read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

Ayun. Ambigat nanaman ng tyan ko. Hahaha! Pag nasa bahay talaga hindi maiwasan ang pagkain. Lol Ang takaw kasi ng mga kasama ko eh, pati ako nadadamay HAHAHAHAH! Pero ang sarap naman kasi talagang kumain. Anyways, nakaready na matulog. Antay nalang si Hubbybi na nagsasampay ng mga labahin. Pati si Bebe na matapos sa pagkain. Sya nalang nagdinner kasi busog na kami ni Hubbybi. Hahaha! Etong batang to laging gutom. Walang kabusugan. Pero hindi naman tumataba. Pero salamat sa Diyos kasi hindi sya dinadapuan ng sakit. Ingat na ingat talaga ako magkasakit sya lalo ngayon pandemic. Bukas wala nanaman sya, papadala muna sa lola nya para di sya expose samin na lumalabas ng bahay. Pandemya sana matapos kana para maging normal na buhay namin. Hirap na hirap kami na magkakahiwalay. Kahit pa sabihin na nakakavideo chat, di naman sapat yun. Halatado ko sa anak ko na miss nya din kami. Panay yakap at kiss sya ngayon. Siguro nalulungkot din sya na aalis sya bukas. Pero need magsacrifice para sa ikabubuti ng bata. Hays. Ang hirap. Pero kakayanin!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.