My Bread Time Story

Avatar for Pachuchay
2 years ago

Kung may "Coffee is life", for me "Bread is lifer"!

A very hot afternoon to all of you guys! Grabe ang init ng panahon these days, may gigil factor si haring araw eh kaya parang summer feels lang. Anyways, isa na namang eme emeng article to, char! Pero in fairness, pinag-isipan ko din to ng bongga.

So let's talk about bread or tinapay. Simula bata pa ako eh mahilig na talaga ako sa tinapay. Hindi makukumpleto ang araw ko kapag walang tinapay. Sino ba naman ang hihindi kapag gutom ka na di ba?

Lumaki kasi ako sa mahirap na pamilya. Mekaniko ang Papa ko at sa bahay lang ang mama ko para magbantay sa aming 3 magkakapatid. Tipikal na buhay ng isang pamilya na nakatira sa probinsya.

Every morning, ang almusal namin noon is kape na bigas. Di ko sure if familiar kayo sa ganun, sinasangag muna un bigas hanggang sa umitim tapos un na ang pakukuluan and instant kape na sya. In fairness eh masarap naman. Kapares nang kape na bigas eh pandesal na tig piso ang isa. Hay naku that time eh heaven na sa amin yun. Bihira lang kasi kami noon makatikim ng tinapay dahil sa hirap ng buhay. Madalas sa umaga eh kape lang talaga tapos bahaw na kanin. Sinasabaw namin yung kape sa kanin.

Then nagkwekwentuhan kami magkakapatid, about sa mga pangarap namin. Ang pinakatumatak sa utak ko noon eh yun mga pangarap namin na kapag lumaki na kami at may magandang trabaho eh kakainin namin lahat ng klase ng tinapay, hahahaha!

Wait, switch tayo ng topic at nagiging pang MMK na naman ang tema, baka maiyak kayo sa pagbabasa, char!


The Katol Bread

Isa to sa pinakaborito kong tinapay. Honestly, ngayon ko lang nalaman na katol bread pala ang tawag dito. Well obviously, dahil sa design nya. I was 8 yata nun una akong makakain nito. Binigay sa akin ng kaklase ko, na eventually kapitbahay din namin. Pero di naman talaga magkalapit yun house. Naglalaro kami noon ng "dampa", ewan ko kung familiar kayo doon. Yun goma na patatalunin gamit ang kamay. So back to the story, mga kalaro ko noon eh puro lalaki. Then lumapit yun kaklase ko, at inabutan nya ako ng tinapay. Ako dahil busy kakalaro eh bigla ko na lang sinubo un tinapay.

"Krakk! Sa unang kagat, ngipin ko'y nag-crack! "😂

Grabe mga teh, tanggal yun ngipin ko sa unahan. Akala ko nga 2 ngipin ang natanggal sa sobrang tigas eh. Ang ending eh umuwe akong duguan. Tapos napalo pa ng mama ko. Bakit nga kaya ganun ano, nasaktan ka na papaluin ka pa, hahahaha!


Closing Thoughts

Kapag lumaki ka sa hirap, kahit ang pinakamaliit na bagay eh bibigyan mo ng importansya. Dahil alam mo ang feeling na maging salat sa bagay na yun. Like yun sa pangarap namin noon ng mga kapatid ko, na kapag lumaki kami eh kakainin namin or titikman lahat ng tinapay sa buong mundo. Nakakatuwa man kung isipin pero ngayon ko narealize na ganun kami kasalat noon, na kahit simpleng tinapay lang sa karamihan pero para sa amin eh isa ng pangarap na mahirap abutin that time.

Di ko alam bakit eto naging topic ko eh. Pero habang nagmemerienda ako kanina at ninanamnam ang bawat pagkagat sa tinapay eh naisipan kong gawing topic to sa article ko. Kaya sana mapagtyagaan nyo na lang, hahaha!

All photos are from Google

Date Published: November 22, 2021

12
$ 6.83
$ 6.54 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Khing14
+ 6
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Ngayon ko lang nalaman na katol bread pala yan haha tawag kasi namin basta "gahion na biscuit" very relate ako sa sinangag na kape sa mais ganyan din ginagawa namin nuon para may kape lang na ipares sa bahaw. Ang saya na pag makakain ng tinapay pag pupunta sina mama at papa sa siyudad lagi talagang pabilin ang bumili ng tinapay. Umiyak pa ako pag di sila bumili ng tinapay haha.

$ 0.00
2 years ago

Simpleng mga bagay noon sis eh masaya na tayo ano? Unlike sa panahon ngayon, para di na nila masyado naappreciate un mga maliliit na bagay..

$ 0.00
2 years ago

WAHAHHAHA katol bread pala tawag niyan ate? Feeling ko parang may ibang term pa yan sa bisaya eh, kalimot lang ko hahaha childhood food, need pa ng pangatlong kagat saka makakain haha

$ 0.00
2 years ago

Meron yata, un taingang daga ba un, di ko lang sure, hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahha ang nice po pala ng name nyan ate, Katol bread. Medyo mahilig rin po ako sa tinapay but everytime na bumibili po kase ako ganto eh " Pabili po nung color pink " sabay turo dun sa tinapay hahaha. 😂🤣Ewan ko ba sa sarili ko , I'm not aware sa names nila pero kain naman ako ng kain hahaha🤣😂

$ 0.00
2 years ago

Naku same beh, ako dati eh bast pwede kainin, akakainin na lang, hahaha

$ 0.00
2 years ago

Katol bread pla yan. Haha. Bet ko rin nung bata pa ako. Pati yung ube bread na madami tlga ube at desiccated coconut.

$ 0.00
2 years ago

Oo Jane, masarap dinnun ube bread kaso madaling mkaumay..

$ 0.00
2 years ago

Katol bread pala tawag sa tinapay na yan sis? Sa amin tawag namin dyan ay Ramona.hihi Di ko lang alam bakit Ramona tawag nila sa tinapay na yan. Pero lagi ko 'to kinakain noon. Mura lang kasi siya.

$ 0.00
2 years ago

Baka kasi si Ramona ang gumawa, char, hahahaha! Ngayon ko lang din nalaman na ganun pala tawag jan sis..

$ 0.00
2 years ago

iba nga naman pag salat sa buhay dati at ngayoy gumaganda na ang buhay pero alam ko miss na nila ang magkaroon nang lsimpleng buhay kagaya natin kaya maserte pa rin tayo

$ 0.00
2 years ago

Tama madams, noon eh kahit napakasimple ng buhay natin eh naappreciate natin kahit na pinakamaliit na bagay..

$ 0.00
2 years ago

Parang ramona yan tawag sa amin at matigas din, akala mo matatanggal na ngipin mo 'pag kumakain ng ganyan hahah pero infairness po, ito ay masarap.

$ 0.00
2 years ago

Tama, masarap naman sya lalo na kapag ipares sa kape, hehehe

$ 0.00
2 years ago

Lalambot din naman yan :).

$ 0.00
2 years ago

Haha, tama..

$ 0.00
2 years ago

Sa amin sis, talinga amo ang tawag dyan..bisaya sya na ang ibig sabihin sa tagalog ay tainga ng unggoy

$ 0.00
2 years ago

Un din alam ko sis tapos nun naghahanap ako ng phot sa google eh katol bread ang nakalagay, hahahaah...

$ 0.00
2 years ago

I see..alam mo ba na ang pinanggagawa nyan ay yung mgabpanis na tinapay na ninabalik sa bakery?same sa paggawa ng puding

$ 0.00
2 years ago

Ah talaga ba sis? In fairness masarap sya kahit un pudding eh fave ko yun, hehehe

$ 0.00
2 years ago

Same here.fave ko din yang talinga amo...hehe..nalaman ko yan dahil yung tito ko nag bakery dati...

$ 0.00
2 years ago

Siguro naman malinis nila ginagawa noh,hahahahaha

$ 0.00
2 years ago

Yes po..malinis naman..

$ 0.00
2 years ago