Share ko lang yung assignment ko dati na ginawa sa 3dsMax. Yung 3dsMax ay isang computer software para makagawa ng mga 3d Objects. From simple shape like cube, imomold mo sya para maging isang object. So ang assignment namin noon ay irender ang mga chess pieces na ginawa namin sa daily activities. Super isip ako ano bang pwede gawin at ito nga ang naisip ko. Unusual naman kasi talaga yung Underwater Chess. Haha! Ewan ko anong pumasok sa utak ko at ginawa ko yan. Muntik pa nga akong ma-late sa pagpasok dahil di ko pa agad tapos. That time, nagpatulong pa ako kay Hubbybi. Tinuruan ko lang sya paano gagawin dun sa diver para pagtapos ko sa ibang details, isasalpak ko nalang yung driver. Pero ayun, Thanks God at nakaabot sa klase. Laking gulat ng mga classmate ko at ng prof kasi akin lang yung kakaiba. Halos lahat ng gumawa is nasa table lang yung chessboard. Ako lang yung may diver. Ang happy ko nun kasi naappreciate nila yung ginawa ko. Ang astig at kakaiba daw. Super flattered sa mg comments. Hays! Nakakamiss mag-aral. ❤️❤️❤️
No comments yet