Good Old Days
Hello everyone! I am back again and this time, magtatagalog muna tayo. Nakaholiday ang brain cells ko na in charge sa English Vocabulary words today kaya nag take charge na muna ang mga Pinoy braincells ko.
Anyway, dahil sa bored ako ngayon eh nagkalkal ako ng post ko sa noise.cash from 10 months ago and ako eh tuwang-tuwang sa ka ek ekan ko sa pagpopost noon, hahaha! Isa sa mga napost ko before eh ang tipping system ni noise.cash like the photo below.
Oh di ba ang gara ng English ko jan, hahaha! Effort talaga ako noon sa pag spokening dollars mga beks.
Sino sa inyo ang naabutan to? Iba din eh noh, may palipad lipad effect pa sa heart value noon. Lahat eh tuwang tuwa kapag may bagong update si noise.cash eh. And siempre, that time eh madami din ang umabuso sa sistema kaya antoher update na naman. Pero every update before, eh ikinatutuwa natin lahat kasi pabor na pabor talaga sa atin.
Naalala nyo din ba yun kumalat na bug daw sa noise? Yung time na sa isang heart mo lang eh almost $1 ang value.
Oh kita nyo naman, kahit si @Denion eh gulat na gulat, hahaha! Ang daming nilapagan ng bug na to noon and isa na ako doon. I'm pretty sure kayo din eh naexperience to. Grabe ang ingay noon sa noise.cash eh. Halos ang post eh about sa bug! Para ngang nasa palengke dahil sa ingay ng noise.cash dati.
And eto pa, ang random tip back.
Pagpasensyahan nyo na ang grammar ko dyan, felling Englisherist ako nyan eh, hahaha!
Anyway, yan yun time na kada heart mo sa isang post eh meron kang tip back and random din and also the amount. So kapag malaki ang value ng heart mo sa post, malaki din ang random tip back mo.
Actually madami pa to kaso eto lang ang nakalkal ko sa mga post ko. Sa mga nakaalala pa ng old tipping system ng noise.cash, comment nyo lang para sabay sabay natin sabihin na "bumalik ka na baby" hahaha!
Grabe ang ingay ni noise.cash dati. Bawat update eh tuwang tuwa ang lahat. At katulad nga ng sinabi ko eh parang nasa palengke. Halos lahat eh may kanya-kanyang post about sa update. On fire ang noise noon eh kaya minsan eh traffic hahaha! Naalala ko si @jiroshin dati sa post nya, and it goes like this...."Kalmado na ba ang lahat?" hahaha! and I remember na nagcomment ako noon na..."Parang nasa palengke lang eh."
And unlike before, sobrang tahimik na ang noise.cash ngayon, pwede na ngang sabihin na quite.cash eh, charrr! Joke lang po yun, baka bigla ako patahimikin eh, hahaha!
And siyempre, pwede ba namang makalimutan ko si bch sa pagkakalkal ko ng post, siyempre hindi. 11 months ago, tama ba? hahaha! oh basta May yun nun nag ATH si bch. That was the time na nag-iipon ako for my daughter's graduation gift. As in di ko talaga ginalaw ang bch ko noon sa loob ng isang buwan.
Oh di ba, pati English ko eh naapektuhan ni bch, hahaha! Actually umabot pa to ng $1700. Naalala ko noon sinabi ni @bmjc98 na umabot pa ng $1700 nun tulog ako, hahaha! At siyempre dahil sa greedy ako dati, ngayon eh di na, hahaha! Inantay ko pa na tumaas sya and sadly, nun nagsell na ako eh bumaba na sya. Nasa $1000 na lang yata sya noon and that was in the month of June, correct me if I'm wrong, yung 8 thousand pesos ko eh naging 6 thousand pesos na lang. But I am still happy with that kasi nabili ko yun gift ko for my daughter which is drawing tablet.
Kita nyo naman dati ang value ng 0.226 bch, $151 ang value. Ahay ngayon, wala pa yatang two thousand pesos.
Tingnan nyo naman kung gaano ako kadrama nun bumaba ng $637 ang value ni bch. Pero kung ngayon mangyari yan, na value ni bch today is $600, ewan ko na lang, baka napasayaw na ako ng Paru-paro G, hahaha!
Hay life, parang buhay. Nothing is permanent talaga kundi change. Nevertheless, I am eternally grateful to both platforms, noise and read, because it open me to different opportunities to earn money online.
Oh sya, I will end it here na. Nagugutom na anak ko, hahaha! Lutuin ko na daw ang maruya. Thanks for reading guys! I love you all!
Date Published: April 25, 2022
Lahat ng ginamit na larawan ay akin, akin lamang, charot!
Good old days: I can earn $10 for 1-2 days in noise.cash.