Meryenda time! Hopiang Monggo ang meryenda ko. Hehehe! Binili namin kahapon sa palengke. Yung tag-limang piso lang ang isang balot. Bet na bet ko ito dati nung bata ako e. Pero dati parang tres lang per balot to. Hehehe Tumaas na talaga ang presyo ng paninda. Hahahah! Sabagay, ilan taon pa kasi ako nun eh. Ngayon matanda na ako, talagang tataas ang presyo. Hays! Sarap bumalik sa pagkabata. Yung walang stress at walang masyadong iniintindi. Ang problema mo lang yung kung paano ka makakatulog sa tanghali kasi pag di ka natulog siguradong palo ka. Yung tipong kakain kanalang pag gising mo, tapos kapag tanghali naman aantayin mo nalang na yayain ka para kumain. Ngayon sobrang stress, pati pag iisip ng uulamin napakahirap. Hahaha! Kaya kung may time machine lang talaga, balik nalang ako sa pagkabata. Masaya at simple lang. Hehehe
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet