo na alam kung ano ang bibilhin mo. Ang nabili namin pang ulam mamaya ay tahong at pang ihaw na pusit. Nakakasawa nadin kasi kapag puro karne. Minsan dpat maiba naman. Kahapon isda, ngayon seafoods naman. Na imarinate na ang pang ihaw na pusit, nakaprepare nadin ang…
Sinisimulan na lutuin ang pusit. Hehe Sa samgyup grill nalang kami nag ihaw para dna maghirap sa pagpapabaga ng uling. Same lang din naman ang lasa. Hehe! Excited nko, bagay na bagay ito sa Sinabawang tahong. Katawakan is real nanaman. Haha! May palaman din ito na Sibuyas, Kamatis, Bawang at Luya para maging malasa ang loob nya. Panigurado walang lansa ito dahil sa luya. Ang sarap din ng marinade na nagawa. Manamis namis na maasim dahil sa catsup at calamansi juice. Masarap…
Ito napo ang aming pananghalian. Pero tapos na po kami maglunch. Haha! Kinunan ko lang ng picture tapos kain na agad. Kasi ang grasya hindi dpat pinag aantay. Hahahah! Char lang! Ang totoo kasi atat na atat nako kumain. Hahaha! Nakakatakam kasi yung Inihaw na Pusit. Tagal nadin kasi nung huling kain ko nito. Haha! Nasiritan pa ko ng tinta ng pusit sa damit. Ang lansa tuloy ng amoy ko. Tamang tama ang lasa ng pusit kapag naisawsaw na sa toyomansi. Nagcocompliment din yung…
Kakagising lang! Papak na muna ng Macapuno Balls. Hehe! Ang sarap nito lalo kapag malambot at puno ng gatas. Minsan di mo mamamalayan madami kana nakain. Parang bulak kasi sa bibig. Haha! Kaso pag marami, parang nakakatrigger sya ng pagkulo ng tyan. Dretso na sa CR. Charr! Sguro kasi dahil gawa sya sa buko at gatas, kaya ganun. Hanap pa ng ibang machichibog. Nakakagutom din kasi ang matulog e. Ang sarap din matulog kasi umulan kanina. Lumamig ang panahon. Haha! Kayo ba…
Pasukan nanaman bukas! Kaya relax relax muna tayo ngayon. Ngayon nalang ulit nakanood sa teevee. Sira kasi yung teevee namin sa bahay, tsaka wala masagap na channel. Kaya hindi na namin ginagamit pa. Hehe! Hindi ko na nga alam yung mga makabagong teleserye at drama. Sa fb ko nalang nalalaman yung mga palabas. Top Chef Jr 2 ang pinapanood namin. Mahilig kasi kami manood ng mga cooking show. Dagdag idea sa mga pwedeng lutuin at mga new recipes. Tsaka nakakatuwa lang din manood…
Gandang hapon! Pauwi na. Hindi nakapasok today dahil may iniinda. Amp! Umuulan na, traffic pa dito sa NLEX. Gustong gusto ko na makauwi, gusto ko na matulog ng matiwasay. Amp! Mahirap tlaga pag marami sa isang bahay, hindi tlaga natatahimik. Tapos ang kulit pa ng anak ko. Kaya hindi tlaga makapahinga at nagdecide na magpahatid. Hehe! Sana bumilis na dito sa NLEX at gustong gusto ko na mahiga sa aming higaan.
Umagang kay gandaa! On my way to office na. Grabe hindi masyado nakapag NC kahapon kasi panay tulog ang gnawa ko. Hehe Pero ngayon okay na, back to the game ball na ulit. Char! At dahil umabsent kahapon, ang dami hahabulin ngayon. Hahahah! Sguradong busy nanaman maghapon. Haysss! Pero okay lang yan, kayang gawin yan. Ingat po sa lahat!
“You’ll never make it if you care what others think.” - Anonymous Agree! Wala tayo mapapala kung lagi natin iisipin ang sasabhin at iisipin ng iba. Dapat kung saan tayo masaya, dun tayo. Wag tayo papaapekto sa opinyon ng iba na hindi naman importante sa atin. Lagi tayo maniwala sa instinct natin. Hindi natin kailangan pakinggan at dibdibin ang sinasabi ng iba. Kasi dinaman sila ang dahilan bat tayo nabubuhay. Di din natin pwede patakbuhin ang buhay natin gamit ang opinyon at…
So ayun. Eto nga pala get up ko tuwing pupunta kami ng dentist para magpa-adjust ng braces. Yes, may braces ako kasi super sungki ngipin ko dati. Sobrang nakakadown kapag pinagtatawanan ka dahil sa ngipin na sungki sungki. Hehe Dko naman kasalanan kung mahina ngipin ko. Pero ayun, ngayon umokay na sya. Dahil sa pandemic, required na magsuot ng PPE tuwing pupunta ng dentist. Kasama ang PPE sa babayaran sa tuwing may adjustment ako. 200pesos lang ang singil ni Dok sakin.…
Share ko lang yung ginawa ko noon na Rainbow Dumpling. Actually dapat ibebenta ko ito. Pero dko na nagawa ibenta kasi sobrang nakakapagod gumawa ng dumpling wrapper. Haha! Feeling ko di worth it ang pagod dahil mahirap sya gawin at time consuming. Ako kadi mismo yung gumawa ng wrapper. Ang hirap jasi iba’t ibang kulay yung wrapper. Tapos ang hirap din iflat, ang sakit sa braso. So ayun, dko na tinuloy. Pero masarap yung pagkakagawa daw ng filling. Mas gusto ko tlaga yung mga…
Share ko lang tong pic ko na kinunan ni Hubbybi nung manood kami sa VIP Cinema. Grabe, miss ko na manood ng sine kahit natutulog lang naman ako sa sinehan. Haha! Hindi kami laging nanood ng sine ni Hubbybi. Kapag meron lang syang gustong palabas na inabangan, tsaka lang kami nanonood. Simula nung masubukan namin manood sa VIP Cinema, dna kami ulit nanood sa normal na sinehan. Kasi mas comfortable at mas sulit manood sa VIP Cinema. Ang ticket sa VIP Cinema ranges from…
Waah! Sobrang aga nagising. Naalimpungatan kasi naiihi ako. Hehe Ayoko sana bumangon kaso nga lang di ako makakabalik sa tulog habang di ako umiihi. At sana makabalik pa nga sa pagkakatulog. May 1 1/2 oras pa na pwede itulog. Pag di nako natulog, pupungas pungas nanaman ako sa office nito. Haha! Grabe, wednesday na agad! Parang kaka-Lunes lang e. Ambilis! Mamaya meron kaming schedule for vaccination. Sinovac ang vaccine. Magpapavaccine nadin ako. Gusto ko sana Pfizer kaso no…
Ayun nga! Nasa office na. Nakita ko lang sa gallery yung dati kong product. Haha! Share ko lang dati yung ginawa kong Nutella Hazelnut Cheese Cake Cups. Hehe So ayun, naisipan ko gumawa ng ibang variety ng cheese cake, at since marami ang may gusto ng Nutella at may stock kami sa bahay kaya nag experiment ako. Okay naman yung lasa, hindi sya masyadong matamis. Nilagyan ko din ng shaved hazelnut sa taas para lalong masarap. Hehe! Ang isang tub nito ay binebenta ko ng 200…
Waaahhh! Ilang minuto nalang tapos nanaman ang breaktime. Sabi ko kanina pag nagbreaktime na yuyuko ako sa table at iidlip. Tapos dko nagawa kasi hanap ako ng hanap ng pwede kainan sa google habang ngumagata ng chichirya. Aba, napakagaling ko nga naman talaga. Haha! Pati na tinuturuan ko yung kumare ko paano ba ang NC. Hehe! Share the blessings, ika nga! Share lang ng share para meron din sila. Libangan na nga, kumikita kapa. Oh dba? Tyagaan lang talaga. Kung walang tyaga,…
Meryenda time. Saging at Chicharon ni Mang Juan Sukang Paombong ang meryenda ko. At samahan ng malamig na tubig dahil sobrang init. Hehe Ang asim ng Chicharon ni Mang Juan, nakakagising ng diwa. Hahaha! Hindi tuloy ang pagvaccine sa amin ngayon, naresched ang schedule. Baka sa sunday pa. Kung kailan sasabay na ako tsaka dpa natuloy. Ayaw yata ako pavaccine. Hehe! Nung nakaraan kasi, dpat last sunday kaso di naman fit sa schedule ko. Tapos ngayon nga kaso niresched naman ng…
Yehey! Makukuha ko na yung contact lens ko bukas. Hehe! Antagal ko nag antay bago makuha ito. March pa ko nagpacheck up para sa mata ko. Tapos nagpagawa ako ng contact lens as per advise ni Dok dahil sobrang taas na nga ng grado ko. At advisable daw tlaga ang contact lens sa matatas na grade at the same time eyes na may magkaibang grado. So ayun nga. March palang inorder ko na sya, nadelay nga lang kasi nagkaroon ng ECQ ulit sa NCR Bubble. So affected kami. Since then, hindi…
Goodnight na po sa lahat! Inaantok na. Maaga pa ulit gigising bukas. Tunay nga na kahit anong saya mo, meron parin talagang kaakibat na di kagandahan na mangyayari. Bakit ganun no? Hindi ba pwedeng okay lang kahit isang araw lang? Bakit kailangan may magpagulo ng isip o magpalungkot sayo? Hindi ba pwedeng masaya ka ngayon, masaya kadin ulit bukas pati na sa mga ibang bukas? Wala lang. ang weird lang kasi eh. Nakakapagod nadin mag isip. Kahit anong gawin mo parang laging may…
Good Morning! On my way na sa office. Share ko lang, kasi lagi ako nagmamadali pagpeprepare papasok sa office, kasi nga ang aga ng pasok ko. Hahah! Lagi ako naaabutan ng company service na dpa tapos magprepare kaya ito si Hubbybi tinutulungan nadin ako minsan. Haha! Minsan sasabihin nya “Akina paa mo”, tas tutulungan na nya ako magsuot ng medyas. Para akong grade school na sinusuotan ng medyas. Nakakaantok naman kasi tlaga gumising ng sobrang aga e. Kaya lagi nalang…