Good Old Days

42 54
Avatar for Pachuchay
2 years ago
Topics: Noise.Cash

Hello everyone! I am back again and this time, magtatagalog muna tayo. Nakaholiday ang brain cells ko na in charge sa English Vocabulary words today kaya nag take charge na muna ang mga Pinoy braincells ko.

Anyway, dahil sa bored ako ngayon eh nagkalkal ako ng post ko sa noise.cash from 10 months ago and ako eh tuwang-tuwang sa ka ek ekan ko sa pagpopost noon, hahaha! Isa sa mga napost ko before eh ang tipping system ni noise.cash like the photo below.

Oh di ba ang gara ng English ko jan, hahaha! Effort talaga ako noon sa pag spokening dollars mga beks.

Sino sa inyo ang naabutan to? Iba din eh noh, may palipad lipad effect pa sa heart value noon. Lahat eh tuwang tuwa kapag may bagong update si noise.cash eh. And siempre, that time eh madami din ang umabuso sa sistema kaya antoher update na naman. Pero every update before, eh ikinatutuwa natin lahat kasi pabor na pabor talaga sa atin.

Naalala nyo din ba yun kumalat na bug daw sa noise? Yung time na sa isang heart mo lang eh almost $1 ang value.

Oh kita nyo naman, kahit si @Denion eh gulat na gulat, hahaha! Ang daming nilapagan ng bug na to noon and isa na ako doon. I'm pretty sure kayo din eh naexperience to. Grabe ang ingay noon sa noise.cash eh. Halos ang post eh about sa bug! Para ngang nasa palengke dahil sa ingay ng noise.cash dati.

And eto pa, ang random tip back.

Pagpasensyahan nyo na ang grammar ko dyan, felling Englisherist ako nyan eh, hahaha!

Anyway, yan yun time na kada heart mo sa isang post eh meron kang tip back and random din and also the amount. So kapag malaki ang value ng heart mo sa post, malaki din ang random tip back mo.

Actually madami pa to kaso eto lang ang nakalkal ko sa mga post ko. Sa mga nakaalala pa ng old tipping system ng noise.cash, comment nyo lang para sabay sabay natin sabihin na "bumalik ka na baby" hahaha!

Grabe ang ingay ni noise.cash dati. Bawat update eh tuwang tuwa ang lahat. At katulad nga ng sinabi ko eh parang nasa palengke. Halos lahat eh may kanya-kanyang post about sa update. On fire ang noise noon eh kaya minsan eh traffic hahaha! Naalala ko si @jiroshin dati sa post nya, and it goes like this...."Kalmado na ba ang lahat?" hahaha! and I remember na nagcomment ako noon na..."Parang nasa palengke lang eh."

And unlike before, sobrang tahimik na ang noise.cash ngayon, pwede na ngang sabihin na quite.cash eh, charrr! Joke lang po yun, baka bigla ako patahimikin eh, hahaha!

And siyempre, pwede ba namang makalimutan ko si bch sa pagkakalkal ko ng post, siyempre hindi. 11 months ago, tama ba? hahaha! oh basta May yun nun nag ATH si bch. That was the time na nag-iipon ako for my daughter's graduation gift. As in di ko talaga ginalaw ang bch ko noon sa loob ng isang buwan.

Oh di ba, pati English ko eh naapektuhan ni bch, hahaha! Actually umabot pa to ng $1700. Naalala ko noon sinabi ni @bmjc98 na umabot pa ng $1700 nun tulog ako, hahaha! At siyempre dahil sa greedy ako dati, ngayon eh di na, hahaha! Inantay ko pa na tumaas sya and sadly, nun nagsell na ako eh bumaba na sya. Nasa $1000 na lang yata sya noon and that was in the month of June, correct me if I'm wrong, yung 8 thousand pesos ko eh naging 6 thousand pesos na lang. But I am still happy with that kasi nabili ko yun gift ko for my daughter which is drawing tablet.

Kita nyo naman dati ang value ng 0.226 bch, $151 ang value. Ahay ngayon, wala pa yatang two thousand pesos.

Tingnan nyo naman kung gaano ako kadrama nun bumaba ng $637 ang value ni bch. Pero kung ngayon mangyari yan, na value ni bch today is $600, ewan ko na lang, baka napasayaw na ako ng Paru-paro G, hahaha!

Hay life, parang buhay. Nothing is permanent talaga kundi change. Nevertheless, I am eternally grateful to both platforms, noise and read, because it open me to different opportunities to earn money online.

Oh sya, I will end it here na. Nagugutom na anak ko, hahaha! Lutuin ko na daw ang maruya. Thanks for reading guys! I love you all!


Date Published: April 25, 2022

Lahat ng ginamit na larawan ay akin, akin lamang, charot!

20
$ 15.92
$ 15.56 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Ruffa
+ 10
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
2 years ago
Topics: Noise.Cash

Comments

Good old days: I can earn $10 for 1-2 days in noise.cash.

$ 0.00
2 years ago

And then now, pahirpan na maka2 dollars

$ 0.00
2 years ago

It would've been great if naabutan ko yung noise.cash long ago. Now, I am just a 3 month read.cash user but I'm surely enjoying my time here.

$ 0.00
2 years ago

You just remind me the old golden days of noise.cash. I was so active there before but now I am not there for anymore due to some lacking.

$ 0.00
2 years ago

Why don't you try it again. It can still gave u a little amount..

$ 0.00
2 years ago

Nakakamiss talaga yung malakihang heart value noon ate @Pachuchay, sana yan yung dahilan kung bat down yung platform for the mean time.

$ 0.00
2 years ago

until now ba bh eh di ka makapost? kasi ganun din ako eh

$ 0.00
2 years ago

Makamingaw kaayo ni nga moments madam ay. Ang $1464 sa gyud nga bch price noh? Og ang dagko kaayo nga heart value. ❤

$ 0.00
2 years ago

mau jud madam, naremember pa naku nag ingon ka sa akua na, "dako kaayo ang heart value madam noh" hehehe

$ 0.00
2 years ago

haahahaha grabe ka hype sa noise dati eh at

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga, napakaactive ng mga user dati..

$ 0.00
2 years ago

Sample nga paro-paro g madam bka sakaling tumaas pag sumayaw ka

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, saka na madam kapag nag 60p na😂

$ 0.00
2 years ago

Nakakamiss yung iba ate na nakakausap ko noon, ngayon parang nawala na sila parang bula haha. Ang hirap na makaearn ngayon ate pero syempre sayang pa rin yung chance. Nakakamiss yung heart tip na feature haha tapos lagi pa naghehearr si admin or talking head sa posts ko haha. Lagi ko pa naman kinukuwento sa pinsan ko kasi feel ko nakasub siya sa akin. Tuwang tuwa ako non ate hehe.

Feel ko active pa rin siya ate eh pero di na tulad ng noon. Nakakainis yung ibang user sa noise, yung mga may free tips, nagpapalitan na lang awit haha.

Edit: kaya ko maka $7-$15 noon, ngayon di na haha

$ 0.00
2 years ago

Tama ka, nakikipag inyeract din sya dati sa mga user.. Pero ngayon eh di na..

$ 0.00
2 years ago

Nakakamiss din ang noise. Dati active ako dun sis pero ngayon wala na ang account ko. Tumigil ako nung wala ng value ang heart ko for four months ata yun. Pero iniintroduce ko sa partner ko ang noise kaya siya na lang ang may account ngayon. Ehhh, sana tumaas na ulit si bch sis no.

$ 0.00
2 years ago

Wow it's super Ganda naman pala noon Ang noise. May heart react pa.

$ 0.00
2 years ago

Ay oo, ang laki ng kitaan ng noise dati... Bago ka lang ba doon sis?

$ 0.00
2 years ago

Actually sis, d pa ako naka gawa Ng noise account pero may idea na ako about sa platform kaso Yung kapatid may account Siya. Malaki talaga kitaan nila noon. Sa Isang araw nga umabot kita nya sis Ng $6

$ 0.00
2 years ago

If ever makapagdecide ka na magsign up sis, eto ang link

https://noise.cash/u/pachuchay

$ 0.00
2 years ago

Sure, sis 😍 I'll be glad for that. Thanks 👍

$ 0.00
2 years ago

Haha. Nakakatuwa lang balikan yung mga unang post no ate? Talagang makikita mo yung improvements from since day 1. Kung mag hit ng 1k ang BCH, ayy Lord. Mapapa amen ang lahat.

$ 0.00
2 years ago

Hay naku andami magbubunyi, sell agad eh😂

$ 0.00
2 years ago

Aww the good old days. Kakamiss. Wala na din update diti sa Noise ee aigoo

$ 0.00
2 years ago

Korek madam, dati halos every month may update tapos nakikipaginyeract din si noise di ba

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sana na busy lang sya no and no other reason na

$ 0.00
2 years ago

Reminiscing noisecash good old days haha. Yung umaabot $20 per day namiss ko yun ☺

$ 0.00
2 years ago

Dati naka $30 a day ako, twice nangyate un..

$ 0.00
2 years ago

hays ate sana bumalik na talaga itong ingay ni noise.cash kasi nakaklungkot na ung mga ka close mo dati nagsiaalisan naa ung iba eh nagiging mushroom na lang at nakakamiss din. long term friendship pa naan hanap ko dito sa platform ate.

$ 0.00
2 years ago

Korek, andmi ko ngang kachika dati na ngayon eh wala na... Tayong matitibay na lang ang halos nakikita ko na active eh

$ 0.00
2 years ago

Oo nga ate eh sana talaga wag muna sya mawala pati tong isa.

$ 0.00
2 years ago

korek

$ 0.00
2 years ago

I am also missing those old golden days when we don't need to give tips a heart is enough to give tip

$ 0.00
2 years ago

True but many abused the system that's why they've changed it.

$ 0.00
2 years ago

Naabutan ko to kaso di man lang dumaan sakin ,saklap yong iba paulit ulit pero sakin wala hahahah ,malas ko diyan kaya tinamad na din ako magtambay duon

$ 0.00
2 years ago

Ay hala sayang naman.. Until now eh waa ka na doon?

$ 0.00
2 years ago

minsan nlang po hehe dito n kasi ako ntambay sa readcash

$ 0.00
2 years ago

Ah okay..

$ 0.00
2 years ago

Ang galing naman,hindi ko na naabutan yung iba dyn,naabutan ko lang yung heart tip,sana maibalik yun laking help sakin noon,sa noise ko kinikuha ang pambayad ko sa mga bills monthly pero ngayon hindi na kinakaya

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga eh, ng laki ng kitaan ng noise dati.. Pero ngayon swerte mo na kpag naka $3 ka sa isang araw..

$ 0.00
2 years ago

Totoo po yan,ang dami kasi ng abuso noon gumawa daw ng multiple accounts

$ 0.00
2 years ago

True mostly eh mga foreign sila

$ 0.00
2 years ago