read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

Nakakarelate ako sa bagong description ni Admin. Kanina kasi yung kawork ko daldal sya ng daldal na kesyo ganito ganyan. Tapos bgla nya sinabi sakin, “buti kapa wala kang problema”. Kaya tinanong ko sya, “pano mo naman nasabi na wala akong problema?”. Hindi na sya nakasagot. Ako kasi yung taong nakangiti lang lagi kahit bigat na bigat na yung nararamdaman. Ayoko nagsasabi sa iba ng pinagdadaanan ko. Kasi lahat naman tyo may kanya kanyang dinadala. Ayoko nandadamay pa. Kikipkipin ko nalang kesa magworry yung iba sakin. Ginagawa ko nalang nagdadasal ako lagi na sana umokay ang lahat. Kasi di naman porket may dinadala tyong mabigat, kailabgan nadin natin maging pabigat sa iba. Minsan mas okay yung manahimik at mag isip ng solusyon sa problema natin. Hindi na kailangan ipagdakdakan pa sa iba kung ano man yun. Ayun lang! Hahaha! Gandang hapon!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.