Sa Meron O Wala?

39 74
Avatar for Pachuchay
2 years ago
Topics: Health, My day

Hello everyone! How's your Wednesday? I hope na naging maganda ang araw nyo at naaccomplish lahat ng mga plinano nyong gawin.

As for me, my day was quite good actually. We started our day by going to the beach and witnessed the beauty of the sunrise. Di ko alam kung ano ang nakain ng asawa ko at nagyaya sya na magpunta daw kami sa baybay. So ako naman eh why not, hehe.

This is one of the shots that I took this morning, with husband on the left side, hehe. Di ko alam bakit parang mas nagmukha syang sunset kesa sa sunrise, lol!

So ngayon eh gumora na tayo sa talagang topic ko for today. Iupdate ko lang kayo sa result ng check-up ko kahapon kahit ayaw nyo, hahaha!

I went to the hospital around 4 in the afternoon. Plano ko talaga eh magpunta mag-isa pero nagulat ako kasi before 4 pm eh umuwe si asawa at sabi nya eh ihahatid nya ako, then balik sya sa work. Then sunduin nya ako after ng check- up ko. Yesterday kasi, doon lang sya nagwork sa bahay ng boss nya dahil magkakaroon daw ng party, victory party ng nanalong Governor dito sa amin. So ayun nga, after nya ako ihatid eh balik na sya sa work.

Pagdating ko sa hospital, pinadiretso na ako sa OPD department. I was asked kung may appointment ba ako kasi kahapon, si Dra. Jordan lang ang may mga pasyente. I said yes and so they proceeded na sa pagkuha ng blood pressure and timbang. My bp was 110/70 and ang timbang ko naman is 66 kg. Nag gain na ako ng weight kasi noong naospital ako, my weight is 59 kg lang.

After that, doon na ako pinaghintay sa clinic ng dr. There were 7 patients before me so while waiting for my turn eh nagbasa muna ako ng articles sa read.cash. I think nakaanim ako na article that time.

So when my turn came, Dra. welcomed me with a huge smile and she asked me how I was. I said I am ok and then I handed her the result of my RNS. After nya makita eh sinabi na sa akin na medyo mataas na nga ang nawawalang chemicals sa katawan ko so dapat eh ingat talaga. Then tinanong nya ako if may iba pa ba akong nararamdaman. Sabi ko sa kanya eh di ako makapamwersa sa kamay. Kahit na yung pagbubukas lang ng lalagyan namin ng asukal at tangke ng gasul eh di ko magawa. Then inexplain nya sa akin na hindi lang lalamunan, mata at bibig ang apektado ng Myasthenia Gravis kundi buong katawan. Kaya normal na maramdaan yan ng isang MGP.

Then sinabi nya sa akin na next step na need gawin eh ang Chest CT Scan. Kailangan kasi malaman if meron ba akong Thymoma or bukol sa Thymus gland ko. if meron makita need yun tanggalin ng isang Thoracic surgeon. And it will cost a lot. It will also be done in one of the hospital in Iloilo City.

After hearing that, sabi ko, "Sana doc walang makitang Thymoma sa akin."

"Actually, pwede ko sabihin na sana MERON, sana WALA. Kasi kapag may thymoma na nakita sa ct scan mo, need yun alisin. At kapag yun ay inalis, gagaling ka. Di ka na need uminom ng gamot. Or kung uminom man eh minimal na lang. Kumbaga alalay na lang sa katawan mo. At kapag wala naman nakita sayo, walang aalisin sayo, walang gastos PERO for life ka iinom ng gamot at ganyan ang magiging sitwasyon mo for life. Pero hindi lahat ng MGP eh may thymoma, so sana meron or sana walang makita sayo."

After hearing that, I was torn between sana Meron, sana Wala, hehe. Sana wala kasi ang laki ng kakailanganing pera, almost 250 thousand pesosesoses! Pero for sure eh mas malaki ang gagastusin ko kung magiging ganito ako for life. So I will let fate decide kung ano ba talaga..

Before going home, binigyan ako ng reseta ng doctor. Dinagdag nya sa maintenance ko eh steroids which is Prednisone, 6 pcs. na 30 mg and 14 pcs na 20 mg, good for ! week. Binigyan nya din ako ng request form for Chest Ct Scan. And I told her na di ko agad magawa yun kasi mangangalap pa ako ng fund. Plano ko eh lumapit sa mayor namin para makabawas sa gagastusin. Subukan ko din lumapit sa Malasakit Center. Hopefully eh makakuha ako ng financial assistance sa kanila.

And that's it, naupdate ko na kayo kahit ayaw nyo pa, hahaha!

Thank you guys for reading, until next time!


Date Published: June 22, 2022

All photos are mine unless stated otherwise.

14
$ 6.53
$ 6.17 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @kingofreview
$ 0.08 from @Ruffa
+ 8
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
2 years ago
Topics: Health, My day

Comments

Ang hirap ng ganyan parang kahit anong results di katanggap tanggap hays

$ 0.00
2 years ago

I hope you will be fine dear. do not be sad. You started the day well. always be happy

$ 0.00
2 years ago

Thanks always Cryptoman

$ 0.00
2 years ago

😉☺

$ 0.00
2 years ago

Magkano pala chest CT scan madam? Medyo nakaka torn nga ang sana meron sana wala no. 🤔

$ 0.00
2 years ago

sabi ng doctor ko eh baka nasa 14 to 15k madam, pero mag inquire ako sa ospital mismo kung magkano talaga

$ 0.00
2 years ago

Dako diay i prepare madam no. Pero mapangitaan gyapon na paagi.

$ 0.00
2 years ago

mau gani ng asikasuhon ko sa mnday madam. Mangao ko bulig sa local government offices

$ 0.00
2 years ago

mahirap talaga yang ganyan madam...pero para sakin compare yung sa lifetime ka nang iinom nang gamot dun nlang ako sa meron para isang gamutan lang

$ 0.00
2 years ago

Yun din iniisip ko madam, atsaka baka ilang beses pa ako maospital at mas malaki pa ang magagastos ko.

$ 0.00
2 years ago

Ang lahat magiging ok si. In Jesus name sis

$ 0.00
2 years ago

Salamat sis...

$ 0.00
2 years ago

Ang hirap naman nun ate pero iisa lang naman gusto natin eh, gumaling ka. Kaya kung ano man maging result, I ready na lang ate. Galing ka nyan in Jesus name!!.

$ 0.00
2 years ago

Thanks sa comforting words beh..

$ 0.00
2 years ago

Always welcome ate ❤️🤗

$ 0.00
2 years ago

Praying po for your fast recovery 🙏🏼. Kahit ilang beses po ba pwedeng makahingi ng financial assistance sa malasakit center? Sana mas mapadali proseso ng pagkuha

$ 0.00
2 years ago

Hindi ko alam if ilan beses pwede lumapit for financial assistance sa malasakit

$ 0.00
2 years ago

Wutttt ang hirap naman nyan madams lalo ganyan. Parehong may advantage at disdvantage ee aguy lang talaga

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga madams kya ipagpapasa Diyos ko na lng.

$ 0.00
2 years ago

Sana sis ma solve na Kung anuman, Meron man o wala, important PA din malaman talaga.

$ 0.00
2 years ago

Hirap magdecide sis

$ 0.00
2 years ago

God knows what is best for you sis, so whatever the result, meron or wala, accept and be thankful for it. With Him, everything is possible. He could provide whatever your needs.

$ 0.00
2 years ago

Kaya ipagpapasa Diyos ko na lang sis.

$ 0.00
2 years ago

sana makakuha ka ng financial assistance sis.. malaking pera din pala kaylangan mo..

$ 0.00
2 years ago

Sana nga sis.. Hayy..kaya ipinagasa Diyos ko na lang lahat..

$ 0.00
2 years ago

Miracle na lng madam na sana wawala na yang iniinda mong sakit na mdinna kailangan ng operasyon at habang buhay na gamutan, ang hirap magdecide eh. Basta kapit lang madam😘🙏

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga madam, ikinakatakit ko eh bka di na ako magising

$ 0.00
2 years ago

Wag naman madam, wag kang mag-isip ng negative, diba gusto mo pa makita mga achievement ng anak mo

$ 0.00
2 years ago

Don't worry madam. Lalaban pa din tayo

$ 0.00
2 years ago

Napakalaki namn ng 250k, ang mahal talaga magkasakit, kaya dapat talaga doble ingat sa sarili. Peru di namn talaga maiwasan di magkasakit lalo na pag nagkaedad na.

$ 0.00
2 years ago

Laki tlga, di ko alam saang kamay ng diyos ko kukunin yan

$ 0.00
2 years ago

Merun yan, di payan darating ang pera now but if need na talaga may darating yan hihi

$ 0.00
2 years ago

Magdilang anghel ka sana beh

$ 0.00
2 years ago

Sana ate gumaling na kayo. For me, mas maganda na ate yung meron para at least wala na kayo poproblemahin habambuhay hehe kaso ang problema yung pambayad nung bills. Sana ate makahanap ka ng financial assistance sa kalagayan niyo. Isa na ate ang BCH community kaso hindi ate sasapat yon hehe. Get well soon ate hehe

$ 0.00
2 years ago

Ang hirap magdecode beh noh, hehe.. Pero bahala na si batman..

$ 0.00
2 years ago

Grabeng maintenance yan te. Kung meron nan. Another gastos for surgery.. Pero lifetime naman na magiging okay kna... If you will choose, saan ka mas prefer? But of course, I won't choose any. Sana wala both.. Pray lang te.. Gagaling ka rin..

$ 0.00
2 years ago

Kung ako talaga eh sana meron, kasi may chance ako na gumaling. Pero ang laki naman ng kakailanganin.. Isa pa, kinakatakot ko din eh baka di na ako magising..

$ 0.00
2 years ago

napaka laking dilemma naman po ate kung sa meron o sa wala kasi parehas silang may good and bad sides. pero sana wala na kasi ang mahal po pala ng opera.

$ 0.00
2 years ago

Sana nga eh wala na, tapos doble ingat na lang ako ara di ako atakehin.. Hay life

$ 0.00
2 years ago