Ang Love Story ng Langaw at ng Agta
It is only 6:30 am but I am already at school. Sa araw araw na lang ng ginawa ng Diyos, hindi talaga pwede na malate ako. Daig ko pa si Manong Guard sa pagpasok. Eh paano ba naman, kailangan ko na masilayan si crush. **Si crush na walang malay na crush ko sya.** Ang pangalan nya ay Henry. Matangkad, matipuno ang katawan, makapal ang kilay, may nunal sa pagitan ng ilong at labi. Kaya naman ang tawag sa kanya ng mga barkada nya ay langaw. Pero kung ganitong langaw naman ang papatong sa akin ay pak na pak! Madami nagkakagusto sa kanya, mula sa maladiyosang ganda hanggang sa sa mala Agta(saan kaya ako belong?). Pero kahit ganun pa man, napaka maginoo nya. Di ko nabalitaan na nagtake advantage sya sa mga babaeng may gusto sa kanya. At hindi rin sya mapili sa kakaibiganin. Kaya naman mas lalo syang nagugustuhan ng mga kababaihan. **Paano ko ba sya nakilala?** Isa akong transferee sa Angono National High School. Kailangan mag-adjust dahil madami ng pinapapasok sa eskwela. Unang araw ng klase kaya maaga pa ko sa klase dahil ayoko sa siksikan kapag naghahanap na ng section. But as expected, lahat ng transferee eh nasa last section, Section 16. Wala namang problema sa akin, ang mindset ko noon eh ako for sure ang magiging top 1, hehehe! Hinanap ko agad ang room namin at pagpasok na pagpasok ko pa lang, biglang nagliwanag ang kalangitan! Para akong may nakitang anghel na bumaba sa lupa para diligan ang aking plawer! *"Shocks! Ang gwapo naman, kalma heart kalma. Huwag magpapahalatang malandi tayo. "* Dahan-dahan ako pumasok sa room kasabay ng iba pang estudyante na nag uunahan maghanap ng magandang puwesto. Ako naman ay kahit saan pwede, kahit pa kumandong sa anghel na nasa likuran ko(landi ko!) Yes, tama, korak! Nasa likuran ko lang sya. Naririnig ko na nagkwekwentuhan sila ng mga bagong barkada nya. Doon ko narinig na Henry pala ang name. Kahit ang pangalan, ang sarap tikman, hahahaha! Pagpasok ng teacher namin ay nagsimula na ang pinakaayaw ko sa lahat, ang "Introduce Yourself." Sino ba naman kasi ang nagpauso nang introduce yourself na yan? Ang sarap pagulungin sa hagdan! So isa-isa ng nagpakilala ang mga kaklase ko. May pacomedy, pademure, pabebe at pamysterious. At dumating na ang time na ako naman ang isasalang sa kalan. Pakiramdam ko eh pati singit ko pinagpapawisan. Pero kailngan ko kumalma, huwag papahalatang naiihi na sa nerbiyos. *"Hi everyone! I'm Shiela, Nice to meet you all!* Ganoon lang kaikli pero feeling ko malanovela na ang sinabi ko. Paano na ba naman kasi, nakatingin sa akin si crush. Gosh, heart kalma! Noong sya na magpapakilala, tiliian ang girls, grabe. Pero siempre di ako nagpahalata. Simplehan lang natin. Kunyare eh di ako nakatingin sa kanya at nagbubutingting ng kung ano ano sa aking bag. Pero mga teh, ang lamig ng boses nya. After nya magpakilala, tilian ang mga girls, ang lalandi ampt. Noong pabalik na sya sa upuan nya, kunyare nahulog ko yun ballpen ko. At dadamputin ko na sana kaso bigla din sya yumuko para damputin kaya nagkasabay kami at nagkaibigan este nagkatinginan. *"Shiela, nahulog mo yata."* *"Oo nga eh, thank you."* Sabay lagay ng strands of hair sa likod ng ears. Oh my gosh, ang bango nya! Parang akala mo eh kakatapos lang magshower at lumaklak ng mouthwash. Bakit naman ganoon kabango Lord, nakakasira ng ulo. Lumipas ang araw na puro pakilala ang ginawa namin. Pwede naman yata gumawa ng name tag eh, need pa ba talaga na bawat subject eh magpapakilala. *"Okay class, that would be all. Don't forget your assignments for tomorrow,okay?* *"Yes Ma'am"* Sa wakas, natapos din ang klase. Nagmamadali na ko pumunta sa sakayan ng traysikel. Looban kasi ang eskwelahan namin at kailangan mo pa sumakay ng traysikel hanggang labasan tapos sasakay naman ng jeep. Pagdating ko sa sakayan ay isa na lng kulang at lalarga na kaya sumakay agad ako. Pero gosh, nasa loob pala si crush. Kunyare dedma pa ko, kunyare di ko sya nakilala pero sa totoo lang, nagwawala na inner self ko mga teh! Gusto ko na sya laplapin grabe! *"Bayad manong oh, dalawa. Bayad ka na Shiela ha."* Nagulat ako sa sinabi nya. Pero di ako nagpahalata. *"Ay ikaw pala yan, nakakahiya naman. Pero thank you na din."* *"You're welcome classmate pero sa susunod ikaw naman ang manlilibre."* Oh my gosh, may kasunod pa pala ang aming paglalandian este pag uwe ng sabay. Una akong bumaba siempre, kunyare pabebe. Yun tipong Maria Clara na di makabasag pinggan. Pero kung si crush ang babasag sa akin, ay bet ko yan! *"Bye Shiela, Bukas ulit."* Wait, anong bukas, bakit may bukas? Waaaahhhh, kalma Shiela kalma, natural magkikita kayo bukas, magkaklase kayo eh, shunga lang? *to be continued....* **Author's note** Hello guys! This is my first time writing a ficional love story. Unlike sa iba na perfect na sa ganito eh ako ay nangangapa pa lang. Pero sana magustuhan nyo at subaybayan ang Love Story ng Langaw at Agta.
**Lead image source: http://www.tumblr.com** `Date Published: August 27, 2021`
75 comments
Ayun nahintay ko din. Galing, sis! Part 2 pls!
Heheheh, thank you sis! baka mga after 2 days ang kasunod nito,hehehe
cge cge wait ko yun, sis hehe
Omooooo! Ate nai-imagine mo ba ako habang binabasa ko 'toooo? Oo, pumapalakpal mga tenga ko at nagniningning mga mata ko dahil 'dun sa papatong at pangalan pa lang ay masarap na. Mwehehehe Pero grabe ah. Nakaka-kilig. Sign na yata ito na unahin ko 'yung article ko about sa lalaking tanging naging crush ko 'nung first year college ako. Hihi
Hahahhaha, thank you at mukhang nameet ko expectations nyo,hehehehe..
Nukaba, Ateee. Magaganda naman kasi talaga mga article mo eh. Super worth it to read. :)
Thank you beh, π
You're welcome, Ateeee! ;) Sulat lang nang sulat.
Korek, para sa ekonomiya,hehehehe
Para may mailaman sa tiyan. HAHAHA
Tumpak,hahahahah
Natatawa ako ate habang nagbabasa.. Hahaha..may halong kwelang love story nobela to.. Aabangan ko ang mga susunod na kabanata ni Henry at Shiela.
hehehe, thank you sis. Ako din habang ginagawa ko to eh kinikilig eh,hahahhaha
Mas gusto ko yung ganitong mga novel, yung pang teenagers ba.. Hahahaha
Ako din par di masyado stress, heheh
Fiction pa more. Kilig2 lg xa but it's fun. Looking forward sa makasira-ng-mood plot twist! π
Oh my God, bigla ako napa isip sa maksia ng mood plot twist,hahahahhaha
Waiting sa cont haha.
Baka bukas or sa makalawa, inaassemble ko pa sa isip ko yun kasunod eh,hahahha
bukas na bukas lapitan mo sabay yakap at sabing "hi, nafall ako" dechar lang AHAHAHHA
Hahahaha, let's see what will happen next..
Antay kami sa cont. Kakiligπ
Buti naman sis at nagustuhan mo, heheh.. Baka bukas or sa makalawa..
Hahhaahahaha tawa ako nang tawa, pero bakit langaw at agta ang title? π Cute pa nmn nang story haha sene ell binabayaran pamasahe diba π tas may next time ulit hahaha
Hahah, abangan ang susunod na kabanata sis, heheheh
BWAHAHAHAHAYOP! Legit na malandi pero sa loob lang. Wahahaha, nakikita ko self ko kay Shiela ahahahaha. Ang dami kong tawa dun may basagan na magaganao. For sure mangyayari to bwahahahaha. Waiting ako sa basagan ng itlog ahahaha
Hahahahahaha, naku madams abangan ang susunod na kabanata madams!
Ganyan ang dalagang Pilipina. Wag pahalata hehe.
Tama, dapat simple lang, simoleng malandiπ
Kinikilig ako mommy hahahaha. Seryoso . Naiimagine ko Ang gwapo tlga ng guy. Tapos nung Sabi na Shiela, nahulog mo yata." - Yung puso ko yata Ang nahulog sayo. Char π
Hahahaaha, naku momshie abangan hanggang huli.
Hahahhaha! Kinikilig ako.. Bet na bet ko to, anong nangangapa, expert ka yata eh! Hehehe.. Galing, sana ganito ako kagaling.. Waiting for part 2 ng landian ni Langaw at Agta..π
Hahaha, first time ko tlaga to sis, promise.. Pinapagana ko lang imagination koπ. Yun bang kung owede ko lang irewrite ang sotry ko eh ganitong ganito ang gusto ko, hahahaha
Haha! Grabe ang imagination talaga nagagawa mo iyong gusto mo gawin na di mo nagawa sa totoong buhay π
Korek sis, kaya itodo na,hahahahha
Part 2 na agad ate. Kinikilig ako habang binabasa to. May pumapasom sa isip ko habang nag-iimagine ako. Pero in fairness nakakatawa rin Yung novel na to.
Heheh, thank you beh.. Bka bhkas or makalawa un part 2,heheh
HAHAHAHA wait lang na na kilig kodi hahahha pero ang mga laplap kag kandong sige nevermind mabasa kodi liwat bwas π
Hahahah, thank you gah!
Pasimple si ate girl la hehe
Si shielaaa pumapasimplee, iba talaga galawan ng mga babae minsan suwabe din eh ahahhq
Hhha, ganun talaga.. Dapat simple langπ
The story is lived, not written. I think paΓ§uΓ§ay, live and write. You are doing good work.
Good thing you understand it Edip.
Hahaha bakit ganern kalandi si Shiela? Cheret. Pwede pwede. Maganda naman haha.
Why naman Shiela ang name ni ate girl? Feling ko tuloy ako yung nasa kwento hahahaha Pero ang galing mommy, pwede nang pang wattpad haha, update PLEASEEEEEE.
Baka mamaya or bukas ang continuation pretty, hehehe.. Oo nga pala ano Shiela pala name moπ . Salamat at nagustuhan nyo..
Ang cute ng story, nakangiti ako habang nagbabasa π Nakakamiss tuloy yung feeling na may crush π€£
Pwede naman ulit eh, hahahh.. Kahit jowa paπ
Ay crush lang muna talaga ang gusto ko π Bata pa kashe ako eh, strict ang parents ko bawal pa daw magjowa π€£π€£π€£
More comments