read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

Importante ba ang kasal? Oo naman. Importante yun no. Dahil kasunduan yun na nangangako kayong dalawa na kahit anong mangyari, mananatili ang pagmamahal nyo sa isa’t isa. Pero sa panahon ngayon, nababalewala na din minsan ang kasal. O siguro kasi, naiisip ng iba na sobrang magastos ang magpakasal. Syempre naman, sino ba naman ang tao na ayaw ng magandang kasal? Minsan lang naman ito dumating sa buhay natin eh. Kaya maganda at masaya tlaga na mapaghandaan. Pero ayun nga, dahil sa kahirapan ng buhay, isinasantabi muna ito ng iba. Dahil inuuna ang pang araw-araw na pangangailangan. Ang kasal ay isang mahalagang bagay parin sa buhay ng tao. Maaaring sa iba ay seremonya lamang ito. Pero iba padin kasi talaga kapag naikasal. Kayo? Ano ang opinyon ninyo sa kasal?

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.