Crush or Crushed?

44 73
Avatar for Pachuchay
3 years ago

I have no plan of writing this article, honestly. But after reading @sc's article about her crushes before, a sudden urge wanted me to write mine also, lol! Lakas makathrowback nun kilig eh. So if you want to know the feels and feel kilig again, you can read her article by clicking it here.

I started having crush at the age of 9 years old, lol! Ewan ko ba bakit parang ang dali ko magkacrush. Bagong salta kasi ako noon sa Manila. At aaminin ko mga teh, ang jologs ko, Hahahahaha! Like kung paano manamit and all. Pati yun pananalita ko eh may accent din.

So I was grade 3 nun makilala ko si Erwin noon. I still remember his full name but I will not leave it here baka search nyo pa sa Facebook. Actually kakasearch ko lang sa kanya, hahahaha! Sya kaagad una ko napansin kasi sobrang cute nya, maputi na singkit. Tapos sya yun napakaingay kasi maloko sya or palabiro. Lagi nya ako inaasar noon pero ewan ko ba, every time na inaasar nya ako eh imbes na magalit ko eh kinikilig pa. Excited talaga ako pumasok noon dahil sa kanya. He serves as my inspiration kasi every time na nakakasagot ako eh lagi nya ako pinupuri. Then one time, pinagtabi kami ng teacher namin sa upuan kasi di pa sya marunong masyado magbasa(yes sad to say medyo slow learner sya). Grabe ang kilig ko that time, feeling ko mapupunit yun bibig ko sa sobrang ngiti eh, hahahaha! I remember nun time na naglunch kami sa kanila. Bale 5 kami magkaklase na doon naglunch. Hindi ko lang matandaan na why we end up having lunch sa house nila. Ang ganda ng bahay nila, kaya pala ganun kaganda kutis nya kasi nagmana sya sa mama nya. Ang sarap ng ulam namin noon, promise, hahahaha! Very accomodating din yun mama nya that time.

From grade 3 to grade 6 eh sya lang talaga naging crush ko. Hindi ko na sya naging classmate after grade 3 kasi nalioat na ko sa higher section pero sumisimple pa din ako sa pagpunta punta sa room nila. Kapag may ipapadistribute din yun teacher namin sa kada section eh ako talaga nagpiprisinta. Ganyan katindi crush ko sa kanya, feeling ko that time eh sya na pinakacute. Natapos lang ang crush ko sa kanya nun first year na. Di ko alam kung saan sya nag high school.

So here comes high school, new environment means new crush😆. I belong to pilot section, section 2 ako noon. Oh my gosh, grabe ang dami kong poging classmate mga teh! Wala kang pwedeng itulak kabigin. Parang ang yummy lahat, hahahaha! Pero siempre, dapat di pahalata. Pero at that time wala din tlaga ako naging crush agad kasi parang di ako pwede pumantay sa kanila, hahahaha! So ang ginawa ko lang eh mag-aral ng mabuti. Kailangan magpakabait muna at sulitin ang tuition fee na binabayad ni lola. Sa private school kasi ako noon pinag-aral ng lola ko. And sulit naman kasi talagang nag-aral ako ng husto. Lagi ako nangunguna sa mga exams. Then dumating yun time na iaannounce ng teacher namin kung sino yun Top 1 sa first quarter. And mga teh, ako ng naging top 1! Super happy talaga ako noon, gosh! Nanginginig pa ako nun pinatayo ako sa gitna ng teacher ko para batiin ng lahat. Di ko kasi ineexpect tlaga na mangyayari yun.

So dun nagsimula ang kalandian ko, hahahaha! Actually sya naman ang unang nanglandi eh. After that moment, ang unang-unang bumati sa akin eh si Herbert, tanda ko pa din ang name pero di ko ilalagay dito, at kakasearch ko lang din sa kanya sa Facebook, lol! Ang tawag pa nya sa akin noon eh Miss Abellon.

I was surprised sa attention na binibigay nya sa akin pero di ko yun pinansin kasi nga, feel ko that time eh di ako belong sa group nila. Bukod kasi sa mayayaman eh ang gaganda pa ng lahi. Kahit yun mga kaklase ko na girls eh wala ka itulak kabigin. Ang gaganda talaga, para nga akong ipot na napahalo sa mga bulaklak eh.

Then dumating yung field trip namin. Yung tour guide namin that time was very jolly. Kung anu-ano ang mga pinagagawa nya sa amin kaya never naging boring yun trip namin. Then may games sya noon na kung sino daw yun may crush eh tatayo sa gitna tapos kakantahan yun crush. Tapos nagtilian yun mga classmate ko so siempre ako eh nakitili na din, I don't wanna miss the fun. Then bigla nila tinuro si Herbert at pinatayo, and bigla din ako pinatayo. Bigla ako kinabahan teh, para akong bibitayin. Ang nasabi ko lang noon eh, "Bakit ako? " hahahaha! Tapos ayun nga, nun tinanong na si Herbert kung sino crush nya eh, sinabi nya na ako daw! Ayiieeeee, jusko bakit ramdam ko pa din un kilig ngayon, hahahahaha! Tapos tinanong sya kung ano daw ang themesong na gusto nya, sabi nya eh "Maging Sino Ka Man."

Ay grabe mga teh, feeling ko eh ang ganda ko that time! Kami yun naging tampulan ng tukso. Never in my life na maisip ko na magkakacrush sya sa akin. Ang layo layo kasi ng agwat namin dalawa, as in! Pero when he was asked kung bakit nya ako crush eh ang sabi nya, "I like her because she's smart and simple. " Oh di ba ang ganda ko, hahahhaha!

Pero our love team is biglang naudlot. Dahil after a few months biglang umeksena yun classmate ko na si April. Nagulat na lang ako na biglang nawala yun atensyon nya sa akin at nalipat kay April. Well, di na ako nagtaka kasi maganda naman talaga sya. And April was my closest friend din that time and super bait din nya sa akin. So I was never really hurt. Naisip ko na lang na mas bagay sila kesa sa akin. And naging mabuting magkaibigan din kami ni Herbert. Ganun pa din naman ang turing nya sa akin pero mas special na si April sa kanya.

Then nawala na din ng tuluyan yun crush ko sa kanya nun 2nd year high school ako kasi nalipat ako ng section 1. Although lagi pa din ako nagpupunta sa room nila noon kasi wala din ako pa masyado naging kaclose sa section 1. Kasi naman grabe, kung noong section 2 ako eh mga dyosa na kasama ko, mas lalo pa naglevel-up nung nasa section 1 ako. Parang mga beauty queen mga kasama ko eh. Mga beauty and brains! Although nakakapantay naman ako sa kanila pagdating sa utak, pero struggle ako mga teh. Bigla ako nagkaroon ng inferiority complex. Kaya naglalagi pa din ako sa section 2 kapag vacant time namin. Kaya doon ko naman nakilala si Jeffrey. Yung nasa slambook story ko na post ko sa noise.cash, lol! Anyway, Jeffrey is another story and I will not add him here. Masyado na tong mahaba. Siguro sa mga susunod na article ko na lang sya isasama.

Closing thought

I don't know why I end up writing this long nonsense article of mine. But looking back at those times makes me happy somehow. I never thought that I would meet those people and be a part of their lives. I wonder if at some point of their lives, they would think of me too, lol!

I don't think I need to use plagiarize checker since it is in tagalog naman.

Image Source: Giphy

Date Published: September 1, 2021

13
$ 6.70
$ 6.33 from @TheRandomRewarder
$ 0.07 from @Jane
$ 0.05 from @Ruffa
+ 9
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
3 years ago

Comments

Grabeee while my first crush was like 3rd year highschool na 😂😂😂

$ 0.00
3 years ago

Wahahaha, seriously madam. To the highest level ang harot ako kasi muntik lang pumantay sa level no, cherett wahahaha.

Pero grabi ano, noon sa mga naging ex ko dapat may theme song kami ee. Ewan sa kanila, nakakakilig nong time na un pero ngayong naiisip ko tama si si @Sc ang korni 🤢 ahahahaha. Wahhh ang ssya lang bumalik sa nakaraan ano huehue. Crushes and all. Haha

$ 0.01
3 years ago

Hahaha, korek madams. Tapos lakas makagood vibes, hahaha.. Tapos tama mapapaisip ka ang korni nga, yawa! Tapos alam mo bang kinakanta pa anmin lage yun, weset hahahahaha!

$ 0.00
3 years ago

hahahaha ang korni talaga dati, crush lang eh may pa theme song na agad na nalalaman 🤣

Relate ako dun sa pangsesearch sa facebook. habang sinusulat ko din yung article ko na to all the boys, nacurious ako kung kumusta na yung mga naging crush ko, ayun may asawa at anak na pala si King 🤣

$ 0.00
User's avatar sc
3 years ago

Hahaha, ako talaga eh biglang napasearch eh,hahahaha. Mukha naman sialng happy sa mga family nila,hehehehehe. Ikaw ba pretty may themsoong din noon?hahhahaha

$ 0.00
3 years ago

Hehe pero nakakagulat kasi yung asawa niya ang layo sa itsura ng mga naging jowa niya nung high school 😅

Wala po haha ang korni kasi tsaka di naman na uso sa amin yung theme song hehehe

$ 0.00
User's avatar sc
3 years ago

Naku sa amin eh uso yan, hahahaha..

$ 0.00
3 years ago

ang aga nga 9 years old lang..ahahaha..samantalang ako 2nd year high-school nung magkaron ng first crush. At dun ko lang din nalaman yang tungkol sa crush crush na yan..ahahaha..dahil actually sa SLAM book. Dati akala ko kung anong sinasabi nilang Crush (nakakain ba yun) lol..hehehehe..

$ 0.01
3 years ago

Talaga sis? Hahahahah.. Ako eh maagang namulat sa crush na crush na yan, hahaha

$ 0.00
3 years ago

kaya nga sis..maaga ka nag bloom..ako kasi late bloomer..ahaha

$ 0.00
3 years ago

Naku for sure ang mga mata nagtantalizing yan at may mga puso na lumilipad sa paligid habang nagbabalik tanaw:)

$ 0.01
3 years ago

Hahaha, idagdag mo pa na ang ngiti eh abot tenga, hahahah

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHAHHA apaka kulit. Ang aga mo pala namulat sa crush crush na yan ate

$ 0.01
3 years ago

Ay oo sis, maaga naglandi, hahahaha

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHA beauty and brainy karin naman ng humble lang 😅.

$ 0.01
3 years ago

nku gah, brainy guro pwede pero ang beauty eh slight lang,hahahha

$ 0.00
3 years ago

I also had an elementary crush Hindi lang pala elementary mommy , hanggang 4 years hs hahaha. Tapos ngayon pastor na sya 😂

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

HAhahahaha, jusme. bakit nagpstor,hahaha

$ 0.00
3 years ago

E dun sya nilead ng kapalaran nya haha. Salut namin yon nung elementary haha tapos Yung pinsan nya valed Yun Naman kaclose ko 😂

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

I can see your smile while you're writing this earlier ate Hahahahah boom kakiliggggggg yarn?

$ 0.00
3 years ago

hahahha, true kinilig talga ako nun sinusulat ko to,hahahahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahahahah kitang kita

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha ang bilis mo nman magkaron ng ideya na isususlat sis nabasa ko palang ung isa mong article kanina hahaha. Pero nakakatuwa ung crushes experience mo paramg nagkaideya din ako magsulat ng ganyan hahaha.

$ 0.00
3 years ago

Go sis,hehehehe. Nabasa ko kasi un kay sc kaya naalala ko tuloy ang mga nakaraan,hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha laughtrip to hahaha

$ 0.00
3 years ago

hahahhaha, buti naman at napasaya kita..

$ 0.00
3 years ago

More of this pls haha naalala ko tuloy mga kapanahonan na adami ko pang crush haha nung elementarh hanggang college haha

$ 0.00
3 years ago

Erwin, Herbert, Jeffrey si Jeffrey lang yung sa listahan na hindi daw loyal nang 😅😅 Silent lang pala pero dangerous, naks naman, sabi ko nga eh, alam ko na matalino ka talaga nang.

$ 0.00
3 years ago

Hahahhaaha, Ay sya ang loyal gah,hahahah. Di mo yata nabasa yun post ko nyan sa noise.cash..

$ 0.00
3 years ago

Hindi nga nang 😅😅😅 🙈

$ 0.00
3 years ago

baw laughtrip man to kg,hehehehe

$ 0.00
3 years ago

Heheheheh 😅

$ 0.00
3 years ago

Hehehe aga nun ateng ha 😂 parang nakakasipag kc pumasok sa skol pag ganyan hahhaha.. Unang hahanapin c crush hahhaha

$ 0.00
3 years ago

OO naman, kailangan makasilay agad kay crush, tapos bonus na kapag kaklase pa

$ 0.00
3 years ago

Ang aga mo pla naglandi ate 🤣🤣🤣 tawang tawa ako dto

$ 0.00
3 years ago

Oo Jane, jusko grade 3,hahahahaha

$ 0.00
3 years ago

Buti naalala mo pa sis noong 9 years old ka pa ako hindi ko maalala eh kahit pangalan nya.

$ 0.00
3 years ago

Hahahah, agnun kalakas impact nya sa akin sis..

$ 0.00
3 years ago

Kaya pala hindi mo nakakalimutan

$ 0.00
3 years ago

Korek, nabaliaan pa ko ng kamay jan eh hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Lakas makathrowback nga sis..I remember yung long time crush ko yung shinare ko sa isa sa mga article ko, yung nagslow motion,,naging first boyfriend ko din.hihihi

$ 0.01
3 years ago

Hahaha, sana all oh, hahahaha.. Iba talaga ang kilig nun mga crush crush na yan eh noh😂

$ 0.00
3 years ago

Agang hugot yan, sis ah hehe

$ 0.01
3 years ago

Hahahaha, maaga ako pinakilig ng article ni @sc kaya napasulat tuloy ng artikol, hehehe

$ 0.00
3 years ago