Two years ago, pumunta kami ng Singapore. Sakto kasi ung pagpunta namin ay para icelebrate yung birthday ni Mama. Inutusan ni Ate yung brother-in-law ko na bumili ng cake for Mama. At ito yung binili nya. Sobrang cute nito. Parang Strawberry Shortcake yata ito. Sobrang nakakatakam yung malalaking strawberries. Ang sarap sarap nyang tignan. Tignan mo palang parang busog kana. Pero actually, kapag tinikman mo sya hindi sya matamis. Kung maaalala ko nga, parang wala tlaga syang lasa. Or baka diko malasahan kasi tayong mga pinoy mahilig sa extreme sweets or iba yung level ng sweetness natin dto compared sa iba. Pero okay sya kasi di ka mauumay. Hehe! Miss ko na ulit makakain nito.
1 comment
Gusto ko yan hindi masyadong matamis.