So ayun, lunch time nanaman! Tapos nako kumain, konting pancit, monggo at isang apple. Hahahah! Yan lang ang lunch ko today. Tapos mamaya pag uwi sangkatutak nanaman lalapangin kasama si Hubbybi. Hahahaha! Tuwing friday may monggo talaga na ulam dito sa office. Nakasanayan na kapag biyernes, monggo ang ulam. Pero sino ba nagpauso nun? Hahaha Dati nung bata ako, kapag naglalaga si mama ng monggo at pag malambot na, kumukuha muna ako bago nya timplahan ng rekado. Tapos lalagyan ko ng asukal at kakainin. Ganun lang ang gusto ko sa monggo. Yung matamis talaga. Kapag inulam na sya, hindi ko na gaano gusto. Pwera nalang kung may mga taba at malalaking chicharon. Hahaha! Kayo? Mahilig din ba kayo sa ulam na monggo?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet